Showing posts with label La Familia. Show all posts
Showing posts with label La Familia. Show all posts

Tuesday, February 26, 2013

Depress-depressan Mode Ovah!

Okay. I AM NOT DEPRESSED... na.

Hahhahaahha! Over the weekend emo-mode ako. Ayun tuloy di ko nakita ang Spice dabarkads! Hahahah potek natatawa ako... Spice dabarkads! ahhaha parang G-Mik lang! hahahaha! Hay ang "tanda" ko na! G-Mik pa naalala ko... di ko na nga alam kung anong usong teen shows ngayon.

Heniwei... di ko pa masabi sa kanila nung start kasi I'm like so shy and all. Kahit nga kina Mama ayoko rin sana sabihin kaso hello ang hirap rin kung hindi sabihin kina Mama kasi kulang na lang hanapan na nila ako ng tirahan dun! Hahahah! Kaya sila agad sinabihan ko para tumigil na ang delusion nila. Although gabi na nung sinabi ko kahit tanghali pa lang nung Friday eh alam ko na.

Matutulog na ako dapat nun kasi kakagaling ko lang badminton. Eh mga 630-930am yung laro namin, so pagdating sa bahay eh konti na lang babagsak na yung mata ko sa sobrang antok... Pero dahil ayoko matulog ng gross ako... so naligo muna ako kasi hello lang! Basura mode much ako after nung laro. As always! Napipiga ko na yung pawis na naipon sa pony tail ko! Yucky kadiri but oh so refreshing! Tagal ko na kasing di nagpapawis ng bongga.

Ang saya ko pa pagkarating sa bahay... Kaso around 11am after ko makapagroutine ligo, hilamos, toothbrush, body lotion all over, at mag-moisturizer ng mukha (in fairness ngayong pinagpapawisan na ulit ako unti unting nag-didisappear mga kapimpolan ko sa mukha... yun nga lang hello scars everywhere! Buti na lang yung iba maganda yung pwesto... nagmumukha lang akong may dimple.... yung iba naman... hayuf sa pwesto! Para akong caricature na may freckles sa pisngi... But instead of freckles, ay pimpeeeels! Buti na lang naidadaan sa angle ng camera at sa instagram editing kaya lumalabas pa rin yung tunay kong gandang natatabunan ng sandamakmak na pimple peklat! Pero ayos lang wala pa rin naman akong keloid sa ilong! Labyu Hubes! Sana di mo mabasa to! Hahahah!) And as always, I digress...

So after everything, hihiga na ako dapat sa aking walang kamatayang pwesto sa sahig sa tabi ng sopa (pwesto selected as such para makapagtago sa sikat ng araw na tumatagos sa kurtina kong makapal hindi lang sa tela kundi sa naipong alikabok na rin)... tapos naisip ko... macheck nga yung instagram (my favorite app these days) baka may astig na picture. I like looking at beautiful pictures ng kung anu-anong bagay. Pano ba namang hindi... eh beautiful picture nakikita ko araw-araw sa salamin... I like funny pictures rin... Kasi kung yung ibang tao ay crazy, beautiful (sabi nga nung movie), ako naman ay funny, beautiful! Hahahahha! Uupakan ko yung kumontra dun sa beautiful part!

Pagkabukas ng tab, Lo and behold! May email ako galing dun sa kumokontak sa akin for interviews. Siyempre nginig nginig to the bones. Pero yung ini-expect ko na sagot ay yung tipong.. wala pang feedback from client yada yada... KASO NOOOOOOOOO!!!!! Ayoko na ireiterate yung exact words dito.... pero absolute value 1 enclosed in a parenthesis multiplied by -1... In short... NEGA yung sagot. Para mas malinaw ganito: (|1|) * -1 = -1

GETS?! Gano man kapositive yung simula kung may negative sa huli... Negative pa rin! Anaknangshet!

So ayun... yung antok  na antok kong utak.. biglang nag-overdrive to overwhelming sadness. Di naman ako naiiyak or anything nung time na yun. Pero basta alam mo yung parang masakit sa puso ng slight. Hahahaahah! Ewan baka hineheart attack na pala ako dahil sa size ko tapos naisisi ko lang sa balitang natanggap ko that time... pero basta that's what it felt. So ayun. Tulala mode ako for about 10 minutes pero I can't help thinking... I can't waste my waking time staring at the stupid ceiling. So internet galore na lang muna ako to take my mind off of things. So ayun... nasobrahan naman ako sa aliw dun sa game na nilalaro ko... at sa kung anu-anong bagay na pwedeng mabasa... around 2PM na ako nakatulog. Kung hindi sumakit yung ulo ko sa sobrang pagod at antok... di pa siguro ako makakatulog kasi nakaover drive pa ako... Salamat sa Diyos Friday ko natanggap yung news. Alam niyang pagod ako when I arrive home and I wouldn't have time to dwell on things too much kasi yung katawan ko na mismo yung bibigay.

Yun nga lang... Hello weekend!!!! Hahahah! Enough time to think things through. So ayun... emo-mode ako through the entire weekend. Iniwan ko phone ko sa kotse para wala akong makausap. Sa internet kasi pwede ka pa rin magtago. Hahhahaha Sorry Des! After mo mag-msg inoff ko na yung wifi ko! Kasi di ko pa kaya makipagusap.

Ang mali ko lang... nakalimutan ko baliw mode nga pala yung parents ko... Pagkakita ko nung Lunes nung phone ko... ahehe... sandamakmak na calls from Kai, Des and fatherhood. Pero ni-msg ko naman sila Papa sa FB... so alam  nilang kahit emo ako... eh buhay pa rin naman ako...

So ayun... after thinking things through... I realized... hello!!! February pa lang! I have the rest of the year to look for a new one, God-permitting. OR at the very least, I have the rest of the year to distract myself with travelling all over this beautiful country called Pilipinas!

So masaya na ulit ako!
Boracay and Baguio for April. Davao and Vietnam (?) for May. Cebu on June!

Sana di puro drowing to travel plans ko. Wahow! Wahow! Happy thoughts! Cahmowndaaaawn!!!

Tuesday, March 6, 2012

Langit-Lupa Ninja Version

Namimiss ko na 'to.

