Monday, January 3, 2011

I just had one of my more disturbing nightmares. Part 2

Continued from Part 1

SO Anyway! ayun na! Pumipili na ako kung saang side ako bababa. Dun sa side ng haunted house with nanlalapa ng tao na mga aso o dito sa kabila kung saan locked yung solid gate na lagpas tao? Tapos ayun nga... si Mang Fred tulog sa isang upuan habang nakabantay sa locked gate. Di ko alam kung kasama rin ba si Mang Fred sa haunted house experience so I decided to jump stealthily sa may side niya... tapos cross over dun sa side ng haunted house kapag medyo lumayo yung mga aso from the open gate to freedom (may grilled gate na mukhang pdeng buksan between the garden ng haunted house at garage ng kabilang bahay)

Dun ako tumalon sa stuffed toy na sheep kaya di maingay yung pagkatalon ko, so di nagising si Mang Fred... so ayun inaabangan ko na na lumayo yung mga aso. Nung lumayo yung mga aso, binuksan ko yung grilled gate between the garden and the garage and I ran towards the open gate... kaso pagtingin ko... FUCK! may isang aso palang di ko nakita... so napatakbo ako pabalik dun sa grilled gate pabalik dun sa garage nung kabilang bahay... naabutan ng aso yung legs ko... pero buti na lang naka-jeans ako na bell-bottom so nangatngat niya yung pantalon lang. Tapos nasara ko na yung gate habang nag-gr-growl yung aso thru the gate kasi nga di ba grilled gate lang siya? So ayun... medyo kinakabahan na ako kasi baka biglang bumalik si Manilyn or kung ano man... so naglakas loob na akong gisingin si Mang Fred.

So I shook Mang Fred awake tapos nagmakaawa akong buksan niya yung gate. Nung pagkagising niya parang ayaw niya pa muna buksan pero di ko alam... mukhang naawa na siguro sa mukha ko kaya binuksan niya rin.

Pagkalabas ko ng gate... nakita ko si Boboy Garovillo na may karga-kargang baby tapos kinakamusta ako. Pero siyempre kasi medyo panic panic pa ako... tumakbo na ako pauwi.

CHANGE SCENE


Nasa parlor ako nakikipagtsismisan sa girl version ni Nands. Kinukwento ko na sa kanya yung nangyari sa akin, tapos pinasa ko na yung real estate na yun kasi ayoko na bumalik dun. Di ko alam kung bakit pero tinanggap naman niya yung trabaho.

The next day, binalita niya sa akin na ni-meet nga rin daw siya ni Manilyn sa may gate pero unlike nung experience ko nakita niya yung buong bahay minus the horrific experience. So ayun, siya na nga lang daw magbebenta nung bahay.

Eh apparently may friend kami na kamukha niya pero mas mahaba yung buhok tapos mas straight yung buhok... eh tsismosa... so gusto rin subukan i-meet si Manilyn. Iniisip niya magapanggap siya as Girl Nands kasi nga halos kamukha niya. Pero siyempre kinakabahan kami kasi hindi siya si Girl Nands at baka matulad sa akin yung experience niya tapos di pa siya makalabas ng buhay. So dahil makulit nga eh di namin siya mapigilan. So I decided to accompany her pag may ibang pupuntahan si Girl Nands para di niya alam na magpapanggap as Girl Nands yung friend namin na kamukha niya. Pero nung sinamahan ko siya, malayo lang ako para di siya mabuko ni Manilyn na nagpapanggap lang as Girl Nands.

So ayun pinuntahan namin yung bahay tapos nakatago lang ako sa mga bushes sa katabing bahay. Tapos pagtingin ko, may nakatagong parlor sa may gilid ng bahay... at since mukha naman wala pang problema... I decided to go inside the hidden salon. Andun ulit si Boboy Garovillo karga karga ulit yung baby niya at yung isa naman niyang anak around 10 yrs old eh nakaupo naman sa sopa. So ako nag-sorry ako kay Boboy Garovillo kasi nga tinakbuhan ko siya the last time I met him. Tapos saka ko tinanong kung ano yung alam niya tungkol dun sa haunted house, tapos kung bakit dun siya nakatira malapit sa haunted house. So biglang sinabi ni Boboy na umalis na sila ng mga anak niya sa bahay nila. He made it clear na they were just waiting for someone to fetch them kasi mukhang kakaalis lang nila sa bahay nila. So tinanong ko siya kung asan na mga gamit nila. Apparently, it was scary enough for him to decide to leave his house with just his children and leaving everything else. So tingin ako bigla kay Ces, na biglang kasama ko pala. We decided na kelangan palabasin na namin yung friend namin na kamukha ni Girl Nands from the haunted house kasi mukhang super scary na.

