Monday, December 1, 2014

Sinong artista?!

And yes, I forgot to tell the tale of my artista moment in Vigan.

Last hour and last day sa vigan, 45 min before the scheduled check-out, suot ko yung binili namin nila mama na I Love Vigan shirt kasi we're cool that way! Nakauniform kami nung last day. Habang naglalakad sa Calle Crisologo at kumakain ng dirty ice cream na nabili sa may labas ng Max na resto (kung saan pinagkakaguluhan nung dalawang babae yung life-size na cutout ni Coco Martin, sorry pero di ko talaga gets yung fascination, kung cutout ni Jerry Yan siguro baka nakipagtulakan din ako), one turn away bago mag-Hotel Luna, may nakita akong mga wooden boxes na cute. Parang jewelry box pero simple lang, hinawakan ko kung it felt as smooth as it looked kasi napapaisip ako bumili... Kaso walang mahagilap na good enough silbi yung utak ko for those tiny boxes nang biglang may lumapit sa akin na bata (teenager na girl) na may hawak na digicam... Sabay sabi... "Ate picturan kita ng stolen."

Hindi ka nagets sinasabi niya kasi busy pa utak ko kakahanap ng rason para bilhin yung box. Sabi ko, "Gusto mo picturan kita?" May hawak rin kasi akong camera, usually pag turista mode ako may mga nagpapapicture talaga lalo pag nakalabas camera ko. Akala ko kasi baka hindi tagalog yung salita niya, baka iba ibig sabihin ng words niya sa actual niyang ibig sabihin.... Kaso ngumiti lang siya sabay ulit, "Picturan kita te ng stolen, ok lang?" Sabay nguso dun sa mga hinahaplos kong box...

Ako naman tong aanga-anga: "huh?... Ah... Ok" sabay tingin ulit dun sa mga box, kagat sa ice cream ko, at isip ulit kung tama ba intindi ko sa kanya at kung magagamit ko nga ba talaga yung box... Nung nakita ko sa peripheral ko na nakashot na siya, biglang ngumiti aa akin yung bata sabay takbo pabalik dun sa mga kasama niya...

Hanghirap ng model!!!! Hahahaha! Pero after niya tumakbo, naisip ko na lang... Dapat di na siya nagpaalam kung gusto niya talaga na stolen yung shot!!! Shet! Feeling ko sagwa ng acting ko sa picture na yun! *confused* + *bibilhin ko ba to?* look malamang yung nacapture niya!

Late ko na naisip na sana nung nakikita ko na siya na huma-half press... Bigla akong lumingon sa kanya, sabay BAHM!
Stolen your face!

posted from Bloggeroid

Bevor i vorget... Nag-Vigan nga rin pala kami!



Eto view dun sa rooftop ng Hotel Luna.

Masaya naman sa Vigan, marami kainan. Hahaha! Kaso medyo konti yung pwede makita dun. Hindi ganun kasulit balik-balikan kasi di ganun kaconvenient yung transpo kung poorita ka. Saka medyo nasstress rin talaga ako pag tinuturing akong turista ng mga tao sa paligid, i.e. bibili ng lahat na pwedeng bilhin na touristy stuff. Ayus lang yung ganun pag di ko naiintindihan yung tao, kaso pag nagegets ko sila... Feeling ko napakalaki ng pagkukulang ko bilang turista kasi di ako nakatulong sa ikabubuhay nila. Yeheesss!! Akala mo may konsensya! Pero yep, tinatablan rin naman ako nun paminsan minsan.

Pero at least, Vigan?! Check!!!!

posted from Bloggeroid

Kinikilig ako!!!!!

Hahahahhaha! Homaygeds!!!! Excited na ako for July!!!!

Dapat China destinasyon ko, kaso... After Taipei, ahm, Taiwan na lang ulit! Di ko pa alam ano weather by July sa Taipei pero sabi nga ni kuya Rico dati... I DONK KIR!

Tinatamad rin kasi ako ayusin yung China trip, hahahah! It's so purty sa Taiwan at bitin ako sa ikot sa mga hiking trails nila, at since medyo alam ko na pano pasikot sikot dun, dun na lang muna! Andiyan lang naman China, next time na lang siya. Hahahaha! Sheeet!! Dapat natutulog na ako kaso nahihirapan ako tumigil magresearch ng mga cheaper places to stay in saka yung iba pang lugar na pwede ko puntahan! Homaygaaaarsh!!!! Sana July na! Sana may piso fare na!!!!

posted from Bloggeroid

Friday, November 14, 2014

Taiwan

Kasama ko si Kavs at Kai dito sa Taiwan and eetz luhyk zuper egzayting! Kasi yung huling out of the country trip pa namin was 5 yrs ago! Akala mo naman dalas dalas ko lumabas ng bansa! Hahahaha!

Pero heniweiz! Yun nga, eh super fun yung Thailand namin last time kasi we are adventure seekers to the highest level so kami... Ano na naman kayang adventure nagaabang sa tin sa Taiwan? Ano kaya mangyayari sa tin? Mapapatawid ba tayo ulit ng freeway ng di sadya? Makakakain kaya tayo ng kinamay na crepe or kung ano mang pagkain dito sa Taiwan na dapat di kinakamay pero kasi sobrang swerte namin yung mga nabibili namin eh yung kinamay!

Little did we know... Sa Pilipinas pa lang... Aabutin na kami ng swerte! Eh kasi! Sino kumain muna sa Jollibee kasi mga gutom tapos nawala sa isip yung oras na super chillax lang to the highest level hanggang umabot sa bayaran ng terminal fee kung saan me nakarinig na taipei ang destinasyon namin at minadali madali kami to the highest level pero kami naman.. What? May oras pa... Chill lang kuya! Hanggang sa pati yung immigration officer eh minadali ni kuya kaya naman sinungitan si kobie at kung anu-ano pa hiningi! Hahahahaha!

At dahil passport ko yung huling inasikaso... Sino yung feeling nagultramarathon sa hingal eh kasi ang fit fit ko lang eh no!?!?!? At anakngtakte!!!! Sino nagdecide na ilayo yung gate mula immigration!!!! At shet sila! Di man lang in-on yung walkalator!! Homaygeds! Buti na lang talaga binaba ko na sa chocolate hills level yung pride ko at di ako nagpakaeverest kasi nung inoffer nung kuya kunin yung bag ko nung start eh... Ok lang kuya! Kaya ko na! At nung medyo nafefeel ko na na bibigay na lungs ko...Buti nagoffer ulit si kuya! Hahahhahaha!

