And the people I'm going to rant about won't even care, I guess.
Pinuputakte ang FB feed ko about the pope. I even have a classmate who had front and center seat in one of his masses, if I'm not mistaken. Valedictorian namin. Matalinong tao kaysa sa akin. Kaso hindi ko talaga maintindihan ang kahalagahan ng pope sa spiritual life ng isang tao. Spiritual life meaning sa relationship ng isang tao sa Diyos.
From what I remember of my world history, the papacy was started mainly due to power struggles within the Catholic Church. At siyempre dahil malakas impluwensya ng simbahan , the papal seat was supported and exploited by those in politics (hari at emperador pa nun) if they wanted the support of the people. And more importantly, from what I know of the Word of God, and Diyos lang ang head of Church... Wala akong nabasang kahit anong tungkol sa santo papa.
Gusto ko rin linawin, Catholicism is not equal to Christianity. Kasi sa Kristiyanismo, si Jesus lang sinasamba, ang Trinity. Walang kung sino-sinong santo na dinadasalan na may specific expertise pa!
Isa pa sa pagkakaalam ko hindi Latin ang wika sa Israel at sa Greece kung saan yung venue ng karamihan ng events sa Bible. So di ko rin actually alam bakit ang tataas ng ihi ng mga pari about that language (Latin, I mean). Sa pagkakaalam ko, nakasulat sa Aramaic, Hebrew at Greek yung mga orig na pages ng scriptures na nakita na source ng mga bibliya natin ngayon (at least yung bibliyang walang dagdag bawas). Ewan bakit biglang naging Latin, theologians would probably school me in this discussion, pero kasi nung natranslate sa Latin akala mo yung mga pari kung umasta parang dun galing yung orig.
Again, hindi ako perpektong tao pero minsan kasi sobrang nakakafrustrate how some people are so blinded to what was fed to them. Oo lumaki akong pinapalibutan ng relihiyon, katoliko ang karamihan sa pamilya ko. Pero buti na lang ibinigay ako ng Diyos sa kung sino man yung magulang ko ngayon kasi pinakilala nila sa akin kung sino ang totoong Diyos. At sigurado ako, hindi yun yung binubuhat buhat ni Noli de Castro sa Quiapo.
At sigurado rin ako, kung kailangan ko ang Diyos ko hindi ko kailangan dumaan sa kung sino mang pari o santo papa para maramdaman ko ang presensya niya sa buhay ko. Kasi oo, cheesy na kung cheesy, pero alam ko nasa akin Siya at ako nasa Kanya. Hindi dahil pinili ko Siya, pero kasi pinili Niya ako. Oo ako, yung nagsusulat nito. Ako na hindi perpekto, ako na war-freak, ako na makasalanan. Mahal ko ang Diyos kasi minahal niya muna ako. Hindi ko kailangan makita ang kung sino mang self-declared head of church para maramdaman ang Diyos sa buhay kno.
Parang awa niyo na, iresearch niyo kung pano nagkaron ng santo papa bago kayo magkandaugaga sa Facebook na nakita niyo lang siya sa TV, feeling niyo blessed na kayo. Sabi nga nung isang post na nakita ko, ano pagkakaiba nung nasa TV siya pero nasa Vatican siya kesa nung nasa TV siya na andito siya sa Pilipinas. Geography lang.
Bago niyo sambahin yung taong yun (yes, tao lang rin yun), pakitandaan yung sabi ng Diyos, Siya lang dapat yung sinasamba. It is not wrong to look up to the elders of the Church especially if they lead you well in trying to emulate Christ pero parang awa niyo na, kilalanin niyo muna yung simbahan niyo kung tama ba yung katuruan, kilala niyo nga ba yung Diyos ng Bibliya? O baka naman kung sinong celebrity lang yang pinapakilala sa inyo.
People these days are so enamored with the current pope because he is all about Love. Kasi nga God is Love, pero tandaan niyo na and Diyos is also the God of Wrath. The current pope is "apparently" all about Christ, pero kung totoong na kay Kristo siya, he would never have allowed himself to be in a position called Head of Church... Kasi Diyos lang ang may karapatan sa position na yan.

posted from Bloggeroid
No comments:
Post a Comment