Thursday, March 3, 2011

Reklamador on a Roll

Pag walang nangyayari... mapapaisip ka tungkol sa mga bagay-bagay na kung baon na baon ka sa problema o kaya naman eh high na high ka sa kung ano man... eh sa malamang at sa malamang hinding-hindi mo mapapansin... much less eh problemahin man lang.

Yup! Intro yun sa mga napagiisipan ko these days. Tungkol sa mga walang kwentang bagay lang naman, but apparently nasa likod lang ng utak ko. Kung bakit ko naiisip tong mga bagay na to... besides sheer boredom that is... eh baka malaman ko in the course of writing this post... or pwede rin namang hindi.

Hmmm... wala... naisip ko lang kasi... ang tagal na bago nagkaron ng anything extraordinary na nangyari sa buhay ko... alam mo yun?!

Yung life-changing...
Yung mapapaisip ka sa gabi kung "Totoo ba to?"
Yung halos di ka makatulog kasi di mo alam kung paano plaplanuhin yung bukas kasi sort of may idea ka what to expect... pero feeling mo... more than what you're expecting... mas excited ka malaman kung ano yung mga unexpected na mangyayari bukas... kaso since unexpected nga eh di mo naman mahulaan.

Shit! I miss not knowing what tomorrow will bring! These days, alam ko gigising ako. Kung mag-e-exercise ako o kung manonood na lang ba ako ng TV eh choice ko. Maliligo ako and then papasok sa office. Then uwi ulit sa bahay para manood ng kung ano man. Tulog. Then repeat coda till fade.

Siguro insert na lang paminsan-minsan yung makipagkita sa mga kaibigan. Actually yun lang yung hindi routine sa buhay ko ngayon. Otherwise... WALANG HAPPENING!!!

Di ko alam bakit... feeling ko nararamdaman rin naman 'to ng lahat ng tao... pero ang hirap hindi mag-expect ng something extraordinary para sa buhay ko.

Alam ko gusto kong yumaman. Pero alam ko rin hindi yun ang be all and end all ng buhay ko. It would just be nice to know na di na issue yung pera with regards to things I want to do. I don't think being rich or being famous is extraordinary (although, depending on how you got famous... that would be debateable).

I just know that I am meant for extraordinary things. What these things are... THAT'S WHAT I'M LONGING TO FIND OUT!

Boredom go away!!!!

2 comments:

  1. repeat code till fade!! hahaha pota nao i feel you!! sobrang boring ng life ko... yung mga meet ups at chismisan galore lang ntn ng papasaya sa life ko today!!

    ReplyDelete
  2. ang boring di ba?

    i mean... minsan nga sa sobrang boring eh nilo-look forward ko na yung trabaho kasi sa trabaho at least minsan may unexpected... like kung biglang nag-abend yung job o kaya biglang may bagong requirement sa isang project... at least kasi dun taena medyo tumatalon yung dugo ko... hassle pa nga minsan pag wala akong ginagawa sa trabaho kasi maiiwan na naman ako with my poor lonely thoughts! shet!

    hay naku! totoo! mga meet ups na lang talaga with friends yung kahit papano nagpapahigh sa akin these days...

    otherwise sobrang blah lang talaga ng buhay ngayon!

    ReplyDelete