Sabi kasi ni Santo... yung isang officemate ko dito na mahilig sa films... ang magagandang movies... tragic o kaya bitter-sweet kadalasan... kasi nga naman... kung happy happy joy joy nga naman yung movie... wala ka na masyado kelangan isipin kasi nakuha mo na yung great escape na hinahanap hanap mo pag nanonood ka ng movie...
Pero kung tragic o bitter-sweet... napipilitan ka mag-isip about the "what-might/could-have-beens"... Napanood ko kahapon sa TV (aside from the controversial win ni Pacquiao... I DONK KIR kahit controversial... at kahit mukhang madalas di siya kumukonek sa mga suntok niya... pero kokontra ka pa ba sa Compubox? at sa dalawang judge? besides kung gusto ni Marquez ng sure-win... eh di dapat pinatumba niya si Pacquiao... o kaya sumuntok siya ng mas madami para obvious na obvious sa mga judge na mas madami siyang tama kay Pacquiao... siya tong underdog eh... dapat nagpakitang gilas siya parang wala ng controversy controversy shit.)...
Anyway... as I was saying... napanood ko kahapon sa TV... umaangat na naman daw yung movie industry ng Pilipinas dahil sa Praybeyt Benjamin at sa No Other Woman ata... Haven't watched either... so di ko alam kung ayos ba talaga sila.... Alam ko lang comedy ata yung Praybeyt Benjamin...
Kaya narealize ko... wala nga naman tayo masyadong tragic bitter-sweet Pinoy movies no? (YUNG HINDI Indie-film o kaya gawa ng MMK ha?!) Alam ko lang na mga tragic/bitter-sweet movies eh yung mga kina Vilma Santos, Nora Aunor, etc... na lumabas ATA nung pagkatapos o during Martial Law... kasi nga naman daming inspiration for those (mga libro ni Lualhati Bautista madalas, hehe). Sa dinami-dami ba naman ng natorture nung Martial Law... di ka ba naman ma-inspire o makakuha at least ng resource na pwede mag-account ng real-life experience nila nun.
Ngayong masaya na ang Pilipinas relatively... puro great escapes na ang theme ng mga movies KADALASAN... kung hindi fantasy, rags to riches, o kaya naman pakyut na love story na happy ending yung mga movies natin ngayon... di mo kelangan mag-isip... tatawa ka lang sa sine... lalabas... usap ng onti about sa pinanood mo... tatawa ulit... tapos di mo na siya kailangan isipin ulit.
Yung mga movies na kailangan pag-isipan... not always defined for the Everyman. Madalas may target audience: mga taong ayaw sa bakla, mga nagtataksil, etc. Siguro may kakarampot naman na designed for the regular tao... kaya lang... madalas nga Indie-Film... hindi accessible sa lahat. Kelangan mo tumayming sa sinehan o sa kung saan-saang theater... kung di swak sa schedule mo at kung di mo mabalitaan agad... sorry ka na lang. Hanap ka na lang ng torrent sa internet kung meron man.
So naisip ko... baka kaya masagwa... okay di naman masagwa... more like.... BIHIRA yung matitinong output ng movie industry ng Pilipinas.. kasi nga masayahin tayong mga Pilipino... there is nothing too tragic... there is nothing too bitter para sa atin... baka kasi alam natin na kahit gaano kadepressing (except siguro yung mga sobrang depressed, bipolars, at manic-depressive na tao) ang situation... habang humihinga tayo... darating at darating yung panahon na tatawa rin tayo... lahat ng tragedy pwedeng maiwan sa nakaraan. Di kailangan dalhin lahat ng baggage sa kasalukuyan... kasi mabigat at mahal ang excess baggage haller! Magtanong ka pa sa airport!
Siguro kelangan na lang natin ituro sa movie makers na wag ibigay parati yung ending... pwede naman minsan tumigil dun sa part na parang mababaliw ka na kung di dumating yung bukas... Yung audience naman pag-isipin nila kung ano nga ba yung mangyayari bukas... Kung ano ba dapat nilang gawin para sumaya yung bukas.
Potaena! Ako na! Ako na! Ako na ang magaling! Hahahah! Bawal magpaka-emo?! At bawal mag-inarte?! Blog ko to! Magpapaka-emo ako kung gusto ko! Hahahahahahahah!
No comments:
Post a Comment