Monday, November 14, 2011

Naisip ko lang...

Sabi kasi ni Santo... yung isang officemate ko dito na mahilig sa films... ang magagandang movies... tragic o kaya bitter-sweet kadalasan... kasi nga naman... kung happy happy joy joy nga naman yung  movie... wala ka na masyado kelangan isipin kasi nakuha mo na yung great escape na hinahanap hanap mo pag nanonood ka ng movie...

Pero kung tragic o bitter-sweet... napipilitan ka mag-isip about the "what-might/could-have-beens"... Napanood ko kahapon sa TV (aside from the controversial win ni Pacquiao... I DONK KIR kahit controversial... at kahit mukhang madalas di siya kumukonek sa mga suntok niya... pero kokontra ka pa ba sa Compubox? at sa dalawang judge? besides kung gusto ni Marquez ng sure-win... eh di dapat pinatumba niya si Pacquiao... o kaya sumuntok siya ng mas madami para obvious na obvious sa mga judge na mas madami siyang tama kay Pacquiao... siya tong underdog eh... dapat nagpakitang gilas siya parang wala ng controversy controversy shit.)...

Anyway... as I was saying... napanood ko kahapon sa TV... umaangat na naman daw yung movie industry ng Pilipinas dahil sa Praybeyt Benjamin at sa No Other Woman ata... Haven't watched either... so di ko alam kung ayos ba talaga sila.... Alam ko lang comedy ata yung Praybeyt Benjamin...

Kaya narealize ko... wala nga naman tayo masyadong tragic bitter-sweet Pinoy movies no? (YUNG HINDI Indie-film o kaya gawa ng MMK ha?!) Alam ko lang na mga tragic/bitter-sweet movies eh yung mga kina Vilma Santos, Nora Aunor, etc... na lumabas ATA nung pagkatapos o during Martial Law... kasi nga naman daming inspiration for those (mga libro ni Lualhati Bautista madalas, hehe). Sa dinami-dami ba naman ng natorture nung Martial Law... di ka ba naman ma-inspire o makakuha at least ng resource na pwede mag-account ng real-life experience nila nun.

Ngayong masaya na ang Pilipinas relatively... puro great escapes na ang theme ng mga movies KADALASAN... kung hindi fantasy, rags to riches, o kaya naman pakyut na love story na happy ending yung mga movies natin ngayon... di mo kelangan mag-isip... tatawa ka lang sa sine... lalabas... usap ng onti about sa pinanood mo... tatawa ulit... tapos di mo na siya kailangan isipin ulit.

Yung mga movies na kailangan pag-isipan... not always defined for the Everyman. Madalas may target audience: mga taong ayaw sa bakla, mga nagtataksil, etc. Siguro may kakarampot naman na designed for the regular tao... kaya lang... madalas nga Indie-Film... hindi accessible sa lahat. Kelangan mo tumayming sa sinehan o sa kung saan-saang theater... kung di swak sa schedule mo at kung di mo mabalitaan agad... sorry ka na lang. Hanap ka na lang ng torrent sa internet kung meron man.

So naisip ko... baka kaya masagwa... okay di naman masagwa... more like.... BIHIRA yung matitinong output ng movie industry ng Pilipinas.. kasi nga masayahin tayong mga Pilipino... there is nothing too tragic... there is nothing too bitter para sa atin... baka kasi alam natin na kahit gaano kadepressing (except siguro yung mga sobrang depressed, bipolars, at manic-depressive na tao) ang situation... habang humihinga tayo... darating at darating yung panahon na tatawa rin tayo... lahat ng tragedy pwedeng maiwan sa nakaraan. Di kailangan dalhin lahat ng baggage sa kasalukuyan... kasi mabigat at  mahal ang excess baggage haller! Magtanong ka pa sa airport!

Siguro kelangan na lang natin ituro sa movie makers na wag ibigay parati yung ending... pwede naman minsan tumigil dun sa part na parang mababaliw ka na kung di dumating yung bukas... Yung audience naman pag-isipin nila kung ano nga ba yung mangyayari bukas... Kung ano ba dapat nilang gawin para sumaya yung bukas.

Potaena! Ako na! Ako na! Ako na ang magaling! Hahahah! Bawal magpaka-emo?! At bawal mag-inarte?! Blog ko to! Magpapaka-emo ako kung gusto ko! Hahahahahahahah!

On Weddings: All or Nothing

Dati... ayoko talaga ng thought ng ikakasal ako sa simbahan.  Una... hassle! Tutubuan ako ng mushrooms sa tagal. Pangalawa... hanep na gastos ang kaakibat nito. Kasi hello lang! Alanganaman sa Jollibee mo lang pakainin yung guests mo?! Nagpakasal ka pa sa simbahan... eh di sana nag-civil wedding ka na lang kung talagang nagtitipid ka.

Kaso nung Saturday, nag-attend kami nung wedding ni Kuya Ep-ep... (Tito ko siya actually, pinsan ni Mama. Kaso 4-5 years lang ata agwat niya sa akin... although feeling ko 500 years gap namin kasi pag bata ka... ang 4-5 years na agwat ay parang ilang daang taon din kasi ibang-iba nga naman talaga ang mundo ng mga Grade 1 sa mundo ng mga Grade 6.)

So ayun... ang masasabi ko lang... ang astig-astig lang talaga ng reception! hahahah! Na-late ako sa wedding itself sa simbahan kasi putang-ina yung traffic last Sabado!!! Buti na lang sinabi nila Mama na 3pm yung wedding kahit 330 naman talaga.. kaya naka-abot kami nila Aubrey at ng isang pinsan ko dun ng 350pm! Hahaahah! So di na talaga ganun katagal yung kasal for me.  Hehehe!

Basta ang ganda-ganda lang talaga ng reception... sobrang organized! Ganda ng table settings. Ganda ng pagkaayos ng conf room. Ganda ng AVPs! Ganda nung isang guest (ako! Inayos ng pinsan ko yung buhok ko... ang ganda ko lang. Siya rin nag-make up sa akin kaso mukha akong bangkay! Ayoko lang magsalita MASYADO (nagsalita naman ako pero slight lang) kasi baka mahurt siya ng todo! Hahaha! Ayus naman yung hair.... kaso sanay ako sa kagandahan ko via Tesoro (O YAN TESS! IKAW NA PINAKAMAGALING MAG-MAKE UP!) Hahahah! Buti na lang walang aircon ulit si Fabio kaya naubos rin yung make-up ko on the way to the wedding kasi nga putang ina yung traffic at sobrang init lang ng alas-tres ng hapon sa loob ng kotseng walang aircon... kaya naman adorably normal looking na ako by the time dumating ako sa wedding kasi nasa tissue na lahat ng excess make-up ko kakapahid ng pawis!) Hahaaha!

Anyway.. back to the reception.... Ang saya saya rin nung speeches. Nakakatawa mostly... typical yung iba... at meron din yung di mo alam kung kelan matatapos... pero buti na lang me rolls and butter sa table kaya di ka mapapawelga sa tagal ng speech kasi busog ka at maraming pakalat kalat na waiter kaya pde ka umorder ng kahit anong inumin kasi bottomless lahat. And besides... katabi ko yung isa kong titang ume-emo kasi 39 na at di pa rin siya kasal (in fairness di siya mukhang 39... di ko nga naisip na 39 siya until sinabi niya sa akin yung age niya... nasa isip ko kasi 28 yrs old pa rin siya... tapos narealize ko.. imposible kasi ako mag-2-27 na)... kaya naman no dull moments rin.

Basta ang elegante ng wedding-reception... Hehhee pinagbawal rin nga kasi nila yung mga bata. Yung mga bata lang na naka-attend eh yung mga pamangkin lang ng bride and groom. Tapos yung iba teenagers na. Kaya di rin magulo at walang sangkatutak na yaya na nakakalat sa kung saan-saan.

Narealize ko... ayus rin naman pala yung ganoong kasal. Di naman pala sa ayaw ko ng kasal sa simbahan... Kelangan lang talaga sobrang organized at elegante ng kasal ko kung magpapakasal man ako sa simbahan... alam ko may illusions of grandeur ako minsan... di ko lang narealize na yung culmination nito eh yung idea ko ng church wedding. Kasi kung hindi ako mukhang reyna sa kasal ko... di bale na lang... gagastusin ko na lang yung pera ko sa pagliliwaliw sa honeymoon ko.

Kaso bago ako magmukhang reyna sa kasal ko... putanginang hari yan ha! Where na you?! Here na me! Me budget na ako ng wedding natin! Kelangan ko na lang yung pera mo! Hahahahahahahahhahahhahhah!!!

Friday, October 14, 2011

GRAVY, KALAMANSI, TOYO, HAKAW, BABOY, LOMI...

Isang tulog na lang matitikman ko na kayo uliiiiiiiiiit!!!

Siguro meron naman dito hakaw or lomi or other noodles... kaso hello lang!!! di ko alam pano at san ko sila oorderin!!!

Bakit ba kasi Pilipinas lang ang may gravy sa mga fastfood!?!?!?!?

Sunday, October 9, 2011

DAY 1/2: HAY AM SICK!!!

Taenang yan!!! Nilalagnat akoooooo!!! at sinisipon!!!

Hahaha! Naaawa ako sa roommates ko kasi sa malamang at malamang eh humihilik ako! Kasi hello lang! Di lang naman ako makahinga ng matino! Tapos yung mga kasama ko pa sa room eh apat na intsik na ala-Hubert rin yung gustong temperature ng kwarto... mga polar bear.

So lagnat + polar bear temp room =  SUPER DUPER LAMIG! Pakerpeys... Kaso... shy ako... so di ako makasabi... hahahaa! Besides, naisip ko... nilalagnat naman ako so maya-maya lang iinit rin yung kama ko dahil sa temperature ko! Hahhahaha! Homaygeds! AKo na! Ako na ang hindi war freak! I am so timid!

Namiss ko tuloy si Kai... kasi kung andito yun... sumisigaw na yun ng: "I want to talk to your manager!!!!" Hahahhaha!

Pakdatshet! At least, isip ko, di pa naman ngayong araw yung akyat ko. Bukas pa naman, so may oras pa ako magpagaling. Camown! Camown! Camown! Immune System don't fail me now!!!

Buti na lang talaga pinabaunan ako ni Mama ng gamot. Insisting pa naman ako na di ako nagkakasakit. Taena! Mali pala ako... for now. I love Mama! As in kompleto pinabaon sa akin, Paracetamol, Tuseran, Bioflu, at Neozep! aylaveeeet!!!

Anyway, gising pa ako kasi ginising ako ng pantog ko... at in fairness, pagkagising ko... medyo mataas-taas na yung temperature. Finifigure out siguro ng mga roommates ko kung ano yung ingay na naririnig nila kaya nila pinahinaan yung aircon.... tapos narealize nila... okay, we hear mucus! Kelangan di na pababaan ang temp ng room kasi baka biglang maging kulangot yung sipon ko at mabara na ng tuluyan yung nasal cavity ko at since sounds like naghihikahos yung bibig kong magdala ng oxygen sa katawan ko eh mamatay pa ako dahil dun.

 Anyway, pag-check ko ng time kanina, 2am... at dahil nasa tuktok ako ng bunk bed... eh halos ayaw ko gumalaw kasi ayoko naman mang-gising ng taong natutulog sa baba ko di ba? Eh kaso, narealize ko.. either magigising siya sa galaw ko habang bumababa ako ng kama... or magigising siya kasi tumutulo na yung wiwi ko sa kanya... at napagtanto ko... Hmmm... feeling ko mas gugustuhin niya magising sa galaw ng kama kesa sa tumutulong mas mainit than usual na wiwi dahil nga may lagnat ako! Am I brilliant or what?! I KNOW!

I am brilliant!

Wala pa ako masyadong fun kwento... sana may fun naman na mangyari sa akin sa trip na to... fun as in nakakatawa... hindi yung fun as in total adventure... kasi I read somewhere that an adventure is a trip that you survived where everything went wrong. Kasi kung di ka nag-survive, tragedy or total kaengotan na yun. And besides, hello!? Parati nga akong tama di ba? Ayoko naman ma-wrong na naman ako.. Once or twice is enough. Next time ko na ikwekwento yung pang-twice na kamalian ko. Medyo masakit pa sa damdamin eh.

NEGZ TAYMS! Pahinga na muna ako... I will survive!!!


Saturday, October 8, 2011

Tonight... I dine in Kota!

WAHOW ! Wahow!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! THIS IS IT NA IT!!!!

Excited na ako... pero natatakot at the same time!!!

SHEEEEEEET!!! Matagal ko na sinasabi na gusto ko i-try yung trip na ako lang, pero now na andito na siya... nanginginig na akooooo!!! Hahhahah! Taena!

Matagal na naman ako nagtratravel ng mag-isa, pero kadalasan may kasama ako parati dun sa kung san man ako pupunta. This time... WALA!!!

Natawa pa ako kay Mama kanina... siyempre concerned si motherhood...

Mama: Alam mo na kung san yung mga tutuluyan mo?
Ako: Siyempre!
Mama: May susundo ba sa yo pagdating mo dun?
Ako: Ma, alam ko mukha akong prinsesa... pero walang susundo sa akin dun! Di rin ako pulitiko dun... so malamang mag-bu-bus lang ako!

Ready na naman lahat ng tutuluyan ko... pero shiyet sa lahat ng shiyet!! My heaaaart! I'm so heart attack... Sana di ako maubusan ng English... basic Malay lang ang prinepare ko!!! yung mga thank you, sorry, good bye at good morning lang! Tapos dagdagan ko na lang ng ngiti... Taena, charm!!! Don't fail me now!!! Di man ako sexy (minsan), di man ako kagandahan (at times)... alam ko adorable ako parati!!!! (Unless naka-war mode ako)...