Super duper push pa si kuya sa amin ni kai... Kasi yes! Naabutan ko si kai kasi fit ako eh! Ahahahha! Az eeef!!! Eh kaso nung medyo 3/4 of the way na yung natakbo namin todo push pa rin si kuya kasi maiiwan na daw talaga kami... Eh kasoooo helloooooo hanggang dun na lang talaga yung kapasidad nung lungs ko no!!!!! Hahahha! Kaya naman pag tumatakbo si kuya at di nakatingin sa amin eh naglalakad kami hahahah! Para pag tumingin si kuya, makakatakbo ulit kami at makikita niya na todo effort din kami! Hahahahha!

May nangyari pa ulit pagkarating namin sa TPE airport eh kaso kelangan na namin magready KASI FIRST DAY PA LANG NAMIN TODAY AT KELANGAN NAMIN MAGREADY so blues clues na lang muna:
Sino sumasakay ng bus kahit walang ticket at ang lalakas pa ng loob ilagay yung bagahe sa ilalim ng bus? Pilipinas lang?
At dahil nga walang ticket... Sino napilitan sumakay sa amoy yosi na bus na " no smoking" daw... Pero at least mura!

Latah! Taiwan wag mo kami patakbuhin masyado please lang!

posted from Bloggeroid

Saturday, November 8, 2014

Porbida dolor!

Mwahahahahahahaha! I'm zow hepi! Oh zow hepi! Tapos na yung mga for implem ko! Wahow! Wahow! tapos bakasyon na sa thur! Wahow! Wahow!

Homaygarsh!!! Im zow egzayted!!! Sana may pera pa ako by thur! Haymzowegzayted!

posted from Bloggeroid

Saturday, October 25, 2014

Apparently, I'm an ass.

I usually tell my friends and parents that I'm fine on my own. I don't need anyone to complete me and all that shit. I do mean it when I say that. But it doesn't necessarily mean I feel that way all the time and that I don't want anyone beside me; in short, on my emo moments, I do feel lonely minsan.

I like being on my own because I decide how I want to spend my time/money/thoughts on without anyone complaining about it or at least without having to care if someone else likes what I'm doing. I love being on my own and having myself for my company. You ask why? William Wallace said it best, "Freeeeedooooooom!!!!!"

While I was walking, on my way to commute back home, I suddenly realized... Hmmm... I'd like for someone to like me. It's not a specific someone, just a hypothetical one. And I'd like for it to happen not because I want to be liked; although, it probably is a part of it and I'm just repressing it. I'd like for someone to like me mainly because I would really enjoy seeing him squirm once he realizes he likes me and I could tell him, "Sorry, I really don't have time for this" and I would mean what I'm saying.

I realize that it's a shitty thing to do but I don't mean it in a malicious-hahaha-i-like-seeing-you-in-pain-kind-of-way. I just really do think it would be really funny to tell someone that you don't have time and you don't want to have the time, even if you did, for what most people want. And besides being funny, I think it would also feel like some kind of power over something. I don't need it and somebody else does and I can throw it away easily because I have this power of not needing whatever that is.

And that's when it came to me... All this time, I thought I was this loving caring, understanding, although a bit cold, person. Akala ko. At sabi nga nung kanta, mali pala ang akala ko.

Apparently, I'm an ass.

posted from Bloggeroid

Wednesday, October 15, 2014

View from my bed...

Sorry to disappoint, hindi siya view ng pacific ocean or a vineyard just outside my window...
Rice cooker, pitaka, personal and support phones, at siyempre ang pinakamahalaga... Baygon!

posted from Bloggeroid

Thursday, October 9, 2014

Bored, stressed, at gusto ko magwala!

Partially kasalanan ko kung bakit ang gulo ng time sheet ko for work last sep, pero for the other part na di ko kasalanan gusto ko magwala! Eh kaso wala akong k magwala kasi nga may part na di sinasadyang nagulo ko talaga. Hay nakuuuuuuuuuuuu!!!!

Di ako makafocus sa trabaho dahil sa lecheng timesheet na to. i have never been one to multi task. Magsisimula lang ako sa isang trabaho kung wala na yung bola sa akin dun sa ibang task. Pero for this one, nakakagigil! Ang labo labo kasi! Pwede sa simula pa lang linawin na?!?!?!

Walang kwenta tong rant na to! Kahit ako ayaw ko sana isulat eh kaso kelangan ko ilabas kasi nakakagigil!!!!! Yung kausap ko pa medyo tanga! Hay nakuuuuuuu!!! Di alam kung ano tama! Kailangan ako pa magpoint out kung ano dapat! Eh siya tong hr! Paker!

Hayblaaaaaddddd!!!!

posted from Bloggeroid

Friday, October 3, 2014

Katakots!!!!

Mwahahha! May bago akong project! Simple lang yung concept niya, may isusunset na file so kelangan lang palitan ng mas simpleng file.

Kaso tatlo kaming developer. Ako lang less than 10 yrs yung experience. Yung isa sure ako more than 30 yrs ng nagproprogram at alam ko pang-all around siya kasi magaling talaga siya... Yung isa... magaling din, more than 20  yrs I think yung experience... unless niloloko lang ako ng buhok niya... kasi puro puti na...

KInakabahan ako!!!! Hahahaha! Baka malaman nila extent ng kajongahan ko! hahaahahha! Siyempre I welcome the opportunity to learn! But my pride!!!! Homaygeds! ahahahahaah! Di pa kami nagsisimula, warak na agad! HAhahah! Wala! Naiintimidate lang ako ng bongga! Bakit ba! hahahah!

Tuesday, September 30, 2014

Tamad Mode

No... hindi ako bored. May gagawin ako dapat. KASO NAKAKATAMAD!!!!!!!

Walang kamatayang testing ng program na hindi naman ako gumawa. Kailangan lang namin tingnan kung magtotopak yung mga program pag inimplement yung isang change... at since walang obvious impact (i.e. MUKHANG walang code change na kelangan as per review), itetest na lang namin dapat para lang sure na di sasabog yung system pag implem na.