Pagkalabas namin sa salon, direcho na kami sa gate. Wala yung mga nanlalapa ng tao na mga aso... so dire-direcho na kami papasok ng bahay. Pagkapasok dun sa bahay na mukhang sunog at abandonado, biglang naiihi naman si Ces. Sabi ko wag niya akong iwan kasi mas mabuti kung magkasama kami the entire time kasi nga gaya sa movie, mas madalas na namamatay yung mga tao pag naghihiwahiwalay sila. Pero kasi naiihi daw talaga siya so gusto niya hanapin yung banyo.

Di ko alam bakit di na lang siya umihi sa sahig since sira sira naman yung bahay pero ayun, hinanap niya pa rin yung banyo.

Tapos di ko alam panong nangyari, andun na bigla si Ryan Reynolds, Jessica Biel, tapos dalawa pang puting artista na blurred na yung mukha.. di ko na maalala kung sino sila. Nakatayo kaming lima around a table na may Lazy Susan sa kitchen. Tapos biglang parang may ala-mirror effect paikot sa likod namin... tapos nakikita namin yung kontrabidang nag-hahaunt ng bahay. Lalaki siya na magulo yung buhok tapos naagnas yung mukha pero kita pa rin yung tahi tahi sa mukha niya. Iniikutan niya kaming lima. Di ko alam pano nangyari pero biglang may whip siya tapos kinuha niya yung isang artistang babae gamit yung whip tapos nilagay niya sa isang dimension na nakikita namin via a picture frame. Parang nasa lahar na umaagos yung artistang babae.

So ayun, apat na lang kaming natira dun sa paikot ng table... di ko ulit maalala masyado, pero biglang nagbida-bidahan si Jessica Biel tapos in-attack niya yung kontrabidang lalaki. Pero since malakas yung lalaki, itinapon niya si Jessica Biel with one hand (yung isang kamay niya hawak yung whip na nakapaikot pa rin dun sa bewang nung isang artistang nasa ibang dimension), palabas ng bahay. Pagtingin namin sa labas ng bahay, hati na yung katawan ni Jessica Biel tapos nilalapa na siya nung mga aso. Basta super gross yung nakikita ko.

So ayun ni-he-heart attack ulit ako. Yung isang artistang lalaki nakahandusay na pala dun sa table. So ako na lang saka si Ryan Reynolds yung may magagawa. Si Ryan Reynolds, naka-guerilla attire, yung parang si Sylvester Stallone sa Rambo. So bumulong ako kay Ryan Reynolds na nakatakas na ako dati sa haunted house na yun, susubukan ko tumakas habang nilalabanan niya yung lalaki tapos tatawag ako ng pulis.

Hahahaha! Di ko alam bakit naisip kong makakatulong yung mga pulis! Pero anyway, ayun, tumango si Ryan. So tumakbo ako papunta ulit dun sa pader kung san ako tinuro ni Miss Tapia last time. This time gising na si Mang Fred tapos tinulungan niya ako lumabas agad.

By this time, naheheart attack na talaga ako. So I decided to end my dream by magically willing that there be a cellphone in my hand where I can call the super duper extra fast police. Pagkadating ng mga pulis na walang kasingbilis... tinapunan nila ng tear gas yung bahay... tapos biglang tumatakbong palabas si Ryan Reynolds at si Ces.

Tapos bumukas na yung mata ko habang humihinga ako ng malalim at mabilis. POTA TALAGA!!! Ngayong sinusulat ko na tong part 2, parang nakakatawa na lang.... pero habang pinapanaginip ko siya sobrang takot ko lang talaga!

Siyempre para happy ending... nakatuluyan ko si Ryan Reynolds tapos sabay kami nagbakasyon sa Maldives.

Hahahaha! SHEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEET! STupid nightmare!!!!

No comments:

Post a Comment