Let's camown!!! Excited na ako magsabi ng: Terima Kasih!


Saturday, October 1, 2011

Of Radios, DJs, Annoying DJs, at mga kantang di ka na nilubayan... (Part 1)

RADIO

My earliest memory of a radio station is the one which hosted Bombo Radyo... AM! Yun kasi yung kinakagisnan ko every morning kapag kasama namin si Papa. Yun kasi yung paborito niya pakinggan kasi dun mo mababalitaan kung may bago na naman bang inambush yung mga NPA.

Alam niyo naman... sa linaki-laki ng Samar at sa sobrang kasukalan ng terrain nito... idagdag mo pa yung mga walang-kwentang pulitiko na wala ng naitulong sa development ng highways ng probinsiya namin... eh naging paboritong hang-out na ng mga NPA yung Samar. The more difficult the roads are to maneuver, the easier it is to ambush people! Feeling ko, friends yung mga pulitiko ng Samar saka mga NPA dati... Substandard kalsada kasi yung mga pinapagawa madalas, so madalas masira... meaning, mas madalas may ambush! Kaso medyo matagal na akong di nakakauwi... so di ko sigurado kung kamusta na mga kalsada dun... i.e. kung BFFs pa ba yung mga politicians at yung mga mahilig mang-ambush ng sundalo.

Heniwei... dahil mas maka-TV ako kesa sa radyo... my next encounter with the radio was in highschool... kung kelan we visited a local radio station, second year HS... actually, di ko alam kung FM ba sila or AM.. basta alam ko lang sila yung nag-pro-produce ng drama sa radyo... yung mga tipong Matud Nila (i-google mo na lang kung di mo 'to alam). Dinala kami sa room where they do the recordings. Andun na rin sa room yung mga props that they use to make the sound effects... a small door... small meaning, duwende sized door... to save space, I gathered, and a pair of high heels and regular shoes for the running/walking away sound effects, I guess. Tapos pinakilala kami sa mga voice talents, i.e. yung mga voice-actor ng dramas...

Dun ko narealize that a voice indeed is a many splendored thing... Hahhahaha! May flamboyant gay person kasi na actor, may regular guy, tapos may girl... so ayun start na sila magbasa ng scripts nila... LAKING GULAT KO LANG NUNG MAGSALITA YUNG BADING! Mas lalaki pa yung boses niya dun sa regular guy!!! Hahahhahaah! I know that anyone can do different voices.... pero kasi di ba???! Pag nakikinig ka sa radyo, you always assume that what you hear is what you get... apparently, this would be one of the very few things where I'd be wrong! Hahahah!

So anyway... my next Radio-related encounter was when we had a part-time DJ for our History teacher... pogi na sana (actually crush siya ng mga kaklase ko.. matangkad at may itsura) kaso... parang may schistosomiasis (pronounced SIS-TO-MYA-SIS in pinoy slang haha!)... bloated yung tiyan niya... di naman sa ini-insulto ko yung bloated tiyan niya kasi hello lang! Ako rin bloated tiyan ko ngayon (btw, sexy pala ako dati di ko alam, akala ko mataba ako kasi I was basing my size on my petite cousin... malay ko ba na may body frame pang paepek epek.. if only I had known it then... mas nakapagyabang sana ako! ahhahaa!!) Anyway, Yep! Let's call it that.. bloated! It will eventually unbloat. I wish, hope, and pervently pray.

As I always, I digress. Ayun malaki tiyan ng teacher ko na yun... eh kaso ang tangkad tangkad tangkad niya tapos tingting yung katawan niya... so imagine a stick drowing na biglang may 3D na bola sa tiyan. Weird di ba?! Medyo di nakakaencourage maging motivation/inspiration sa pag-aaral... AS IF! hahha!

My last memorable radio encounter na nag-aaral pa ako was during college... Dinonate ng tatay ko yung JVC radyo niya sa akin... with a CD player, tapos may auto-tuning ng stations! AMAZING!!! (was what I thought back then. Hello!! When you're used to turning knobs and just depending on your fingers' dexterity to get the best reception there is... MILAGRO ang auto-tuning! Hahahaha!)...

Anyway, I used to listen to Jam! 88.3 kasi they used to play jazzy tunes... Eh si Jenggy, my oldest boardmate was into Jazz... so medyo nadamay ako... pero kasi minsan siyempre may tunes rin na di mo type... so kahit papano... you check out other stations...

Then one early morning... I don't really remember what day... hehehe! I discovered a station na sobrang nakakatawa lang yung pinaguusapan ng dalawang DJs parati... it was a feel good station... they were Chico and Delamar... I actually didn't know their names... basta tawang-tawa lang ako sa mga usapan nila na naabutan ko. Actually, minsan yung tawa kasi nila contagious kaya natatawa ka na rin kahit minsan di mo gets hehehe... Anyway, siguro 5 years later ko pa malalaman yung pangalan nila... OO! HINDI AKO UP TO DATE NA TAO!

Then I forgot about radios again kasi medyo sumingit na yung real life... binubugbog na ako ng kurso ko at biglang umuso ang pagiging nocturnal... Ay onga pala.. biglang dumating nga rin pala ang Smallville, Meteor Garden at kung anu-ano pang ka-lechehan sa TV at siyempre pa... ang walang kamatayang computer games at onga rin pala... biglang umuso ang CD-ripping at mp3s.

Wednesday, September 21, 2011

My eyes!!! My brain!!!

ARAAAAAAAAAY!!!!

Top Scan

Homaygeds!!! Sawang-sawa na ako mag-top scan! 50+ modules na ata yung nabuksan ko for this task! Bakit ba hindi uso yung documentation dito sa cliente namin??!!!

OUCH NA MY BRAIN!!!

Thursday, September 15, 2011

Mayabang ako ngayon!

Ok fine... di naman to latest news... EH KASO DI NAMAN AKO UP TO DATE NA TAO! hahaah! office-bahay lang ako and I rarely read or watch news... and OK fine... considering na araw-araw ko dinadaanan ang Ateneo... I should have known this earlier pero hello!!! Kung kilala mo ako... alam mo rin na I'm always running late so wala akong oras tumingin-tingin sa kung saan-saan kung hindi siya parte ng kalsadang dinadaanan ng kotse ko! So kung may tarp ka sa gilid ng kalsada... it's just the same as a tarp on the 30th floor of a building... i.e. DI KO MAPAPANSIN.

So kanina... habang naglalakad ako dito sa Katipunan... on the way home na dapat... (btw, galing bahay hanggang Jollibee Katipunan... (Abada Side, hindi yung sa Petron) isang oras na lakaran rin pala! Pero siguro kaya ng mas mabilis kung hindi ka na-a-amaze sa lahat ng bagay na nakikita mo gaya ko... Sorry.. ngayon ko lang nalaman na marami pa palang part ng Katipunan na di ko pa nadaanan before... considering na 3 and a half years rin akong tumira dito.... a story to tell in another post...)

ANYWAY... as I WAS SAYING... kanina... pauwi... biglang nakita ko... Si Fr. Jett na pala yung President ng Ateneo! 30th, apparently.

Hahhaha! Mayabang ako by association! Why you ask?! Siya kaya thesis adviser ko! Ano ngayon kung thesis adviser ko siya? Hello!!! A kaya ako sa Physics na thesis ko!!! Binigyan niya ako ng A! So by transitivity, an Ateneo President gave me an A for something I accomplished!

O DI BA?!?!? Ang galing galing galing galing ko!??!! Hahhahaahahahahaah!

Kaso... pari siya... baka naawa lang siya sa akin nun... baka sumusunod lang siya sa Bible verse na:  Blessed are the merciful: for they shall obtain mercy.

BUT I DONK KIR! A pa rin ako! A!!!! Hahaha! Bumagsak man ako samga Mathematical Physics ko... Binigyan pa rin ako ng A ni Fr Jett! Hahahahah!

Kaso sa pagkaalam ko... yung padawan niya yung nag-gr-grade sa amin... kasi yun naman talaga yung naka-hands-on sa aming mga undergrads.... Shet! kung hindi dahil sa mercy yung A ko... dahil naman siguro kasi nagagandahan sa akin yung mentor namin... HAHAHAHAHHAH!

But no! Magaling ako!!! I refuse to believe otherwise... For today at least.

Congrats Fr. Jett! Hehehe! Kahit di mo na ako naaalala. Naomi Palabrica po. BS PSCE 05-06. Yung isa po sa mga binigyan niyo ng A. Hahhaah!

Thursday, September 8, 2011

Invisible

Amazing!!!

Alam ko maitim ako... pero this was the first time I was ever treated as if I was invisible.

Tangina... weird!

I saw someone who I thought was still a friend. Big mistake. Apparently, di niya na ako kaibigan... or kilala man lang.

I didn't feel like napahiya ako or anything kasi alam ko naman sa sarili ko na kilala ko siya and I was still treating him like a friend when I greeted him. Di rin naman ako nasaktan... kasi hello lang! As if ang laking kawalan niya sa buhay ko. And no... I am not sourgraping. Di pa nga ako gaanong malungkot kasi di ko na rin naman siya nakakasalamuha talaga. Ang malungkot lang I think would be that my memories of him as my friend once would be tainted.

And why should they be tainted, you ask. Kasi apparently, he was not who I thought he was all along... and that is the saddest thing of all.

Wednesday, September 7, 2011

Masaya... pero Gutom!

Wahow! nagrun na ng matino yung items namin!!! WAHOW!!!

Kaso tomguts na ako... antagal ni Olive!!!

Hehehe... antayin ko na si Olivia kasi malamang sa malamang magyayang kumain yun pagkarating... at least pag sumabay ako sa kanya... isang beses lang ako kakain!

Sana lang hanggang next week di siya magkaproblemaaaaaaa!!!! Hayshiyeeeet!!!

Production - You make me crazy!!!

Hindi naman ito yung unang job na naimplement ko sa Prod... di pa nga ito yung pinaka-critical na naimplement ko since extract lang to... di naman siya totally walang kwenta kasi feed naman siya kahit papano sa kabilang system...

but why o why!?!?!? bakit ako nanlalamig kakaabang na matapos yung run niya!??!?!

POta!!! alam mo yung pag nanonood ka ng game na sobrang brutal tapos participant eh kaibigan mo... gusto mo manalo siya pero naheaheart attack ka sa thought na manood kasi masakit lang manood...

Ganun yung nararamdaman ko ngayon... gusto ko mag-run siya ng maayos... pero naheheart attack ako sa pagmonitor s takot na biglang mag-abend ito... ayus na naman yung adhoc runs niya saka yung test environment runs... PERO SHET! HIRAP MAGPIGIL ng panlalamig ng paa at kamay ha!!! (besides sa malamig aircon namin). Yung puso ko ngayon parang nakalutang lang sa dibdib ko... di ko alam kung lulutang o kung biglang babagsak sa iba kong internal organs...

SHET!!!

Monday, August 29, 2011

Facebook and Blindness

Minsan lang ako mag-FB.

Personal choice. Pwede naman ako araw-araw mag-check ng FB. I choose not to.

Meron time na medyo na-adik ako sa FB... nung wala pa akong trabaho. When you're bored and you know it... and naubusan ka na ng interesting sites na pwedeng puntahan... you have little or no choice... kundi FB.

Reasons why I don't FB every other minute of every day:

  1. Bawal FB sa work desktops namin... pwede ako lumabas sa common area sa office at dun mag-FB... kaso mas tamad ako kesa tsismosa.
  2. Wala na akong internet sa bahay... Pwede ako mag-tattoo... pero mas kuripot ako kesa tsismosa.
  3. Kung kelangan kong malaman... one way or another, malalaman ko yun kung gusto ng kung sino man na ipaalam sa akin ang kung ano mang bago sa mundo niya. Otherwise... di ako key-player sa buhay ng taong yun...and I don't really mind not knowing.
  4. Wala akong crush ngayon. So wala akong kailangan i-stalk... which as we all know is the main use of social networking sites. Hahahahahaha!
  5. Sa paminsan-minsan kong pagbisita ng FB... siyempre kahit papano eh sinusulit ko na rin. So pag may nakita or nabasa akong interesting about friends... usually pupuntahan ko yung page nila... at minsan... tintingnan ko rin yung pictures nila. Pero minsan kasi, sa tinagal-tagal na ng panahon... ang dami ng nagbago... Ang mga taong kilala mo as someone else before... biglang iba na. IBANG-IBA NA! To the point that you cringe when you see what they've posted in their profile pics.  Yargsh!! AS IN!!! Nakakarindi sa mata minsan yung mga pictures na nakikita mo. Kasi dati... nung minsang close pa kayo... di mo inakalang magkakaron siya ng super vain self-portraits... (Chil... just in case mapunta ka dito... I'm not talking about you. UNFORTUNATELY, hindi lang pala ikaw ang kaibigan kong may supah vain pics... at sister dearest... hindi rin ikaw... matagal na akong sanay sa vain pics at sa face mo so at least di rin ako naririndi sa pagmumukha mo) ANAKNANGSHET LANG TALAGAAAAAAAAA!!! May vain pics rin naman ako... nung college mostly. Yung mga self-portraits ko ngayon... I just use to track kung pumapayat ba yung mukha ko despite what the scales are saying. HINDI KO SILA PINOPOST SA FB!!! MAY HIYA PA RIN NAMAN AKO KAHIT PAPANO! Yung mga profile pic ko... usually kuha ng ibang tao... hindi yung mukhang pinagpraktisan ko sa harap ng salamin while taking it sa harap ng salamin! (yeah nagprapractice rin ako ng ngiti ko... sino bang super model ang hindi nagprapractice ng ngiti niya haller!?!?!) PERO JUSKERS!!!! ang sakit lang talaga sa utak minsan pag nakakakita ka ng nakakabulabog ng utak to the point na minsan napapaisip kang ang swerte lang talaga ng mga bulag minsan!