NAKAKABATO MAGTESTING! ayos lang kung may code change kasi alam ko yung itetest ko... pero kung yung testing tipong ipapatakbo lang sa buong proseso... haymtamad!!!

Gagawin ko rin naman to... kaso nakakatamad lang talaga simulan!!!!

Thursday, September 25, 2014

Theme Song ng Buhay ko

Narinig ko lang sa Grooveshark. Same station nung isang kanta na nakita ko sa Google+ (You Are My Sunshine ng The Civil Wars)

"One Day I Will Do"
Priscilla Ahn

I'm so confused
'Bout what I'm supposed to do
Life can throw many options to choose from
Should I go left
Or should I go down?
Will I find what I'm looking for
Right here?

I know I can do all that my heart wants to
Like running away
But I just can't seem to

Time seems to go
So fast that I don't know
What I've done with myself in a day like today
So many plans to make
Too many I will break
It's easy to get down on myself
This way

I know I can do all that my heart wants to
Like ending this race
But I just can't seem to

One day I know
One day I'll be
Looking back on me
Looking back on me
Looking back on me

This I promise you
One day I will do
Everything so perfect and good
I swear, I swear

Wednesday, September 24, 2014

Safeguard

Ewan! Nakokonsensya ako. Tumawag kasi sila papa at mama, may nakita silang mura na samsung s5. Gusto nilang bumili. Eh kaso sa tingin ko di naman nila kailangan, may tab si papa. Tapos andami na nilang celphone sa bahay. Di ko na nga halos alam kung ano ba talaga number na dapat gamitin kung kelangan ko sila tawagan. Yung isang celphone ni papa, smart phone na. Samsung note something. Di ko alam anong model. Basta may note.
Ewan, feeling ko kasi excited sila ng tumawag sa akin. Ako naman naisip ko lang, hay naku gastos na naman! Tapos extravagance lang. Buti sana kung need, eh hindi naman.
Alam ko I should indulge them minsan, pero kasi feeling ko talaga di kailangan tapos nasisilaw lang sila kasi ang laki ng bawas from original price. Natutuwa naman ako minsan bigyan sila ng kung ano man, pero feeling ko kasi talaga unnecessary.
Ah ewan! Ewan!

posted from Bloggeroid

Thursday, September 18, 2014

How To Plan a Trip

I’ve been to KK twice. My first time was a solo trip in October 2010. Second was last April 2014 with my cousin and sister. Why? Eh kasi may seat sale! Mwahahaha!
Both times, I stayed a week in KK. Whenever I visit another country, I usually make sure that I stay at least 5 days. An exception to that would be my upcoming Taiwan trip with Kai and Kavie, a 3 day-trip which was largely dependent, AGAIN!, on the air fare. Hahaha! Eh kasi kuripot kami! Ay! Meron pa pala, the trip to Brunei… eh kaso since side-trip lang naman yung Brunei that time, I guess ok lang.
Main reason for the 5-day-per-country-trip: Enough time to look around without being run ragged.
Kasi di ba? Kaya ka nga magbabakasyon… Para chill!

