- porener na ayaw magbigay ng abuloy sa batang harang ng harang sa kanya habang naglalakad sa may Station 2 (nakita namin on the way sa Juice Bar). Di ko alam bakit di niya lang sinabi na wala siyang pera... ang nasabi niya lang: "Uh... Uhym Hoong-gree" (Briton na nauutal at gutom na daw apparently)
- realization na kami lang ni Axis ang may chance tumira sa UK nang hindi naghihikahos umintindi sa mga nakatira doon kasi si Axis lang nakaintindi ng inulit ko yung sinabi nung isang Briton: "Eeets Be-ah!"
- realization na totoo talaga ang kasabihan na "If there's a will, there's a way". Kasi will ni Des kumain sa True Food at nakakain kami sa True Food. Pero siyempre hindi before tumanga kami Hubert dun sa baba kasama na naman ang mga confusing if high school or college gels dun sa may tabi namin... not knowing na nasa taas na pala sila Kai n company. feeling pa namin ang bagal bagal lang nila kumilos! hahaha!
- nanay na porener na may kati lang talaga sa katawan! Bading, lalaki, at poste.... nakiskisan niya na ng katawan niya
- nakakahiyang event sa loob ng McDonalds (na amoy tae/imburnal yung labas) kung sober kami... at dahil may tama kaming lahat... di na gaanong nakakahiya... hahahahaha! Sa amin nila Des, Kai, Hubert, at Axis... si Hubert lang yung medyo "dignified" kasi siyang tuod to the highest level... kung di ko pa nga alam yung mga kwentong landi niya... iisipin ko talagang maputing kahoy lang siya na tinubuan ng mukhang may keloid (labyu Hubes! hahaha!) Kaya naman pag naiisip kong kasama si Hubert sa amin ng sumigaw kami ng bongga dun sa loob ng McDo, natatawa talaga ako... Si Des, Kai, at Axis... ahm... di na bago sa mga yun ang magwala at sumigaw, lalo na si Kai! Hahahaha!
- walang kamatayang nap time
- walang singtinding hiking namin nung tanghali mula station 2 gang station 1 sa ilalim ng walang singtinding init ng araw kung kelan di pa ako nakakainom ng tubig at di pa ako nakakain since midnight.... kaya naman super madali ako sa paglalakad! Akala ko ako lang yung nagsusuffer hahahaha! Buti nalaman ko from Des na siya din naghikahos sa lakad na yun! HAhhahah
- tae ni Hubert at Kai na ayaw maflush! Hahahahahahaha! Kadire lang forever!
Stuff I obsess about, stuff I can't tolerate, stuff I can't live without, and stuff I'd rather do without... in short... Rants, rants, and some more rants!
Wednesday, April 10, 2013
Boreh-cahy!!!!! PUB CRAAAAAWWWWL!!!!
Hahahahah! ok! Napakadelayed ko lang magkwento. Actually tinatamad na nga ako magkwento about it. Pero siyempre kung di ko isulat dito eh baka tuluyan ng maglaho ang mga alaala ng nakaraang weekend, gaya ng:
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment