Showing posts with label Naomi n Company. Show all posts
Showing posts with label Naomi n Company. Show all posts

Tuesday, February 26, 2013

Depress-depressan Mode Ovah!

Okay. I AM NOT DEPRESSED... na.

Hahhahaahha! Over the weekend emo-mode ako. Ayun tuloy di ko nakita ang Spice dabarkads! Hahahah potek natatawa ako... Spice dabarkads! ahhaha parang G-Mik lang! hahahaha! Hay ang "tanda" ko na! G-Mik pa naalala ko... di ko na nga alam kung anong usong teen shows ngayon.

Heniwei... di ko pa masabi sa kanila nung start kasi I'm like so shy and all. Kahit nga kina Mama ayoko rin sana sabihin kaso hello ang hirap rin kung hindi sabihin kina Mama kasi kulang na lang hanapan na nila ako ng tirahan dun! Hahahah! Kaya sila agad sinabihan ko para tumigil na ang delusion nila. Although gabi na nung sinabi ko kahit tanghali pa lang nung Friday eh alam ko na.

Matutulog na ako dapat nun kasi kakagaling ko lang badminton. Eh mga 630-930am yung laro namin, so pagdating sa bahay eh konti na lang babagsak na yung mata ko sa sobrang antok... Pero dahil ayoko matulog ng gross ako... so naligo muna ako kasi hello lang! Basura mode much ako after nung laro. As always! Napipiga ko na yung pawis na naipon sa pony tail ko! Yucky kadiri but oh so refreshing! Tagal ko na kasing di nagpapawis ng bongga.

Ang saya ko pa pagkarating sa bahay... Kaso around 11am after ko makapagroutine ligo, hilamos, toothbrush, body lotion all over, at mag-moisturizer ng mukha (in fairness ngayong pinagpapawisan na ulit ako unti unting nag-didisappear mga kapimpolan ko sa mukha... yun nga lang hello scars everywhere! Buti na lang yung iba maganda yung pwesto... nagmumukha lang akong may dimple.... yung iba naman... hayuf sa pwesto! Para akong caricature na may freckles sa pisngi... But instead of freckles, ay pimpeeeels! Buti na lang naidadaan sa angle ng camera at sa instagram editing kaya lumalabas pa rin yung tunay kong gandang natatabunan ng sandamakmak na pimple peklat! Pero ayos lang wala pa rin naman akong keloid sa ilong! Labyu Hubes! Sana di mo mabasa to! Hahahah!) And as always, I digress...

So after everything, hihiga na ako dapat sa aking walang kamatayang pwesto sa sahig sa tabi ng sopa (pwesto selected as such para makapagtago sa sikat ng araw na tumatagos sa kurtina kong makapal hindi lang sa tela kundi sa naipong alikabok na rin)... tapos naisip ko... macheck nga yung instagram (my favorite app these days) baka may astig na picture. I like looking at beautiful pictures ng kung anu-anong bagay. Pano ba namang hindi... eh beautiful picture nakikita ko araw-araw sa salamin... I like funny pictures rin... Kasi kung yung ibang tao ay crazy, beautiful (sabi nga nung movie), ako naman ay funny, beautiful! Hahahahha! Uupakan ko yung kumontra dun sa beautiful part!

Pagkabukas ng tab, Lo and behold! May email ako galing dun sa kumokontak sa akin for interviews. Siyempre nginig nginig to the bones. Pero yung ini-expect ko na sagot ay yung tipong.. wala pang feedback from client yada yada... KASO NOOOOOOOOO!!!!! Ayoko na ireiterate yung exact words dito.... pero absolute value 1 enclosed in a parenthesis multiplied by -1... In short... NEGA yung sagot. Para mas malinaw ganito: (|1|) * -1 = -1

GETS?! Gano man kapositive yung simula kung may negative sa huli... Negative pa rin! Anaknangshet!