When travelling, especially kung ikaw yung mag-aayos, hindi lang pera gagastusin mo. Oras din!
Unang maiisip mong gastos is the money you'll be spending on the air fare, accomodations, fees kung may activity kang gusto gawin, food, at kung may konsensya ka gaya ng iba... pasalubong. Akala mo yun na! Eh kaso hindi! You also spend time to research the place and you spend time obsessing about it kung praning ka gaya ko.  Tapos 3-4 days ka lang dun?! Haller!? Eh di nagtapon ka lang ng pera! Ayus lang naman to para sa may mga K magwaldas, yung mga taong kaya panindigan at ipagsigawan yung "WHAT'S MONEY?!" Pero kung gaya ka sa akin na madalas ang ipinagsisigawan ay: "WHERE'S MONEY?!" Eh dapat talaga pag magplaplano ka.. sulitin mo na! di ba?
First of all, even after all the research you could have done... iba pa rin talaga minsan kung andun ka na.  If you've been there before, ok! Ayus! Confident ka na usually about the place. Eh kaso kung first time mo dun... haller nginig egg cells, kasi you still don't know if what you found online is exactly like it is. Kasi nga... sabi nga nila... things change. At since first time mo... di mo alam kung gano kalaki yung change at kung kakayanin ba ng powers/pera mo tapatan yung change.
Kung 3-4 days ka lang... clueless ka na nga kasi first time, haggard mode ka pa kasi lahat mamadaliin mo kasi nga gusto mo sulit. Unless talagang ipinanganak kang chill na tao na kahit nagmamadali na yung iba, ikaw naka-slow mo pa rin. Pero kung 5 days yung plinano mo... kering keri gawin lahat USUALLY... minsan ikaw na mauubusan ng gagawin. Kaya naman pagkabalik mo sa trabaho... wala ka na maalala kadalasan sa mga project mo! AHhahaahah!
Wala lang… naisip ko lang isulat tong post na to kasi, nagbabalak na naman ako ng trip sa China. Narealize ko kasi, kapag nakapagplano ka na ng trip ng sarili mo hindi na ganun kahirap mag-ayos ng trip on your own. Feeling ko kasi dati ang hirap eh. Dati kasi tag-along lang ako madalas. Itatanong ko na lang kung kelan at magkano kelangan bayaran. Swerte kasi ako kasi yung mga kaibigan ko, kuripot din so alam ko pag nagyaya sila yun na usually yung pinakamurang version ng trip na yun so ako naman go lang ng go! Eh kaso since we parted ways at iba iba na sched kelangan ko na magsarili kung gusto ko makapagikot.
Nung inayos ko yung unang Kota Trip ko, feeling ko lahat ng nakikita ko na guesthouses online manggagantso! Hahhahah! feeling ko kasi ang yaman yaman ko at interesado silang lahat sa non-existent kayamanan ko. Hinanda ko na yung sarili ko na wag madisappoint just in case naisahan ako.
Buti na lang, there's a nicer world out there! Chos! hahahah! Pero totoo. Usually, people in guesthouses are the more honest ones, I think. Maybe because we follow a certain etiquette: WAG MAGNAKAW KUNG AYAW MANAKAWAN. Di ko naman sure kung totoo talaga tong sinasabi ko, pero feeling ko oo. Hahaha! Kasi, feelingera ako. But then again, kahit naman feeling ko totoo yan, I always exercise a certain amount of caution. Hindi naman pwede yung puro tiwala lang. I always make sure that my passport and money is always on my person. Para kahit nagkagulo sa barangay, sure pa rin yung uwi ko sa Pilipinas. D bale nang umuwi nang bold basta makauwi lang. 
Matapos lahat ng nasabi ko sa taas, ang point lang naman ng post na to is to outline what I do when I plan a trip. Para sa mga alipin ng trabaho na gaya ko, ito yung mga unang kelangan ayusin:
1.      Decide on a location. Ako, I usually decide on a location kapag may gusto akong gawin specifically in a particular country: umakyat ng bundok, mapuntahan yung isang island, etc. Nauuna sa akin ang #3 para makuha ko tong #1.
2.      Check the country’s visa requirements. Kung ASEAN yan, usually walang VISA required if you’re not planning on staying for more than 30 days. Otherwise, malamang kelangan ng Visa… gaya ng China, S. Korea, Europe, etc. Minsan, kasama sa visa requirements yung return trip tickets, accommodation bookings, IT, etc. Verify number of days for visa processing para naman hindi mo makuha yung visa mo same day ng flight mo… tapos haggard ka na naman kakamadali sa kung saan saan. Gaya ng ibang kakilala ko... itago na natin siya sa pangalang Hubert.
3.      Kung hindi ka satisfied with a “walk-around-and-see-what’s-around” kind of person, research on possible activities na pwedeng gawin sa location na yun at kung sulit ba sa tingin mo for that trip.
4.      Decide on the dates. Make sure you have enough time to plan for the trip and make sure the date is apt for the acitivities you’re planning, better kung may holiday sa bansa mo para less leaves to file. Kung gusto mo mag-beach… wag December! Kung gusto mo umakyat ng bundok, wag sa rainy season ng bansang yan! Kung gusto mo ng Cherry blossoms, wag January! Kung gusto mo ng snow, unless ok lang sa yo ang fake snow o kaya naman Arctic yung pupuntahan mo, wag April/May. Unang KK trip ko, I planned a year ahead kasi clueless ako. My second KK trip, around 3-4 months ahead. For my China trip, I’ve started planning now for a scheduled trip on June-July 2015, around 10 months ahead. Eh kasi I’m scurred! Baka ibenta nila atay ko sa China pag nawala ako duN! Hehehehe!
5.      File a leave on those dates.
6.      Leaves approved? Wait for a seat sale kung kuripot ka. Mayaman? Book your flights na! Now na! Leaves Denied? Murahin mo manager mo! HAhaha! JAZKIDDING! Back to 4, check with superiors if you can agree on a date that would still match your plans. Ayaw nila compromise? Resign ka na lang! Not kidding this time. Eh ano pa silbi ng VL MO?!?!?
7.      Kung naka-book ka na, plan your IT.
8.      Kung may IT ka na, arrange your accommodation. Research! Research! Research! Make sure accessible yung accom mo in a way. When arranging your accommodation, kaakibat na nito yung pagresearch sa local transportation to arrive at and leave from your hostel/guesthouse/hotel/kung-san-ka-man-matutulog, and again, unless mayaman ka at kaya mo magtaxi everytime or mag-rent-a-car. Actually, pwede mo gawin yung research while waiting for approval of leaves kasi malamang sa malamang by the time na approved na leaves mo, di ka pa rin tapos sa research mo. Kung gusto mo ng adventure, do not research. That is, kung sigurado kang may makakaintindi sa yo dun sa pupuntahan mo. Kasi nga madali lang naman magtanong, ang problema kung maiintindihan mo yung sagot. At oo, let's assume na sinagot ka nila in English! Hahahah!
9.      A month/2 months before your trip, make sure you completed your visa requirements, if any (again depends on what the embassy indicated as number of days for visa processing). Submit requirements and make sure you have your visa 2 weeks prior your travel dates. KASI NGA PRANING AKO! Hahahha!
Kung may namiss man ako, edit ko na lang siguro to. HOmaygaaaaasssh!! Excited na akooooooooooo!!! Antagal mag-reply ng HR kung ok na ba yung leave ko for next year!!!!!

Monday, September 15, 2014

Rain

Umuulan na naman... Gusto ko sanang umemo... And then... My labada caught my eye... Wala na akong malinis na panty by tuesday!!!!!
posted from Bloggeroid

Tuesday, September 9, 2014

Sometimes when we touch!

The honesty's too much! And i have to close my eyes aaaaahaaaand hideeeeeee! I wanna hold you till i die, till we both break down and cry! I wanna hold you till the feeehheaaar in meeee subsideeeees!!!

Anakngshet!!! Paulit ulit sa utak ko to!!!! Pagkababa ko ng fx, naikot ko na loob ng mercury kanina kakahanap ng pwedeng machibog, sakay ng traysikel pauwi dito sa bahay... The entire time kinakanta ko toooo! Out loud! With lyrics and all!!! Hindi lang hum! Kasi humming is not enough this time around!!!! Nakapaghugas na ako't lahat!!!! Nasa utak ko pa rin siyaaaaa!!!!

Sabi nga ng one direction: Get out! Get out! Get out of my head! And get into my arms instead!!!! Kasi... Sometimes when we touch! The honesty's too much!!!!

Sorry One Direction! Panalo pa rin sometimes when we touch!

posted from Bloggeroid

Sunday, September 7, 2014

First World Problems

I don't know what happened. Nag-automatic update yung chrome ko dito sa android tab ko. Then suddenly, di na ako makalogin sa blogger dashboard ko for this account! Permanent na siyang nakalogin dun sa isa kong google account. Inikot ikutan ko na yung dalawang account at yung login page! Nagreset na ako ng password, refresh ng cache, delete history, sync and resync and all that jazz kaso ganun pa din! Stuck dun sa dashboard nung isang account yung blogger!