Gaya lang siya ng regular langit-lupa. Pero may alloted area for the langit. Pero kung makakalipat ka sa ibang mataas na lugar, a.k.a. langit, na di ka nakikita ng buwaya* kasi nag-ala-NINJA ka... pwede lumipat. Pero kung nakita ka ng buwaya na lumilipat ng langit, ikaw na yung buwaya. Kaya kelangan magaling ka kung mag-ni-ninja ka!

* Buwaya tawag sa taya sa amin dati... kaya naman naging nickname ng isa kong pinsan ay Buwaya... kahit maganda siya... parati naman siyang taya kasi mahilig sumali kahit ayaw namin pasalihin kasi kami "mature" na nun... siya bata pa... i.e. gradeschool na, siya kinder pa.. hahaha! kaya pinagtutulungan namin siya para di na siya sumali.... kaso mahilig sumali kahit sinasabihan namin na huwag na... ayun tuloy Buwaya na siya ngayon hahaha! KAMI = mga naunang apong ipinanganak sa Baron Clan.

Wednesday, February 8, 2012

Bye Tito Nonong...

Ngayon ko lang inattempt isulat to kasi everytime naiisip ko na wala na si tito naiiyak ako. Still remains true right now. Ayoko pa sana isulat to kaso parang unfair na di malaman ng mundo na wala na yung isa sa kakarampot na matinong taong nanirahan dito.

Siyempre tito ko siya so malamang alam ko naman yung general kwento behind his death. Pero naisipan ko pa rin i-google kung may makikita ba akong news about it sa net. Meron naman. Kaso di ko maaccess.
======================================================================

Ang tito ko na kilala ng Iloilo bilang Mayor Zafiro S. Palabrica ay kilala naman naming magpipinsan as Tito Nonong. Di ko na ikukuwento yung accomplishments niya kasi pwede mo yun i-google. Ikwekwento ko na lang kung pano ko siya kilala.

Pito sila nila Papa. 4 sila na lalaki. Siya yung panganay na lalaki, papa ko naman yung bunsong lalaki.
(The other brothers: Si Tito Otto ko, di ko na nakilala. Di pa ako pinapanganak ng pinatay siya. Paborito niyang kanta yung Aubrey na ipinangalan naman sa kapatid ko. Si Tito Ilo naman, bihira ko lang makita.) 

Despite the age gap (70 si tito, tito sorry kung mali, tapos 60 naman si papa) and the geographical gap between them (Iloilo based si tito, pakalat kalat naman yung tatay ko) siya yung kapatid ni Papa na pinakamadalas kong makita. Pinupuntahan niya kami madalas kung san man kami nakatira.. Samar, QC, Subic, etc. Kami naman, madalas nakikitira sa bahay nila Tito pag pumupunta kaming Iloilo. Bingawan kasi yung madalas namin na destinasyon.

Dahil sa mga project niya sa probinsya... alam ko kung ano yung best na "farm vacation". Agriculture kasi ata dati yung focus ng projects niya. Basta, dabest talaga pag umuuwi kami ng Binggawan dati. Probinsiyang probinsiya talaga but NEVER naging boring.

I remember him being excited about the little things nung maliliit pa kami. Yung tipong ipa-experience sa amin yung pagsakay ng kalabaw for the first time. Ipakita yung bago niyang project na mga fish pond. Siyempre kaming mga bata di naman alam yung halaga ng mga project niya pero pag siya nagkwekwento maeexcite ka kasi talaga, kasi kasama ng projects ay yung adventure that comes along with it.

Nung medyo matanda-tanda na kami alam ko kakampi naman siya ni Papa sa paglecture sa akin sa kung pano wag magpa-api sa lalaki. Not that I needed it, pero siyempre nakinig pa rin ako. Mabait ako eh. Hahaha! Pero yun nga, I remember naglelecture silang dalawa kung anong uunahin kung suntukin/sipain sa lalaki/babae kapag daw biglang may attacker. Di ko na maalala kung sino exactly yung nagsabi ng alin kasi pag nagsalita yung isa mag-aagree lang yung isa tapos elaborate with actions. Pag lalaki daw, i-karate chop ko daw muna yung adam's apple sabay dukot sa mata. Kasi pag tinamaan adam's apple di na makakahinga agad yun. Double attack kaagad para wala ng chance gumanti. Pag babae naman daw, sipa pa rin sa groin/grab ng boobs/suntok sa tiyan... kasi kahit wala tayong balls na girls masakit pa rin daw yun pag sinipa mo ng malakas... yan ang lessons nila sa akin. Marami pa actually pero yoko na ikwento kasi baka may makabasang evil.

 Later on.. nung malaman ni tito na umaakyat ako ng bundok... unlike Papa and Mama na ayaw talaga ako umakyat... niyaya niya ako umuwi ng Iloilo para daw maakyat ko mga bundok dun. I kept saying.. "Sige Tito... pag nakabakasyon ako ulit sa Iloilo... promise ha?!"

Little did I know na yung magdadala ulit sa akin sa Iloilo eh yung pagkawala niya. Sorry 'to. Di na kita makakasama umakyat o kahit man lang simpleng tambay lang sa likod ng bahay niyo.

Di man kita madalas makita. I always just knew na in few months andito ka na naman sa Manila/Subic... kaso ngayon... I'll have to settle for the few memories that I have of you. Ayus na rin siguro yung few... kasi feeling ko kung mas madami gaya ng meron sila Ping at 'te My... baka mas masakit rin yung pagkawala niyo.

Kita kita na lang sa mata 'to. Love you!

Monday, November 14, 2011

On Weddings: All or Nothing

Dati... ayoko talaga ng thought ng ikakasal ako sa simbahan.  Una... hassle! Tutubuan ako ng mushrooms sa tagal. Pangalawa... hanep na gastos ang kaakibat nito. Kasi hello lang! Alanganaman sa Jollibee mo lang pakainin yung guests mo?! Nagpakasal ka pa sa simbahan... eh di sana nag-civil wedding ka na lang kung talagang nagtitipid ka.

Kaso nung Saturday, nag-attend kami nung wedding ni Kuya Ep-ep... (Tito ko siya actually, pinsan ni Mama. Kaso 4-5 years lang ata agwat niya sa akin... although feeling ko 500 years gap namin kasi pag bata ka... ang 4-5 years na agwat ay parang ilang daang taon din kasi ibang-iba nga naman talaga ang mundo ng mga Grade 1 sa mundo ng mga Grade 6.)