So ayun... yung antok  na antok kong utak.. biglang nag-overdrive to overwhelming sadness. Di naman ako naiiyak or anything nung time na yun. Pero basta alam mo yung parang masakit sa puso ng slight. Hahahaahah! Ewan baka hineheart attack na pala ako dahil sa size ko tapos naisisi ko lang sa balitang natanggap ko that time... pero basta that's what it felt. So ayun. Tulala mode ako for about 10 minutes pero I can't help thinking... I can't waste my waking time staring at the stupid ceiling. So internet galore na lang muna ako to take my mind off of things. So ayun... nasobrahan naman ako sa aliw dun sa game na nilalaro ko... at sa kung anu-anong bagay na pwedeng mabasa... around 2PM na ako nakatulog. Kung hindi sumakit yung ulo ko sa sobrang pagod at antok... di pa siguro ako makakatulog kasi nakaover drive pa ako... Salamat sa Diyos Friday ko natanggap yung news. Alam niyang pagod ako when I arrive home and I wouldn't have time to dwell on things too much kasi yung katawan ko na mismo yung bibigay.

Yun nga lang... Hello weekend!!!! Hahahah! Enough time to think things through. So ayun... emo-mode ako through the entire weekend. Iniwan ko phone ko sa kotse para wala akong makausap. Sa internet kasi pwede ka pa rin magtago. Hahhahaha Sorry Des! After mo mag-msg inoff ko na yung wifi ko! Kasi di ko pa kaya makipagusap.

Ang mali ko lang... nakalimutan ko baliw mode nga pala yung parents ko... Pagkakita ko nung Lunes nung phone ko... ahehe... sandamakmak na calls from Kai, Des and fatherhood. Pero ni-msg ko naman sila Papa sa FB... so alam  nilang kahit emo ako... eh buhay pa rin naman ako...

So ayun... after thinking things through... I realized... hello!!! February pa lang! I have the rest of the year to look for a new one, God-permitting. OR at the very least, I have the rest of the year to distract myself with travelling all over this beautiful country called Pilipinas!

So masaya na ulit ako!
Boracay and Baguio for April. Davao and Vietnam (?) for May. Cebu on June!

Sana di puro drowing to travel plans ko. Wahow! Wahow! Happy thoughts! Cahmowndaaaawn!!!

Sunday, October 9, 2011

DAY 1/2: HAY AM SICK!!!

Taenang yan!!! Nilalagnat akoooooo!!! at sinisipon!!!

Hahaha! Naaawa ako sa roommates ko kasi sa malamang at malamang eh humihilik ako! Kasi hello lang! Di lang naman ako makahinga ng matino! Tapos yung mga kasama ko pa sa room eh apat na intsik na ala-Hubert rin yung gustong temperature ng kwarto... mga polar bear.

So lagnat + polar bear temp room =  SUPER DUPER LAMIG! Pakerpeys... Kaso... shy ako... so di ako makasabi... hahahaa! Besides, naisip ko... nilalagnat naman ako so maya-maya lang iinit rin yung kama ko dahil sa temperature ko! Hahhahaha! Homaygeds! AKo na! Ako na ang hindi war freak! I am so timid!

Namiss ko tuloy si Kai... kasi kung andito yun... sumisigaw na yun ng: "I want to talk to your manager!!!!" Hahahhaha!

Pakdatshet! At least, isip ko, di pa naman ngayong araw yung akyat ko. Bukas pa naman, so may oras pa ako magpagaling. Camown! Camown! Camown! Immune System don't fail me now!!!

Buti na lang talaga pinabaunan ako ni Mama ng gamot. Insisting pa naman ako na di ako nagkakasakit. Taena! Mali pala ako... for now. I love Mama! As in kompleto pinabaon sa akin, Paracetamol, Tuseran, Bioflu, at Neozep! aylaveeeet!!!

Anyway, gising pa ako kasi ginising ako ng pantog ko... at in fairness, pagkagising ko... medyo mataas-taas na yung temperature. Finifigure out siguro ng mga roommates ko kung ano yung ingay na naririnig nila kaya nila pinahinaan yung aircon.... tapos narealize nila... okay, we hear mucus! Kelangan di na pababaan ang temp ng room kasi baka biglang maging kulangot yung sipon ko at mabara na ng tuluyan yung nasal cavity ko at since sounds like naghihikahos yung bibig kong magdala ng oxygen sa katawan ko eh mamatay pa ako dahil dun.