Thursday, August 25, 2011

Akalain mo! Nakikinig pala nanay ko sa akin!

Hahhahaha! In fairness kay mother... nakikinig rin pala siya sa mga kwento ko... kahit di buo yung kwento ko kadalasan dahil na rin sa sarili kong pagpupumilit na itago sa kanya ang mga bagay-bagay! Hahahha!

Alam ng nanay ko na umaakyat ako ng bundok (dati... kasi ngayon.. sobrang tamad ko lang... Pero aakyat ako this long weekend!!!! after 1 year! pota! Sana lang di ako kailangan itulak pababa sa Lunes kasi baka maging jelly-legs na ako by then)

Anyway.. biglang nagpost yung isang childhood friend ko... na naakyat niya rin yung Daguldol... (kanina ko lang nalaman yung details kasi di naman ako madalas mag-FB)... biglang si mother ni-msg ata si L-o-r-i-b-e-l-l-e kasi daw umaakyat rin daw ako ng bundok.. ang yabang lang talaga ng nanay ko pag feeling niya makakalamang kaming dowters niya! Hahhaha! AS if!

Tapos kinukwento nga ni Mama sa akin na nag-apply rin daw si L-o-r-i-b-e-l-l-e ng UPM... kaso parang wala naman ako naririnig na may bagong jinajapeks na naman yung mga matatandang nilalang sa UPM so alam ko parang mali.. kasi medyo japeks nga to si L-o-r-i-b-e-l-l-e... hahha sinong praning?! AKO!

Baka lang kasi may magsearch ng japeks + name of friend eh mahanap pa tong blog ko! Hahhahaa!

Ayun.. kaya naman pala eh kasi sa LM nag-apply si Lori... nagtaka rin ako kasi sa pagkakaalala ko student pa yun... so malabong lumabas pa ng Ateneo org yung nilalang kung gusto niya rin lang mamundok... Ang mga atenistang kilala ko na naging UPM, usually... working na nung nasali... kasi hindi ganun ka-student-friendly ang mga mountaineering orgs... lalo na kung yung kurso mo eh 5 years... may pasok kayo sa summer... at isama mo na rin dun yung Saturday classes!

I therefore conclude nakikinig sa akin yung nanay ko! Alam niyang UPM ako... kahit Atenista ako! Hehehee! Love you Mother dear! KAhit parati mo pala ako ina-award.. in fairness nakikinig ka rin naman pala kahit pabulong na minsan yung mga sinasabi ko... hmmm.. o baka kaya siya nakikinig kasi pabulong... I wonder...

Tuesday, August 23, 2011

Boredom... you're here again!

POTAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!! BATONG BATONG BATONG BATO NA NAMAN AKO SA GINAGAWA KOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!

AYOKO MAG-map! potaena kung gusto ko mag-map... eh di sana totoong mapa yung kinuha ko at hindi yung mapping ng tanginang fields sa database! Di hamak naman na mas exciting magpaka-Magellan kesa yung nakatitig na naman ako dito sa monitor ko...

Sinong Bingi?!

Dahil ako ay sadyang allergic sa enclosed na sapatos pag nasa opisina... madalas nakatsinelas ako since di rin naman ako umaalis dito sa pwesto ko.. so keber di ba?

May office shoes rin naman ako sa locker ko na pde kong kunin anytime na biglang may announcement na may darating na bisita... pero in case of surprise visits... nakaangat lang yung paa ko dito sa ilalim ng table ko para nakatago yung paa ko at ang partner in crime nitong tsinelas ko...

Pero minsan dahil sa katamaran... di na rin ako nagpapalit ng tsinelas pag may kailangan lang akong bilhin sa labas or pag may kailangan lang ako kunin sa table ng officemate ko dito sa loob ng room namin... Mabilis lang naman ako bumili ng stuff... rason ko: mas mabilis ako makakabalik sa upuan ko kung nakatsinelas ako kesa kung naka-heels ako. At siyempre di ko naman sinabi na reasonable akong tao... Minsan... Oo... pero madalas... tamad lang talaga ako.

May near heart attack experiences na rin naman ako... pero as always... parati ko pa rin naman naiiwasan si kamatayan.

Sa hinaba-habang intro sa taas... ito lang naman actually yung kwento:

Bibili ako sa 711 ng napkin kasi nakalimutan ko magdala ng extra... eh it's a bloody, bloody day today eh... so ayun... labas na ako. Pagkarating ko sa may lobby...

ANAKNGSHET!!!! Nasa likod ko pala yung Head HR namin! Tapos biglang sabi:

NAOMI! Against ang slippers!!! *wide genuine smile*

SO ako... *PAUSE* *HEART FAILURE ON THE GO* *neurons working overtime para i-re-process yung narinig ko*

* processing... processing...*

ACTUAL SINABI ng HR Head: "NAOMI! You're getting slimmer!

Kaso sa sobrang kaba... ang nasabi ko na lang: "AY!" *sabay ngiti*

So ayun! Nakabili na ako ng napkin, nakapagpalit na ng kailangan palitan, at nakabalik na ako dito sa upuan ko... nang biglang... nag-message yung isang HR sa akin... (galamay ng HR head)...

"Naomi.. pde punta ka dito sa office pag break mo?" (Not verbatim... ni-compile ko na lang yung sinabi niya in one sentence kasi mga 3 message bago niya nasabi lahat ng yun kasi sawsaw ako sa message niya so kelangan niya sagutin yung mga tanong ko)

Nung sinabi niya yun... *HEART ATTACK ulit* Potaena! parang yung slippers ko talaga napansin nga ata talaga nung HR Head! *Little heart attacks habang papunta ako ng locker para magpalit ng tsinelas ko into my office shoes*

Pagkarating ko sa HR office... Sabi ng HR: "I've been wanting to talk to you about this."

*LALABAS NA PUSO KO PARA SUMUKA SA MUKHA NG HR SA SOBRANG KABA*

Sabay abot ng 2010 ITR ko!

POTAAAAAAAAAAAAAA!!!!! kelangan niya lang pala yung pirma ko! At dahil super late nga ako madalas pumasok eh kaya naman pala matagal niya na akong inaabangan!

HAHAHHAHAHAHHHAHAAHA!!!!

I therefore conclude... SLIMMER NGA TALAGA AKO! HAHAHAHAHHHHAHAHAHHA!

Monday, August 22, 2011

May camera na akong sarili kong bili!!!

WAHOW WAHOW!

Kelangan ko na lang i-confirm kung alam ko kung pano gamitin at kung walang defect!

Wahow wahow!!!

HAHAHAHHAHAHAHHHAHAHA!!!!!

Friday, August 19, 2011

Now... What do I say!!!?!?!??!

Nagbunganga yung nanay ko ng sinabi kong tutuloy ako ng Bohol mag-isa.

I did my research. I already have my IT. Kulang na lang i-book ko yung accoms sa Bohol. Considering na di naman peak season ngayon... and besides... nasa Pilipinas ako and I doubt kung mahihirapan ako kumuha ng accom sa Bohol kahit di ako mag-book beforehand... so I wasn't too worried.

Medyo namromroblema na ako actually sa Bohol... pera issue... hahahah! dami kasing sabay sabay na bills lalo pa patapos na yung buwan saka bibili na akong camera ko! wahow! ... pero medyo may solution na ako dun... withdraw na muna sa savings... eh kasoooo... biglang nagyaya si Mo ng akyat sa long weekend... (3K lang budget)

Eh hello! Sabi nga ni Des... andiyan lang Bohol... madali lang puntahan... Eh yung bundok na mura at rarely may nagyayayang akyatin kasi di siya ganun kalapit... or kadali (?)... MINSAN LANG.

So bundok na lang di ba? Besides training ko na rin for Kota...

Kaso... ngayon... ano na sasabihin ko sa nanay ko!??!?!

Ma... di na pala ako mag-bo-Bohol mag-isa... aakyat na lang ako ng bundok ng may kasama.

Hahhahahahha! Taena.. timing-timingan na naman to pag pinaalam ko mga balak ko sa buhay! Shet!

Wednesday, August 17, 2011

Bakit sadyang annoying ang mga tao?

Sobrang thankful ako for the past few weeks kasi may ginagawa na ako... na hindi mind-numbingly boring... AT LAST! Kelangan ko mag-isip ng medyo malalim lalim saka kelangan mag-focus kuno.

Peroooooooooooo bakit ganuuuuuuuuuuuuun!!?!?!?!? Bakit kelangan annoying yung mga nakakatrabaho kooooo???!?!!?

Actually di naman super annoying tong isa.. pero kasi may times lang talagaaaaa! MAYGEEEDSSSS!!!! siyempre sa kanya ko sinasabi lahat ng napapansin ko sa analysis ko... kasi siya tong TL ko saka BAKA lang may alam siyang di ko alam di ba!? PERO TANGINA LANG TALAGA KASI humirit minsaaaaannnnnn nakaka-heart attack!!! Akala mo ipapahiya ko siya parati! Gets ko naman na ayaw niya magmukhang tanga kasi hello! sino bang me gusto!?  Pero anakngtipaklong... kung wala ka talagang alam... may choice ka bang iba kung hindi magmukhang walang alam!??!! NAkakairita kasi sobrang pigil siya sa mga email or whatnot yun tuloy minsan... sobrang bagal lang ng usad ng trabaho kasi di niya pala alam eh di nagtatanong. Mag-aantay lang na biglang may madulas at biglang i-announce ang kung ano man yung kelangan niyang malaman.

Akala ko dati mapride na akong tao when it comes to appearing idiotic... may tatalo pa pala sa akin to the point na sobrang irrational.

Note to the walang alam: WAG MAPRIDE KUNG GUSTO MONG MATUTO! POTEK! WALANG MANGYAYARI SA YO!!!! 500 years matatapos trabaho mo!!!

Thursday, August 11, 2011

TAMA!

Masaya maging tama!!!

Hahahhaha! I can just imagine how frustrating it is to deal with me.

Kasi kung mali ako... I don't care... eh di SORRY! Mali ako... Iba yung alam ko eh.

Kung tama ako... IN YOUR FACE! TAMA AKO!!!

Kaso... mas madalas... TAMA AKO!!! Hahahhahhaha! KAYA IN YOUR FACE!!!!! ng mas madalas!!!

Saya saya maging tama!

Saturday, July 16, 2011

Let's Go Party!

Tangina tawang tawa ako sa “Let’s Go party” ng 2ne1!

Hahahhahah! Ngayon ko lang narinig ng matino yung first part! Hahahhahahahaha!

Akala ko nung start… French yung kanta… kasi “On y va…*something* *something*” yung unang line. Isa sa mga kakarampot na phrases na naretain ko from my French class nung college eh yung On y va, meaning "Let's go". Kaya naman maya-maya lang, narealize ko… translation ng “Let’s Go Party” into iba-ibang language yung first stanza.

Pano ko na-confirm for sure?!

Kasi biglang nagsalita si Sandara: “Punta tayong piyesta!”

HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAH! Tanginang yan!

Di naman masyadong specific kung anong party yung pupuntahan nila no? "Let's Go Party" nga naman!

Hahahaha! Pero may point rin naman si Sandara... ang baduy nga naman kung sinabi niya na: Punta tayo sa handaan! o kaya.... punta tayo sa salu-salo! Hahhahahha! Old school masyado!

Hmmm... napaisip ako... ano nga ba yung modern Filipino word for party?...

Parang wala akong maisip....

(todoing! *light bulb sound*)

ALAM KO NA!!!!

Dapat sinabi ni Sandara: "Punta tayong parteeeeeh!!!"

Hahahhahahahha!

Sinong masaya?! AKO!!!

Friday, July 8, 2011

Assumption - mother of all fuck-ups...

That's the definition I got from Jenggy when I was in college... and I couldn't help but agree.

So what do we call yung mga taong mahilig mag-assume? Eh di ano pa nga ba? EH DI MGA PUTA! Yun naman ang expertise nila di ba? To fuck-off.

Nahihirapan ako bumuo ng sentence na walang mura to describe how annoying it can get when you continue to deal with putas like these.

So what started all these? Eh siyempre ang kakuriputan ko at ang pagka-assuming ng mga tao!

Tangina kasiiiiiiiiiii!!! Kelangan ba lahat ng event i-celebrate?!?!?!? Ok fine... i-celebrate niyo kung gusto niyo i-celebrate pero tangina, pwede wag kayong mag-assume na lahat ng tao pareho ng mindset niyO!?

Leche kasi! Bigla kasi in-announce dito na 1 year na nga kami dito sa office. Ok fine! Masaya kasi one year na kami. PERO HELLO!?! KELANGAN KO GUMASTOS?! Wala naman sa akin issue mang-libre kung sa libre lang.... pero nanglilibre lang ako sa mga taong gusto kong pakainin! Hindi sa mga taong wala akong ka-amor amor! Besides, pwede may vote ako kung kelan ko gusto mang-libre?! tangina kasi mga tao dito... assuming na kapag sweldo... ang dami mo lang pera bigla at wala ka ng ibang babayaran. Eh kung pagsasampalin ko kaya sila ng mga bills ko sa bahay... kasama ng isang tsinelas ko para malaman nila?

