Hahahhaha! Akala mo naman tumakbo ako dun sa TNF. Sad to say, HINDI! Isang napakalaking HINDI.
Display lang ako dun. Pumunta lang ako dun para tumambay, moral at alalay-sa-bahay support sa mga tumakbo at sa iba pang tambay, i-enjoy ang malamig na hangin ng Baguio, at magpakita sa mga kaibigang matagal nang hindi nakita.
And akalain moooo.. another gahreat news at hand! Buntis si Riaaaaaaaa!!!!! Mwahahahahha! Lahat kami excited for a new baby Punks/Ria! hehehehe! Kung babae daw, pangalan will be Aurora Borealis, as decided by the excited papa himself. At pag baby boy, pangalan daw will be Aurora BOYrealis! Hahahahhahah! Taena napaka-adik lang talaga ni Punks! hahahhaah!
Akala ko kaya ako kinukulit ni Ria pumunta ng Baguio para magkita kami after nila kumarera.. yun pala tambay rin siya.... so sabay pala kaming tatambay! Kaya pala di siya tumuloy sa karera kasi nga may baby coming! Hahahha! Napakagaling! At ang una daw nilang inisip nung nalaman nila ay shiyet!!!! Di si Ria makaka-karERA! ang galing lang talaga! Hahahha!
But heniweis, aside from that super great news, eh di ayun nga tsismisan galore... sila uminom ako kumain! ahahha! Andami tsismis nakakatuwa! Hahaha! sinong tsismosa?! Sabi na talaga! Pinanganak talaga ako para manirahan sa parlor! Di ko na ikwekwento mga tsismis kasi baka mahayblad lang ako... yung mga happy kwento na lang isusulat ko muna...
Sa 50K category, madami silang natapos. Pero yung naunang nakauwi ng bahay.. si Miles at David... the rest di ko na kilala heheheh! Si Ninoy, Henry at others... DNF... di umabot sa cutoff. Pero si Henry tinapos pa rin yung 50K, tapos ang saya niya lang kasi pagkauwi niya raw sa hotel nila, meron siyang home-made finisher certificate careof mga anak niya! hehehhe! Kyooooottt!!! Saya na naman ni Diether a.k.a. Henry with the hair!
Yung sa 100K category naman, tatlong UPM lang nakatapos... kaso yung dalawa lang nakita at kilala ko. Yung isa, kakakilala ko lang dun mismo, si Sherwin (around #35th ata rank niya)... pangalawa si Mike... photofinish! Hahahha! Aylavet! Parang ilang minutes na lang ata tapos cut-off na for 100K runners saka siya dumating sa finish line! Happy! Happy! Joy! Joy!
Yung ibang 100Kers, a.k.a. Punks, Twylah, Jeng, Luis, Rolie, Sheila... hanggang 70-75K lang inabot tapos na-cut-off na sila dun sa 1am na cut-off. So natulog na lang sila at nag-antay ng sundo! Hahahah! Kahit DNF, sabi nga ni Twylah... EH BAKIT BA?! Mas marami pa rin silang tinakbo kesa sa yo! hahaha! Saka hello!!!!!!? 75K na takbo!??! eh ako nga di pa nakaka-21K! haller lang!
Pero ang astig kasi parang wala sa kanilang in pain pagkabalik sa bahay... mas hirap pa maglakad yung mga 50Ker kesa sa mga nakapag-75K. pero yung masaklap yung buhay, si Rolie... 5 minutes too late siya! 5 minutes after cut-off saka siya dumating dun sa station! Eh since late is late, ayown... sad! Siya pinaka-heart broken sa lahat kasi halos kasabay niya si Mike. Sila Twy, Punks, at Jeng yung mga chill lang... sariling pace lang talaga at saktong enjoy the view yung ginawa...
Nang nasa bahay na sila lahat at nakapagpahinga na nung Sunday... ayun usap usap na... mag-re-revenge daw silang mga DNF next year! (Si Rolie yung hesitant, kasi nga heartbroken pa)... kaso nakita nila akong lahat na nakaupo at tumatawa lang... sabay sabi ni Punks sa akin... o Naomi! bukas training ka na! 100K ka rin next year!
Natawa na lang ako! Hahahahha! Adik lang! taena 6.6K nga hirap na ako! 100K pa! Never ko pinangarap tumakbo ng 100K no!? di pa ako baliw...tapos later dumating na si Mo... ayun na-convince ni Jeng na mag-100K... tapos tumingin sa akin.... hahahah! akala niyo madadala niyo ako sa tingin!>!>! Helloooo.!??!?! di niyo ako killa kung ganun!
Kaso kanina, nag-email si Jeng ng training plan for the 100K na ginamit raw ni Penny (eto yung adik talaga tumakbo at kumarera, yumayaman sa kakakarera to kasi siya madalas magplace sa mga babae) sa amin ni Mo....
Napaisip tuloy ako! Hahahhahahah! Hindi naman sa balak ko tumakbo ng 100K... napaisip ako... kahit 50K siguro pwede.... ahahahhah! but wait... I mean... kaya ako napaisip kasi di naman pure semento yung tinatakbuhan nila... may trails talaga sa bundok... so essentially.. parang tumakbo lang ako sa bundok... eh I love mountains and view sa mountains.... di nga lang ako fit enough now... pero if I train for it... can I do it? I know with my current fitness level.. hindi talaga... pero kapag kareerin ko to? Kakayanin ko kaya???? Is this the new goal I should be setting my sights on? Or magiging one of the casualties lang kaya ako na kailangang nilang isipin? Ayoko naman magparescue at maging pabigat sa mga kaibigan ko no?!
I love the thought of this new possibility... but first things first. Kelangan ko muna talaga tumakbo!
July Goal: 6.6K in 45 minutes!
August Goal: 10K in 1 hr and 15 mins
October Goal: 15K in 1hr 45 mins.
Parang aplikante ulit ang drama ko... haaaay! lezdodeeezz!!!
No comments:
Post a Comment