Friday, November 14, 2014

Taiwan

Kasama ko si Kavs at Kai dito sa Taiwan and eetz luhyk zuper egzayting! Kasi yung huling out of the country trip pa namin was 5 yrs ago! Akala mo naman dalas dalas ko lumabas ng bansa! Hahahaha!

Pero heniweiz! Yun nga, eh super fun yung Thailand namin last time kasi we are adventure seekers to the highest level so kami... Ano na naman kayang adventure nagaabang sa tin sa Taiwan? Ano kaya mangyayari sa tin? Mapapatawid ba tayo ulit ng freeway ng di sadya? Makakakain kaya tayo ng kinamay na crepe or kung ano mang pagkain dito sa Taiwan na dapat di kinakamay pero kasi sobrang swerte namin yung mga nabibili namin eh yung kinamay!

Little did we know... Sa Pilipinas pa lang... Aabutin na kami ng swerte! Eh kasi! Sino kumain muna sa Jollibee kasi mga gutom tapos nawala sa isip yung oras na super chillax lang to the highest level hanggang umabot sa bayaran ng terminal fee kung saan me nakarinig na taipei ang destinasyon namin at minadali madali kami to the highest level pero kami naman.. What? May oras pa... Chill lang kuya! Hanggang sa pati yung immigration officer eh minadali ni kuya kaya naman sinungitan si kobie at kung anu-ano pa hiningi! Hahahahaha!

At dahil passport ko yung huling inasikaso... Sino yung feeling nagultramarathon sa hingal eh kasi ang fit fit ko lang eh no!?!?!? At anakngtakte!!!! Sino nagdecide na ilayo yung gate mula immigration!!!! At shet sila! Di man lang in-on yung walkalator!! Homaygeds! Buti na lang talaga binaba ko na sa chocolate hills level yung pride ko at di ako nagpakaeverest kasi nung inoffer nung kuya kunin yung bag ko nung start eh... Ok lang kuya! Kaya ko na! At nung medyo nafefeel ko na na bibigay na lungs ko...Buti nagoffer ulit si kuya! Hahahhahaha!

Super duper push pa si kuya sa amin ni kai... Kasi yes! Naabutan ko si kai kasi fit ako eh! Ahahahha! Az eeef!!! Eh kaso nung medyo 3/4 of the way na yung natakbo namin todo push pa rin si kuya kasi maiiwan na daw talaga kami... Eh kasoooo helloooooo hanggang dun na lang talaga yung kapasidad nung lungs ko no!!!!! Hahahha! Kaya naman pag tumatakbo si kuya at di nakatingin sa amin eh naglalakad kami hahahah! Para pag tumingin si kuya, makakatakbo ulit kami at makikita niya na todo effort din kami! Hahahahha!

May nangyari pa ulit pagkarating namin sa TPE airport eh kaso kelangan na namin magready KASI FIRST DAY PA LANG NAMIN TODAY AT KELANGAN NAMIN MAGREADY so blues clues na lang muna:
Sino sumasakay ng bus kahit walang ticket at ang lalakas pa ng loob ilagay yung bagahe sa ilalim ng bus? Pilipinas lang?
At dahil nga walang ticket... Sino napilitan sumakay sa amoy yosi na bus na " no smoking" daw... Pero at least mura!

Latah! Taiwan wag mo kami patakbuhin masyado please lang!

posted from Bloggeroid

No comments:

Post a Comment