May lumalabas na prompt na nagfail ba yun or ongoing yung pagmerge dun sa dalawang accounts kasi apparently alam nila na ako may ari nung dalawa! Oo dalawa blog accounts ko! Bakit ba!?!?! Ngyon lang ako ginulo ng google ever! Why?!?!?!? Why!?!?!?! Why me?!?!?!?!

Di ko na nga maalala bakit triny ko maglogin sa dashboard nitong account na to after ko umiikot ikot all over the place! Pero di pa rin siya ayos!!!!! Kelangan ko magincognito para maaaccess yung dashboard nito!!!!! Why?!?!?!? Why??!?!?! Why me?!?!?!?!!
posted from Bloggeroid

Wednesday, August 27, 2014

Dahil Bored Ako...

... At namimiss ko na magselfie kasi tinigilan ko magselfie for a while pagkatapos ko lait-laitin yung mga kaibigan at mga pinsan kong akala mo historical figure kung makadocument ng pagmumukha nila... I feel like I owe the world, not just one, but 2 of my selfies for the day!!!! Lucky you, world! Hahahahahaha!

World, here na me! Greasy face and all!



Pero sa totoo lang, naedit ko na yan! Angle ng onti to hide the chubby cheeks, adjust contrast and vibrance para naman di masyadong obvious yung greasy parts at di halatang di na ako naarawan kasi sobrang dull na ng dark skin ko! Oo! Maarte ako sa balat kahit ayoko pumuti!

Eto talaga yung unang shot ko nung bumangon ako sa kinahihigaan ko.



Sorry to disappoint guys... Choppy ako! Choppy!!!!!!!!! Pero kahit pa choppy ako! Adorable pa din ako sabi ng nanay ko!!!! Hahahahaha!

Yan, isipin niyo na lang... Minor editing at geometry techniques (i.e. angle angle din pag me time) lang ginamit ko jan... Di pa yan yung 360 app... Hanglayo na ng pagmumukha ko! Eh lalo pa kaya yung ibang selfie na akala mo may ms photoshop na inooffer bawat pinagbilhan ng gadget na may camera....

Just in case you missed it.... Oo!!! Rant na naman to! Hahahhahahaah!
posted from Bloggeroid

Tuesday, August 26, 2014

Nang ako'y nautot sa banyo.

Para sa maseselan, marapat lang na wag niyo na ituloy ang pagbasa nito.
Andito ka pa rin? Ok, your call.

Heniwei... Last week, nang ako ay pumunta nung banyo kasi naiihi na ako... May babaeng nagtotoothbrush sa may sink. At dahil company lang namin yung nasa floor, alam ko sa ibang department lang siya kasi di ko siya kilala. Pumunta na ako dun sa dulong cubicle kasi may tao yung first three cubicles.

Nung ako ay magwiwiwi na, ingat na ingat ako kasi meron ako. Kung di mo gets kung ano yung pagmemeron... Tanungin mo si Fr. Ferriols para maflush ka niya ng tuluyan sa inidoro. At yun nga, pag meron ako, madalas wasak yung tiyan ko, at pag napaeffort ako ng stronger than usual... Labas lahat ng mga pwedeng ilabas kahit yung mga ayaw ko muna ilabas kasi wala akong kahit anong extrang papel na pamahid na nadala, ni resibo sa bulsa wala, kasi nga ihing ihi lang talaga ako... Wala na oras magprepare.

So ayun, super ingat sa pagwiwi... Eh kaso... Malay ko ba namang hindi lang pala ako naiihi... Kundi nauutot rin!!!! Ahahahahahaahahahahahaa! Buti na lang talaga! Hanggang utot lang pangangailangan ko nun. You have to learn to be grateful and make do with what you're given 'ika nga.

So dahil pigil rin ako sa utot powers ko... Hahahaha! Alam mo yung parang nagmimic test ka tapos medyo sira yung sound system or yung mic... Yung pasulpot sulpot na sound epeks pero malakas pa rin kasi mic nga eh... In my case echo ng soundwaves against the banyo tiles... The same culprit kung bakit feeling ng iba ang ganda ng boses nila pag kumakanta sila sa banyo... Parang my amplifier-slash-filter... Kaso yung sa akin... Amplified utot sounds for the win! Ahahahhahahahahaha!

Inisip ko na lang, taena dapat mauna ako lumabas kesa sa ibang nasa katabi kong cubicles... At least yung nagtotoothbrush lang nakakita sa mukha ko! Ahahahaha! At pwede pa yun gawan ng paraan! Hahhaha! Attitude you know! Hahahhahaha!

So ayun natapos ako wiwi, taas panty, sara zipper, labas ng cubicle with swag (as if di ako umutot kind of swag)... Direcho sa tabi nung nagtotoothbrush na sink para maghugas ng kamay (acting as if chill lang kahit nagmamadali talaga para walang ibang makakita sa akin). Balik na ako sa upuan ko.

Maya maya, si Gem umupo na rin sa may tabi ko.
Sabi ko, "san ka galing?" Hinanap ko kasi siya earlier...
Sabi niya galing daw siyang banyo.
Sabi ko, "ay! ako rin."
Sabi niya, "eh kakagaling ko lang dun eh! Di naman kita nakita!"
I gave her an enigmatic smile.
Gem: "ikaw yun?!?!?!?!?!?!?"
Ako: "hahahhahahhahahahhahahahahahahah!!!!!!!"
Gem: "akala ko yung nagtotoothbrush! Pero nagtataka ako kasi yung tunog parang galing sa kanan!"
Ako: "hahahahahhahahahahhahahahaahahahahhaha!!!!"

Ang masasabi ko lang: SUCCESS!!!
posted from Bloggeroid

Love Me or Leave Me

Matagal nang nasa playlist ko tong kantang to ng Rooney. Mainly, kasi gusto ko yung melody. Habang nag-aantay ng reply from my senior dev at nakikinig nung tugtog, biglang naprocess ng utak ko yung lyrics... Sobrang apt niya for me. Yung first 2 main stanzas at least... I dedicate this song to my friends kasi you chose to love me kahit madalas alam ko parang you wanna leave me na lang dahil sa mga topak ko sa buhay. Di ko na sinama family kasi by nature, they are required to love me, and me them! Mwahahahahaha! Pero sige na nga... MAHAL KO KAYONG LAHAT!!!