So ayun... ang masasabi ko lang... ang astig-astig lang talaga ng reception! hahahah! Na-late ako sa wedding itself sa simbahan kasi putang-ina yung traffic last Sabado!!! Buti na lang sinabi nila Mama na 3pm yung wedding kahit 330 naman talaga.. kaya naka-abot kami nila Aubrey at ng isang pinsan ko dun ng 350pm! Hahaahah! So di na talaga ganun katagal yung kasal for me.  Hehehe!

Basta ang ganda-ganda lang talaga ng reception... sobrang organized! Ganda ng table settings. Ganda ng pagkaayos ng conf room. Ganda ng AVPs! Ganda nung isang guest (ako! Inayos ng pinsan ko yung buhok ko... ang ganda ko lang. Siya rin nag-make up sa akin kaso mukha akong bangkay! Ayoko lang magsalita MASYADO (nagsalita naman ako pero slight lang) kasi baka mahurt siya ng todo! Hahaha! Ayus naman yung hair.... kaso sanay ako sa kagandahan ko via Tesoro (O YAN TESS! IKAW NA PINAKAMAGALING MAG-MAKE UP!) Hahahah! Buti na lang walang aircon ulit si Fabio kaya naubos rin yung make-up ko on the way to the wedding kasi nga putang ina yung traffic at sobrang init lang ng alas-tres ng hapon sa loob ng kotseng walang aircon... kaya naman adorably normal looking na ako by the time dumating ako sa wedding kasi nasa tissue na lahat ng excess make-up ko kakapahid ng pawis!) Hahaaha!

Anyway.. back to the reception.... Ang saya saya rin nung speeches. Nakakatawa mostly... typical yung iba... at meron din yung di mo alam kung kelan matatapos... pero buti na lang me rolls and butter sa table kaya di ka mapapawelga sa tagal ng speech kasi busog ka at maraming pakalat kalat na waiter kaya pde ka umorder ng kahit anong inumin kasi bottomless lahat. And besides... katabi ko yung isa kong titang ume-emo kasi 39 na at di pa rin siya kasal (in fairness di siya mukhang 39... di ko nga naisip na 39 siya until sinabi niya sa akin yung age niya... nasa isip ko kasi 28 yrs old pa rin siya... tapos narealize ko.. imposible kasi ako mag-2-27 na)... kaya naman no dull moments rin.

Basta ang elegante ng wedding-reception... Hehhee pinagbawal rin nga kasi nila yung mga bata. Yung mga bata lang na naka-attend eh yung mga pamangkin lang ng bride and groom. Tapos yung iba teenagers na. Kaya di rin magulo at walang sangkatutak na yaya na nakakalat sa kung saan-saan.

Narealize ko... ayus rin naman pala yung ganoong kasal. Di naman pala sa ayaw ko ng kasal sa simbahan... Kelangan lang talaga sobrang organized at elegante ng kasal ko kung magpapakasal man ako sa simbahan... alam ko may illusions of grandeur ako minsan... di ko lang narealize na yung culmination nito eh yung idea ko ng church wedding. Kasi kung hindi ako mukhang reyna sa kasal ko... di bale na lang... gagastusin ko na lang yung pera ko sa pagliliwaliw sa honeymoon ko.

Kaso bago ako magmukhang reyna sa kasal ko... putanginang hari yan ha! Where na you?! Here na me! Me budget na ako ng wedding natin! Kelangan ko na lang yung pera mo! Hahahahahahahahhahahhahhah!!!

Sunday, October 9, 2011

DAY 1/2: HAY AM SICK!!!

Taenang yan!!! Nilalagnat akoooooo!!! at sinisipon!!!

Hahaha! Naaawa ako sa roommates ko kasi sa malamang at malamang eh humihilik ako! Kasi hello lang! Di lang naman ako makahinga ng matino! Tapos yung mga kasama ko pa sa room eh apat na intsik na ala-Hubert rin yung gustong temperature ng kwarto... mga polar bear.

So lagnat + polar bear temp room =  SUPER DUPER LAMIG! Pakerpeys... Kaso... shy ako... so di ako makasabi... hahahaa! Besides, naisip ko... nilalagnat naman ako so maya-maya lang iinit rin yung kama ko dahil sa temperature ko! Hahhahaha! Homaygeds! AKo na! Ako na ang hindi war freak! I am so timid!

Namiss ko tuloy si Kai... kasi kung andito yun... sumisigaw na yun ng: "I want to talk to your manager!!!!" Hahahhaha!

Pakdatshet! At least, isip ko, di pa naman ngayong araw yung akyat ko. Bukas pa naman, so may oras pa ako magpagaling. Camown! Camown! Camown! Immune System don't fail me now!!!

Buti na lang talaga pinabaunan ako ni Mama ng gamot. Insisting pa naman ako na di ako nagkakasakit. Taena! Mali pala ako... for now. I love Mama! As in kompleto pinabaon sa akin, Paracetamol, Tuseran, Bioflu, at Neozep! aylaveeeet!!!

Anyway, gising pa ako kasi ginising ako ng pantog ko... at in fairness, pagkagising ko... medyo mataas-taas na yung temperature. Finifigure out siguro ng mga roommates ko kung ano yung ingay na naririnig nila kaya nila pinahinaan yung aircon.... tapos narealize nila... okay, we hear mucus! Kelangan di na pababaan ang temp ng room kasi baka biglang maging kulangot yung sipon ko at mabara na ng tuluyan yung nasal cavity ko at since sounds like naghihikahos yung bibig kong magdala ng oxygen sa katawan ko eh mamatay pa ako dahil dun.

 Anyway, pag-check ko ng time kanina, 2am... at dahil nasa tuktok ako ng bunk bed... eh halos ayaw ko gumalaw kasi ayoko naman mang-gising ng taong natutulog sa baba ko di ba? Eh kaso, narealize ko.. either magigising siya sa galaw ko habang bumababa ako ng kama... or magigising siya kasi tumutulo na yung wiwi ko sa kanya... at napagtanto ko... Hmmm... feeling ko mas gugustuhin niya magising sa galaw ng kama kesa sa tumutulong mas mainit than usual na wiwi dahil nga may lagnat ako! Am I brilliant or what?! I KNOW!

