Thursday, March 10, 2011

On shitting.

Nung regular hours pa ako. Ganito ang schedule ko.

Gising
Toothbrush
Tae
Ligo

In short, bago ako lumabas ng bahay... I am free of all bodily shits.

Kaso ngayong magulo na ang schedule ko kasi depende na siya kung kelan ko FEEL lumabas ng bahay... sabog na rin yung TAE schedule ko... but not necessarily my tae, yung schedule lang yung sabog. My taes are very healthy looking taes...

I can prove it... if anyone dares to challenge this fact. Hahahaahah!

Heniweis... as I was saying... magulo nga schedule ko... tumatae pa rin naman ako araw-araw. Iba-iba nga lang schedule. I still prefer shitting at home kasi sa bahay marami akong libro. Feeling ko mas madami pa akong reading materials sa banyo kesa sa toiletries. I like to linger on the throne when shitting. Ayoko ng feeling bitin sa pag-ebs.

Eh kaso... minsan... actually scrap that... madalas...inaabutan ako ng pangangailan dito sa office. And like what I said before... keribels lang kasi may unli-tissue kami dito sa office and most of the time, as long as wala pa yung mga BPO people, malinis yung banyo namin. Kelangan ko lang tumayming para less tao yung nagbabanyo para di naman masyadong nakakahiya pag lumabas ako ng cubicle tapos biglang may sumunod dun sa cubicle na ginamit ko... malalaman niya kung ano ginawa ko di ba!!?! Hello lang! Walang taong amoy orange yung tae! Kahit yung taong panay orange yung kinakain... amoy tae pa rin ang tae niya.

At since wala naman akong posporo to hide the smell, sa timing na lang ako umaasa.  Tumatae ako usually at unusual hours... hindi ka pwede tumae kapag divisible by 15 minutes yung oras... dapat tipong 2:43PM o kaya 7:37PM o kaya 5:12PM... dapat walang sense na oras yung tae time mo kung ayaw mong mahuli.

Eh kaso langgggg... pano kung wala ka sa ulirat... at the very least tatlong tao ang mag-eenjoy sa halimuyak ng tae mo... and at the most... yung tatlong taong yun... di mo super ka-close... pero magkakaroom kayo... at wala kang masasabi sa sarili mo kundi: at least naghugas ako ng kamay!

Lesson learned: Tumingin sa relo bago pumunta ng banyo. Oo nga at witching hour ang 3AM... pero hindi ibig sabihin nun... SHITTING hour ang 3PM.

No comments:

Post a Comment