PUTANG INA! PUTANG INA PUTANG INA! Kahapon pa mainit ulo ko kasi tangina lang talaga sa pagka-assuming mga tao dito! Siyempre di ba nagrereklamo ako sa usapan sa email kasi ang arte arte sa menu na gusto nila ipakain. Eh siyempre dahil ako lang naman umaangal kasi ako lang naman kuripot... di walang nangyari sa reklamo ko. At dahil di naman ako super kupal rin... di ok fine majority kayo. whatever! Kayo na! Kayo na ang panalo! So tangina, silently seething na lang ako dito sa upuan ko.

Ang mas nakakapikon pa dun... biglang nagtanong yung isang pasimuno dun sa email kung nagtatampo ba daw ako kasi nga walang nangyari dun sa reklamo ko... eh di ang sagot ko: MAY MAGAGAWA KA KUNG MERON? (pero siyempre pa-smile kasi bago.. di ko pa kilala masyado... putangina... nagpapakaplastik na naman ako fuck!)

Tapos ang mas nakakapikon pa.... biglang nag-email ulit kanina... may dagdag daw na singil kasi yung isang dapat magcontribute di raw pumasok... tapos nagtanong kung may violent reactions daw. Eh sobrang putangina pikon na pikon na ako. Nag-reply to all ako bakit?! Sabi ko:  Eh kung may violent reaction ba? May silbi ba yun? Tapos anakngtipaklong nagreply rin! Natatawa pa sa email at sinabing... wala naman nagtatanong lang... hehe!

At dahil mainit ang ulo ko at wala akong pakialam sa iniisip nilang lahat nagreply ako ulit: WALA NAMAN PALA EH!

Maygaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahd!!! NAKAKAPIKON ANG MGA ASSUMING NA, FAKELY NAGPAPAKADENSE PA!

Thursday, June 30, 2011

STRESS!!!

Ok! Naghanap ako ng trabaho sa isang TL dito...

In fairness binigyan niya naman ako ng task... i-document yung decommissioning process!!!

POTA! Di na ako nilubayan ng decommissioning na yan!!!

MAYGARDS! Siguro oks lang kung mabilis yung koneksiyon namin dun sa isang remote desktop... BUT NOOOOOOOOOOOO!!! Singkupad ng mga kotse sa C5 kapag biyernes ng gabi ang koneksiyon dun!!!!

Pag nagscroll-down ka... lipat ka ng remote desktop... magbasa ka muna email, reply sa fan mail, mag-sudoku ka muna.... pagbalik mo dun sa ni-scroll down mo earlier... WALA PA SIYA DUN SA DULO NG WINDOW NA NI-SCROLL MO!!! O kapag sinuwerte ka... naka-hang pa siya!

Pakshet! AYOKO NA UMANGAL!! PERO TAENA SOBRANG ni-PAPATRONIZE LANG AKO NITONG TAENG TL NA TO WITH THIS TASK! POTA!

ISTATWA

SHIYET!!!! Batong batong batong batong bato na akoooooooooooo!!! Konti na lang pwede na kami ipagtabi ni Rizal!!!!

Gusto ko na mag-code! Leche puro decommissioning napupunta sa akin!!!! NAKAKASAWA NAAAAAAAAA!!!! Wala akong bagong natututunaaaaaaaan!!!!

ANG SARAP MANG-AGAW NG SPECS!!!! Leche kasi yung taeng restructuring na yan!!! GUSTO KO NA MAG-CODE!!!!

Theme song ko na naman:

Nanaginip ng gising... nakatulala sa hangin...
Nagsusumidhing damdamin... specs na lang ang akin!

POTAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!! BOREDOM! LUBAYAN MO AKO!!!

Kung dati naubusan na ako ng website na pupuntahan... ngayon... ubos na ebooks ko, website na pupuntahan, mangga na gustong basahin... potaena pati mga daydream ko mauubos na rin!!!!

SINO ANG NAUUBUSAN NG DAYDREAM!?!?! SINO!?!? GANUN AKO KABATONG-BATO!!!!

Tuesday, June 28, 2011

POTA! Wala na naman akong ginagawa!!!

ANg hassleeeeeeee!!! Meron ako supposedly gagawin kaso taena naman kasi sa bagal yung proseso!

Di ako makagalaw kasi nag-aantay na naman ako ng feedback galing sa cliente! Shiyet!

NAKAKAGIGIL NA GUMAWA PERO DI KA NAMAN MAKAGALAW!!!!

HAPPY ANNIVERSARY TO US!!!

Amazing!!! 1 year na ako sa kumpanya ko ngayoN! akalain mooooooooooo!!! 1 year ago... spirit questor/HR ni mother pa ako!

Tapos ngayon mag-iisang taon na akong kumikitang kabuhayan ulit!

Hmmm... I wonder... parating 28 yung pasok ko sa mga kumpanya na pinapasukan ko...

Sa Indra... August 28,2006 ako pumasok (December 31, 2009 naman ako lumayas)...

Dito naman... June 28, 2010 ako pumasok... hmm... kelan kaya ako lalayas dito? hahahaha!

Monday, June 27, 2011

OCTOBER Here I COME!!!

Relaks! Relaaaks!! RELAAAAAAAAAAAAAAAAKSSSS!!!

Taenaaaaaaaaaaaaa!!! Sinong excited!!!!?!?!? AKOOOOOO!!!!!

Confirmed na yung booking ko sa Low's Peak na Via Ferrata + Timpohon Ascent + Mesilau Descent sa Mt. Kinabalu!

Tapos na-book ko na rin accomodations ko sa Kota for the entire week!

Konting training na lang para di ako mamatay, ipon pa ng konting kashing kashing, ihanda ang mga dadalhin and I'm good to go!!!

Hahahhaah! Tae! Akala mo next week na ang alis ko eh no?! But nO! Sa October pa! But nevertheless, excited pa rin ako! WAHOW!

Konti na lang lulutang na ako dito sa kinauupuan ko! Hahaahahh!!! ANG SAYA SAYA SAYA SAYA KO LANG!!!!

Nasabi ko na ba? I AM SO EXCITED!!!! HAhahhahah!

103 DAYS TO GO!!!!!

HANGLAMIG!!!

Tanginaaaaaaaaaaaa!!! Naninigas na ako ditoooooooo!!!

Isipin ko na lang... nagbuburn ako ng calories... defense mechanism ng katawan ko para di ako mamatay na lang bigla dito sa lamig.

ASA!

Pakshet ANG LAMIIIIIIIIG!!! Nasa equator ako supposedly... at supposedly kumukulo ang kilikili ko sa init! But nO!!!! Taena amoy sabon pa rin kilikili ko sa sobrang lamig!

First time ko ata umangal sa kabanguhan ko! Paker!

Leaves

Wahahaahha! pakshet!

Meron pa akong 13 na VLs. Minus yung 3 for Bohol sa August, and minus 5 for Kota sa October... meron pa akong 5 VLs for the rest of the year!!! Wahow! Taena!

At meron rin akong 8 SL pa! pakshet! kaso andaming nabawas sa sweldo ko dati paker! di ko naman kasi alam na kailangan i-earn yung SL dito! SHIYET!

Heniweis... buti na lang puro fake mga SL ko... well except yung dalawang araw pala... hahahha! Tae! naka-pitong fake SL na rin pala ako! Hahaha! Taena... akala ko naman kasi dati pwedeng ubusin bigla yung mga SL sa first quarter... hay naku! Bakit kasi kung kelan nabawas na sa sweldo ko lahat lahat eh saka ko lang nalaman yung mga technicalities! shet!

Hahaah di bale! NEXT YEAR alam ko na pano ako didiskarte sa mga leave leave na yan! ahhaha!

Sunday, June 19, 2011

Maki-uso kaya ako...

Bakit ang daming buntis bigla!? Ok... 2 sa pamilya namin... tapos isang kaibigan. Yung dalawa ni-joke ko lang ng Happy Father's Day tapos biglang totoo pa la na magiging tatay na sila! tae!

Pero AYUS! mga bagong baby na naman... pero bakit feeling ko nagsulputan bigla sila?hahhhah!

Tae! tumatanda na akoooooo!!!

Nung gradeschool... uso saranggola, chinese garter, piko, dampa, jackstone, at kung anu-ano pang larong pang-kids...

Nung highschool... uso sa mga lalaki tumitig sa mga salamin na baon nila sa school at ang metal/alternative rock bands; sa aming girls, nagsimulang umuso yung mga pagkahilo sa sangkatutak na codenames ng mga crush namin at ang walang kamatayang boybands.

Tapos, noong college... umuso naman ang debut na a-attendan.

Ngayon, biglang ang uso na eh kasalan at buntisan sa mga kaedad ko... well actually...now that I think about it... uso rin pala yun noong college hahaha!

I dread the days na magiging uso na ang libingan.

CONGRATS SA MGA BUNTIS!!! And Happy father's day sa mga totoong tatay at sa mga magiging bagong tatay! :)

Wednesday, June 15, 2011

Mga puno sa buhay ko....

Sobrang hirap lang gumawa ng family tree ko... nauubusan ako ng space sa papel. Pito sila Papa, walo naman sila Mama. Kung sa Visio ko gagawin o kaya sa cartolina/manila paper (guys, remember those!?!? yung ginagamit natin for visual aids pag narereport tayo a long, long time ago!!! NUNG HINDI PA USO YUNG whiteboards, glassboards, projector, laptop at microsoft powerpoint!!! Hahaha!)... keribels siguro.

Mabuti na nga lang at youngest tatay ko at panganay si Mama... so kahit pano kung mag-attempt man ako... medyo may semblance of order naman yung family tree namin kasi pde ko ipagtabi yung pangalan ng tatay at nanay ko tapos organized pa rin yung pagkakasunod sunod ng pangalan according to age on both sides! O ha!

Kaso... besides sa tinatamad ako, di ko kilala lahat ng first cousins ko sa Papa's side ko (kasi matatanda na yung iba at yes.. medyo magulo kasi may mga singit na asawa on the side yung isa kong tito... hahahahah! oops! yung lolo ko rin pala kay Mama! May singit! Potaena! Pamilya ko na ang sobrang hanep ang kapit sa moralidad! Hahahaha!), eh feeling ko.... sa dinami dami ng pipols involved... kahit pa Visio ang gamitin ko... di maglalaon (yeheees kelan ko kaya huling ginamit yung word na yan! Filipino paper nung college malamang! Hahahaah!) eh magugulo rin lahat!

Kaso kahit gaano kagulo yung family tree ko... PAK DAT SHET SA GULO YUNG POTAENANG JOB TREE NA TRINATRACE KOOOOOOOOO!!!!

Galing galing kasi nung isang tao dito kung makasuggest!!! Na-impress lang dun sa flowchart ko nung isang araw gusto lahat na ng ide-decommission may flowchart na! Sarap batuhin sa ulo ng DOS-POR-DOS na gawa sa totoong Narra TREE!!

Absentee Blogger

Anaknangshet... 12 days rin akong di napadpad dito.

Wala rin kasi akong maisip ikwento... meron naman akong mga minor kwentos kaso tinatamad ako isulat. Di ko pa feel.

Ewan wala akong ganang magsulat these past few days. Wala lang.

Buong May, ebooks inatupag ko. Last week medyo nabigyan kami ng trabaho so medyo tutok muna.

Wala sobrang wala talaga akong kwentong nakaka-excite ikwento! Taena sino ang boring ang buhay!?!?

Kung meron man akong makitang medyo nakakatawa... naiisip ko tandaan para lang may maisulat ako... kaso pag nasa harap na ako ng monitor... wala na... hangin na lahat. Gusto ko na lang mag-trabaho. WAW AS IF! Hahahhah! Ang sipag ko lang!

Pero kasi! Walang happening na captivating enough para maitsapwera ko yung trabaho at hand at maexcite ako enough para magsulat about it.

BOTTOM LINE: ANG BORING BORING NG BUHAY KO NGAYON!

Friday, June 3, 2011

Judgmental ako!

Dati... niloloko ko pa sarili ko na mabuti akong tao.

Ngayon. I know better.

I do try to be better. PERO ANAKNANGPATING SA HIRAP MAGPAKAMABUTI HA?!?!

Lalo na kapag biglang dumating yung TL mo na super duper bakat yung areola! Oo! Di lang nipol! Pati areola!!!

And no! HINDI SIYA BABAE!!!

TAENAAAAAAAAAA!!!! BAKIT!?!?!1 BAKIT?!?! BAKIT KAILANGAN MAPANSIN KO YUN?!?!?!

Ahm... siguro kasi super duper extra fitting yung pakingshet na tshirt niya!?!?!?!

Matagal na umaangal yung mga kasama ko dito sa office tungkol sa attempts niya in wearing fashionable clothes... i.e. ala K-pop artists layering combo and super lang sa sikip na shirts and outfit. Hindi  naman nila inaangal yung weird combos eh... umaangal sila sa kabakatan... na dati naman di ko masyado pinapansin... except ngayon! KASI HANEP LANG TALAGA!!!

For a while there... napaisip ako about the benefits of being blind.

Wednesday, June 1, 2011

I'm old...er now.

Pag naglalakad ako... usually, sa daan ako nakatingin. Hindi sa mga kasalubong ko. Blame it on fear of embarassment sa pagkakadapa.

Kanina, habang naglalakad galing parking... sa may 7/11... as usual... nakatingin ako sa dinadaanan ko.

Tapos biglang may mga naririnig akong gaggle of voices coming from my right... so wala lang... maingay lang sila like I am pag kasama ko mga kaibigan ko.

Tapos biglang nagregister sa akin na ako pala yung sinisigawan nila... "Ate! Ate! badminton tayo!"