I am brilliant!

Wala pa ako masyadong fun kwento... sana may fun naman na mangyari sa akin sa trip na to... fun as in nakakatawa... hindi yung fun as in total adventure... kasi I read somewhere that an adventure is a trip that you survived where everything went wrong. Kasi kung di ka nag-survive, tragedy or total kaengotan na yun. And besides, hello!? Parati nga akong tama di ba? Ayoko naman ma-wrong na naman ako.. Once or twice is enough. Next time ko na ikwekwento yung pang-twice na kamalian ko. Medyo masakit pa sa damdamin eh.

NEGZ TAYMS! Pahinga na muna ako... I will survive!!!


Saturday, October 8, 2011

Tonight... I dine in Kota!

WAHOW ! Wahow!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! THIS IS IT NA IT!!!!

Excited na ako... pero natatakot at the same time!!!

SHEEEEEEET!!! Matagal ko na sinasabi na gusto ko i-try yung trip na ako lang, pero now na andito na siya... nanginginig na akooooo!!! Hahhahah! Taena!

Matagal na naman ako nagtratravel ng mag-isa, pero kadalasan may kasama ako parati dun sa kung san man ako pupunta. This time... WALA!!!

Natawa pa ako kay Mama kanina... siyempre concerned si motherhood...

Mama: Alam mo na kung san yung mga tutuluyan mo?
Ako: Siyempre!
Mama: May susundo ba sa yo pagdating mo dun?
Ako: Ma, alam ko mukha akong prinsesa... pero walang susundo sa akin dun! Di rin ako pulitiko dun... so malamang mag-bu-bus lang ako!

Ready na naman lahat ng tutuluyan ko... pero shiyet sa lahat ng shiyet!! My heaaaart! I'm so heart attack... Sana di ako maubusan ng English... basic Malay lang ang prinepare ko!!! yung mga thank you, sorry, good bye at good morning lang! Tapos dagdagan ko na lang ng ngiti... Taena, charm!!! Don't fail me now!!! Di man ako sexy (minsan), di man ako kagandahan (at times)... alam ko adorable ako parati!!!! (Unless naka-war mode ako)...

Let's camown!!! Excited na ako magsabi ng: Terima Kasih!


Saturday, October 1, 2011

Of Radios, DJs, Annoying DJs, at mga kantang di ka na nilubayan... (Part 1)

RADIO

My earliest memory of a radio station is the one which hosted Bombo Radyo... AM! Yun kasi yung kinakagisnan ko every morning kapag kasama namin si Papa. Yun kasi yung paborito niya pakinggan kasi dun mo mababalitaan kung may bago na naman bang inambush yung mga NPA.

Alam niyo naman... sa linaki-laki ng Samar at sa sobrang kasukalan ng terrain nito... idagdag mo pa yung mga walang-kwentang pulitiko na wala ng naitulong sa development ng highways ng probinsiya namin... eh naging paboritong hang-out na ng mga NPA yung Samar. The more difficult the roads are to maneuver, the easier it is to ambush people! Feeling ko, friends yung mga pulitiko ng Samar saka mga NPA dati... Substandard kalsada kasi yung mga pinapagawa madalas, so madalas masira... meaning, mas madalas may ambush! Kaso medyo matagal na akong di nakakauwi... so di ko sigurado kung kamusta na mga kalsada dun... i.e. kung BFFs pa ba yung mga politicians at yung mga mahilig mang-ambush ng sundalo.

Heniwei... dahil mas maka-TV ako kesa sa radyo... my next encounter with the radio was in highschool... kung kelan we visited a local radio station, second year HS... actually, di ko alam kung FM ba sila or AM.. basta alam ko lang sila yung nag-pro-produce ng drama sa radyo... yung mga tipong Matud Nila (i-google mo na lang kung di mo 'to alam). Dinala kami sa room where they do the recordings. Andun na rin sa room yung mga props that they use to make the sound effects... a small door... small meaning, duwende sized door... to save space, I gathered, and a pair of high heels and regular shoes for the running/walking away sound effects, I guess. Tapos pinakilala kami sa mga voice talents, i.e. yung mga voice-actor ng dramas...

Dun ko narealize that a voice indeed is a many splendored thing... Hahhahaha! May flamboyant gay person kasi na actor, may regular guy, tapos may girl... so ayun start na sila magbasa ng scripts nila... LAKING GULAT KO LANG NUNG MAGSALITA YUNG BADING! Mas lalaki pa yung boses niya dun sa regular guy!!! Hahahhahaah! I know that anyone can do different voices.... pero kasi di ba???! Pag nakikinig ka sa radyo, you always assume that what you hear is what you get... apparently, this would be one of the very few things where I'd be wrong! Hahahah!

So anyway... my next Radio-related encounter was when we had a part-time DJ for our History teacher... pogi na sana (actually crush siya ng mga kaklase ko.. matangkad at may itsura) kaso... parang may schistosomiasis (pronounced SIS-TO-MYA-SIS in pinoy slang haha!)... bloated yung tiyan niya... di naman sa ini-insulto ko yung bloated tiyan niya kasi hello lang! Ako rin bloated tiyan ko ngayon (btw, sexy pala ako dati di ko alam, akala ko mataba ako kasi I was basing my size on my petite cousin... malay ko ba na may body frame pang paepek epek.. if only I had known it then... mas nakapagyabang sana ako! ahhahaa!!) Anyway, Yep! Let's call it that.. bloated! It will eventually unbloat. I wish, hope, and pervently pray.

As I always, I digress. Ayun malaki tiyan ng teacher ko na yun... eh kaso ang tangkad tangkad tangkad niya tapos tingting yung katawan niya... so imagine a stick drowing na biglang may 3D na bola sa tiyan. Weird di ba?! Medyo di nakakaencourage maging motivation/inspiration sa pag-aaral... AS IF! hahha!

My last memorable radio encounter na nag-aaral pa ako was during college... Dinonate ng tatay ko yung JVC radyo niya sa akin... with a CD player, tapos may auto-tuning ng stations! AMAZING!!! (was what I thought back then. Hello!! When you're used to turning knobs and just depending on your fingers' dexterity to get the best reception there is... MILAGRO ang auto-tuning! Hahahaha!)...

