Dati... ayoko talaga ng thought ng ikakasal ako sa simbahan. Una... hassle! Tutubuan ako ng mushrooms sa tagal. Pangalawa... hanep na gastos ang kaakibat nito. Kasi hello lang! Alanganaman sa Jollibee mo lang pakainin yung guests mo?! Nagpakasal ka pa sa simbahan... eh di sana nag-civil wedding ka na lang kung talagang nagtitipid ka.
Kaso nung Saturday, nag-attend kami nung wedding ni Kuya Ep-ep... (Tito ko siya actually, pinsan ni Mama. Kaso 4-5 years lang ata agwat niya sa akin... although feeling ko 500 years gap namin kasi pag bata ka... ang 4-5 years na agwat ay parang ilang daang taon din kasi ibang-iba nga naman talaga ang mundo ng mga Grade 1 sa mundo ng mga Grade 6.)
So ayun... ang masasabi ko lang... ang astig-astig lang talaga ng reception! hahahah! Na-late ako sa wedding itself sa simbahan kasi putang-ina yung traffic last Sabado!!! Buti na lang sinabi nila Mama na 3pm yung wedding kahit 330 naman talaga.. kaya naka-abot kami nila Aubrey at ng isang pinsan ko dun ng 350pm! Hahaahah! So di na talaga ganun katagal yung kasal for me. Hehehe!
Basta ang ganda-ganda lang talaga ng reception... sobrang organized! Ganda ng table settings. Ganda ng pagkaayos ng conf room. Ganda ng AVPs! Ganda nung isang guest (ako! Inayos ng pinsan ko yung buhok ko... ang ganda ko lang. Siya rin nag-make up sa akin kaso mukha akong bangkay! Ayoko lang magsalita MASYADO (nagsalita naman ako pero slight lang) kasi baka mahurt siya ng todo! Hahaha! Ayus naman yung hair.... kaso sanay ako sa kagandahan ko via Tesoro (O YAN TESS! IKAW NA PINAKAMAGALING MAG-MAKE UP!) Hahahah! Buti na lang walang aircon ulit si Fabio kaya naubos rin yung make-up ko on the way to the wedding kasi nga putang ina yung traffic at sobrang init lang ng alas-tres ng hapon sa loob ng kotseng walang aircon... kaya naman adorably normal looking na ako by the time dumating ako sa wedding kasi nasa tissue na lahat ng excess make-up ko kakapahid ng pawis!) Hahaaha!
Anyway.. back to the reception.... Ang saya saya rin nung speeches. Nakakatawa mostly... typical yung iba... at meron din yung di mo alam kung kelan matatapos... pero buti na lang me rolls and butter sa table kaya di ka mapapawelga sa tagal ng speech kasi busog ka at maraming pakalat kalat na waiter kaya pde ka umorder ng kahit anong inumin kasi bottomless lahat. And besides... katabi ko yung isa kong titang ume-emo kasi 39 na at di pa rin siya kasal (in fairness di siya mukhang 39... di ko nga naisip na 39 siya until sinabi niya sa akin yung age niya... nasa isip ko kasi 28 yrs old pa rin siya... tapos narealize ko.. imposible kasi ako mag-2-27 na)... kaya naman no dull moments rin.
Basta ang elegante ng wedding-reception... Hehhee pinagbawal rin nga kasi nila yung mga bata. Yung mga bata lang na naka-attend eh yung mga pamangkin lang ng bride and groom. Tapos yung iba teenagers na. Kaya di rin magulo at walang sangkatutak na yaya na nakakalat sa kung saan-saan.
Narealize ko... ayus rin naman pala yung ganoong kasal. Di naman pala sa ayaw ko ng kasal sa simbahan... Kelangan lang talaga sobrang organized at elegante ng kasal ko kung magpapakasal man ako sa simbahan... alam ko may illusions of grandeur ako minsan... di ko lang narealize na yung culmination nito eh yung idea ko ng church wedding. Kasi kung hindi ako mukhang reyna sa kasal ko... di bale na lang... gagastusin ko na lang yung pera ko sa pagliliwaliw sa honeymoon ko.
Kaso bago ako magmukhang reyna sa kasal ko... putanginang hari yan ha! Where na you?! Here na me! Me budget na ako ng wedding natin! Kelangan ko na lang yung pera mo! Hahahahahahahahhahahhahhah!!!
No comments:
Post a Comment