I love having my own blog. Kayang kaya ko magwala dito kasi sa akin to. When I feel like I want to be a troll, I write my thoughts here. Kasi when I engage other people in their own posts, feeling ko napakasama ko lang na tao kasi nga post nila yun. Dapat di ako nagingialam unless gusto ko magpakasupportive pero kung mangkokontrabida lang ako. Wag na lang. Kasi di ko rin gusto yun pag may gumawa nun sa post ko. Ipapahiya ko talaga pag may nangtroll sa akin. Kasi nga, kung may gusto kang sabihin eh di sabihin mo sa sarili mong post... Pero kung wala kang magandang sasabihin eh di wag ka magkalat ng tae sa post ko. At dahil ayoko naman na yung page ko sa FB eh pinuputakte ng nega at dahil alam ko hindi lahat ng tao ay naniniwala sa kasabihang wag kang epal, nararamdaman kong may magcocomment ng kung anu-ano hanggang wala na sa point yung conversation sa comments kaya buti dito na lang.
So here it goes.
No! Hindi ako naniniwala na magkapareho tayong lahat ng Diyos. Pagod na ako sa mga naririnig ko na "OK lang yan, in the end, isa lang naman sinasamba nating lahat eh, yung lumikha sa atin". Pagod na akong nakakarinig na, "I am not a Catholic but I respect the show of faith that our Roman Catholic brethrens has shown during the visit of Pope Francis". Gusto ko mapamura pero that will negate all the things that I am trying to say here. No! I do not respect that show of whatever that was nung pinuntahan niyo si Pope Francis. I tolerate it kasi wala naman akong magagawa about it, but I do not respect that kind of showing because that shows me that you do not believe in the true God! Rerespetuhin ko ba yung mga tao na halos ituring nang diyos ang Santo Papa?! That is blasphemy! Nakakagigil! Insulto sa Diyos ko yun!
Ako, alam ko yung sinasamba ko yung lumikha sa atin. Kayo, hindi ko alam kung sino sinasamba niyo. Hindi iisa si Jesus, Allah, Buddha, at Vishnu. Saka hindi na Virgin si Mary! Please lang! At lalong hindi Diyos ang Pope! Magkakaiba silang lahat!
Kung ang Diyos nga nagalit na ginawang palengke yung simbahan (hello Quiapo Church at kung san san pa), lalong magagalit yun na sasabihin mo na kahit kasabihan ni Buddha sinusunod mo, eh sinusunod mo pa rin ang Diyos. Siguro yung ginagawa mo "Mabuti". Pero yan ba hinihingi sa yo ng Diyos? hindi. Sabi niya, Believe. Ngayon, kanino ka naniniwala? Meron ba ever sa Bibliya na iisa lang sila ni Allah at ni Buddha? WALA. Iisa ang God the Father, God the Son, at Holy Spirit. Never ko nabasa na inequate ng Diyos ang sarili niya sa universe o sa kung sino mang Diyos-diyosan. Ginamit niya si Mary bilang ina ni Jesus dito sa lupa kasi blessed si Mary. Hindi dapat sinasamba si Mary! Kasi tao rin yun! Kung sa linguwahe ng mundo: Sobrang swerte lang talaga ni Maria! (Isama mo na rin dito yung mga santo na dineclare ng Vatican, oo tao rin yung mga yun. Pwedeng exemplary buhay nila, pero tao rin sila! Hindi dapat sinasamba!)
Ang Diyos ang gumawa sa mundo, hindi ibig sabihin na kung ano ang ilabas mo sa universe ay yun din babalik sa yo, hindi yan spirituality. Ewan ko ano yan. Dati, nabasa ko yung The Secret... It kind of makes sense... It makes you want to believe in that kind of crap kasi madaling gawin. It was so easy to go along with what was written because I did not know better. Pero, now, I know better. Hindi porke't lumaki ako sa simbahan, at alam ko kung sino dapat na sinasamba eh hindi ako nagkakamali. Tanga rin ako minsan.
The religions of this world make it seem so easy to follow Christ, pero if you think it's easy, malamang mali yang pinapakingggan mo. Mas mahirap sumunod sa Diyos kasi ang Diyos never nangako ng kayamanan or ng madaling buhay. Sabi niya I will give you rest, di ibig sabihin nun lalangoy ako sa kayamanan pag sinunod ko siya. Gusto niya lang mahalin natin siya with all our minds, all our soul, and all our might. Sounds easy? Pero yan pinakamahirap na hiningi niya sa akin. Gusto ko man sabihin na oo, nagawa ko na yan kaso alam ko hindi. Hirap na hirap ako dun sa all my might kasi nadidistract ako ng mundo. Andiyan parati ang desires of the flesh, yep, malamon ako to the point na alam ko minsan mali na. Gusto ko maglakwatsa ng maglakwatsa kahit alam ko dapat nagsisimba ako every week. Marami akong excuse na sinasabi ko sa sarili ko na ok lang yan kasi kailangan ko rin naman magpahinga minsan. Pero there is this nagging feeling telling me that it's not ok to miss church. At ang hirap hirap magpatawad akala niyo! Kung kaibigan kita, malamang alam mo na hindi ako yung taong madaling magpatawad, I strive to be pero I have a hard time with forgiveness.
Nahirapan ka magabang kay Pope Francis dun sa ulan? Kawawa ka naman, mali na nga yung ginawa mo nahirapan ka pa. Bilib na bilib ang marami kay Pope Francis kasi exemplary yung mga katuruan niya... Pero, again, sorry, I'm not sorry. Kahit gano ka pa kaperpektong tao kung ikaw ang leader ng simbahan na sandamakmak ang maling katuruan... Ayos lang siguro kung maling spelling lang, kaso doktrina yung labanan, never mo ako mapapabilib. Mas bilib pa ako sa mga simpleng pastor ng mga simpleng simbahan na patuloy na nagtuturo ng tamang katuruan.
Akala niyo madali maging Kristiyano? Akala niyo lang yun. Mahirap ishare ang Diyos lalo na kung hindi ka perpekto. Mahirap sabihin sa taong napakabait at nagsisimba sa simbahan linggo-linggo na "Hoy, mali yang sinisimbahan mo kasi mali pagpapakilala nila sa Diyos! Oo siguro tama yung turo nila kung pano mamuhay sa mundo bilang isang mabuting tao pero hindi porke't mabuting tao ka, tama ang Diyos na sinasamba mo." Mahirap sabihin to lalo na sa kaibigan. Lalo na kung di ka nila kilala bilang seryosong tao. Mahirap sabihin to sa mga pinsan mo lalo na kung bata pa lang kayo sinubukan na rin sila sabihan ng tatay mo kaso for some reason, they don't see kung pano naging mali yung pagsamba nila. Mahirap maging Kristiyano, sinasabi ko sa yo.