Taenang yan!!! Nilalagnat akoooooo!!! at sinisipon!!!
Hahaha! Naaawa ako sa roommates ko kasi sa malamang at malamang eh humihilik ako! Kasi hello lang! Di lang naman ako makahinga ng matino! Tapos yung mga kasama ko pa sa room eh apat na intsik na ala-Hubert rin yung gustong temperature ng kwarto... mga polar bear.
So lagnat + polar bear temp room = SUPER DUPER LAMIG! Pakerpeys... Kaso... shy ako... so di ako makasabi... hahahaa! Besides, naisip ko... nilalagnat naman ako so maya-maya lang iinit rin yung kama ko dahil sa temperature ko! Hahhahaha! Homaygeds! AKo na! Ako na ang hindi war freak! I am so timid!
Namiss ko tuloy si Kai... kasi kung andito yun... sumisigaw na yun ng: "I want to talk to your manager!!!!" Hahahhaha!
Pakdatshet! At least, isip ko, di pa naman ngayong araw yung akyat ko. Bukas pa naman, so may oras pa ako magpagaling. Camown! Camown! Camown! Immune System don't fail me now!!!
Buti na lang talaga pinabaunan ako ni Mama ng gamot. Insisting pa naman ako na di ako nagkakasakit. Taena! Mali pala ako... for now. I love Mama! As in kompleto pinabaon sa akin, Paracetamol, Tuseran, Bioflu, at Neozep! aylaveeeet!!!
Anyway, gising pa ako kasi ginising ako ng pantog ko... at in fairness, pagkagising ko... medyo mataas-taas na yung temperature. Finifigure out siguro ng mga roommates ko kung ano yung ingay na naririnig nila kaya nila pinahinaan yung aircon.... tapos narealize nila... okay, we hear mucus! Kelangan di na pababaan ang temp ng room kasi baka biglang maging kulangot yung sipon ko at mabara na ng tuluyan yung nasal cavity ko at since sounds like naghihikahos yung bibig kong magdala ng oxygen sa katawan ko eh mamatay pa ako dahil dun.
Anyway, pag-check ko ng time kanina, 2am... at dahil nasa tuktok ako ng bunk bed... eh halos ayaw ko gumalaw kasi ayoko naman mang-gising ng taong natutulog sa baba ko di ba? Eh kaso, narealize ko.. either magigising siya sa galaw ko habang bumababa ako ng kama... or magigising siya kasi tumutulo na yung wiwi ko sa kanya... at napagtanto ko... Hmmm... feeling ko mas gugustuhin niya magising sa galaw ng kama kesa sa tumutulong mas mainit than usual na wiwi dahil nga may lagnat ako! Am I brilliant or what?! I KNOW!
I am brilliant!
Wala pa ako masyadong fun kwento... sana may fun naman na mangyari sa akin sa trip na to... fun as in nakakatawa... hindi yung fun as in total adventure... kasi I read somewhere that an adventure is a trip that you survived where everything went wrong. Kasi kung di ka nag-survive, tragedy or total kaengotan na yun. And besides, hello!? Parati nga akong tama di ba? Ayoko naman ma-wrong na naman ako.. Once or twice is enough. Next time ko na ikwekwento yung pang-twice na kamalian ko. Medyo masakit pa sa damdamin eh.
NEGZ TAYMS! Pahinga na muna ako... I will survive!!!
oi nao sama ka sa boracay! nakapagbook na kami papunta nga lang. 1620 sya pero caticlan na.. date ntn feb 23-26! tara!! - des
ReplyDelete