Anyway, I used to listen to Jam! 88.3 kasi they used to play jazzy tunes... Eh si Jenggy, my oldest boardmate was into Jazz... so medyo nadamay ako... pero kasi minsan siyempre may tunes rin na di mo type... so kahit papano... you check out other stations...

Then one early morning... I don't really remember what day... hehehe! I discovered a station na sobrang nakakatawa lang yung pinaguusapan ng dalawang DJs parati... it was a feel good station... they were Chico and Delamar... I actually didn't know their names... basta tawang-tawa lang ako sa mga usapan nila na naabutan ko. Actually, minsan yung tawa kasi nila contagious kaya natatawa ka na rin kahit minsan di mo gets hehehe... Anyway, siguro 5 years later ko pa malalaman yung pangalan nila... OO! HINDI AKO UP TO DATE NA TAO!

Then I forgot about radios again kasi medyo sumingit na yung real life... binubugbog na ako ng kurso ko at biglang umuso ang pagiging nocturnal... Ay onga pala.. biglang dumating nga rin pala ang Smallville, Meteor Garden at kung anu-ano pang ka-lechehan sa TV at siyempre pa... ang walang kamatayang computer games at onga rin pala... biglang umuso ang CD-ripping at mp3s.

Thursday, August 25, 2011

Akalain mo! Nakikinig pala nanay ko sa akin!

Hahhahaha! In fairness kay mother... nakikinig rin pala siya sa mga kwento ko... kahit di buo yung kwento ko kadalasan dahil na rin sa sarili kong pagpupumilit na itago sa kanya ang mga bagay-bagay! Hahahha!

Alam ng nanay ko na umaakyat ako ng bundok (dati... kasi ngayon.. sobrang tamad ko lang... Pero aakyat ako this long weekend!!!! after 1 year! pota! Sana lang di ako kailangan itulak pababa sa Lunes kasi baka maging jelly-legs na ako by then)

Anyway.. biglang nagpost yung isang childhood friend ko... na naakyat niya rin yung Daguldol... (kanina ko lang nalaman yung details kasi di naman ako madalas mag-FB)... biglang si mother ni-msg ata si L-o-r-i-b-e-l-l-e kasi daw umaakyat rin daw ako ng bundok.. ang yabang lang talaga ng nanay ko pag feeling niya makakalamang kaming dowters niya! Hahhaha! AS if!

Tapos kinukwento nga ni Mama sa akin na nag-apply rin daw si L-o-r-i-b-e-l-l-e ng UPM... kaso parang wala naman ako naririnig na may bagong jinajapeks na naman yung mga matatandang nilalang sa UPM so alam ko parang mali.. kasi medyo japeks nga to si L-o-r-i-b-e-l-l-e... hahha sinong praning?! AKO!

Baka lang kasi may magsearch ng japeks + name of friend eh mahanap pa tong blog ko! Hahhahaa!

Ayun.. kaya naman pala eh kasi sa LM nag-apply si Lori... nagtaka rin ako kasi sa pagkakaalala ko student pa yun... so malabong lumabas pa ng Ateneo org yung nilalang kung gusto niya rin lang mamundok... Ang mga atenistang kilala ko na naging UPM, usually... working na nung nasali... kasi hindi ganun ka-student-friendly ang mga mountaineering orgs... lalo na kung yung kurso mo eh 5 years... may pasok kayo sa summer... at isama mo na rin dun yung Saturday classes!

I therefore conclude nakikinig sa akin yung nanay ko! Alam niyang UPM ako... kahit Atenista ako! Hehehee! Love you Mother dear! KAhit parati mo pala ako ina-award.. in fairness nakikinig ka rin naman pala kahit pabulong na minsan yung mga sinasabi ko... hmmm.. o baka kaya siya nakikinig kasi pabulong... I wonder...

Friday, August 19, 2011

Now... What do I say!!!?!?!??!

Nagbunganga yung nanay ko ng sinabi kong tutuloy ako ng Bohol mag-isa.

I did my research. I already have my IT. Kulang na lang i-book ko yung accoms sa Bohol. Considering na di naman peak season ngayon... and besides... nasa Pilipinas ako and I doubt kung mahihirapan ako kumuha ng accom sa Bohol kahit di ako mag-book beforehand... so I wasn't too worried.

Medyo namromroblema na ako actually sa Bohol... pera issue... hahahah! dami kasing sabay sabay na bills lalo pa patapos na yung buwan saka bibili na akong camera ko! wahow! ... pero medyo may solution na ako dun... withdraw na muna sa savings... eh kasoooo... biglang nagyaya si Mo ng akyat sa long weekend... (3K lang budget)

Eh hello! Sabi nga ni Des... andiyan lang Bohol... madali lang puntahan... Eh yung bundok na mura at rarely may nagyayayang akyatin kasi di siya ganun kalapit... or kadali (?)... MINSAN LANG.

So bundok na lang di ba? Besides training ko na rin for Kota...

Kaso... ngayon... ano na sasabihin ko sa nanay ko!??!?!

Ma... di na pala ako mag-bo-Bohol mag-isa... aakyat na lang ako ng bundok ng may kasama.

Hahhahahahha! Taena.. timing-timingan na naman to pag pinaalam ko mga balak ko sa buhay! Shet!

Sunday, June 19, 2011

Maki-uso kaya ako...

Bakit ang daming buntis bigla!? Ok... 2 sa pamilya namin... tapos isang kaibigan. Yung dalawa ni-joke ko lang ng Happy Father's Day tapos biglang totoo pa la na magiging tatay na sila! tae!

Pero AYUS! mga bagong baby na naman... pero bakit feeling ko nagsulputan bigla sila?hahhhah!

Tae! tumatanda na akoooooo!!!

Nung gradeschool... uso saranggola, chinese garter, piko, dampa, jackstone, at kung anu-ano pang larong pang-kids...

Nung highschool... uso sa mga lalaki tumitig sa mga salamin na baon nila sa school at ang metal/alternative rock bands; sa aming girls, nagsimulang umuso yung mga pagkahilo sa sangkatutak na codenames ng mga crush namin at ang walang kamatayang boybands.

Tapos, noong college... umuso naman ang debut na a-attendan.

Ngayon, biglang ang uso na eh kasalan at buntisan sa mga kaedad ko... well actually...now that I think about it... uso rin pala yun noong college hahaha!