Di ko nakilala agad kasi medyo against the light sila... na-weirduhan lang ako kasi kinakausap nila ako at niyaya ako magbadminton... tapos narealize ko... Ah! eto yung mga fresh grad na trainees sa office na nakalaro ko nung Sabado!

Tapos pagtingin ko... may mga raketa sila... ako naman tong inggiterang palaka "Magbabadminton kayo?!" (sad inggitera voice) Sila naman: "Oo! Tara! Sama ka!"

Tapos tingin ako sa oras kasi feeling makakasama talaga ako kahit wala naman akong sapatos at medyas na dala. 730pm. Tapos narealize ko ulit... "ay... hehe! Papasok pa lang ako eh!" PAKER!

Hahahhahahaha! habang papalayo ko sa kanila... narealize ko... "TAE! Ate tawag nila sa akin!?!"

I AM OLD... er NOW!

Monday, May 30, 2011

Pronunciation

I've been wondering...

Why is WHAT, WHEN, WHERE, and WHY pronounced the way they are and WHO is pronounced the way it is?

It doesn't make sense!

I kind of get why...
  • WHAT is pronounced as 'wat' instead of 'hat'
  • WHEN is pronounced as 'wen' instead of 'hen'
  • WHERE is pronounced as 'wer' instead of 'her'
  • WHY is pronounced as 'wai/wy' instead of 'hai/hy/high'
Hat, Hen, Her, and High may mean something else entirely...

So... why is WHO pronounced 'hoo' instead of 'woo'? Di ba? Di ba? Para man lang consistent at least!

WOO ARE YOU?! Hahahaah!

Thursday, May 26, 2011

Stretching

I know stretching's good for you... pero taenaaaaaa!!! 500 million times na ata ako naka-stretch dito sa upuan ko!

Why you ask?

Isa lang ang position na alam ko pag nagbabasa ako ng ebook... at buong araw ako nagbabasa ng ebook!

Pasalamat sila duwag ako! Kaya ko lang manood ng video kapag wala nang tao!

HAY HAM BORED!

Everything in Moderation daw dapat...

kaso naman mehhhhhn!! Sobra sobra na ako sa boredom!! Mag-dadalawang linggo na akong nakatitig lang sa monitor ko... walang ibang ginawa kundi magbasa ng ebooks at mag-abang ng email na magsasabing may bago na akong gagawin.

HAYM HAM SO PAKING BOWWRD TUUUUUU DEAAAAHEEEEAAATH!!!

Monday, May 23, 2011

H!

Maiintindihan ko naman pag namispell ng mga tao yung pangalan ko... Pero to completely mess it up... unless bingi ka... there is no excuse!

Parati naman talaga namumurder pangalan ko sa Starbucks... kaya nga instead of Naomi, na mas madaling i-murder in a thousand different ways, ibinibigay ko na pangalan eh "Kay". Natutuwa ako pag tinatanong ako ng tindera ng "With an E?" kasi at least may attempt itama yung spelling.

Kanina bumili ako ng Dark Mocha Frap with Extra Coffee + Ham and Cheese Croissant... kasi feeling mayaman ako kasi kakasweldo lang last Friday at di pa ako gumagastos nung weekend kasi nga wala akong load at tamad ako magwithdraw para makapagpadeliver ako. Di ako tinanong kung may 'E' ba o wala yung pangalan ko. Pero sige ok lang. Sanay na ako. Whatever.

So antay na ako ng inorder ko dun sa may gilid. Tapos biglang sumigaw yung lalaki:

"Dark Mocha with Extra Coffee for Miss H!"

POTAENA! Alam ko naman dalawang letra lang ang pagitan ng H at K pero STILL!!!!!

H != K (for non-programmers: != --> is not equal to)

PAKER!

Pero sabi nga nila: Be happy with what you've got.  OK FINE! At least he tacked on a "Miss" in front of that stupid "H".

The First Abs I Ever Stared At

Mwahaha! Wala lang... sa dinami-daming balita from highschool... may naalala lang ako habang patulog na ako dapat. Taena I still remember the 5 Ws!

What: Ang unang 4-pack abs I ever stared at.
When: 2nd year highschool. One weekend... while we were working on a project.
Where: Somewhere in Phase 4. V&G Subd. Tacloban... sa bahay nila Dhea. (Ito rin yung time na first time ako kumain ng pechay! Hehehehehe! Nakakahiya kasi sa parents ni Dhea eh. So panggap mode ako.)
Who: Adrian. Iba pang kasama namin: sila Dhea, Elliot, Anthony, at Neil.
Why: SAN KA NAKAKITA NG 13-14 YEARS OLD NA MAY ABS?!?!!  Di ko naman type si Adrian or anything... pero kasi... habang nag-memeeting kami sa bahay nila Dhea... ewan nainitan ata yung gago biglang nagtopless. So blah blah blah blah blah! Tuloy lang usapan namin... nang biglang napatingin ako sa tiyan niya. Paikot-ikot lang sa utak ko nun: Bakit siya may abs?! Second year pa lang kami?! Ang ganda ng cut! (Repeat till interrupted).  Yes. Nahuli ako ni Tons na nakatitig lang sa abs ni Ade. Bwahahahahhah!!!


Tons: Ade... itago mo yan... Di makatingin palayo si Naomi (or something to that effect in Waray).
Ako: *Speechless kasi totoo!* (Hahahahah! Alam ko di ako nagblublush... pero taena... if there ever was the  most appropriate time to blush... this was probably it!)

In my defense! Besides sa mga kargador na mga bata o yung mga swimmers sa pier... wala pa akong nakikitang 14 yrs old na may well defined na 4-pack! (Except yung weirdo na 7 yrs old na body builder sa internet dati.) Saka hello! Bawal humanga!?!? hahahahhaah! Taena! Kaso pakshet kasi to si Anthony! Huli ka balbon ang drama! Paker!

P.S. now that I think about it... di ko actually maalala kung si Elliot ba nakahuli sa akin o si Anthony... Parang si Elliot ata nakahuli sa akin... tapos dumagdag ng hirit si Tons... ah ewan! 500 million years ago na 'to! Hahhaha! Pero pag naalala ko nakakahiya pa rin... Feeling ko nga ako na lang nakakaalala eh! hahahaha! Paker!

Recipe #1: Cheesy Honey Flakes

Ingredients:
3 pcs Skyflakes Biscuit
20g Quickmelt Cheese
20 mL Honey

Explanation of Ingredients:
Why Skyflakes?

  1. Kasi mura.
  2. Pag nabuksan mo na yung lalagyan, pwede mong ilagay sa loob ng ref and even after a few weeks... crunchy pa rin siya! (Note: Ref... hindi freezer!)
Why Quickmelt Cheese?
  1. Kasi mura.
  2. Pag nabukasan mo na siya... mas matagal tumigas yung nabuksan na end kesa sa ibang brand. Yung ibang brand kasi... pag naexpose na sa hangin sa loob ng ref yung cheese na hindi na covered ng foil... pwede na makapatay ng tao pag ibinato mo sa mukha ng kaibigan mo. Yung Quickmelt... mas matagal tumigas... mas moist... so ayus!
Why Honey?
  1. Mas healthy kesa sa syrup.
  2. Mas hindi nakakasawa.
  3. Matamis!
Bakit 3 piraso lang ng skyflakes?
  1. Pwede mo naman dagdagan... depende kung anong feel mo. Kung gutom ka pa.. eh di dagdagan mo.
Bakit 20g ng cheese?
  1. Actually di ako sigurado kung 20g ba talaga... basta around 1cm na width ng cheese yung pinuputol ko sa original block ng cheese. Tinatamad na kasi ako pumunta sa may ref... para lang tingnan kung ilang grams ba yung isang bloke ng cheese tapos magcompute compute sa utak ko kung ilang grams nga ba yung nilalamon ko every time. So imbento lang talaga yung 20g. In short... depende pa rin sa yo... pde mo naman ibalik sa ref yung natira kung di mo kayang ubusin yung 20g. Pede ka rin naman kumuha pa sa ref kung kulang pa sa yo yung 20g.
Bakit 20 mL ng honey?
  1. See gist of answer for cheese amount. DEPENDE LAHAT SA YO! IMBENTO KO LANG YUNG MGA AMOUNT!
What to do:
1) Get a plate which is not totally flat so that the honey won't spill on the floor/table.
2) Get 20g cheese and put in plate. You may or may not slice the cheese in smaller portions. (see #4 for other options)
3) Get 20 mL of honey. Pour on the plate beside the cheese.
4) Put 3 pcs of skyflakes on the plate. You can slice the cheese using skyflakes, a spoon, a fork, a knife, or even your fingers.
5) Put desired amount of cheese on skyflakes and dip in honey.
6) Bite and chew and finish everything para di ka langgamin. (Ibabad mo rin sa tubig yung plato para sure shot na di humabol yung mga langgam! Yes... I did not say maghugas ka agad... kasi ang recipe na to... para sa mga tamad! Alam kong ayaw mo pa maghugas!)

SOLB!

Note: Do not douse the Skyflakes with Honey. Only dip the Skyflakes sa honey pag ngunguyain mo na siya... para crunchy pa rin... Kung sa simula pa lang kasi binabad mo na sa honey yung biscuit... soggy na. Wala ng crunch! Para ka na lang kumakain ng papel... Well.. kung trip mo kumain ng papel.. di wag ka na mag-skyflakes! Kumuha ka na lang ng notebook! 

Ok... next time na yung ibang recipe... tinatamad na ako magexplain! Hahahhaa! Latah!

Di na makatulog... Parating kumakain!

*sing to the tune of "Di na makatulog, di pa makakain"*

Eto na naman ako.... Monday madaling araw at buhay na buhay... bakit kamo? natulog kasi ako ng 6pm at nagising ng 10pm... kaya eto na naman ako... Alive! Alive! Alive! *sing to the tune of mga charismatic na kanta somewhere*

Nacheck ko na FB... naka-comment na ako sa mga kailangan comment-an... na-like ko na yung mga like ko... napanood ko na yung mga series na trip ko panoorin... kaso tinatamad na naman ako na tumunganga ng basta-basta lang sa monitor.

Nakakain na rin ako... gusto ko sana mag-padeliver ulit. Kaso... wala na akong cash dito sa bahay. Tinatamad ako maglakad papuntang BPI... siguro mga 500 meters away rin yung BPI... so... no can do... mas tamad ako kesa gutom. So naisip ko na lang maghalukay ng pwedeng makain.

Nakapagluto na ako kahapon ng ka-cheapang pasta. So medyo sawa na ako. Gusto ko sana ng ice cream. Eh kaso tinatamad nga ako lumabas... buti na lang... nakabili ako ng honey nung isang araw. At dahil may cheese at sky flakes pa ako dito... AYUS! Ay teka... gagawa ako ng separate posts for mga pagkaing pang-tamad at pangmahirap! MWAHAHAHAHAHAHHA!

Saturday, May 21, 2011

Kasal na naman?!

Hahahha! homaygeds! may kaklase ako from highschool na kasal na!!! AMAZING!!! Ito ata yung unang official na kasal from my batch. Official... meaning... walang nabuntis! hahahaha! Or pde rin... kaso lalaki kasi yung kilala ko so di ko sure... hehehe...

Pero amazing pa rin!!! Kaso 26 pa lang kami!!! or 25 pa lang ba si Larry. Hahahahaha! Tae!

Mukha pa rin naman goon ngayon si Larry with pagoatee-goatee effect pa! hahaahaha! Sorry sa goatee lang ni Axis ako sanay. Si Larry kasi wala naman kasi goatee yun nung highschool eh!

Di ko pa rin magetover!!!! Kasal na siya!!! Hahahaha!

Ka-car pool ko si Larry since first year high school hanggang sa lumipat siya ng boarding house nung 3rd year ba yun o 2nd year ata... di ko sure. Tapos ako pa tagadala ng bag niya mula gate ng school namin hanggang sa classroom namin nung first month kasi nga ka-carpool ko siya tapos tsumamba pa siya kasi kaklase ko siya... KASI POTA! Bali yung kanang kamay niya nung first month nung first year paker! Dami rin ginawang utusan to si Larry dati! Hahhaha! Buti na lang di ko siya katabi kaya di ako yung taga-notes rin para sa kanya! sinuswerte na siya masyado! hahaha!

Tapos naalala ko pa nerdoks na nerdoks lang talaga itsura niya... may salamin tapos may santo-santo na naka-pin sa breast pocket niya! hahahha! Angelic kuno! Pero nung third year kami demonyo na! hahhhaha! Pero kung mas matangkad ako sa kanya nung first year... nung third year naman... nakatingala na ako sa kanya! I hate my height! Shiyet! Tapos naalala ko pa... sila ni Janezel nagdu-duet umiyak nung first week sa Homeroom class namin! hahhaahha! Kasi gustong gusto na umuwi sa kani-kaniyang probinsiya! hahaha! Ang yabang ko! Siyempre di ata ako umiiyak sa class nung first week! hahahah! Sa bahay lang ako umiiyak pag patulog na! Hahhahah! Ayoko nga umiyak sa class no! kakakhiya!

Hahhaha! Tae! Kasal na si Larry!!! Hahhaha tawag niya pa dati sa akin: Naoms-Naomi... kasi kung yung iba... tamad sabihin yung buong pangalan ng mga tao... si Larry naman... pauso! Hahahaha!

Congratulations Mr. and Mrs. Larry Suico!!! (As if makikita nila to! Hehehe!) But anyway... wish you the best Lars-Larry! hehehe!

What's in a Name?

