Hahhahaha! In fairness kay mother... nakikinig rin pala siya sa mga kwento ko... kahit di buo yung kwento ko kadalasan dahil na rin sa sarili kong pagpupumilit na itago sa kanya ang mga bagay-bagay! Hahahha!
Alam ng nanay ko na umaakyat ako ng bundok (dati... kasi ngayon.. sobrang tamad ko lang... Pero aakyat ako this long weekend!!!! after 1 year! pota! Sana lang di ako kailangan itulak pababa sa Lunes kasi baka maging jelly-legs na ako by then)
Anyway.. biglang nagpost yung isang childhood friend ko... na naakyat niya rin yung Daguldol... (kanina ko lang nalaman yung details kasi di naman ako madalas mag-FB)... biglang si mother ni-msg ata si L-o-r-i-b-e-l-l-e kasi daw umaakyat rin daw ako ng bundok.. ang yabang lang talaga ng nanay ko pag feeling niya makakalamang kaming dowters niya! Hahhaha! AS if!
Tapos kinukwento nga ni Mama sa akin na nag-apply rin daw si L-o-r-i-b-e-l-l-e ng UPM... kaso parang wala naman ako naririnig na may bagong jinajapeks na naman yung mga matatandang nilalang sa UPM so alam ko parang mali.. kasi medyo japeks nga to si L-o-r-i-b-e-l-l-e... hahha sinong praning?! AKO!
Baka lang kasi may magsearch ng japeks + name of friend eh mahanap pa tong blog ko! Hahhahaa!
Ayun.. kaya naman pala eh kasi sa LM nag-apply si Lori... nagtaka rin ako kasi sa pagkakaalala ko student pa yun... so malabong lumabas pa ng Ateneo org yung nilalang kung gusto niya rin lang mamundok... Ang mga atenistang kilala ko na naging UPM, usually... working na nung nasali... kasi hindi ganun ka-student-friendly ang mga mountaineering orgs... lalo na kung yung kurso mo eh 5 years... may pasok kayo sa summer... at isama mo na rin dun yung Saturday classes!
I therefore conclude nakikinig sa akin yung nanay ko! Alam niyang UPM ako... kahit Atenista ako! Hehehee! Love you Mother dear! KAhit parati mo pala ako ina-award.. in fairness nakikinig ka rin naman pala kahit pabulong na minsan yung mga sinasabi ko... hmmm.. o baka kaya siya nakikinig kasi pabulong... I wonder...
No comments:
Post a Comment