Monday, February 28, 2011

BORING... as usual...

OK.... sobrang walang happening sa buhay ko ngayon.

Di naman sa umaangal ako. Pero kasi taena pag sobrang walang nangyayari... para ka ring deads. Parang nag-flat line na yung linya sa oscilloscope... mas mabuti pang tanggalin na lang yung saksak kasi wala rin naman happening.

Siyempre sana naman kahit sinusoidal sana yung graph ng buhay ko okay lang... siyempre mas maganda sana kung naka-absolute value o kaya raised to an even number para parati lang positive... isang beses lang ako madedepress... dun lang sa 0... pag tulog lang ako...

Pero siyempre dahil di naman ata posible yun... ok na rin ako sa sinusoidal... pero mas ok sana kung yung equation will result to a crest which has a higher amplitude kesa sa amplitude ng trough... hmmm... may sinusoidal equation nga ba na pdeng ganun? taena ayoko na mag-google ng mga sinusoids... basta sa pagkakaalala ko.... possible siya sa oscilloscope hehehe i-aadjust mo nga lang yung sinusoid paakyat sa y-axis.

Taena ano na ba tong pinagsasasabi ko.... alam ko lang kanina sa banyo may gusto akong ikwento tungkol sa wiwi... kaso pagkabalik ko sa upuan ko nakalimutan ko...

Makauwi na nga 12 hours na ako dito! Sabi nga ni William Wallace sa Braveheart...

FREEEEEDDDDDDDDDDOOOOOOOOOOOOM!!!!!

No comments:

Post a Comment