1998. Upgraded to Panasonic GSM. Globe na ako starting from this point. 0917-415-8714 yung number ko dati. Kaso nawala ko yung sim nung around 2003-2004 sa HK kasi magaling ako. Kaya wala na! Downgraded to a 0927 number ako. I forgot the exact model name, but I had the exact model shown in picture below. Naupgrade lang kasi biglang bumili yung tatay ko ng Nokia 5110 and he had no more use for his phone, so he gave it to me. Yey me! Ang cool ko kasi lumiit yung phone ko!
1999. NOKIA 5110 in da haws!!!! Again, donated by father dear. Bumili kasi siya ng Nokia 8210. Kaya akin yung tira-tira niya na naman. Mas cool yung sa akin kesa sa picture sa baba kasi haller! personalized yung cover! May eagle! Hahaha! Napunta to sa kapatid ko when I got my next phone.
2000. Ang una kong brand new na cellphone after my 1997 phone. Dahil naloko ko ang tatay ko! Mwahahah! Labyu pa. Sabi niya kasi pag nag-top ako sa batch namin for that quarter bibilhan niya ako ng bagong cellphone (alam niya kasing imposible). Sabi ko... Pa, masyado naman imposible yan. Pag nag-top na lang ako sa class namin, sabi ko. Sabi niya, Sige kahit sa class niyo na lang. Hindi ko naman alam na papayag siya. Sabi ko, pramis Pa? Bibilhan mo ako ng bagong cellphone pag nag-top ako sa class namin? Sabi niya, oo nga bibilhan kita. Naalala ko nasa Davao kami ng time na to. Dun kasi siya assigned nung time na yun. Ang hindi niya alam, lumabas na yung results for that quarter, hahahaah! Nag-top na ako sa class namin (for that quarter lang! hindi ko alam anong milagro nangyari sa quarter na yun). Sabi ko, Pa tara punta na tayo ng mall. Top ako sa class ngayong quarter! AHAHAHHHAHAH! Hello 3310! Hello SPACE IMPACT! Ang cool ko dati dahil sa Space Impact! Ako lang may game na ganun sa cellphone ko!
2002. Hello 6310i! Yes don't forget the i! hahaha! Di ko actually alam ano yung difference ng may i saka yung wala. Alam ko lang may i yung model nung akin. Ito yung favorite cellphone ko ever. So sleek and simple lang. Masakit lang sa bangs yung kulay ng screen kasi yellow. Pero coolness na yun dati. Nawala yung 0917 SIM ko habang pinapalitan ko yung SIM sa cell na to with a HK SIM.. kasi MAGALING AKO! Dinonate ko yung 3310 ko sa pinsan ko.
2003. Dahil nagpakyut ako kay Papa! Hello my dahon phone! Ito na yung pinakamatagal kong cellphone to date! Nokia 7600. May bluetooth! At may camera! Hallernesss!!! At mukha pang laruan! Sino ang cool?!?! AKOOOO!!!! hahahahaha! This phone lasted for 6 years.
2004. Dahil umuso ang SUN sim dahil sa unlicalls. Napabili kami ng ganito sa Greenhills.
Well, mukha siyang ganito... pero not exactly Nokia kasi naghanap lang kami ng mumurahing cellphone. Akala namin Nokia nabili namin, pero pagkauwi sa bahay... upon inspecting our cheaply bought new phones... NOIKA pala yung brand niya! hahahah!
So I had my 2003 and 2004 above.... pero di naglaon inabandona ko rin yung NOIKA ko at yung dahon phone ko na lang natira sa akin... hanggang sa maghikahos ito nung 2009. And even then, I had hard time letting go. Kung di lang kami pupuntang Thailand nun at di ko kailangan ng mas reliable phone na hindi kailangan ng flashlight para mabasa ko yung messages kasi bumigay na yung backlight niya.... di pa ako bibili ng phone....
Kung kaya naman... noong 2009. I bought my phonena hanggang ngayon eh phone ko pa rin! MABUHAY ANG XPRESS MUSIC NOKIA 5130i!!!! Don't forget the I!
Eto siya noon...
Pogi di ba?!?!? Pero eto na siya ngayon after mahigit 4 yrs...
Ayus pa rin di ba? Kung hindi nga lang sana 8 hours lang yung buhay niya...
Iniisip ko palitan... ng Xpress Nokia ulit hehehehehe! Ayoko kasi ng touch phone... unless bigyan ako di naman ako tatanggi... pero I like the functionality of this phone. May tab na ako na medyo kumakain na sa oras ko kasi mababa EQ ko... di ko na kailngan dagdagan ng smart phone yung buhay ko. Isip ko pa ano next phone ko.... ano kaya ok? Ayoko naman bumalik sa black and white na phone. Or yung black and yellow. Kahit pano naman naappreciate ko naman aesthetics at radio capabilities nitong xpress Music... iniisip ko kung may better model which is not a smart phone. Hanap hanaP!
No comments:
Post a Comment