Friday, April 12, 2013

Hokay! Baguio here I come!!!

TNF na naman next week sa Baguio. No, hindi ako kasali sa TNF kasi di ako fit enough to be anywhere near TNF. Support crew level lang (i.e. tambay habang naghihirap yung iba).

Minessage ako kanina ni Cece at Ria kung pupunta nga raw ba akong Baguio for TNF. Medyo nagdadalawang isip ako kasi hassleness kasi nga Sabado pa ako makakaalis dito kasi super coolness lang tong trabaho kong di makasabay sa oras ng Pilipinas! Paker!

Si Cece naghahanap lang ng makakasamang tambay, si Ria naman... ewan gusto lang siguro makakita ng matabang nilalang as a reminder na mas mabuti ng tumakbo ng 100K kesa maging singkatawan ko. Hhahaha! Labyu Ria!

KAI! Pasabi kay Hubert mababa rin self-esteem ko! See paragraph above! Ahhahaaha!

Pero heniwei, yun nga super nagdadalawang isip ako... pero since sobrang exciting nga naman ng buhay ko kung titigil lang ako sa bahay for the weekend.. might as well sumama sa Baguio di ba? at i-mock lahat ng mai-injure (hindi naman sana yung injury na halos katukin ka na ni kamatayan, yung mga pacute na injury lang tukoy ko... like sprain sa gitna ng race ganun!) at kung hindi man mainjure, eh yung mga nakatapos ng race pero in pain yung buong katawan nila at halos di makagalaw habang ako ay pahikab hikab lang at tsumitsibog dun sa gilid ng nasi goreng. Shet excited na ako kumain ulit dun sa malaysian resto na parang turo turo lang sa liit!

Besides, si Cece midnight na rin ng Fri makakaalis at nagpramis na ako kay Ria na punta nga ako....

Eh kasoooo lang! Hahahaha! Nakalimutan ko kanina kung kelan yung TNF! Hahaha! Super panic ako kasi nagpramis rin ako sa magulang ko na uuwi ako bukas... eh naalala ko parang yung TNF may 3 dun sa date kung kelan siya gaganapin sa Baguio... so todo panic ako sa kotse habang iniisip kung kelan nga ba talaga siya.. kasi pag nagkataon, double booked ako... kasi dalawa yung pinangakuan ko... at dahil wala akong wifi na dala at haller! driving rin... so di ko macheck kung kelan nga ba yung TNF.

Pagkarating na pagkarating ng office yun agad yung ni-google ko.... apparently hindi April 13 yung TNF... kundi APril 20-21... at asan kamo yung 3 na iniisip ko? andun sa 2013! hahahahaahh! April 20-21 2013! ang galing ko! hahahahha!

So anyways!!! Ayun... Boracay last week with Spice, Subic tom with family... then Baguio naman next week with UPM friends. Ang saya-saya! Di na ako tambay ng bahay masyado these days! Well... actually choice ko rin namna maging tambay ng bahay...

ANG SAYA KAYA MATULOG AT MAG-SERIES MARATHONS (more than marathon races, I believe! Hahahaha!)

No comments:

Post a Comment