 Anyway, pag-check ko ng time kanina, 2am... at dahil nasa tuktok ako ng bunk bed... eh halos ayaw ko gumalaw kasi ayoko naman mang-gising ng taong natutulog sa baba ko di ba? Eh kaso, narealize ko.. either magigising siya sa galaw ko habang bumababa ako ng kama... or magigising siya kasi tumutulo na yung wiwi ko sa kanya... at napagtanto ko... Hmmm... feeling ko mas gugustuhin niya magising sa galaw ng kama kesa sa tumutulong mas mainit than usual na wiwi dahil nga may lagnat ako! Am I brilliant or what?! I KNOW!

I am brilliant!

Wala pa ako masyadong fun kwento... sana may fun naman na mangyari sa akin sa trip na to... fun as in nakakatawa... hindi yung fun as in total adventure... kasi I read somewhere that an adventure is a trip that you survived where everything went wrong. Kasi kung di ka nag-survive, tragedy or total kaengotan na yun. And besides, hello!? Parati nga akong tama di ba? Ayoko naman ma-wrong na naman ako.. Once or twice is enough. Next time ko na ikwekwento yung pang-twice na kamalian ko. Medyo masakit pa sa damdamin eh.

NEGZ TAYMS! Pahinga na muna ako... I will survive!!!


Thursday, September 8, 2011

Invisible

Amazing!!!

Alam ko maitim ako... pero this was the first time I was ever treated as if I was invisible.

Tangina... weird!

I saw someone who I thought was still a friend. Big mistake. Apparently, di niya na ako kaibigan... or kilala man lang.

I didn't feel like napahiya ako or anything kasi alam ko naman sa sarili ko na kilala ko siya and I was still treating him like a friend when I greeted him. Di rin naman ako nasaktan... kasi hello lang! As if ang laking kawalan niya sa buhay ko. And no... I am not sourgraping. Di pa nga ako gaanong malungkot kasi di ko na rin naman siya nakakasalamuha talaga. Ang malungkot lang I think would be that my memories of him as my friend once would be tainted.

And why should they be tainted, you ask. Kasi apparently, he was not who I thought he was all along... and that is the saddest thing of all.

Wednesday, September 7, 2011

Masaya... pero Gutom!

Wahow! nagrun na ng matino yung items namin!!! WAHOW!!!

Kaso tomguts na ako... antagal ni Olive!!!

Hehehe... antayin ko na si Olivia kasi malamang sa malamang magyayang kumain yun pagkarating... at least pag sumabay ako sa kanya... isang beses lang ako kakain!

Sana lang hanggang next week di siya magkaproblemaaaaaaa!!!! Hayshiyeeeet!!!

Monday, August 29, 2011

Facebook and Blindness

Minsan lang ako mag-FB.

Personal choice. Pwede naman ako araw-araw mag-check ng FB. I choose not to.

Meron time na medyo na-adik ako sa FB... nung wala pa akong trabaho. When you're bored and you know it... and naubusan ka na ng interesting sites na pwedeng puntahan... you have little or no choice... kundi FB.

Reasons why I don't FB every other minute of every day:

