Thursday, April 18, 2013

MAY NABANGGA AKO KANINA!!!! Hahahhahaahhah!

Okay... binasa ko ulit yung last blog na pinost ko..... dun sa listahan ko... ito lang nagawa ko:
1) Maghugas ng dishes
2) Magwalis
3) I-clear ang kalahating part ng table!
4) Maligo
5) Sundin ang breakfast plan ko.

In short, magulo pa rin bahay! Hahahha! Pero at least malinis na kusina at walang kakaibang amoy na nagiindicate na may bagong halamang tumutubo sa dirty dishes ko! Hahahah!

Regarding breakfast... SUCCESS!!!! Wooohooooo! Kaso pagkagising ko ng 4PM (kung kelan dapat lumabas na ako ng bahay....) EH GUTOM NA GUTOM NA AKO AT TINATAMAD NA AKO MAGLUTO.... napa-order tuloy ako online sa Jollibee! Hahahhaahhahah! potaenang internet yan!!! Kasalanan ng internet! Kung wala sana akong internet di ako makakapagpadeliver! Kasi wala akong load pangtawag sa Jollibee!! INTERNET IS DIABLO! hahahah! Ang galing ko talaga mag-place ng blame sa iba! Woooohoooo!

AT LEAST NASUNOD ko yung breakfast plan ko! Hahahah! One step at a time!!!!  next time pramis di na ako papadeliver!

Pending task for me (rewind lang actually ng previous post, with add'l comments on certain tasks)
1) Follow meal plans assigned. Hindi lang sa breakfast! Hanggang dinner dapat!!! Okay mag-deviate... WAG LANG JOLLIBEE/MCDO/other delivering establishments na kind of deviation!
2) Mas linisin pa ang bahay
3) Maligo at tanggalin ang libag na dulot ng dumi ng outside world, pawis at nabakbak na sunburn! Shet ang ineeeeet ineeeeet!!! Grabe! pwede na ata ma-igib tong pawis ko these days!!! Di ko na kaya hindi mag-aircon sa tanghali mehn!!! Buti talaga may aircon! Thank you aircon!
4) WAG HUMIGA NG 4PM!!!! Lumabas ng bahay at gumalaw! --> kelangan ko talaga i-prioritize to.
5) Read the Bible again.
6) Japanese lessons.
7) Learn something new.

ok 7 tasks to do.... Sana magawa ko kahit man lang 6! Hahahahah! AIM HIGH!!!

Heniweiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii, gaya ng sabi ko sa title....

MAY NABANGGA AKO KANINA SA PARKING!!!! Hahahhahahhahahah! Habang paalis ng bahay! Tanga koooo talaga!!!!!!! Pero tanga rin yung driver ng kotseng nabangga ko! hahahhhah! Pero mas tanga ako... pero basta tanga rin siya!!!!!

Eh kasi ganito yun! So umaatras na ako ng super slowly... kasi never naman ako nag-park ng patalikod... parating paharap ako magpark kasi nga mas kabisado ko yung harap ni Fabio... So atras na ako... eh kaso medyo nalate yung kabig ko ng manibela ng slight so medyo malapit na yung right side ng kotse dun sa isang poste.... so dun ako nag-focus na wag ako dumikit ng sobra dun sa  poste.... so forward ulit then atras at maneuver ulit yung kotse para mas magkaspace between the Fabio at yung poste ng biglang....

BLAHG!!!!! (okay di ko talaga maalala yung eksaktong sound epeks, pero isipin na lang natin na BLAHG!!!!! yung tunog)

FUCCCCCCCCCCCCCCCCCCCCCXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX!!!!! May kotse pala sa likod ko!!!!!

Ok, tanga ako kasi di ko nakita yung kotse KASI NAKAFOCUS ako dun sa poste...

Kung bakit tanga yung driver nung isang kotse... EH KASI PUTANGINA!!! TAMA BANG MAGPARK SA DAANAN NG SASAKYAN AT MATULOG!?!?!?!! HINDI SIYA SA PARKING SLOT NAKAPWESTO! DUN SIYA NAKAPARK SA DINADAANAN NG MGA KOTSE KAYA NGA DI KO INEXPECT NA ANDUN SIYA KASI WALANG KOTSE DAPAT DUN.... AT KUNG MERON MAN... HINDI DAPAT NATUTULOG!!!!!!! KAYA NAMAN DI SIYA NAKABUSINA IN TIME PARA DI KO MABANGGA YUNG KOTSE NIYA! EPAL SIYA!!!!!

Pero dahil ako nga yung gumagalaw at wala naman siyang kasalanan kundi matulog at magpark sa lugar na hindi pinagpaparkan... siyempre karamihan kasalanan ko pa rin... so todo-sorry pa rin ako... buti na lang nagpramis na ako sa sarili ko na never na ako magdrdrive ng paatras ng sobrang bilis kaya naman walang damage yung kotse niya at kotse ko...

PERO SHET ANG LAKAS PA RIN NG TUNOG! Pero at least slight heart attack at panginginig lang ang naidulot sa akin at hindi loss of my MILLIONS OF MANEH! ahhaahhaah! as if!

Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay!!!! KABAAAAAAAAAAAA TO THE HIGHEST LEVEL!

Again, I reiterate.... Tanga ako kanina, pero tanga rin siya! hahahahahhahah!

Ayaw lang malamangan!
FOCUS na nga lang on doing my assigned tasks sa buhay!

Go me!!! Dagdagan natin: Wag tatanga tanga ulit!!!

At least lesson learned.... focus! and be aware of your surroundings! kasi kahit slight tanga ka lang minsan, may ibang taong nakikipagsabayan rin sa katangahan mo na nasa paligid mo lang, which could possibly lead to a major disaster! Shet! Buti talagaaaaa! ambagal ko umatras shet siya!

GOOD VIBES!!!!!!!!

No comments:

Post a Comment