Sunday, March 20, 2011

Wag kang magkamali!

Fuck! Tangina!

Inaasar nila ako dito sa office sa isang officemate... na di ko tayp! Di ko alam sino at kung pano nagsimula. Pero di ko sinasakyan kasi awkward lang at di ko talaga tayp. Superficial na sa kung superficial... pero yuck! Di ko sinasabing sobrang ganda ko lang, pero walang pakialaman ng taste. Pag di ko gusto, di ko gusto! Kung pangit man ako sa yo, wala akong pakialam. Wag mo rin lang pakialaman kung ano yung pangit for me.

Nakakausap ko naman yung tao kasi di naman siya as gross as nang ibang taong nakilala ko (i.e. Louie at yung pinandidirian ni Chil sa team nila) saka di naman siya kupal so keri lang.

Nagtext bigla si Carla kani-kanina at nangangamusta kung may nag-abend ba sa mga jobs na sinu-support namin ngayon. Nagreply lang ako ng pa-joke na 'Hu u?'. Biglang humirit na ng kung anu-ano tungkol dun sa inaasar nilang nilalang sa akin. Nagreply lang ako ng 'weh!' saka nag-comment dun sa isa niya pang sagot.

Maya maya may tumawag sa cellphone ko di nakaregister kung sino. Akala ko service desk ba or kung ano man kaso weird kasi bakit hindi na lang sa landline ko dito sa office tumawag. Putangina! Yung inaasar nila sa akin. Pagkasagot ko naririnig ko si Carla na nag-yiyihee sa background. Ibinaba ko yung phone. Tumawag pa isang beses. Binabaan ko ulit ng phone.

PUTANGINA! Di ako natatawa sa mga joke na ganyan! Ibang usapan kung tayp ko yung tao... EH KASO PUTANGINA DI KO NGA GUSTO!!! Fine! Sumasakay siya sa pang-aasar ng ibang tao sa amin... PERO PUTANGINA NAMAN!!!! DI MO BA NASESENSE NA NAGRO-GROSS OUT AKO!?!!?!?

Fuck! Sobrang vain na pakinggan tong sinusulat ko pero putangina I have very little patience for things such as these. Kung pde lang na di na ako magpakita sa hayup na to dito sa office, gagawin ko!

May isang beses na inaasar kami na mag-duet dun sa isang kanta nung nanglibre yung manager namin kasi kakatapos lang ba yun or before ng kasal niya. Eh di ko ginawa. Putangina wala akong pakialam kung mapahiya siya at magmukhang tanga! Sinabihan ako ng manager namin na sakyan na lang. HELLO! AYOKO NGA! Bahala na kahit magmukha akong walang pakisama! I DON'T CARE!!!!

PAG AYOKO! AYOKO!

PUTANGINA kahit nga sa gusto kong tao nagpapakipot pa ako MINSAN... eh SA TAONG AYAW KO, sa tingin niyo na may chance na makiki-sakay ako just for the sake of camaraderie or whatever!?!?! NO FUCKING WAY!

Kung yung tipong i-aasar ako kay eL o kaya sa iba kong kaibigan/acquaintances na lalaki, keri ko lang naman kasi alam ko rin naman na joke lang yun sa kanila... at well, di ako na-g-gross out sa kanila. Besides kung mukha naman na-a-awkwardan o nag-gross out yung taong inaasar sa akin di ko naman sasakyan no!!! May pride naman ako! Besides di ko isusubject yung tao sa situations na ayoko rin mailagay ako. I have always been a believer of the golden rule, hindi dahil sa nagpapakamabait ako or anything... more like... ayoko mapagbintangan na ipokrita ako.

I have never been able to disguise my disdain for anyone. Minsan kaya ko makipagplastikan... pero even then, kapag pikon ako! Pikon ako! Mababasa mo sa mukha ko! Lalo na pag umaabot na sa point of yuckiness. PUTANGINA! WAG NA WAG KANG MAKALAPIT SA AKIN AT MAKA-JOKE JOKE ng KUNG ANU-ANO!

YUCK KA!!! YUCK!!!!!

2 comments:

  1. hahahaha pota! naalala ko lang nung inaasar ako kay bordy sa super pikon ko umiyak ako!! hahaha pero pag inaasar siguro ako kay louie susuka nlng ako!! =))

    ReplyDelete
  2. Hahahhahahaha!!! talaga!?!? inaasar ka kay bordy??? hahahaha taena at least sa yo si bordy... si bordy matatake ko pa kasi nakakatawa at mukhang engks lang! eh tong isa! Shet basta hindi siya funny! si bordy mukhang funny... eh tong isa mukhang nakakapikon!

    Hahahhaha! Pero wag kang mag-aalala di kita i-aasar kay bordy... I know how it feels... pero ako... di naman ako naiiyak.. gusto ko magwala!

    ReplyDelete