  1. Bawal FB sa work desktops namin... pwede ako lumabas sa common area sa office at dun mag-FB... kaso mas tamad ako kesa tsismosa.
  2. Wala na akong internet sa bahay... Pwede ako mag-tattoo... pero mas kuripot ako kesa tsismosa.
  3. Kung kelangan kong malaman... one way or another, malalaman ko yun kung gusto ng kung sino man na ipaalam sa akin ang kung ano mang bago sa mundo niya. Otherwise... di ako key-player sa buhay ng taong yun...and I don't really mind not knowing.
  4. Wala akong crush ngayon. So wala akong kailangan i-stalk... which as we all know is the main use of social networking sites. Hahahahahaha!
  5. Sa paminsan-minsan kong pagbisita ng FB... siyempre kahit papano eh sinusulit ko na rin. So pag may nakita or nabasa akong interesting about friends... usually pupuntahan ko yung page nila... at minsan... tintingnan ko rin yung pictures nila. Pero minsan kasi, sa tinagal-tagal na ng panahon... ang dami ng nagbago... Ang mga taong kilala mo as someone else before... biglang iba na. IBANG-IBA NA! To the point that you cringe when you see what they've posted in their profile pics.  Yargsh!! AS IN!!! Nakakarindi sa mata minsan yung mga pictures na nakikita mo. Kasi dati... nung minsang close pa kayo... di mo inakalang magkakaron siya ng super vain self-portraits... (Chil... just in case mapunta ka dito... I'm not talking about you. UNFORTUNATELY, hindi lang pala ikaw ang kaibigan kong may supah vain pics... at sister dearest... hindi rin ikaw... matagal na akong sanay sa vain pics at sa face mo so at least di rin ako naririndi sa pagmumukha mo) ANAKNANGSHET LANG TALAGAAAAAAAAA!!! May vain pics rin naman ako... nung college mostly. Yung mga self-portraits ko ngayon... I just use to track kung pumapayat ba yung mukha ko despite what the scales are saying. HINDI KO SILA PINOPOST SA FB!!! MAY HIYA PA RIN NAMAN AKO KAHIT PAPANO! Yung mga profile pic ko... usually kuha ng ibang tao... hindi yung mukhang pinagpraktisan ko sa harap ng salamin while taking it sa harap ng salamin! (yeah nagprapractice rin ako ng ngiti ko... sino bang super model ang hindi nagprapractice ng ngiti niya haller!?!?!) PERO JUSKERS!!!! ang sakit lang talaga sa utak minsan pag nakakakita ka ng nakakabulabog ng utak to the point na minsan napapaisip kang ang swerte lang talaga ng mga bulag minsan!

Thursday, August 25, 2011

Akalain mo! Nakikinig pala nanay ko sa akin!

Hahhahaha! In fairness kay mother... nakikinig rin pala siya sa mga kwento ko... kahit di buo yung kwento ko kadalasan dahil na rin sa sarili kong pagpupumilit na itago sa kanya ang mga bagay-bagay! Hahahha!

Alam ng nanay ko na umaakyat ako ng bundok (dati... kasi ngayon.. sobrang tamad ko lang... Pero aakyat ako this long weekend!!!! after 1 year! pota! Sana lang di ako kailangan itulak pababa sa Lunes kasi baka maging jelly-legs na ako by then)

Anyway.. biglang nagpost yung isang childhood friend ko... na naakyat niya rin yung Daguldol... (kanina ko lang nalaman yung details kasi di naman ako madalas mag-FB)... biglang si mother ni-msg ata si L-o-r-i-b-e-l-l-e kasi daw umaakyat rin daw ako ng bundok.. ang yabang lang talaga ng nanay ko pag feeling niya makakalamang kaming dowters niya! Hahhaha! AS if!

Tapos kinukwento nga ni Mama sa akin na nag-apply rin daw si L-o-r-i-b-e-l-l-e ng UPM... kaso parang wala naman ako naririnig na may bagong jinajapeks na naman yung mga matatandang nilalang sa UPM so alam ko parang mali.. kasi medyo japeks nga to si L-o-r-i-b-e-l-l-e... hahha sinong praning?! AKO!

Baka lang kasi may magsearch ng japeks + name of friend eh mahanap pa tong blog ko! Hahhahaa!

Ayun.. kaya naman pala eh kasi sa LM nag-apply si Lori... nagtaka rin ako kasi sa pagkakaalala ko student pa yun... so malabong lumabas pa ng Ateneo org yung nilalang kung gusto niya rin lang mamundok... Ang mga atenistang kilala ko na naging UPM, usually... working na nung nasali... kasi hindi ganun ka-student-friendly ang mga mountaineering orgs... lalo na kung yung kurso mo eh 5 years... may pasok kayo sa summer... at isama mo na rin dun yung Saturday classes!

