Kagagaling lang namin ng Baguio (which was uber-fun... super classic Baguio outing lang talaga! Hahahaa! Kaso uber-gastos rin ako sa pagkain! In fairness kung di ko lang tinodo yung lamon ko... super tipid yung lakad na yun! Eh kaso masarap kumain bakit ba?! Calling all peoples... post niyo naman sa multiply yung pictures hahaha! para pde ko magrab at ipost dito sa blog ko yung favorites ko! hahahaha!)... at eto na naman ako nangangati na naman lumayas sa kung saan.
My scheduled lakwatsa for the year:
1) Bohol (August)
2) Kota Kinabalu (October)
May nangungulit sa akin sumama sa akyat sa Pulag sa end of Feb... kaso... ahm... di pa aker ready.. I thunk... I still need to train. Pero sabagay... tatakbo na rin naman ako ngayong Feb... so feeling ko kaya ko na rin yung Amabangeg by end of Feb... EH KASO!! TINATAMAD PA AKO MAGLUTO! hahahaha! I miss Ace!
Si Ace ang aking personal entertainment system and personal assistant... pag kasama siya okay lang mag-tantrums ako ala Kai! Mwahahaha! Ok, di naman masyadong ala-Kai kasi baka itulak ako sa bangin nun pag tinapunan ko siya ng yogurt! Hahahahah! More like.. pde ako mag-inarte more than my usual self pag kasama ko siya umakyat kasi halimaw lang talaga si Ace! Kelangan ko lang mag-hiwa hiwa ng mga gulay tapos siya na magluluto... hahaha! Kesa ako yung magluluto ng buong meal... mas masaya maghiwa-hiwa lang no... may feeling of "tumulong ako" pero di rin naman naka-depend sa yo yung energy source ng ibang tao masyado! Hahaha!
Maarte na ako ngayon bakit?! Pota! Hahaha! HUWATHAPPENDTOMEEEH?!?! Taena sobrang tamad ko lang talaga ngayon... o baka kasi matagal na akong di nakakaakyat... medyo nakakalimutan ko na yung joy of climbing... at naalala ko lang ngayon yung dread ko of cooking and preparing food sa labas ng tent on a very cold February night in Pulag... which, as I recall, will lead you to eat lupa and damo pag very clumsy ka...
I digress, anyway... as I was saying naglalaway na naman ako for more lakwatsa... may nagreply kasi sa akin yung isang pinagtanungan ko about Mt Kinabalu... tapos biglang sinuggest niya yung Via Ferrata na Walk the Torq. Pwede rin daw yung Mesilau Trail if ever. Eh wala naman ako balak mag-via Ferrata kasi medyo mahalers kesa kung aakyat ka lang... tapos biglang nakasulat sa email 50% muna singil tapos next half is 1 month before the climb na... tapos napaisip ako... POTA! minsan lang ako aakyat ng Mt. Kinabalu... di ko naman dream gawing yearly ang Kinabalu (gaya ng ginawa ko sa Pulag for the past 4 years) kasi di naman ako gawa sa ginto... kung kumikinang man ako... ito'y di dahil gawa ako sa mamahaling materyal... more likely... dahil lang yun sa innate star factor ko! AHAHAHAHAHHAH! HAYLAVET!
Pero anyway ulit... siyempre basa basa ulit ako on Via Ferrata... at habang nagreresearch ako.. may isa pa palang route ang Via Ferrata... ito naman yung Low's Peak Circuit. And according dun sa isang drowing (may descriptions naman yung Walk the Torq at Low's Peak Circuit... kaso di ko maabsorb masyado... mas madali intindihin ang drowing... gaya nga ng sabi ng Michael Learns to Rock... "Paint My love... you should paint my love... it's a picture of a thousand sunseheeetss!!" Hahahah!), mukhang mas sulit yung Low's Peak... nagtanong pa ako ulit dun sa nag-email sa akin kung kaya pa rin ba yung Mesilau-Timpohon na Trail even with Low's Peak Circuit na Via Ferrata.. wala pang reply...
Taena! feeling ko kung pde yung Low's Peak Circuit with Mesilau-Timpohon trekking... HOMAYGEDS! kelangan super duper extra fit akong umalis ng Pilipinas ng October! Kelangan tipong pag mag-Ambangeg ako with a full pack (na di porter ang nagdadala! Kelangan malinaw!)... 1 hour lang nasa camp site na ako dapat... Hahahaha sarap maging ambisyosa!
HAY SHIYET!
Things to do for a successful Climb:
1) Dapat by May, I should be doing 10K runs 3x a week na di ako namamatay after the run.
2) Dapat by August, I should be able to do 15K runs 2x a week na di rin ako durog after the run.
Reminder re my reminders:
1) TAKE CARE OF MY KNEES!
2) I should be able to train with minimal impact to my knees as possible.
3) 1 = 2 lang naman basically (see numeric list, directly above this line)... pero gusto ko ng lists eh bakit?!
EEH NEEHCADEEMA EEH NAA WEENAH!
EEH NEEHCADEEMA EEH NAA WAH!
ORA! ORA! ORA RAH!
NAOMI! NAOMI!
RAH RAH RAH!
HAYMZOEGZAYTED WENS EGEN!!!
No comments:
Post a Comment