Madami akong pangalan. Pero either English, Hebrew, or Japanese sounding siya. Never Filipino sounding. Ay except pala pag minumurder ng mga pipol yung pangalan ko at nagiging Mayumi... which is not a name. More like a description of me.

Hahahahahahahah!

Habang nagbabasa kasi ng email correspondence namin dito sa trabaho, narealize ko... Homaygeds ang daming weird na pangalan sa mundo. Iniisip ko very familiar lang sa ating mga Pilipino yung mga English/American/Mexican/Spanish at kakarampot na Chinese sounding na mga pangalan kasi kasama sila sa history natin.

Yung mga Indian na pangalan na nakikita ko sa mga email... ang hirap i-pronounce/spell... Feeling ko kung binanggit yung isang pangalan... di ko sigurado kung ano talaga spelling niya... eh kaso siyempre nakikita ko yung spelling... so di ko alam pano yung pronunciation.

At kahit nga medyo familiar naman yung mga Chinese names sa atin because of our close relations... sounds weird pa rin yung ibang pangalan na nakikita ko. Alam mo yun?! Yung ibang pangalan parang mga words lang na ini-imbento ng mga bata kapag nag-i-intsik-intsikan. Tapos di nila alam may ganun pala talagang words/names. Hahaha!

Medyo sad lang kasi at least yung ibang tao... pag nakita mo pangalan nila, obvious agad kung anong lahi sila. Yung mga pangalan nating mga Pilipino... pag nakita mo... minsan parang pirated version ng mga English na pangalan lang kasi may dagdag na 'H' lang siya somewhere o kaya naman yung F nagiging "PH" o kaya naman may dinagdag lang na "LYN" sa dulo o kaya naman parang power combination ng mga magulang kasi pinagdikit lang na first o kaya naman last syllable ng pangalan ng parents niya.

Ang alam ko lang atang pangalan na very Filipino (besides Mayumi) ay Sinag, Bayani, Dakila, at Malaya. Pero yung Malaya pa nga eh nickname lang na galing sa Himalayas... so technically.. hindi siya Filipino name talaga.

Hmmm... pag ako nagka-anak. Pilipinong pangalan ibibigay ko. Ano nga ba mga astig na Pinoy name? Himig lang naiisip ko sa ngayon. Kaso pano kung tone-deaf yung anak ko... hahahaha baka isipin ng mga tao ang sarcastic kong nanay. hahahahah! Pero sabagay ako naman to... singer kaya ako! Di pdeng tone deaf anak ko... pwedeng di niya alam ang lyrics.... pero hello! Himig naman pangalan niya... hindi Titik!

And yes! taena! 500 years ko ginoogle yung translation ng Lyrics sa Filipino! Hahahah!

Thursday, May 19, 2011

Kaya hindi ako nanonood ng news eh...

NAKAKAHIGHBLOOD!!!

Nahuli kasi si Leviste na lumalabas labas ng kulungan... tapos si Diokno (google niyo na lang kung sino siya) lahat ng sinasabi... wala siyang alam... di niya na inabot yung ruling na nagbigay ng permiso na lumabas labas ng kulungan si Leviste... sisihin yung iba wag siya... etc.

PAKSHET!

Tae! Eh siya yung boss ng mga sinisisi niya! HOWCAMOWN!!!

Nakakabuset yung mga officials na tanga na, wala pang bayag puta! Alam ko di ganun kasimple yung issue... pero hallerness!!! Trabaho niyang alamin yung mga nangyayari under his jurisdiction shet siya! It is never enough to say na hindi mo kasalanan at kasalanan ng iba! Kailangan may ginawa ka man lang about it. Hindi pwedeng iilag ka lang ng iilag pakshet!

Sarap ipahostage sa Abu Sayyaf ng mga taong duwag at walang kwenta! Leche!

Tuesday, May 17, 2011

QUESTION: What is the opposite of GLAMOROUS?

Disclaimer: What follows is something that may hurt your mind's eye. Beware. Proceed with Caution.

And if you really must... You've been forewarned!


*sing to the tune of Fergie's Glamorous*

G-L-A-M-O-R-O-U-S
G-L-A-M-O-R-O-U-S

We flyin' first class up in the sky
Flyin' first class, livin' my life
In the fast lane and I won't change
By the glamorous, ooh, the flossy, flossy

The glamorous, the glamorous, glamorous

ANSWER: Tingin ka sa tissue after you wipe your ass with it after mo mag-number 2 habang meron ka!

We flyin' first class up in the sky...

The glamorous, the glamorous, glamorous!

HAHAHHAAHHAHAHAHAHAHAHAHA! Sabi sa 'yo! Masakit sa utak di ba?!

Problema Galore!

Eto na naman ang panahon ng pamromroblema kung pano ko i-cha-charge yung oras ko dito sa opisina sa worklog.

4 hours - Read Naruto manga
2 hours - Research for other mangas to read once I finish Naruto
2 hours - review and organize emails and tasks (anong tasks? SECRET NA MALUPET! hahah! KASI MAKULET NA PA-EPEK lang naman tong huli!)

Monday, May 16, 2011

10 minutes!

OO! Pota! 10 minutes ko na pinagtatawanan yung page na sinabi ko kanina! Tapos pag nirereview ko after a few minutes! Tangina! Tawang-tawa pa rin ako lalo na pag nakikita ko ulit yung mukha ni Gai Sensei! Hahahahaha! Leche!

Pota! Nababaliw na ako!!!

Hahahhahahhahahah! taena sinong tawang-tawa sa manga?! AKO! hahahahahahahahahaha!

(Naruto Shippuden Vol 54. Ch 505. Pg 16)

How could my eyelids weigh me down?

*sing title to the tune of HOW COULD AN ANGEL BREAK MY HEART*

Homaygeds! Sobrang antok na antok lang talaga ako... kanina medyo nagising na ako... for reasons na di ko pwede isulat dito... BWAHAHAHHA! I have a private life you know!?! Hahahhaha!

Pero tae!!! bumibigat na naman mga mata koooo.. i wanna go home na!!! and finish Naruto and then sleep na! hahaaha!

Realistic lang ako! Kahit na antok na antok na ako... malamang sa malamang... papanoorin ko pa rin yung natitirang 12 na episodes ng Naruto bago ako matulog no!

Kahit lampas lampas na ako sa part na yun ng manga... masaya pa rin manood ng anime kasi:
  • may color;
  • saka naririnig mo yung mga salita kesa binabasa mo lang (in short, mas feel na feel mo!);
  • saka may fluidity yung kwento (KAHIT 500 million na fillers muna bago tumuloy sa mga juicy part ng kwento)
Pero... inaantok pa rin ako ngayon!

Naruto

Tae! Pati ba naman Naruto iiyakan ko?!?! Hahahaha!

Anime saka Manga... tulo luha, singot sipon na ako.

It hurts the heart demmit!

Wednesday, May 11, 2011

Taenang ad yun!

Hahahahahaha! I just saw one of the stupidest ad evah!

Ok fine! Biased ako! Pero taena ang tanga lang kasi talaga! Well... yung last part at least!

Ito yung ad ng LSGH! Hahahahaahhahaha!

Yung last part kasi, yung dalawang lalaki said something like: "I choose to be green" or "Proud to be green!" o basta something to do with green sabay angat ng arm/wrist nila in front of their chests.

Makes sense pa so far... di ba? Until a LiveStrong wrist band sways on the wrist of one of the guys which, as we all know, is YELLOW!

Hahhahahaha! I know! I know... the line about the green thing referred to one of the school's colors pero kasi!!! Kung gagawa rin lang sila ng ad sana di nila kinalimutan that every little detail matters!

Tangina! "I choose to be green!" *display yellow wrist band* Hahahahah! Pakshet parang commercial ng mga color blind ampota! Hahhahahahahah!

The Nile

Hahaha!

Realizations habang naghahanap ng ebook na mababasa. Sa kakahanap ng mga chicklit sa web may nakita akong review ng isang book about paranormal romance... basta angel angel naman instead of vampire vampire. Eh mukhang ayos naman yung review nung mga pipols... so hanap ako ng pdf copy. Nakahanap ako.

Kaso first sentence pa lang sinabi na agad na 17 yrs old na yung bida. Naisip ko... Pota pang-kids naman 'tong nadownload ko.

Tapos narealize ko... nung unang lumabas yung Twilight... medyo can relate pa ako (dun sa tao part, hindi ako bampira!) kasi mga 3-4 years lang lamang ko dun sa edad nung characters... Kaso ngayon... pota... 17?! isang taon na lang 10 years na gap namin! Pakshet!

HOMAYGEDS!!! 10 years ago kakagraduate ko lang ng highschool at papasok pa lang ako ng ADMU! NOOOOOOOOOO!!! 10 years ago na yun!?!?!?!!? SHET! 17 years ago... wala pang "10 years ago" yung buhay ko!!!!

BATA PA AKOOOOOOOOOOO!!!!

Tama si Olive. Denial is the key!

I have paking sipon!

I can't breath!

I have a hard time opening my eyes! Something to do with the sipon.

It makes me sleepy!

PLUS

i am bored!

great combination for sleeping. kaso potaena night shift kami! OH CAMOWN!!!

Tuesday, May 10, 2011

Curious! Very curious!

Pagdating ko dito sa opisina, may dalawang missed calls ako. Yung una galing kay Joel. Ka-team ni eL. Nagyaya lang ng badminton. Yung pangalawa. Akala ko ng start si Kai kasi di familiar yung number. Pag galing kasing Meralco na calls, random number parati yung nag-a-appear na caller-id.

So pinatext ko kay eL si Kai kasi magaling ako kasi naiwan ko yung phone ko sa bahay... ain't I just soooo brilliant?! So ayun maya-maya nag-ring yung phone. Pagsagot ko... si Kai... bakit daw? So ako... ah so hindi ikaw tumawag kanina?

Apparently not. So ngayon ang tanong eh.... sino yung nagkamaling i-dial yung local ko? Ayoko naman tawagan kasi baka weird, scary person. Tapos naisip ko... kung may kailangan talaga siya sa akin, nag-iwan siya dapat ng voicemail o kaya tatawag na lang yung ulit.

BUT ANYWAY! Siyempre curious pa rin ako. Very curious!

I have a new watch!!!

Hehehehe! pinadalhan yung team namin ng watch ng PM namin from UK! Hehehehehe!

Hindi naman yung super bonggang watch. 10£ worth lang! Heheheh ni-search namin sa net eh! Pero di ba?! Ayus na rin! Eto yung exact model na napunta sa akin:


Tinanong kasi kami kung ano daw favorite color namin.... Sabi ko Blue and Yellow. Di ko alam kung bakit ko nga ba favorite blue basta alam ko lang gusto ko siya... pero para may rason kunyari sabi ko na lang: Blue, because it's my alma mater's color. Yellow (ito totoo to, actually), because I'm Yellow Power Ranger Sabre-toothed Tiger!

Sabi na lang ng PM ko: "so... Blue?" So sabi ko na lang "yes!" Hehehhe! Akala namin nung start papadalhan kami ng Jersey gaya ng binigay niya sa iba naming ka-team. Excited na pa naman ako sa jersey. I would have preferred a jersey actually. Pero siyempre mabuti nang meron kesa wala! I know! I know! Choosy ako! Hahahah!

Problema ngayon... kelan ko kaya gagamitin to?! Yung relo ko kasi ngayon bigay sa akin ni Papa nung first year college ako. At once in a while alam ko natutuwa yun pag nakikita niyang suot ko pa rin yung bigay niya.

Tae! Ang petty lang talaga ng problema ko. BUT HENIWEIS! The point of this post is: I HAVE A NEW WATCH!!!! Isa nga lang siya, unlike Marjay who won two watches! hahaha!... pero at least yung sa akin totoo!! Hahahaha! Hindi guni-guni lang! Hahahahaha! JOWK ONLEH! Wag niyo ko isumbong kay Marjay!

Saturday, May 7, 2011

The Friendster Exporter

Friendster is CLOSING DOWN! And this time, it's NOT a hoax. And they're providing an app to export all your photos and testimonials and whatever's left in your profile that's been gathering dust.

The Friendstercalypse is happening May 31st, 2011.


Reposted from What's Ronx?!

Friday, May 6, 2011

2 hours more!

HOMAYGEDS!!!!! I have to wait for another 2 hours before I can leave!!!

OK lang sana kung may ginagawa ako... but NO!!! WALA AKONG GINAGAWA!!!

Ok.. may pinapagawa naman actually sa akin... kaso, SOBRANG JOKETIME!!!! Peer review ng programs na na-migrate na sa Prod at natest na sa maintenance!!! Pinapagawa lang sa amin kasi may mga palpak na jobs na nagrun dati. Yung docs na pinapagawa.... just something to cover our asses with pag biglang ni-nitpick yung mga jobs namin.

Eh kaso haller lang! ALAM BA NILA KUNG GANO KABORING MAG-PEER REVIEW!?!!? NG PROGRAM NA NASA PRODUCTION NA??!?! OK sana kung may testing man lang na kasama at least. Eh kaso taena yung review... sobrang visual review lang talaga... yung tipong titingnan mo lang kung sinunod ba yung coding standards, tapos kung sinunod ba yung protocols habang nagmimigrate from one environment to another (WHICH IS USELESS IN OUR CASE KASI NGA NASA PRODUCTION NA YUNG MGA JOBS!), at kung anu-ano pang kabolsyetan na review kapag wala na rin namang silbi yung pag-review mo!

Hahahaha! Taena nung college, I revelled in documentation and avoided coding kasi gulong gulo lang ang buhay ko sa syntax syntax na yan! Ngayon... isinusumpa ko na ang docu. Well... unnecessary docs at least.

Paker! SINONG BORED!?!?!