I therefore conclude nakikinig sa akin yung nanay ko! Alam niyang UPM ako... kahit Atenista ako! Hehehee! Love you Mother dear! KAhit parati mo pala ako ina-award.. in fairness nakikinig ka rin naman pala kahit pabulong na minsan yung mga sinasabi ko... hmmm.. o baka kaya siya nakikinig kasi pabulong... I wonder...

Sunday, June 19, 2011

Maki-uso kaya ako...

Bakit ang daming buntis bigla!? Ok... 2 sa pamilya namin... tapos isang kaibigan. Yung dalawa ni-joke ko lang ng Happy Father's Day tapos biglang totoo pa la na magiging tatay na sila! tae!

Pero AYUS! mga bagong baby na naman... pero bakit feeling ko nagsulputan bigla sila?hahhhah!

Tae! tumatanda na akoooooo!!!

Nung gradeschool... uso saranggola, chinese garter, piko, dampa, jackstone, at kung anu-ano pang larong pang-kids...

Nung highschool... uso sa mga lalaki tumitig sa mga salamin na baon nila sa school at ang metal/alternative rock bands; sa aming girls, nagsimulang umuso yung mga pagkahilo sa sangkatutak na codenames ng mga crush namin at ang walang kamatayang boybands.

Tapos, noong college... umuso naman ang debut na a-attendan.

Ngayon, biglang ang uso na eh kasalan at buntisan sa mga kaedad ko... well actually...now that I think about it... uso rin pala yun noong college hahaha!

I dread the days na magiging uso na ang libingan.

CONGRATS SA MGA BUNTIS!!! And Happy father's day sa mga totoong tatay at sa mga magiging bagong tatay! :)

Wednesday, June 1, 2011

I'm old...er now.

Pag naglalakad ako... usually, sa daan ako nakatingin. Hindi sa mga kasalubong ko. Blame it on fear of embarassment sa pagkakadapa.

Kanina, habang naglalakad galing parking... sa may 7/11... as usual... nakatingin ako sa dinadaanan ko.

Tapos biglang may mga naririnig akong gaggle of voices coming from my right... so wala lang... maingay lang sila like I am pag kasama ko mga kaibigan ko.

Tapos biglang nagregister sa akin na ako pala yung sinisigawan nila... "Ate! Ate! badminton tayo!"

Di ko nakilala agad kasi medyo against the light sila... na-weirduhan lang ako kasi kinakausap nila ako at niyaya ako magbadminton... tapos narealize ko... Ah! eto yung mga fresh grad na trainees sa office na nakalaro ko nung Sabado!

Tapos pagtingin ko... may mga raketa sila... ako naman tong inggiterang palaka "Magbabadminton kayo?!" (sad inggitera voice) Sila naman: "Oo! Tara! Sama ka!"

Tapos tingin ako sa oras kasi feeling makakasama talaga ako kahit wala naman akong sapatos at medyas na dala. 730pm. Tapos narealize ko ulit... "ay... hehe! Papasok pa lang ako eh!" PAKER!

Hahahhahahaha! habang papalayo ko sa kanila... narealize ko... "TAE! Ate tawag nila sa akin!?!"

I AM OLD... er NOW!

Monday, May 23, 2011

The First Abs I Ever Stared At

Mwahaha! Wala lang... sa dinami-daming balita from highschool... may naalala lang ako habang patulog na ako dapat. Taena I still remember the 5 Ws!