I know I can be cruel
I say a lot of things I don't need
And I'm not always in the mood
To give you what you need
When I come close

You gotta love me, love me
Love me or leave me
Love me, love me
Love me or leave me

Love me, love me
Love me or leave me
Love me, love me
Love me or leave me

I know I act confused
A perfect just like you
Do what you want
But there's no one in the world
Who would die for you
There's only me

You gotta love me, love me
Love me or leave me
Love me, love me
Love me or leave me

Love me, love me
Love me or leave me
Love me, love me
Love me or leave me

You wont ever find
Anyone around who's good as me
There's only one choice
You don't wanna grow old all alone

You gotta love me, love me
Love me or leave me
Love me, love me
Love me or leave me

Love me, love me
Love me or leave me
Love me, love me
Love me or leave me

Love me, love me
Love me or leave me
Love me, love me
Love me or leave me

Love me, love me
Love me or leave me
Love me, love me
Love me or leave me
...
posted from Bloggeroid

Friday, August 22, 2014

MySpace

Mwahahahahaha!

Sinubukan ko i-google sarili ko kasi minomonitor ko yung online footprint ko. Hehehhe! Siyempre sinisigurado ko na walang kahiya-hiyang anything about me. At kung meron man, chinecheck ko kung kaya ko ipaliwanag. At kung hindi... Search and destroy mission ang ending.

So far, wala pa naman ako nakikitang kahindik-hindik na ikakahiya ko sarili ko... Pero apparently... Pinatulan ko rin pala yung myspace dati! Ahahahahhahahaha! At may isang connection ako! Si Juani! Hahahaha! Yung nasunugan ko na friend sa Taiwan. I'm pretty sure I wrote about that kasi tawang tawa ako sa adventure niyang yun.Kaso tinatamad na ako hanapin yung post para lang ilink sa post na to.

But heniweis!!!!! Hahahaha! Ayun nga! Meron akong account! At ang cute lang nung picture ko! Hahahaha! Andito siya o!

posted from Bloggeroid

Monday, August 18, 2014

Eh kasi bata!

Mwahahahaha! Andito ngayon si aubrey sa bahay! May maglilinis ng bahay! Mwahahaha! I love my sister and my cousins! Hahahahhaa! Baka pumunta na naman isa kong pinsan dito sa bahay! Last weekend pumunta si Kriszzia dito tapos tinulungan ako dalhin mga labada ko dun sa laundry shop. Tapos this week sila magaayos ng cabinet ko! Ahahahahha! Pakainin ko na lang sila! Ahahahhaha!

Ayjaslavet!!!! Buti na lang talaga pinanganak silang masipag. Yan talaga ipinagtataka ko. Bakit sila masipag? Bakit ako hindi? I mean, nung bata pa kami lahat naman ng iutos sa akin na chores sa bahay ginagawa ko. Favorite chore ko dati yung magbolo ng weeds sa labas ng bahay kasi nakaktsismis ko si Mana Crising, yung bumibisibisita sa amin na matanda. Tapos naglilinis rin siya ng harap ng bahay namin. Marami kasi siyang kwento. Unfortunately, wala na ako masyado maalala. Naalala ko lang fascinated talaga ako sa kanya siguro kasi yung mga kapitbahay namin na bata pinagbibintangan na mangkukulam siya. Pero mabait naman si Mana Crising sa akin so di naman ako natakot. Natutuwa lang ako kausap siya.

Isa pang gusto ko yung magbunot nung sahig kasi favorite ko magslide slide across the floor. Yung pinaka-ayoko: maghugas ng pinggan kasi wala kaming running water nun. Eeew! Pero siyempre dahil rotation kami na malabo yung sched, i.e. sisihan lahat na tapos na siyang maghugas, wala akong choice kundi maghugas rin minsan.... Which I absolutely... Abhor! Yaks!

So eto akowoooohoooow tamad na tamad gumalaaaaahaaaw! Ewan, siguro gagalaw rin naman ako pag utusan ako... Kaso hahahaa! Minsan feeling ko tinatamad na lang rin si mama magutos sa akin kasi mas mabilis matapos kesa kung ako gumawa. Gagawin ko rin naman... Di nga lang priority sa akin. Pag naguiguilty lang ako, yung tipong abuso na ako.. Saka ko lang gagawin agad hahaha! Pampalubag loob kumbaga... Hahahha!

Eh kasi! Bata!
posted from Bloggeroid

Kidding, not kidding!

Before I uninstalled my FB app yesterday, one of the headlines I read from my feed was the apology issued by Ramon Bautista to Davaoeñas because of his apparent insult... Kasi tinawag silang hipon!

Ok fine, nainsulto sila. Nagsorry yung tao. That should have been enough. For some it was, pero from what I read, apparently Sara Duterte was not satisfied with it... She wanted him declared as persona non grata in Davao.

I know of Ramon Bautista kasi I see him once in a while in TV and I sometimes find him funny. I heard he's a prof in UP. I'm not really shocked because I know of some batchmates who used to teach but are really not right in the head... Joke lang siyempre. I mean, I know that they are more than capable pero since I know them personally, I just think it's funny that the future generation have them for teachers.

Sarah/Sara Duterte naman, I have heard of from an issue before because she punched someone in front of the media because she thought the person was incompetent. I can sort of relate because I've been in an almost similar situation where I really wanted to punch someone in the face kasi sobrang bobo at tanga lang talaga niya but apparently I still have some control over my faculties when it matters because I didn't go through with it.

Wala talaga akong alam ke Ramon Bautista so wala ako masyadong opinyon sa kanya pero I admit, I'm a bit biased against the lady Duterte kasi nayayabangan lang talaga ako sa kanya. Ewan, opisyal siya eh. She should have known better when she punched a guy last time. Or kung gusto niya talaga manuntok, dapat in privacy na lang. Hindi sa public. I understand na minsan meron talaga yung in the moment gigil. Pero kasi... Opisyal nga siya... Alam ko andaming tangang opisyal pero that is exactly why we should hold them in high regard and expect great things from them... hindi tayo dapat satisfied with a mediocre one. Kasi when we do that... That's what we'd always end up with. Mediocre ones. We do not want that. I do not want that. Ewan, I also got the feeling na pakitang gilas yung suntok moment. I understand kasi I also have those pakitang gilas moments. Sometimes, you recognize it when you see other people doing it. I'm not saying that was the main reason pero when you see people cheering you on... Minsan mahirap hindi magpakabibo.