I dread the days na magiging uso na ang libingan.

CONGRATS SA MGA BUNTIS!!! And Happy father's day sa mga totoong tatay at sa mga magiging bagong tatay! :)

Wednesday, June 15, 2011

Mga puno sa buhay ko....

Sobrang hirap lang gumawa ng family tree ko... nauubusan ako ng space sa papel. Pito sila Papa, walo naman sila Mama. Kung sa Visio ko gagawin o kaya sa cartolina/manila paper (guys, remember those!?!? yung ginagamit natin for visual aids pag narereport tayo a long, long time ago!!! NUNG HINDI PA USO YUNG whiteboards, glassboards, projector, laptop at microsoft powerpoint!!! Hahaha!)... keribels siguro.

Mabuti na nga lang at youngest tatay ko at panganay si Mama... so kahit pano kung mag-attempt man ako... medyo may semblance of order naman yung family tree namin kasi pde ko ipagtabi yung pangalan ng tatay at nanay ko tapos organized pa rin yung pagkakasunod sunod ng pangalan according to age on both sides! O ha!

Kaso... besides sa tinatamad ako, di ko kilala lahat ng first cousins ko sa Papa's side ko (kasi matatanda na yung iba at yes.. medyo magulo kasi may mga singit na asawa on the side yung isa kong tito... hahahahah! oops! yung lolo ko rin pala kay Mama! May singit! Potaena! Pamilya ko na ang sobrang hanep ang kapit sa moralidad! Hahahaha!), eh feeling ko.... sa dinami dami ng pipols involved... kahit pa Visio ang gamitin ko... di maglalaon (yeheees kelan ko kaya huling ginamit yung word na yan! Filipino paper nung college malamang! Hahahaah!) eh magugulo rin lahat!

Kaso kahit gaano kagulo yung family tree ko... PAK DAT SHET SA GULO YUNG POTAENANG JOB TREE NA TRINATRACE KOOOOOOOOO!!!!

Galing galing kasi nung isang tao dito kung makasuggest!!! Na-impress lang dun sa flowchart ko nung isang araw gusto lahat na ng ide-decommission may flowchart na! Sarap batuhin sa ulo ng DOS-POR-DOS na gawa sa totoong Narra TREE!!

Monday, April 11, 2011

Bakit Ba

Wala lang. Eto ang go-to song ko pag wala na akong ibang maisip na kanta. Kasi siya ang may pinakamadaling lyrics and melody ever na kanta. We'll actually, chorus lang naman din yung natatandaan ko saka yung first 2 lines ng unang stanza, hehehe!

Pero siyempre pag andiyan si Aubrey... pinapalitan ko yung first line chorus para mairita siya... ginagawa kong:

Bakit, bakit ba si Kay-kay super ganda?!

Needless to say, pikon na naman si Aubrey... pero di ko actually sigurado kung dahil ba sa super factual lyrics o kung dahil 500 million times ko inuulit-ulit yung line na yun ng pakanta. Hahahahhahaha!!!! Hay! Pag bored ka... masarap magkaron ng kapatid na bruha! Hahaaha!

BAKIT BA?
Siakol

Nag-aaliw sa usok at beer lang ang kasama
Mas okey pang laging gan'to, nalilimutan ka
Hindi ko malaman sa 'yo kung ano ang drama mo
Bakit lagi mo na lang sinasaktan ang puso ko?

Tandang-tanda ko pa noong tayo'y namamasyal
Napasulyap lang sa iba, bigla mo na 'kong sinampal
At sa kaseselos mo nga'y lalong minahal kita
Subalit nasaan ka na, sumama sa iba.

Chorus:
Bakit, bakit ba iniwan mong nag-iisa
Bakit, bakit ba, sa akin ba'y nagsawa na
Sinusunod naman kita kahit ano, kinakaya
Wala pa ring k'wenta, bakit ba?

Ano ba ang nakita mo at pinagpalit mo 'ko
Nakasisiguro ka ba ngayon sa bago mo
Sana ay mahalin ka n'ya at wag kang sasaktan
Kahit di na tayo, problema mo'y sabihin lang.

Pilit ka mang limutin ay naghihintay pa rin
Nagbabakasakali na muli kang dumating
Bakit ba kayhirap ng kalagayan ko ngayon
Kaya sa 'king sarili ay laging nagtatanong.

Tuesday, March 8, 2011

Napipikon ako

Yes. Kung for the past week eh sobrang bored ako.

Ngayong week... kung di ako umiiyak... highblood ako.

Alam ko di naman ako depressed ata... wala lang... bawal umiyak? Sarap kaya umiyak.

Di naman ako umiiyak ng walang dahilan. Tipong manonood lang ako ng movie, tapos may maiisip na ako tapos iiyak na ako. Tapos matagal ako iiyak. May isang beses muntik na ako umiyak with sound effects... pero di naman nag full blown hagulhol so keri lang.

Pero pag dumadating ako dito sa office mainit na ulo ko.

Little things set me off. Di naman ako nagwiwild or whatever. More like... sobrang annoyed lang ako na ayoko magcomment sa kung ano man. Kasi pag nagcomment pa ako tapos biglang kontrahin ako ng mga epal na tao eh baka makasapak talaga ako.

In fairness to me... kahit ilang beses ko na talaga gusto manapak ng tao... and even if madaming beses ko na sinabi na mananapak ako eh di naman talaga ako nanapak. Yung seryosohang sapakan I mean. Alam ko lang capable ako... pero nacocontrol ko pa naman yung urge of physically harming anyone who annoys me. Nung makita ko sa news yung mga nag-braw-brawl na babae, medyo thankful ako kasi di pa ako nasali sa ganung away ngayong di na ako nasa gradeschool. Hello!!! Nakakahiya lang kaya! May kahihiyan pa rin naman pala ako... apparently. Pero depende pa rin siguro sa cause kung magsusuccumb ako to the urge of smashing someone's face in.

Speaking of smashing a face, may isang beses pala na nanaginip ako, although I don't remember much of the dream, naalala ko medyo vividly yung last scene and what caused it.