What: Ang unang 4-pack abs I ever stared at.
When: 2nd year highschool. One weekend... while we were working on a project.
Where: Somewhere in Phase 4. V&G Subd. Tacloban... sa bahay nila Dhea. (Ito rin yung time na first time ako kumain ng pechay! Hehehehehe! Nakakahiya kasi sa parents ni Dhea eh. So panggap mode ako.)
Who: Adrian. Iba pang kasama namin: sila Dhea, Elliot, Anthony, at Neil.
Why: SAN KA NAKAKITA NG 13-14 YEARS OLD NA MAY ABS?!?!!  Di ko naman type si Adrian or anything... pero kasi... habang nag-memeeting kami sa bahay nila Dhea... ewan nainitan ata yung gago biglang nagtopless. So blah blah blah blah blah! Tuloy lang usapan namin... nang biglang napatingin ako sa tiyan niya. Paikot-ikot lang sa utak ko nun: Bakit siya may abs?! Second year pa lang kami?! Ang ganda ng cut! (Repeat till interrupted).  Yes. Nahuli ako ni Tons na nakatitig lang sa abs ni Ade. Bwahahahahhah!!!


Tons: Ade... itago mo yan... Di makatingin palayo si Naomi (or something to that effect in Waray).
Ako: *Speechless kasi totoo!* (Hahahahah! Alam ko di ako nagblublush... pero taena... if there ever was the  most appropriate time to blush... this was probably it!)

In my defense! Besides sa mga kargador na mga bata o yung mga swimmers sa pier... wala pa akong nakikitang 14 yrs old na may well defined na 4-pack! (Except yung weirdo na 7 yrs old na body builder sa internet dati.) Saka hello! Bawal humanga!?!? hahahahhaah! Taena! Kaso pakshet kasi to si Anthony! Huli ka balbon ang drama! Paker!

P.S. now that I think about it... di ko actually maalala kung si Elliot ba nakahuli sa akin o si Anthony... Parang si Elliot ata nakahuli sa akin... tapos dumagdag ng hirit si Tons... ah ewan! 500 million years ago na 'to! Hahhaha! Pero pag naalala ko nakakahiya pa rin... Feeling ko nga ako na lang nakakaalala eh! hahahaha! Paker!

Saturday, May 21, 2011

Kasal na naman?!

Hahahha! homaygeds! may kaklase ako from highschool na kasal na!!! AMAZING!!! Ito ata yung unang official na kasal from my batch. Official... meaning... walang nabuntis! hahahaha! Or pde rin... kaso lalaki kasi yung kilala ko so di ko sure... hehehe...

Pero amazing pa rin!!! Kaso 26 pa lang kami!!! or 25 pa lang ba si Larry. Hahahahaha! Tae!

Mukha pa rin naman goon ngayon si Larry with pagoatee-goatee effect pa! hahaahaha! Sorry sa goatee lang ni Axis ako sanay. Si Larry kasi wala naman kasi goatee yun nung highschool eh!

Di ko pa rin magetover!!!! Kasal na siya!!! Hahahaha!

Ka-car pool ko si Larry since first year high school hanggang sa lumipat siya ng boarding house nung 3rd year ba yun o 2nd year ata... di ko sure. Tapos ako pa tagadala ng bag niya mula gate ng school namin hanggang sa classroom namin nung first month kasi nga ka-carpool ko siya tapos tsumamba pa siya kasi kaklase ko siya... KASI POTA! Bali yung kanang kamay niya nung first month nung first year paker! Dami rin ginawang utusan to si Larry dati! Hahhaha! Buti na lang di ko siya katabi kaya di ako yung taga-notes rin para sa kanya! sinuswerte na siya masyado! hahaha!

Tapos naalala ko pa nerdoks na nerdoks lang talaga itsura niya... may salamin tapos may santo-santo na naka-pin sa breast pocket niya! hahahha! Angelic kuno! Pero nung third year kami demonyo na! hahhhaha! Pero kung mas matangkad ako sa kanya nung first year... nung third year naman... nakatingala na ako sa kanya! I hate my height! Shiyet! Tapos naalala ko pa... sila ni Janezel nagdu-duet umiyak nung first week sa Homeroom class namin! hahhaahha! Kasi gustong gusto na umuwi sa kani-kaniyang probinsiya! hahaha! Ang yabang ko! Siyempre di ata ako umiiyak sa class nung first week! hahahah! Sa bahay lang ako umiiyak pag patulog na! Hahhahah! Ayoko nga umiyak sa class no! kakakhiya!

