Monday, January 3, 2011

I just had one of my more disturbing nightmares. Part 1

Putangina! I was supposed to run outside at 430am, but I was sort of controlling my dream and decided to end it and wake up! Guess what time it was 4:15am!

Ok na sana kasi I have 15 minutes to prepare, kaso taena naman! The dream was about a stupid haunted house at hello lang! Di ko kayang tumakbo sa dilim habang pinapalibutan ng sandamakmak ng madidilim na bahay! shit!

These are the players, (medyo nagiging foggy na rin yung ibang taong nasa panaginip ko):


  • Des - SPICE Girl hahaha!
  • Axis - boyps ni Des (Spice Boy!) na trulab ko
  • Francis - nakilala ko via SPICE
  • Ces - college blockmate na kapareho ko ng birthday
  • Ryan Reynolds
  • Jessica Biel
  • girl version ni Nands - TL ko na lalaki.
  • isa pang girl na kamukha ng girl version ni Nands but with a longer straighter hair
  • Manilyn Reynes
  • Dennis N. - ka-work ko sa SSS na friend rin ni Abi (nakilala ko sa Soluziona)
  • artistang gumanap madalas bilang Miss Tapia
  • artistang parating gumaganap bilang isang pari o kaya kahit sinong matandang lalaking mabait na may gray hair - Mang Fred yung pangalan niya sa panaginip.
  • Boboy Garovillo of Apo Hiking Society
  • 2 puting artista with blurred faces kasi di ko na maalala kung sino sila
Nagiinuman kina Des, pero yung bahay nila Des nasa tabi ng ilog Pasig instead of dun sa loob ng village. At siyempre kung andiyan si Des, andiyan din si Axis.

Medyo may tama na ako so sasabay ako dapat sa limo ni Francis. Yes! may limo si Francis. Anak daw pala siya ng mafia boss. Pero nagpapakagoldenheart siya so nagsimula daw siya ng nursing home para sa mga unano na sinusuportahan ng nanay niya pero di alam ng tatay niya.

Eh kaso may tama nga ako so nakatulog ako dun sa bench tapos kay Dennis N. na lang ako sasabay pauwi bago niya sunduin yung girlfriend niya. Nag-jeep kami ni Dennis N. hanggang sa isang tulay na di ko alam kung saan tapos bumaba na ako.

CHANGE SCENE

Di ko alam pero parang continuation pa rin siya nung kwento sa taas habang pinapanaginip ko siya. Anyway, yung view sa panaginip is parang sa TV ko nakikita yung sarili ko. Apparently real estate na yung bago kong career at tumitingin ako ng mga bahay na ibebenta na.

Si Manilyn Reynes yung nag-meet sa akin sa may gate, pero di ko nakikita yung mukha niya. (FUCK! nininerbiyos ako habang kinukwento ko to!) Pagbukas niya kasi ng gate harap siya kaagad ng bahay habang dinedescribe yung buong bahay. Ako naman manghang-mangha kasi ang ganda ganda ng labas ng bahay. Nasa may garden si Miss Tapia nakatingin lang sa amin. Di ko pa siya pinapansin masyado.

Apparently, naaagnas yung mukha ni Manilyn kapag lumalayo siya sa bahay tapos na rereconstruct habang lumalapit siya ulit sa bahay. Kaso siyempre di ko to nakikita kasi nga tatanga tanga ako sa likod niyang tumitingin tingin sa paligid. Pagkapasok ng bahay, may reconstructed na kahoy na boat sa loob na inincorporate sa buong bahay. Basta super maganda yung bahay. Halong modern at traditional kumbaga.

Siyempre ako naman tong usisera punta ako agad dun sa hagdan which will lead me atop the barkong kahoy. Tapos biglang sabi ni Manilyn na iwan niya muna ako for awhile to look around. And then she disappeared. And the moment she disappeared, bigla rin nag-disintegrate yung magandang bahay into kung ano talaga yung itsura niya. Apparently, super tanda na nung bahay at parang nasunog partially tapos inabandona.

Eh siyempre panic ako agad! So takbo ako palabas ng bahay tapos hinarang ako ni Miss Tapia sa may pinto. Kasi may man-eating dogs pala dun sa may garden! Dun daw ako dumaan sa may gilid ng bahay. So dinala niya ako sa kung saan yung kwarto niya banda (dun yung room niya sa may garage part sa gilid ng bahay). Pagkarating ko dun sa gilid, pinaakyat niya ako sa pader kasi bahay/garage na ng ibang tao yung nasa likod ng pader. So sa pader ako naglakad papuntang gate. Kaso pagdating sa malapit na sa gate kelangan ko na bumaba. kasi may poste sa harap ko na malaki masyado na di ko pwede ikutan lang basta basta. Either dito ako sa may haunted house bumaba kung san may mga lumalapa ng tao na mga aso o dito sa kabilang bahay kung saan nakalock naman yung gate. So di rin ako makakalabas. Pero sa may gate natutulog si Mang Fred...

OK hina-heart attack pa ako. Di ko kaya ituloy habang madilim pa sa labas.

To be continued!

No comments:

Post a Comment