Basta naalala ko, nagising akong sobrang galit na galit. Tapos yung last scene bago bumukas yung mata ko was me punching someone's face over and over and over and smashing her face into a car's window over and over. Sa pagkakaalala ko merged face ng isang college friend saka isang acquaintance yung babaeng yun. Ayoko sabihin pangalan nila hahaha! Baka kasi may mag-google ng pangalan nila tapos mag-appear tong blog na to! Shy ako! hahhah!

Anyway... sinapok ko pala ng paulit ulit yung babae kasi siya yung naging cause ng cardiac arrest ni Papa sa panaginip ko. Naalala ko nasa hospital na ata si Papa by that time tapos hinanap ko yung babae.

Di ko na maalala exactly pano kami napunta sa likod ng isang sedan, basta andun siya sa may right side tapos paulit-ulit ko sinusuntok yung mukha niya. Tapos pikon na pikon ako kasi di dumudugo yung mukha niya kahit anong lakas ng suntok ko. Well di naman ako nagtaka kung bakit di sumasakit yung kamay ko even when I'm trying my hardest to pound on her. Basta nung nakikita ko na di man lang nagkakapasa yung mukha niya, I tried grabbing her head tapos sinubukan ko talaga i-smash yung ulo niya dun sa bintana at kahit anong hampas ko sa ulo niya dun sa bintana, di rin nababasag yung bintana. Nagising akong sinasapok pa rin ng paulit-ulit yung mukha niya.

Di ko alam kung titigil ba ako kung nakita kung duguan na siya. I doubt it. I would have killed her if I could.

Yung siguro yung isa sa mga pinakanakakapikon na panaginip ko ever. I wanted to see her bleed demmit!

Ayan... di na ako masyadong pikon. Back to werk!

Wednesday, February 23, 2011

Iya Iroy Paurit!!!

Ok... more like AKON IROY PAURIT!

Shet! magdedeposito ako dapat sa account ni Mama... binigyan niya ako ng series of numbers which I assumed was her account number...

ANAK ng tipaklong! ATM NUMBER PALA! at since Metrobank... and from what I remember... hindi traceable ang account number from your atm no, unlike Equitable/BDO.

Pero siyempre nagbakasakali pa rin ako kasi baka pde na matrace since huli akong nagka-Metrobank na account eh college pa. At tama pa rin ako. Di nga nila ma-trace... so pinakiusapan ko yung teller kung ibigay ko yung pangalan ng nanay ko eh baka ma-trace niya...

Sabi niya try ko daw muna itanong sa nanay ko... so tinawagan ko si Mama... eh ito namang nanay ko... insisting na kaya daw yan ma-trace kasi yan lang daw binibigay niyang number kay Tita Hilda (isa sa mga Tita ko sa Samar) tapos nakakapagtransfer naman daw ng pera...

So either sobrang hightech ng mga computer sa Samar, o tanga lang yung mga teller dito sa Metro Manila...

So balik ako sa teller tapos sabi ko kung pde niya icheck yung branch sa Catbalogan o kaya Subic.. baka mag-appear pangalan ng nanay ko...

Lo and behold! Meron daw account nanay ko sa SUBIC! So sabi ko... YAN NA NGA YUN!

Teller: Ma'am... kaso apat na account meron nanay niyo... tatlong Pesos na savings at isang Dollar... tapos iba-iba address...

ANAKNGSHET! Napaisip tuloy ako kung kurakot ba nanay ko... Eh kaso wala naman siyang kukurakutin kasi di naman siya nagtratrabaho na... so naisip ko baka dahil sa dinami-dami niyang "business" ventures na wala naman nangyayari...

So sabi ko.. miss paki-check yung 353D Finback St na address...

Teller: Ma'am dalawang account po meron sa address na yun eh.

Ultimate Result: Sigawan over the phone kasi napipikon ako pag nagsasayang ako ng oras at load lalo pa at unresolved yung problema. I-tetext daw ako ng nanay ko mamaya pag nalaman niya account number niya.

Shet! Akala mo naman ang yaman namin sa dami ng account number ng nanay ko...

Saturday, January 22, 2011

RAWRSH!!!!

This is the sound of many things.... and it is also the sound of me... drowning in credit card debt.

Pakshet! Sinabihan ko si mama na sasagutin ko yung pang-Malaysia nila ni Papa kasi may promo yung Air Asia hanggang bukas. Pero balak ko, Kota Kinabalu lang kasi 430 lang per way...

But NO!!!! Gusto niya KL... so Ok pa rin... Kasi 1130 lang ata per way... sige keri pa...

But No!!!! Gusto niya i-book ko rin si Aubrey saka si Tita Ning at Tito Eddie. Pero since sagot naman ni Tita Ning yung sa kanilang dalawa ni Tito Eddie... medyo half-grudgingly pumayag na rin ako... ok fine sasagutin ko na rin yung kay Aubrey....

BUT NO!!! Gusto ni Mama mag-side trip papuntang Singapore kasi gusto niya daw mag-Sentosa! PAKSHET!!!!!!

Not to diss SG or anything, pero from what I heard it's just a man-made beach naman daw... Sa dinami-dami ng magagandang beaches natin dito sa Pilipinas, siyempre I still prefer our beaches over man-made beaches ng ibang lugar... Saka I heard, overrated naman daw yung Sentosa... but then that's just what I heard, I haven't been there myself... but then again, I prefer natural scenery over man-made ones.

Ang point ko lang naman, Mother... kung gusto mo lang mag-beach sa Singapore... umuwi ka na lang ng Samar!!!

Enough is enough!!! ok fine... sagot ko yung flight fares nila... pero bahala na sila sa hotels nila... lilibre ko sana yung hotel nila ni Papa... eh kaso hello! di naman ako gawa sa ginto no! angdami na nila saka angtagal na nila dun! Hello lang!!!

Hahahahaha! Taena! hirap mag-prepare para lang di ako mapagalitan pag ako na ang mag-Kota sa October! MWAHAHAHAHAHA! di ko pa sa kanila sinasabi na 1 week ako sa Malaysia sa October! Pero shet! naiingit ako! di pa rin ako naka-Singapore ever, kahit man lang foodtrip gusto ko mag-SG. Shet!

Di bale... Mt Kinabalu and Palau Tiga... and hopefully Brunei... Please make up for Singapore for the mean time!

Wednesday, January 19, 2011

Sheeeeeeeeeeeeeet!!!!

Tangina! Naiiyak ako!!!

