Hahahahha! Clingy mode na naman ako!
Pag umuuwi akong Subic... feeling ko ang dami kong namimiss na happening sa pamilya namin... kahit alam ko naman na tambay mode lang madalas yung pamilya ko...
PERO KAHIT NAAAA! Ang sarap sarap lang tala tumambay sa bahay! Kahi nakakamatay yung ineeeeet!
Pero ang saya saya! Dun ako sa kwarto nila Papa at Mama natulog this weekend kasi ang linis linis linis laaaaang! Hahahhaha! hindi gaya ng kwarto ko at ni Aubrey na parang ginawang tambakan ng mga damit.
Kaya siguro luminis kwarto nila Papa! hahha! Lahat ng kalat trinansfer sa mga kwarto namin... Pero hindi rin... kasi mga damit na nakakalat lang yung mga nasa kwarto namin...
Just in case di niyo alam, hoarder ang tatay ko! hahahah! Actually hindi naman hoarder, more of pack rat.... gaya ko! hahhaha! Feeling niya lahat ng bagay magkakasilbi pa sa future.... pero yung mga pinapack niya yung mga resibo at papeles na kung anu-ano na di maitapon tapon ni Mama kasi nga "importante" daw sabi ni Papa.
Ako naman... pack rat din... pero mas mild kesa sa tatay ko... after 5 years kaya ko na maglet go ng mga resibo! Hahhahaah! Sheeeet! naiimagine ko na naman yung mga gamit sa bahay na hindi akin! GuSTO KO ITAPON!!! Kaso magtatampo si Mama!. Pero di bale.. feeling ko dinadahan dahan na nila Mama i-general cleaning yung bahay kasi sosyal yung sakit ng tatay ko... Allergic sa dust! hello lanG! So pag nalinis na yung mga gamit sa kwarto namin... dahan dahan ko na iuuwi yung mga damit nila Mama at papa na nasa aparador ko lang at nagiipon ng alikabok... sabihin ko allergic na rin ako! ahahaah! As if! Isusunod ko yung mga figurine ni Mama!
Pero yung di ko ata talaga maitatakas pauwi eh yung mga barbie ni Mama.. pero susubukan ko pa rin! Try and try until you succeed!
Kaya nga siguro nalinis na talaga yung kwarto nila Mama kasi alam ko inatake ng ubong walang kamatayan si Papa last month! Hahhaa! Yun lang pala solusyon!
Hay shet! Back to my problem... gusto ko ulit umuwi ng Subic!!!! ayoko na pumunta ng Baguio! hahahaa! Sino magulo isip? Hahahaha!
No comments:
Post a Comment