Hahhaha! Tae! Kasal na si Larry!!! Hahhaha tawag niya pa dati sa akin: Naoms-Naomi... kasi kung yung iba... tamad sabihin yung buong pangalan ng mga tao... si Larry naman... pauso! Hahahaha!

Congratulations Mr. and Mrs. Larry Suico!!! (As if makikita nila to! Hehehe!) But anyway... wish you the best Lars-Larry! hehehe!

Tuesday, May 10, 2011

Curious! Very curious!

Pagdating ko dito sa opisina, may dalawang missed calls ako. Yung una galing kay Joel. Ka-team ni eL. Nagyaya lang ng badminton. Yung pangalawa. Akala ko ng start si Kai kasi di familiar yung number. Pag galing kasing Meralco na calls, random number parati yung nag-a-appear na caller-id.

So pinatext ko kay eL si Kai kasi magaling ako kasi naiwan ko yung phone ko sa bahay... ain't I just soooo brilliant?! So ayun maya-maya nag-ring yung phone. Pagsagot ko... si Kai... bakit daw? So ako... ah so hindi ikaw tumawag kanina?

Apparently not. So ngayon ang tanong eh.... sino yung nagkamaling i-dial yung local ko? Ayoko naman tawagan kasi baka weird, scary person. Tapos naisip ko... kung may kailangan talaga siya sa akin, nag-iwan siya dapat ng voicemail o kaya tatawag na lang yung ulit.

BUT ANYWAY! Siyempre curious pa rin ako. Very curious!

I have a new watch!!!

Hehehehe! pinadalhan yung team namin ng watch ng PM namin from UK! Hehehehehe!

Hindi naman yung super bonggang watch. 10£ worth lang! Heheheh ni-search namin sa net eh! Pero di ba?! Ayus na rin! Eto yung exact model na napunta sa akin:


Tinanong kasi kami kung ano daw favorite color namin.... Sabi ko Blue and Yellow. Di ko alam kung bakit ko nga ba favorite blue basta alam ko lang gusto ko siya... pero para may rason kunyari sabi ko na lang: Blue, because it's my alma mater's color. Yellow (ito totoo to, actually), because I'm Yellow Power Ranger Sabre-toothed Tiger!

Sabi na lang ng PM ko: "so... Blue?" So sabi ko na lang "yes!" Hehehhe! Akala namin nung start papadalhan kami ng Jersey gaya ng binigay niya sa iba naming ka-team. Excited na pa naman ako sa jersey. I would have preferred a jersey actually. Pero siyempre mabuti nang meron kesa wala! I know! I know! Choosy ako! Hahahah!

Problema ngayon... kelan ko kaya gagamitin to?! Yung relo ko kasi ngayon bigay sa akin ni Papa nung first year college ako. At once in a while alam ko natutuwa yun pag nakikita niyang suot ko pa rin yung bigay niya.

Tae! Ang petty lang talaga ng problema ko. BUT HENIWEIS! The point of this post is: I HAVE A NEW WATCH!!!! Isa nga lang siya, unlike Marjay who won two watches! hahaha!... pero at least yung sa akin totoo!! Hahahaha! Hindi guni-guni lang! Hahahahaha! JOWK ONLEH! Wag niyo ko isumbong kay Marjay!

Wednesday, May 4, 2011

Akala ko masa-sad ako... pero hindi pala!

Ikinasal na yung chief-of-staff crush ko!!!

No! Hindi si Prince William! Major Crush lang yun! Hindi Chief-of-Staff!

Hahahha! As usual, sa facebook ulit... may sinusuggest sa akin na friend! Yung crush ko mula first year high school hanggang 3rd year college! Hahhahah! Taenang yan! Pagtingin ko sa thumbnail... ayun wedding picture niya! Pagbukas ko ng page niya... CONFEERMED!!! Kasal na nga siya! Hahaha!