I sort of get it, but I kinda don't.

PUTA!

Saturday, December 25, 2010

Thanks Des and Axis! Love you!

This is the first Christmas day that I spent alone.

I'm usually with my family at home.... Samar, Davao, HK, Subic... it didn't matter which home... I was always with my family come Christmas morning.

Christmas have always been a big deal to most people. It is especially a big deal for our family because, at the same time, it's Daddy's (my maternal grandfather) birthday. We're not always with Daddy on his day. But I've always been with family whenever we had to call and greet him Merry Christmas and Happy Birthday. I may not have been with my parents one Christmas years ago... but I was with family... my titos, titas, cousins, neighbors, etc...

Christmas, more than anything else, is a family tradition. When we were kids, it was the time of year when my cousins and I would wait for our parents to wake us up at midnight because Santa just came and delivered our presents and put them in our socks labeled with our names (we got apples, toys, and candies). It was the time of year when we would wait for Tito Wences and his family to arrive because they usually bring the ham.

It is on Christmas when we get our "longed-for" gifts. It was on Christmas when I got my first Brickgame (I got the one which had a really cool-looking interface [it was bulky and heavy and I could have killed my sister if I threw it on her head]; not to mention its 13 games-in-1 feature which, at that time, was super-duper high-tech and cool). It was on Christmas when I got my Scrabble boardgame (not the cheap kind by the way, I got the expensive one... the one which you can't fold because it had an ala- Lazy Susan feature).  It was on Christmas when I got my very own Word Factory. Ok, I just realized I had nerdy gifts. ANYWAY...

When Mommy (maternal grandmother) died, I guess we spent less effort on how we spent our Christmases as a family. Nevertheless, whatever kind of effort that went into the preparations... it was always with family.

Last midnight, Papa's been trying to call me. I did not answer his calls because I was so pissed that they didn't tell me earlier that they were going home to Samar and I had to spend Christmas on my own. (We'll I could actually have spent it with my Tita Iday, Mama's cousin). But I didn't really want to. It'll just remind me that I was not with my first cousins and my Titas and Titos (Mama's brothers and sisters) and Daddy, and Aubrey and Papa and Mama. I really wanted to go home and spend it with them and then maybe visit Mommy and Lola's grave in the morning.

I've been denying that I felt bad that I had to spend Christmas alone but I really wanted to wallow in self-pity today. But I'm glad I didn't.

Des have been haranguing me since I-can't-remember-which-time-of-the-week-this-week (ever since I ranted that Papa, Mama, and Aubrey left for Samar and left me for dead) that I should join her and Axis somewhere... I didn't really want to intrude because they might have their own family traditions. In short ayaw kong sumawsaw no!

Anyway, Des and Axis called yesterday  to check what my plans were. Since I didn't have any besides my spa reservations, I agreed to meet with them as soon as they're done with their family dinner (with Des' family) and I was done with, I didn't realize it then, my most-painful-spa-experience (SO FAR! ayoko magsalita ng tapos).

I met with them at Eastwood tapos nagpakabundat sa Seafood Islands kung saan naloko kami ni Axis ng Shrimp and Mushroom Sisig nila. WE DIDN'T KNOW IT HAD TOFU!!! What the !@#$%^&?!

We ate and laughed till 3AM. And then I had to shoo them away kasi turn naman ng pamilya ni Axis by Christmas Lunch and they still had to travel to Cavite.

Initially, I thought they usually spent their time after Noche Buena with friends and I was surprised to find out that it was also their first time to spend Noche Buena outside the house.

I guess... when family's not around... your other "family" catches you in time... before you fall splat on your face.

Love you Tess!

Wednesday, November 17, 2010

Comments? Anyone?

Hahaha! Kaya ko sinimulan tong blog na to...
  • kasi I wanted to start a new blog where I can write about anything without worrying about what my friends will think about what I wrote...
  • kasi I wanted to start writing in English again... ok... I'm still in transitional phase... i.e. Taglish... but still!!! I write more English words here which are composed of actual words instead of my usual-intentionally-misspelled-English-words-transformed-into-Filipino-slang-with-much-too-many-vowels-for-comfort.
  • kasi I wanted to see if I can attract blog-readers (who are not related or connected to me in whatever form of social network (i.e. virtual or otherwise)) with just my superior wit and my occasional delusions of grandeur anecdotes...
But then again, I miss reading my friends' comments about anything... most of the time... comments which are not even related to what I wrote... comments which eventually seem like a thread of instant messages... even the useless WTF comments which I don't know whence it came from...

But I promised myself... I already crumbled once (I reposted an entry in my multiply blog... yep KSP* ako! Bakit ba?!)... I will not fail myself the second time!

I have to stay on this blog even if no one else reads this but me! My future fans will eventually find this blog... and I will be declared Queen! Hahahaha! Potaena! Inaantok na ako!

Sleep... just 20 minutes more and I can go home and sleep... if I don't watch a series instead... that is.

Note to self: Work 12 hours tomorrow so you can leave early on Thursday! Need to fetch sister in Pampanga by 8PM! Metro Manila to Pampanga = at most 3 hours. Need to leave office by 4PM. Avoid traffic. Check water. Gas. Air. Cash. Bring Laptop. (I hope I get all of this checked.)

* KSP - (for non-Filipinos... KSP = Kulang sa Pansin = MIA = Malnutrition in Attention i.e. ASB = Attention-Seeking-Beeyatch)

Saturday, October 9, 2010

Missing you...

We lost Mommy, my maternal grandmother, when I was in highschool... I thought we'd be done grieving after a few months... or even after a year or two.. considering that we were an extended family... we''ll that's what I thought... and I guess... I thought wrong.

Yes, we still miss her from time to time... we'd reminisce about what she used to say to us when we behaved badly, we'd reminisce about the things she used to do, the things she used to like. But we'd all remember it with a smile and a laugh.

I never thought that when caught in just the right moment and you hear one simple phrase that would remind you of the person you lost, or why you lost them... I never thought that it would actually set off the tears brigade... even after a decade has passed.

I write about this often enough, but usually with a smile on my face... it is only now that I write about this with tears on my face... and I guess this wouldn't be the last. Why is it that even when you know that a person's gone,   you only just do realize that they're not there when you want to hug them... but you can't.

I miss you Mommy!