Personal choice. Pwede naman ako araw-araw mag-check ng FB. I choose not to.
Meron time na medyo na-adik ako sa FB... nung wala pa akong trabaho. When you're bored and you know it... and naubusan ka na ng interesting sites na pwedeng puntahan... you have little or no choice... kundi FB.
Reasons why I don't FB every other minute of every day:
- Bawal FB sa work desktops namin... pwede ako lumabas sa common area sa office at dun mag-FB... kaso mas tamad ako kesa tsismosa.
- Wala na akong internet sa bahay... Pwede ako mag-tattoo... pero mas kuripot ako kesa tsismosa.
- Kung kelangan kong malaman... one way or another, malalaman ko yun kung gusto ng kung sino man na ipaalam sa akin ang kung ano mang bago sa mundo niya. Otherwise... di ako key-player sa buhay ng taong yun...and I don't really mind not knowing.
- Wala akong crush ngayon. So wala akong kailangan i-stalk... which as we all know is the main use of social networking sites. Hahahahahaha!
- Sa paminsan-minsan kong pagbisita ng FB... siyempre kahit papano eh sinusulit ko na rin. So pag may nakita or nabasa akong interesting about friends... usually pupuntahan ko yung page nila... at minsan... tintingnan ko rin yung pictures nila. Pero minsan kasi, sa tinagal-tagal na ng panahon... ang dami ng nagbago... Ang mga taong kilala mo as someone else before... biglang iba na. IBANG-IBA NA! To the point that you cringe when you see what they've posted in their profile pics. Yargsh!! AS IN!!! Nakakarindi sa mata minsan yung mga pictures na nakikita mo. Kasi dati... nung minsang close pa kayo... di mo inakalang magkakaron siya ng super vain self-portraits... (Chil... just in case mapunta ka dito... I'm not talking about you. UNFORTUNATELY, hindi lang pala ikaw ang kaibigan kong may supah vain pics... at sister dearest... hindi rin ikaw... matagal na akong sanay sa vain pics at sa face mo so at least di rin ako naririndi sa pagmumukha mo) ANAKNANGSHET LANG TALAGAAAAAAAAA!!! May vain pics rin naman ako... nung college mostly. Yung mga self-portraits ko ngayon... I just use to track kung pumapayat ba yung mukha ko despite what the scales are saying. HINDI KO SILA PINOPOST SA FB!!! MAY HIYA PA RIN NAMAN AKO KAHIT PAPANO! Yung mga profile pic ko... usually kuha ng ibang tao... hindi yung mukhang pinagpraktisan ko sa harap ng salamin while taking it sa harap ng salamin! (yeah nagprapractice rin ako ng ngiti ko... sino bang super model ang hindi nagprapractice ng ngiti niya haller!?!?!) PERO JUSKERS!!!! ang sakit lang talaga sa utak minsan pag nakakakita ka ng nakakabulabog ng utak to the point na minsan napapaisip kang ang swerte lang talaga ng mga bulag minsan!
No comments:
Post a Comment