Thursday, March 24, 2011

Laaa Deee Dah!

Gusto ko mag-siestaaaaaaaaaa!!!

Galing kaming Dampa kasi pinakain namin ng sangdamakmak na seafood 'tong PM ko kasi uwi na siya mamayang gabi sa UK. Homaygeds.. calamares galore! Well calamares lang gustong kong papakin kanina.

Pagkatapos ko lumamon antoks na antoks lang talaga ako! Hahaaha! Tapos nauto ko 'tong PM namin na kumain ng manggang may bagoong. Eh ako nga di ko trip bagoong eh... naisip ko mas lalong aayaw tong porenjer na to kesa sa akin. Pero siyempre tinikman niya pa rin! HAHAHAAHHAHAHAHAHAHHA!!!!

Nakakatawa yung reaksiyon niya! Sarap pagtawanan ng mga nauuto! Pero in fairness di siya uminom ng tubig after niya iluwa yung manggang may bagoong. Kung ako yun, TUUUUBIIIIIIIIIIG!!!!!

Homaygeds! ilang oras na lang.... I WILL BE FREE FROM SPOKENING ENGLISH FOR THE ENTIRE DAY!!!

Hmmm... kaya siguro kating kati na tong ilong ko... nagmumukha na akong Rudolph kanina sa sobrang kati ng tuktok ng ilong ko... Wala naman akong kulangot... and besides... kung dumi sa ilong ang cause dapat yung loob yung makati...

Akala ko pa naman may tumititig na naman sa pikchur ko kaya makati ilong ko! Allergic lang pala ako sa sobra-sobrang English words! Hahahahahah!

Sana kanang kamay na lang makati sa akin para limpak limpak na salapi ang dumating sa akin!

No comments:

Post a Comment