Ding! Ang bato!

Taena kung singlaki lang ako ng jolens... konti na lang at pwede na akong lunukin ni Darna!

NABABATO NA NAMAN AKOOOOOOOO!!! POTAAAAAAAAAAA WALA NA NAMAN AKONG GINAGAWA!!! Well... except maghanap na naman ng matinong ebook na pwedeng madownload.. Kasi nga wala na naman akong ginagawa!

Theme phrase ko for the day:

NANAGINIP NG GISING
NAKATULALA SA HANGIN!



Wednesday, May 4, 2011

Pumasok ako ng 4:30 PM... and now I have nothing to work on!

Taena kaya ako pumasok ng late kasi alam ko sobrang konti na lang task ko... for now.

Nasa Production na yung items ko. Kelangan ko na lang imonitor-monitor then send updates pag may something fishy na mangyari!

Ayun, naresolve ko na lahat ng tickets ko. Naupdate ko na yung mga kelangan i-update na naresolve na yung ticket ko.

AT SIYEMPRE PA! ETO NA NAMAN AKO! NAKATUNGANGA!!!

HAY HAM SUPER DUPER UBER BORED!!!

Give me something to modify... o kahit develop from scratch... camown!!! -_-

Akala ko masa-sad ako... pero hindi pala!

Ikinasal na yung chief-of-staff crush ko!!!

No! Hindi si Prince William! Major Crush lang yun! Hindi Chief-of-Staff!

Hahahha! As usual, sa facebook ulit... may sinusuggest sa akin na friend! Yung crush ko mula first year high school hanggang 3rd year college! Hahhahah! Taenang yan! Pagtingin ko sa thumbnail... ayun wedding picture niya! Pagbukas ko ng page niya... CONFEERMED!!! Kasal na nga siya! Hahaha!

Taenang yun! Tagal ko rin siya naging crush ha! First year to third year HS ko lang naman siyang main crush kasi nung 4th yr grumaduate na siya! Pero siyempre crush ko pa din kapag nakikita ko siya somewhere! At since medyo madalas sa minsan ko siya nakikita kasi may friendster dati at konektado naman kasi ang mundo namin... ayun! Umabot gang 3rd year college!

Heniweis! Habang tinitingnan ko yung pic... iniisip ko... maiiyak ba ako dapat? hahahahaa! Feeling in love ako bakit ba?! Hahhahah! Pero di ko talaga kaya mag-muster ng tears from my eyes eh! Hahaha! Taena ang jologs ko lang! Sinubukan umiyak! hahahhaha!

Taena iniisa-isa ng ikasal yung mga crush ko from highschool! Sino naman kaya susunod?!

Tuesday, May 3, 2011

SHocking!!!!

Habang nag-fa-face book, yung isang sinusuggest sa akin na friend nung FB eh sobrang familiar lang talaga nung pangalan kaso di ko maalala kung sino. Yung thumbnail kasi ng profile pic niya sobrang liit lang, di clear yung mukha.

Pag tingin ko may 5 mutual friends kami, tapos mga kaklase ko nung grade school. Alam ko naman wala akong kaklase na same ng pangalan niya so alam ko di ko siya naging kaklase. Kaso nagtataka pa rin ako bakit sobrang familiar ng pangalan niya.

So binuksan ko yung profile niya, pagtingin ko dun sa page niya di pa rin ako sigurado kasi ang liit ng mukha niya dun sa profile pic niya. So binuksan ko ng malaki yung nagiisa niyang profile pic.

Tapos saka ko narealize... SHET! Ito yung parati namin nakikita sa mga regional exams. Siya yung isa sa mga pinakamagaling dun sa school nila!

Alam ko naman na eventually yung mga bata eh lumalaki. Pero kasi yung nilalang na yun, isa siya sa mga little, teeny-tiny kids nung bata pa kami! As in payatot tapos maliit. Yung tipong ikakahiya mo yung sarili mo pag sinubukan mo sila i-bully kasi sobrang mukhang lampa lang sila.

Sobrang nagulat ako kasi yung profile pic niya... nag-we-weight lifting siya!!! And no! Hindi yung pacute na weight lifting na ginagawa ng mga nagpapamaga ng kilikili muscles nila.... yung SPORT na weight lifting yung ginagawa niya!

hahaha! Di naman siya ganun ka-super lumaking nilalang pero kasi! From my last memory of him... di ko ini-expect na yun yung magiging sport niya! Hahahha!

Expect the unexpected lang talaga to the highest level!

Monday, May 2, 2011

I like!

I've never been a fan of maletas. I find them bulky and uncool looking. Well, yung mga ka-cheapang maleta that I often see, at least. Yung mga gawa lang sa tela yung labas. I donk like.

May isang maleta dati si Papa, purple yung kulay. Di ko maalala kung ano yung brand. Di siya ganun kabigat tapos hard-shell. Gusto ko yung maletang yun. Naipamana sa akin yun dati nung college. Yun parati gamit ko pag pumupunta akong Hong Kong. Di ko maalala kung nasa Subic ba yun ngayon o kung nasa taas lang ng aparador ko at di ko pinapansin kasi wala naman rason para gamitin ko siya these past few years. Ayos lang naman gamitin yun dati nung pumupunta ako ng Hong Kong kasi: una, tumatagal ako sa HK so may rason para punuin ko yung maletang yun; pangalawa, may tinitirhan akong matino so keri lang magdala ng super bulky na maleta.

Yung misgivings ko lang sa maletang yun eh di siya unang naging akin at madaming scratches na siya nung una ko siyang ginamit.

Habang nagbabasa ng newspaper, kasi namamatay na naman ako sa boredom dito sa opisina, nakita ko yung bagong ad ng Cosmolite na Samsonite. Paker tulo laway ako! I WANT ONE TOO!!!!

Kaso... nung chineck ko yung presyo dito sa Pilipinas... HOMAYGEDS! Sumakit utak ko ng slight! Tumataginting na 20K yung pinakamaliit! Pota! Di sana pinanglakwatsa ko na lang yung pera di ba?

Eh kaso, in fairness naman... super tibay naman yung hayup (see below). Kaso kung puro ukay-ukay na damit at gutay-gutay na underwear rin lang naman yung ilalagay ko sa loob nung hayup na maletang yan... siguro ok na muna yung mga bag kong keribels lang kahit nakawin. Neks tayms na lang pag medyo may K na ako maglustay ng salapi o kaya kung may ginto akong kelangan i-transport.

Eto nakita ko sa net tungkol sa ad na yun:

Shot in Australia, the commercial is set in a crash-test lab, where a car travelling at 40km/hr collides head-on with Cosmolite. Absorbing the impact of the collision, Cosmolite springs back into its original shape, demonstrating the strength and impact resistance of the product. - Converget

image source : http://adlibmagazine.wordpress.com/

Sunday, May 1, 2011

Gorira!

Hahhaahhhaaha! Taena! Tawang tawa na naman ako!

At siyempre kailangan ko malaman kung bakit nga ba Gojira tawag nila sa mga bug tracker... so sinundan ko yung link ng Wiki.

After ko nabasa yung reason... something else caught my eye.

Ang Japanese daw for gorilla ay... gorira.

Hahahahahhahahahahahahha! Taena tawang tawa na naman ako! Nung start akala ko native Japanese word yung gorira... tapos saka ko narealize... aahhhh wala nga pala silang L! Hahahhaah!

Taena utak gorira na naman ako!

Gojira

Mwahaha! I learned something new!

As usual, tinatamad na naman ako mag-work log so naisip ko umangal na naman dapat dito... eh kaso naisip ko baka pag sinulat ko yung JIRA (tawag namin sa worklog namin) baka biglang mahanap tong blog ko pag may naghanap ng JIRA sa google. Tapos idedemanda ako ng kliyente namin because of confidentiality achuchuchu! Hahaha! Sinong praning?!

So sinubukan ko muna i-google yung JIRA kasi baka di naman siya specific sa kliyente namin... at apparently tama ako! Haahah! Ni hindi nga raw acronym yun, unlike what I initially thought, sabi ng Wikipedia.

Galing daw yung Jira sa Gojira - Japanese name ng Godzilla.

Kung bakit ipinangalan yung Gojira/Godzilla sa worklog, hindi ko sigurado, walang nakasulat sa wiki eh...

Hmmm... Siguro kasi pareho silang panira ng buhay pag natsambahan ka!

Hahahahaha!

Thursday, April 28, 2011

Death to Admin Tasks!

Oks. Na-update ko na yung mga kailangan i-update. Na-follow-up ko na yung mga kailangan ko ifollow-up.

Pota AYOKO MAG-ADMIN TASK!!!

NAKAKATAMAD ANG ADMIN TASK!!!

VIVA Californication!!!

Hahahahaha! Nakikinig ako sa Red Hot Chili Peppers... siyempre kapag familiar yung lyrics nakikisabay ako...

so todo kanta ako... VIVA CALIFORNICATION!

Tapos biglang narealize ko... teka.. mali! DREAM OF CALIFORNICATION pala yung tama!

Hahahhaahhahaha!

I am just so magaling!

Antokzzz!

Ok... nareplyan na lahat ng email ko.

Pde na akong tumuloy sa next na gagawin ko... kaso lang...

I'm SUPER SLEEPYYYYYY!!!

Tapos nagbabalat pa tong paa ko. It's the time of the year. Gusto ko na umuwi para mabalatan ko na ng tuluyan tong paa ko! Gusto ko man kalikutin tong paa ko dito sa opisina... In fairness to me, medyo may hiya pa naman ako.... Resulta? sleepy me!

Pota!

Wala akong balak mag-12 hours ngayoN!!!!!

Wednesday, April 27, 2011

Tao lang ako!

Anaknangtipaklong ini-isnab na naman ng kliyente yung email ko!!! SHIYET!!!! Di ako makagalaw na naman!!!!

OO NA! NAGKAMALI NA AKO! MALAY KO NAMAN KASI!!!

Sinusubukan ko na nga ayusin eh!!!! Tapos di naman nagrereply yung hayup! Pano naman ako makakagalaw kung di mo i-a-approve o kahit i-reject na lang yung mga sinuggest ko! TAENA!!!!

Nakakabaliw na mag-antay ng email!!! Magreply ka na kasing hayup ka! Kahit madaming exclamation mark yung reply mo at sinabi mong ang tanga tanga ko, ok lang!! Basta mag-reply ka na para magawa ko na yung next na kailangan kong gawin! MAGREPLY KA NA!

Basta wag mo lang ako ipatanggal! Hahaha!

Paker! Akala mo naman bawal magkamali! TAO LANG AKO!!! TAO LANG!!! You say looks can be deceiving,  fine! Mukha na akong Diyosa, oo!!! PERO TAO LANG TALAGA AKOOOOO!!!!

Beeyatch indahaws!

Leche!

Habang nagtratrabaho ako sa isang docu, biglang tinatawag ako ng pinandidirihan kong nilalang. Eh nasa likod ko lang kasi yung pwesto nung hayup na yun so bumubulong bulong siya sa may likuran ko. Parang nag-uusap sila nung katabi ko pero tinatawag niya ako.

Eh naka-earphones ako, kahit naririnig ko na tinatawag niya ako... NR lang ako, diretso lang sa trabaho. Eh kaso ang kulit! Nabwibwisit na ako na sinasabi niya yung pangalan ko. YAK!!! Nangingilabot talaga ako leche! So sabi ko: ANO?!

"May mga magandang kanta ka diyan?"

Ako: "Wala!" *balik sa ginagawa*

Hahahahaa! Pota! Eh Jango naman kasi yung pinapakinggan ko so malamang me magagandang kanta di ba!? Pero taena lang talaga. WALA AKONG PAKI!!! AYAW KITA KAUSAPIN NG MATAGAL SHET KA! WAG MO AKONG TANUNGIN NG MGA WALANG KWENTANG TANONG! DI MO BA NAPAPANSIN NA SUPER GROSSED OUT AKO SA YO!!!!!?!?!?

I am the GREATEST!

Habang nag-memeeting... di ko na maalala ano pinaguusapan...

Biglang sinabi ni Carla: "I'm so great!"

Siyempre ako naman ayaw magpatalo: "I'm greater!"

Carla: "So.. sino yung greatest?"

Ako: "Ewan ko... pero di ba may kapeng ganun?"

Carla: "Greatest na kape?" *pause habang nag-iisip* "Di ba Great Taste yun?"

HAHAHAHAHAHHAHHAHAHAHA! POTANGNANG YAN! I'm the greataste talaga! hahahahahahh!

Blackberry Jam pala ha!

Nag-email yung manager namin... nakasulat dun sa notification:

"Hi Guys! I have blackberry jam..."

Taena! Akala ko nagkaproblema yung blackberry niya!

Tapos nung binuksan ko yung email... yung kasunod pala...

"... "tasty", and cinnamon bread [...] Offer is good while supplies last."

Hahahaha! Nanangtinapang blackberry jam yan! Hahahahah!

Tuesday, April 26, 2011

Shet shet shet shet!!!!

HAY HAM ZOW DEDS!!!

Anakngtinapa! Kanina pa ako nagproprocrastinate kasi may isang email na ayoko reply-an! Hahaahah! Taena nacheck ko na lahat ng email na kailangan ko i-check, nakakain na ako... ngayon kelangan ko na lang reply-an yung email na yun!

BUT I DONK WANK TO!!!!

Hahahahahaha taenaaaaaaaaaaaaa!!!! Kasi ang tanga tanga tanga ko lang kasi!!! Meron kasing dalawang job na imimigrate na sa production... kasi ayus naman yung mga run niya dun sa maintenance environments... eh kasoooooooo!! nakalimutan ko i-check kung yung mga nagegenerate na report sa maintenance eh pinapasa dun sa isang server!!! PAKERPEYS!!! SINONG TANGA?!?! AKO!!!!

