Monday, January 24, 2011

Commuter Me

Ok. Commuter mode na naman ako... And what a day to be a commuter!

Pagkalabas ko ng bahay, umuulan. Pero sige oks lang, I have payong kaya!

Pagkarating sa Tandang Sora, habang naglalakad papuntang overpass... napapansin ko.. shet nababasa yung pwet at likod ko... then I realized... POTA! tumaba nga pala ako! Mas lalong lumaki surface area ng likod at pwet ko... dati kasi di naman ako nababasa sa payong na yun!

Eh siyempre si Mother Nature, ayaw din magcooperate... lalong lumakas yung buhos... tapos naisip ko.. shet! MAGTATAXI na nga ako! Minsan lang naman umulan. So triny ko magpara ng taxi... pero siyempre... magkakakuntsaba sila lahat... so walang available na taxi for me! So ayun napilitan na ako umakyat ng overpass para tumawid ng Commonwealth kesa naman tumayo lang ako sa ilalim ng mas lalong lumalakas na ulan... ayoko nga!

So pagkatawid ko... iniisip ko na lang kahit yucky na yung paa ko kasi ang dami ko ng puddles na nadaanan... "di bale... nauulanan rin naman paa ko kahit papano... so nahuhugasan na rin siya ng rain at di naman siya ganun kadumi talaga."

Eventually, nakasakay rin ako ng bus. At ayos naman yung pwesto ko... kasi malapit lang sa may pinto pero di naman super lapit sa TV na sasakit yung leeg ko pag nag-decide akong manood ng TV.

Di ko lang pinapansin yung TV kasi ina-attempt ko matulog. Eh kaso gwapo yung bida... may choice ba ako?! Siyempre nanood na akO! Hahahha! Basta Chinese Film siya.. basta tungkol sa drifting yung plot (ala-Tokyo Drift drifting). Pag medyo korni parts, tinitingnan ko na lang yung trapik sa labas at kung gaano kalakas yung ulan. Nung nasa Boni na... pota biglang nag-start yung exciting part. May race yung bida (Jay Chou... yung nasa Green Hornet, pero una ko siya nakita sa Kung Fu Dunk... kyut siya dun sa Kung Fu Dunk kahit madalas na panget siya... kyut lang kasi siya pag ngumingiti... eh madalas kunyari serious yung character niya.. ayun tuloy.. madalas rin siyang panget hahaha!) vs kontrabida vs extrang-bida na gwapo (nagyoyosi.... pero gwapo pa rin, di ko lam kung sino tong artista).

Eh malapit na ako bumaba... first time ata ako nagdasal na huwag muna umusad yung traffic hahahah! Para lang mapanood ko yung ending kung paano mananalo yung bida at kung matatalo ba nung dalawang bida yung kontrabida...

In fairness, nakita ko pang natalo yung kontrabida... kaso di ko na nakita pano nanalo yung bida over the extrang-bidang gwapo... ang tanong ngayon... ano kaya title ng movie na yun para mapanood ko sa bahay!

speaking of movies and bahay.... WAHOW! Nahiram ko kay Aubrey yung Nbox (yung pde mo direcho panoorin sa TV yung nasa harddrive mo... ANG SARAP SARAP MANOOD SA TVng malinaw vs Laptop Monitor.

No comments:

Post a Comment