Ang point ko lang naman, ang oa niya lang.... Persona non grata agad ang demand. Eh feeling ko obvious naman na joke. Hirap kasi ng mga guilty lahat sineseryoso! Seryosohin nila yung mga hindi pa nakukulong kahit obvious na magnanakaw. Seryosohin nila yung mga pumapatay ng tao.

Basta ang alam ko... Lollipop ako na flavored Hipon! Hahahahahahahaahaha!
posted from Bloggeroid

Sunday, August 17, 2014

Because I'm trying out this new app...


posted from Bloggeroid

Bloggeroid

At dahil tinanggal ko na nga yung FB app ko from my tab... I installed another one: Bloggeroid! Woooohoooo!!!

This one would allow me to post anything I want to without anyone who does not know about this blog see it! Hahahha! Yes malabo ako that way!

I have always been fond of blogging because it allows me to say my thoughts in a non-KSP (kulang sa pansin) kind of way. In the first place, kakarampot lang ang me alam sa blog na to and it's not as if they check this blog daily or does it pop on their feed over and over and over and over and over again just because they decided they liked the post or commented on the post and then some one they don't know also liked the post and/or commented on the post. In short, blogs do not get in some people's faces like statuses in social networks do. If people are interested in what you have to say... They will read what you have to say. If not, they can go on with their merry lives without you annoying them to death just because you decided to post something on the net kasi gusto mo lang ilabas yung nasa isip mo with the hopes of a very, very slight chance that someone might chance upon it and read it and share the same thoughts that you have.

So... Gujab Bloggeroid! Hahahah! I can actually post via the browser too, it just gets annoying sometimes when the connection starts wavering. The cursor starts to slow down too unlike here... I can type as fast as I want to and I can save my post to my tab's memory just in case I lose connection. Astig di ba?!?!?! Hehehe! This is the app for tamad bloggers!
posted from Bloggeroid

Bye FB! For now.

I just uninstalled my FB app from my tab for various reasons:

  • I'm wasting too much time on it.

  • I'm seeing a lot of annoying posts and I don't need to see those.

  • di ko mapigilan sarili ko minsan, napipilitan ako pumatol sa mga walang kwentang post kasi pakialamera talaga akong tunay. Besides, pinost mo di ba? Eh di fair game yan dapat for any kind of comments... Unless you block people off.

  • I get annoyed with myself kapag pumatol ako sa walang kwentang post kasi nga walang kwenta yung post di na dapat pinapatulan... Eh kaso mababa EQ ko at gusto ko lang talaga mang mock ng tao.


I think the last reason is enough to warrant my removal of the app. I can always check when I feel like I need to. At dahil hindi ganun ka user friendly yung browser version as compared to the app version... Eh nakakatamad siya tingnan... At dahil katamaran ang pinakamatindi kong bisyo... I probably won't be checking FB as often as I did when I had the app. Gujab me!

posted from Bloggeroid

Monday, August 4, 2014

Wrong

I don't like being wrong.
I try to avoid situations where I allow myself to be in a situation where I can't properly defend myself because I WAS WRONG.

When I am not sure, I usually shut up for fear of saying something wrong.
Kaso, minsan, I misjudge and I say something to someone with the assumption that that someone was not a shitface anymore. Eh kaso... they still are.

Note to self: Judgments I made as a kid are not necessarily wrong especially when it came alongside experience as proof. An asshole is sometimes simply just that --> AN ASS HOLE. Kahit anong mamahaling brip o panty pa ang isuot mo to cover it up. The cover-up will never change that hole. Di niya gagawing ginto yung taeng lalabas dun. It is and will always be an ass hole that will churn off shit na mabaho at kadire.

Tuesday, January 14, 2014

Evolution of my Cellphones

1997. This was the first time I got a cellphone and only because I had to leave home to study in a school far, far away. I remember the service was provided by SMART Communications. I don't really remember what the brand of the phone was but it looked very, very, very similar to the pic below. Yes, including the phone cover. Saktong sakto sa bulsa ng palda ko nung high school.


1998. Upgraded to Panasonic GSM. Globe na ako starting from this point. 0917-415-8714 yung number ko dati. Kaso nawala ko yung sim nung around 2003-2004 sa HK kasi magaling ako. Kaya wala na! Downgraded to a 0927 number ako. I forgot the exact model name, but I had the exact model shown in picture below. Naupgrade lang kasi biglang bumili yung tatay ko ng Nokia 5110 and he had no more use for his phone, so he gave it to me. Yey me! Ang cool ko kasi lumiit yung phone ko!

 
1999. NOKIA 5110 in da haws!!!! Again, donated by father dear. Bumili kasi siya ng Nokia 8210. Kaya akin yung tira-tira niya na naman. Mas cool yung sa akin kesa sa picture sa baba kasi haller! personalized yung cover! May eagle! Hahaha! Napunta to sa kapatid ko when I got my next phone.


2000. Ang una kong brand new na cellphone after my 1997 phone. Dahil naloko ko ang tatay ko! Mwahahah! Labyu pa. Sabi niya kasi pag nag-top ako sa batch namin for that quarter bibilhan niya ako ng bagong cellphone (alam niya kasing imposible). Sabi ko... Pa, masyado naman imposible yan. Pag nag-top na lang ako sa class namin, sabi ko. Sabi niya, Sige kahit sa class niyo na lang. Hindi ko naman alam na papayag siya. Sabi ko, pramis Pa? Bibilhan mo ako ng bagong cellphone pag nag-top ako sa class namin? Sabi niya, oo nga bibilhan kita. Naalala ko nasa Davao kami ng time na to. Dun kasi siya assigned nung time na yun. Ang hindi niya alam, lumabas na yung results for that quarter, hahahaah! Nag-top na ako sa class namin (for that quarter lang! hindi ko alam anong milagro nangyari sa quarter na yun). Sabi ko, Pa tara punta na tayo ng mall. Top ako sa class ngayong quarter! AHAHAHHHAHAH! Hello 3310! Hello SPACE IMPACT! Ang cool ko dati dahil sa Space Impact! Ako lang may game na ganun sa cellphone ko!