Shet!!! Akala ko naman kasi na kapag production job na binaba sa dev at sa maintenance eh pareho ng settings yung pagkababa.. kelangan pa pala iset-up yung pagpasa ng report sa maintenance!!! SHIYET!!!

So keri lang sana di ba? kasi naalala ko i-check yun bago pa magbigay ng approval yung users.. so ni-secret-follow up ko yun sa mga nagse-setup (i.e. walang ibang naka-cc)... kasi may instructions naman ako dun sa isa kong docu na i-set-up yung isang job na magpasa ng report dun sa server... (wala nga lang yung isa pang job kasi nga akala ko automatic na yung prod settings pag binaba sa maintenance!)

eh kaso may mga tanong yung pinag-follow-upan ko kasi di rin siya sigurado sa protocol... tapos biglang ni-cc niya yung kliyenteng kausap ko...

HAHAHHAAHAHAH! TAENAAAAAAA!! ni-secret follow up ko na nga yun para di ako mahuli ng kliyente na late ko na chineck yung pagpasa ng report dun sa server eh!!! BUT NO!!!! ni-CC niya yung kliyenteeeeerrrss!!! Hahahahahahah!!! TAENAAAAAA!!!

FINE FINE FINE!!!

Lilinawin ko na kung kelangan pa ba magpasa sa maintenance talaga or sa prod na lang... pakshet!

Mag-eemail na ako!!! BUT I DONK WANK TO!!!!

I'M SCURRD!!! LECHE!!! bakit kasi late ko naalala na nagpapasa ng report sa web server yung mga hayup na job na yun! SHET SHET SHET!!!

I can't help it!!!

Hahahahhahaha!!!

May nag-email.. itago na natin siya sa pangalang D-e-n-b-a-n... Hahahhahahha!

Nagsend kasi siya ng  file ng team grouping supposedly for sportsfest. So binasa ko lang yung first sentence, tapos nung malaman ko na kung ano yung laman nung email, via the first sentence, di ko na pinansin yung mga sumunod niyang sinabi kasi:

Una, kausap ko si Kai sa phone.
Pangalawa, alam ko na yung silbi nung email, at yung excel file lang naman talaga mahalaga.
Pangatlo, ayaw ko na pagsayangan ng oras yung email niya.

So ayun. Basa basa na ako ng mga ibang work related emails at paminsan-minsang hanap ng mga meaning ng variations ng pangalan namin nila Kai at Hubert. YES HUBERT! Sikat ka! KASI ANG SAYA SAYA MO LANG PAGTAWANAN!!!! HAHHAHAHHHAHAH! Look for HOOBERT SA URBAN DICTIONARY... it's so you!!!! HHAHAHAHAHAHAHHA!

Anyway, I digress...
After a while, biglang may notification ulit na may email si D-e-n-b-a-n...
Pagkabasa ko, eto yung laman:

"* Please speak-out if you got better idea...
Grammar correction lang, hahaha... nagmamadali kasi. :)"

So ako naman... huh? Ano yung ni-correct niya? eh mali pa rin naman.... so napilitan ako i-check yung second sentence niya sa first email niya... which was:

"If you speak-out if you got better ideas for the team names."

Tawang-tawa lang ako kasi kung di na siya nag-email ng correction... di ko mapapansin na may mali yung una niyang email kasi nga yung attached file naman yung focus namin.

Eh kaso.... di ko talaga kaya tiisin hindi magreply... so nagreply ako dun sa second email niya:

"Ha? Bakit mali pa rin grammar mehn... nagmamadali ka pa rin?"

HAHHAHAHAHAHAHA!!!  Tangina kasi! mang-co-correct na lang di pa tinodo yung pag-correct! HAHAHHAHAHAHAHA!

Sunday, April 24, 2011

According to Fabio...

nope not Fabio my car, Fabio... my favorite contestant in Top Chef.

The world is there. You should just go for it. You are the only shadow standing in your own sunshine.


I LOOOOVEEEEEE IT!!!!

Wednesday, April 20, 2011

Sino ang tunay na praning?

Hahahahahha! Hayuf!

May mga email ako as usual sa kliyente namin kasi humihingi ako ng approval for implementation ng kung anu-anong objects. Kadalasan naka-cc yung manager namin tapos yung ibang kasama ko sa project na yun.

Eh kasooooo.... biglang pagtingin ko. Oi, nagreply siya sa isang email ko... pero di siya nag-reply to all.

Tapos yung reply niya... What is ff? Kasi daw madalas daw nasa email ko. Tapos nag-bigay siya ng example kung pano ko ginamit.

Anaknangtipaklong.... bigla akong napaisip... Di ba understood na "following" yung ibig sabihin nun?

Inisip ko... shet! Baka mali yung ff na abbreviation ng following!

Sino ang napa-google bigla kung tama nga ba na ff = following!??! Hahahhaahaha! AKOOOOOO!!!!

Taena! Ako na! Ako na ang praning!

Monday, April 18, 2011

SINO?! SINONG UPDATED!!!!

SINOO!!!!??! SINO ANG WALANG BACKLOG SA WORKLOG NIYA!!!?!? SINOOOOO?!?!

AKOOOOOOOOOOOOOO!!! Hahahhahhahahahahah! Tanginang yan!!! NATAPOS RIN KITA AT LAAAAASt!!!!

ang tahimik dito!!!

Ok.... mamaya na yung deep post! If I can ever make one! Hahaha!

I've been reading stuff on the net the whole day while listening to music... using both headphones.

I did realize earlier that our aircon was not working, what with the 2 fans that the guards brought in. Pano ba naman na di ko marerealize yun di ba?!

Eh kaso, when I took one of my earphones off so I can start singing along.. (yes! tinatanggal ko yung isang earphone when I sing kasi pag di ko tinanggal... malamang at sa malamang.... wala sa tono yung nihuhum ko! hahahaha!)

So kanta na ako... tapos narealize ko... fuck! ang lakas ng hum ko ngayong nakasara yung aircon. Di ako makakanta fucker! hahaah! YEP MERON PA RIN AKO NG TINATAWAG NA HIYA KAHIT PAPANO!

I usually bitch about how cold it is kasi lamigin ako... pero now na di gumana yung uber-ingay naming aircon... I suddenly missed it.  Not because I feel hot... Well... I am hot (tsss!!!) kaso with those 2 fans... tangina nilalamig pa rin ako ha! But anyway, I miss the aircon kasi I can't sing outloud!!!! POta! stupid aircon!

In fairness 8PM NA!

Pero batong batong batong batong batong bato pa rin ako!!! Isang oras na lang at pde na akong umuwi... actually pde naman ako umuwi na... eh kaso gusto ko sana makauwi ng bahay ng maaga sa Wednesday. Kaya sinasagad ko na sana yung 12 hours ko ngayon...

Eh kaso di ko lam kung kakayanin ko pa tiisin yung another 4 hours dito... Taena nakapag-FB na nga ako after 500 years eh!!! as usual sobrang belated na naman yung mga comments ko! HHAahhaha!

I'M BORED! I'M BORED! I'M UBER BORED!!!

Wait try ko magsulat ng deep na post...

Sunday, April 17, 2011

procrastination never fails...

at siyempre dalawang araw na lang na worth of work log eh di ko pa tinapos... kasi nakipagtsismisan pa ako!!!!! hahahahhaahaha!

One day at a time...

KONTI NA LAAAAAAAAAAAAAAAANG!!!!

From one month backlog ng worklog ko... magiging 1 week backlog na laaaang!! WAHOWW!!!

I'm like super productive na! Hahahaha! Potaenang worklog yan! Di na ako nilubayan! Hahahaahaha!

Taena naalala ko pa dati sa Meco, napipikon si Moks sa akin dahil parati kong late naipapasa sa kanya yung worklog ko! Hahaha! SOWEE MOKS! Alam mo naman mahirap talaga mag-worklog pag pumepetiks ka lang the whole time!!! hahahahah!

Yung worklog ko ngayon... updated na ako dapat kaso may 1 week ata kaming petiks so hirap na hirap ako pano ko ichacharge yung walanghiyang isang linggong yun! Pero ayun! kinapalan ko na lang mukha ko at chinarge sa kung saan-saang task at inayos ko na lang description para di mukhang pang-tamad hahahah! after nun sea weeds na yung work log kasi sandamakmak na yung trabaho after! Hahaha! SHIYET!

ANG GALING GALING GALING KO LANg!!!!

Teka matapos na nga at baka biglang tamarin pa ako tapusin to.. pero konti na laaaaaaaaaaaaaaaaaang!!! tiisin mo naaaaaaaa!!!!

Thank you Coke!

Kahit sabi nila nakakataba ka...

Kahit sabi nila nakakasira ka ng ngipin...

Kahit sabi nila masama ka sa health...

MASARAP KA NAMAN! at ang mas mahalaga... PANLABAN KA SA DYSMENORRHEA!

Friday, April 15, 2011

Ang alamat kung bakit ang tagal tagal ko narealize na tumaba ako!

Noong unang panahon... ng payat pa ako. Lahat ng T-Shirt na binibili ko... kadalasan eh large kasi ayoko ng masikip na t-shirt. Gusto ko maluwang para kapag mainit pwede ko siyang iwasiwas at may instant pamaypay na agad ako.

Ang mga pantalon ko naman noon, kahit sakto lang... eh kayang kaya ko ipagpilitan ang pwet at hita ko. At feeling ko lang parati eh masels lang sa pwet at hita ko yung dumadami.

KASO NGAYON... besides sa mga proof of pictures which says: NO! YOU ARE NOT PAYAT ANYMORE! YOU ARE PLEASANTLY PLUMP!

Unti-unti ko talagang narerealize na.. SHET!!! I AM NOT REGULAR SIZE ANYMORE!!! Kasi ang mga tshirt kong dati ay Large at naipapamaypay ko pa ay tila leotards na ngayon sa sikip.

Realizations habang nag-shi-shirt fitting dito sa opisina.

HOMAYGEDS!!!

May nakita akong modif na WALANG SENSE!!! Nakakakulot lalo ng utak!!!

Eto pa yung sobrang bad trip na bad trip ako kasi jcl ko yun tapos kinuha sa akin para ipagawa sa iba kasi may mga tanong ako at tamad na sila sagutin!!! NAKAKABANAS!!!

Ngayon ko lang tiningnan yung changes sa jcl... AND GUESS WHAT!!!! yung dalawang test ko dati... nilagay sa isang jcl tapos yung isa nasa first step, yung isa nasa-second step... eh yung tinatanong ko na lang sa kanila dati kung ano ba yung ini-expect nilang result... yung result nung una o yung sa ikalawa... HINDI DAPAT YUNG DALAWANG STEP NA YUN NASA ISANG JCL KASI WALANG SENSE LANg!!! pinapatungan lang yung isang file!! MAYGEDS!!!

Taena alam ko di naman ako kagalingan sa jcl... pero alam ko naman pag may sense yung logic nung ginagawa nung job.

ANG SAKIT SAKIT SAKIT SA BRAIN!!!!

Wednesday, April 13, 2011

HR

My favorite part of the day:

Nag-LO kami ni Des kanina! Hahahaha! With cameraaaaaaa!!!! hahahahah Tanginang yan! TEAM LO na team LO lang ang dating! Hahahha! Actually.. more like... Tourists in Visayas Ave lang ang dating! Hahahahah! Taena yan! Magpicturan ba daw sa jeep!!! OUTING?! Hahahahaha! Pero siyempre pinatulan namin! Kasi sayang ang moment! Hahhaahah!

Pero siyempre taken na yun na magiging fun yung LO! Food + great company (Taena Tesoro matouch ka! Sikat ka na naman! Hahahah!) Pano ba namang di magiging fun yun!?!?!!? IMPOSIBLE! Kahit pa amoy Modess na naman yung kasama ko habang kumakain... masaya pa riN! Hahahah! Pero in fairness, di amoy Modess kanina si tesoro... siguro kasi natabunan na ng polusyon ng Quezon City Circle! Hahahaah! And by the way, kung pumayag ako... may picture din sana kami habang tumatawid ng Visayas Ave! Kaso naisip ko.. huwag na... OA NA! Masyadong day-off na yung dating! HAhaha! Sa jeep na lang! para mukhang outing lang! Hahahahah!

Anyway... bago pa man yung LO... tinawagan ko si Tess gamit phone ng kapatid ko kasi:
(1) andito sila Aubrey kasi sinundo nila ni Papa si Motherhood sa airport kagabi
(2) naka-unli whatever yung kapatid ko
(3) 2 pesos na lang load ko.

Pagtawag ko kay Des... siyempre gamit ko na naman yung very dainty and adorable voice ko:

Boy Des: Hello! (boses boy)
Dainty Me: "Ahm hello? May I speak with Ms. Gutierrez?" (dainty girly voice)
Des: (biglang girly voice... and yes... MAY TAMA KA!!! UMENGLISH!!!!) Who's this?

HAHAHAHHAAHHAHAHAHAHHAHA!!!!

Taenang yan! Di ko kinayanan! tawang-tawa lang ako! Hahahahahahahahahh!!!! later sabi ni Tess... akala daw kasi niya HR!!! Hahahahaha! tapos lumabas pa siya ng room to take the call! HAHAHAHAHAHAHHAHAHAHHA!!! HAYLAVEEEEET!!!!

LO TAYO ULIT TESS!!! Alamin natin pano tayo makakarating ng buhay sa loob ng QC Circle! hahahahah!