Yes. Kung for the past week eh sobrang bored ako.
Ngayong week... kung di ako umiiyak... highblood ako.
Alam ko di naman ako depressed ata... wala lang... bawal umiyak? Sarap kaya umiyak.
Di naman ako umiiyak ng walang dahilan. Tipong manonood lang ako ng movie, tapos may maiisip na ako tapos iiyak na ako. Tapos matagal ako iiyak. May isang beses muntik na ako umiyak with sound effects... pero di naman nag full blown hagulhol so keri lang.
Pero pag dumadating ako dito sa office mainit na ulo ko.
Little things set me off. Di naman ako nagwiwild or whatever. More like... sobrang annoyed lang ako na ayoko magcomment sa kung ano man. Kasi pag nagcomment pa ako tapos biglang kontrahin ako ng mga epal na tao eh baka makasapak talaga ako.
In fairness to me... kahit ilang beses ko na talaga gusto manapak ng tao... and even if madaming beses ko na sinabi na mananapak ako eh di naman talaga ako nanapak. Yung seryosohang sapakan I mean. Alam ko lang capable ako... pero nacocontrol ko pa naman yung urge of physically harming anyone who annoys me. Nung makita ko sa news yung mga nag-braw-brawl na babae, medyo thankful ako kasi di pa ako nasali sa ganung away ngayong di na ako nasa gradeschool. Hello!!! Nakakahiya lang kaya! May kahihiyan pa rin naman pala ako... apparently. Pero depende pa rin siguro sa cause kung magsusuccumb ako to the urge of smashing someone's face in.
Speaking of smashing a face, may isang beses pala na nanaginip ako, although I don't remember much of the dream, naalala ko medyo vividly yung last scene and what caused it.
Basta naalala ko, nagising akong sobrang galit na galit. Tapos yung last scene bago bumukas yung mata ko was me punching someone's face over and over and over and smashing her face into a car's window over and over. Sa pagkakaalala ko merged face ng isang college friend saka isang acquaintance yung babaeng yun. Ayoko sabihin pangalan nila hahaha! Baka kasi may mag-google ng pangalan nila tapos mag-appear tong blog na to! Shy ako! hahhah!
Anyway... sinapok ko pala ng paulit ulit yung babae kasi siya yung naging cause ng cardiac arrest ni Papa sa panaginip ko. Naalala ko nasa hospital na ata si Papa by that time tapos hinanap ko yung babae.
Di ko na maalala exactly pano kami napunta sa likod ng isang sedan, basta andun siya sa may right side tapos paulit-ulit ko sinusuntok yung mukha niya. Tapos pikon na pikon ako kasi di dumudugo yung mukha niya kahit anong lakas ng suntok ko. Well di naman ako nagtaka kung bakit di sumasakit yung kamay ko even when I'm trying my hardest to pound on her. Basta nung nakikita ko na di man lang nagkakapasa yung mukha niya, I tried grabbing her head tapos sinubukan ko talaga i-smash yung ulo niya dun sa bintana at kahit anong hampas ko sa ulo niya dun sa bintana, di rin nababasag yung bintana. Nagising akong sinasapok pa rin ng paulit-ulit yung mukha niya.
Di ko alam kung titigil ba ako kung nakita kung duguan na siya. I doubt it. I would have killed her if I could.
Yung siguro yung isa sa mga pinakanakakapikon na panaginip ko ever. I wanted to see her bleed demmit!
Ayan... di na ako masyadong pikon. Back to werk!
No comments:
Post a Comment