2002. Hello 6310i! Yes don't forget the i! hahaha! Di ko actually alam ano yung difference ng may i saka yung wala. Alam ko lang may i yung model nung akin. Ito yung favorite cellphone ko ever. So sleek and simple lang. Masakit lang sa bangs yung kulay ng screen kasi yellow. Pero coolness na yun dati. Nawala yung 0917 SIM ko habang pinapalitan ko yung SIM sa cell na to with a HK SIM.. kasi MAGALING AKO! Dinonate ko yung 3310 ko sa pinsan ko.

2003. Dahil nagpakyut ako kay Papa! Hello my dahon phone! Ito na yung pinakamatagal kong cellphone to date! Nokia 7600. May bluetooth! At may camera! Hallernesss!!! At mukha pang laruan! Sino ang cool?!?! AKOOOO!!!! hahahahaha! This phone lasted for 6 years.


2004. Dahil umuso ang SUN sim dahil sa unlicalls. Napabili kami ng  ganito sa Greenhills.

Well, mukha siyang ganito... pero not exactly Nokia kasi naghanap lang kami ng mumurahing cellphone. Akala namin Nokia nabili namin, pero pagkauwi sa bahay... upon inspecting our cheaply bought new phones... NOIKA pala yung brand niya! hahahah!

So I had my 2003 and 2004 above.... pero di naglaon inabandona ko rin yung NOIKA ko at yung dahon phone ko na lang natira sa akin... hanggang sa maghikahos ito nung 2009. And even then, I had hard time letting go. Kung di lang kami pupuntang Thailand nun at di ko kailangan ng mas reliable phone na hindi kailangan ng flashlight para mabasa ko yung messages kasi bumigay na yung backlight niya.... di pa ako bibili ng phone....

Kung kaya naman... noong 2009. I bought my phonena hanggang ngayon eh phone ko pa rin! MABUHAY ANG XPRESS MUSIC NOKIA 5130i!!!! Don't forget the I!

Eto siya noon...


Pogi di ba?!?!? Pero eto na siya ngayon after mahigit 4 yrs...

Ayus pa rin di ba? Kung hindi nga lang sana 8 hours lang yung buhay niya...

Iniisip ko palitan... ng Xpress Nokia ulit hehehehehe! Ayoko kasi ng touch phone... unless bigyan ako di naman ako tatanggi... pero I like the functionality of this phone. May tab na ako na medyo kumakain na sa oras ko kasi mababa EQ ko... di ko na kailngan dagdagan ng smart phone yung buhay ko. Isip ko pa ano next phone ko.... ano kaya ok? Ayoko naman bumalik sa black and white na phone. Or yung black and yellow. Kahit pano naman naappreciate ko naman aesthetics at radio capabilities nitong xpress Music... iniisip ko kung may better model which is not a smart phone. Hanap hanaP!

WHY AM I SO WISE!??!?!!?

My wisdom teeth are killing meeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!
Nagpapanonobra na tak tango ha ak baba!!!!!!!!

Thursday, January 2, 2014

HELLO 2014!

Bye 2013.
Hello 2014. 

Yan parati ang drama sa bagong taon. 

New Year Resolutions? I don't really believe in those. I believe in trying to reinvent yourself to becoming a better you every chance you get, hindi lang sa New Year.

But then again, January is always a good place to start. Kaya makikisawsaw na rin ako sa bandwagon and say THIS IS IT!!!!

2014 Here I come!!!!

I am not delusional enough to say na magiging matibay ako sa mga "resolutions" ko. I'd probably fail somewhere along the way... pero as long as di ako malumpo... babangon at babangon ako! HUHA!

Things to work on:
- savings, be consistent. Wag tamarin pumuntang bangko para magdeposito.
- eat healthy. Wag tamarin magprepare ng pagkain.
- read your Bible and pray everyday. Yep, kinakanta ko to sa utak ko.
- sleep enough. Wag masyadong adik sa games, movies, koreanovela. Chill lang, anjan pa rin yan bukas.
- mag-exercise tuwing umaga... or gabi... whatever works. Again, wag tamad!
- maglinis ng bahay. Totohanin ang threat sa magulang na itatapon ko na yung mga gamit nila na hindi nila kukunin sa bahay. Chos! As if kaya ko i-threaten magulang ko. Dito... dito ako mahihirapan. Hahaha!

Priority:
- be more vocal about my beliefs. Di dapat ikinakahiya maniwala sa Diyos at manindigan sa kung alin ang tama at mali. I tend to shy away from conversations involving religion. Ok, not really religion. I could not care less about religion. It does not do anything for me, wrong religion at least. One must know the distinction between religion and believing and following God. The 2 are not always exclusive. 

As I was saying, I tend to shy away from conversations involving God because I do not want to be involved in an argument that I could lose. Debate wise, alam ko pwedeng pwede kasi ako matalo. And boy do I detest losing. Not that hindi ko paninindigan yung paniniwala ko, more that alam ko kasing kulang ang kaalaman ko para makipag-debate ng live. Hindi ako yung tipong kayang humugot ng kaalaman para depensahan yung pinaninindigan ko ON THE SPOT. Kailangan ko umupo, pag-isipan, at i-research ang mga bagay-bagay. 

Saka, isa pa. Hindi rin kasi ako perpektong tao. Mahirap kasi magsalita na akala mo maka-Diyos ka kung yung buhay mo mismo does not exactly reflect God's ways. Sabi nga nung kanta, I try, oh my God, do I try. Kaso sabi nga rin sa bibliya, "the spirit is willing, but the flesh is weak."

But then again, sabi nga nung tatay ko dun sa kaibigan ko na di naniniwala sa Diyos because of the inconsistencies in the life of Christians who profess Christ: "Christ is perfect. The Gospel is perfect. Do not blame the Gospel for the inadequacies of man."

In short, tao lang ako nagkakamali, pero perpekto ang Diyos ko. Di ko man kaya depensahan ang sarili ko, ang Diyos ko, at mga katuruan niya sa mga argumento ng mga tao dito sa mundo para i-justify yung mga ginagawa nilang kamalian, I know God has my back. Siya na bahala.