Taenang yun! Tagal ko rin siya naging crush ha! First year to third year HS ko lang naman siyang main crush kasi nung 4th yr grumaduate na siya! Pero siyempre crush ko pa din kapag nakikita ko siya somewhere! At since medyo madalas sa minsan ko siya nakikita kasi may friendster dati at konektado naman kasi ang mundo namin... ayun! Umabot gang 3rd year college!

Heniweis! Habang tinitingnan ko yung pic... iniisip ko... maiiyak ba ako dapat? hahahahaa! Feeling in love ako bakit ba?! Hahhahah! Pero di ko talaga kaya mag-muster ng tears from my eyes eh! Hahaha! Taena ang jologs ko lang! Sinubukan umiyak! hahahhaha!

Taena iniisa-isa ng ikasal yung mga crush ko from highschool! Sino naman kaya susunod?!

Tuesday, May 3, 2011

SHocking!!!!

Habang nag-fa-face book, yung isang sinusuggest sa akin na friend nung FB eh sobrang familiar lang talaga nung pangalan kaso di ko maalala kung sino. Yung thumbnail kasi ng profile pic niya sobrang liit lang, di clear yung mukha.

Pag tingin ko may 5 mutual friends kami, tapos mga kaklase ko nung grade school. Alam ko naman wala akong kaklase na same ng pangalan niya so alam ko di ko siya naging kaklase. Kaso nagtataka pa rin ako bakit sobrang familiar ng pangalan niya.

So binuksan ko yung profile niya, pagtingin ko dun sa page niya di pa rin ako sigurado kasi ang liit ng mukha niya dun sa profile pic niya. So binuksan ko ng malaki yung nagiisa niyang profile pic.

Tapos saka ko narealize... SHET! Ito yung parati namin nakikita sa mga regional exams. Siya yung isa sa mga pinakamagaling dun sa school nila!

Alam ko naman na eventually yung mga bata eh lumalaki. Pero kasi yung nilalang na yun, isa siya sa mga little, teeny-tiny kids nung bata pa kami! As in payatot tapos maliit. Yung tipong ikakahiya mo yung sarili mo pag sinubukan mo sila i-bully kasi sobrang mukhang lampa lang sila.

Sobrang nagulat ako kasi yung profile pic niya... nag-we-weight lifting siya!!! And no! Hindi yung pacute na weight lifting na ginagawa ng mga nagpapamaga ng kilikili muscles nila.... yung SPORT na weight lifting yung ginagawa niya!

hahaha! Di naman siya ganun ka-super lumaking nilalang pero kasi! From my last memory of him... di ko ini-expect na yun yung magiging sport niya! Hahahha!

Expect the unexpected lang talaga to the highest level!

Tuesday, April 26, 2011

I can't help it!!!

Hahahahhahaha!!!

May nag-email.. itago na natin siya sa pangalang D-e-n-b-a-n... Hahahhahahha!

Nagsend kasi siya ng  file ng team grouping supposedly for sportsfest. So binasa ko lang yung first sentence, tapos nung malaman ko na kung ano yung laman nung email, via the first sentence, di ko na pinansin yung mga sumunod niyang sinabi kasi:

Una, kausap ko si Kai sa phone.
Pangalawa, alam ko na yung silbi nung email, at yung excel file lang naman talaga mahalaga.
Pangatlo, ayaw ko na pagsayangan ng oras yung email niya.

So ayun. Basa basa na ako ng mga ibang work related emails at paminsan-minsang hanap ng mga meaning ng variations ng pangalan namin nila Kai at Hubert. YES HUBERT! Sikat ka! KASI ANG SAYA SAYA MO LANG PAGTAWANAN!!!! HAHHAHAHHHAHAH! Look for HOOBERT SA URBAN DICTIONARY... it's so you!!!! HHAHAHAHAHAHAHHA!

Anyway, I digress...
After a while, biglang may notification ulit na may email si D-e-n-b-a-n...
Pagkabasa ko, eto yung laman:

"* Please speak-out if you got better idea...
Grammar correction lang, hahaha... nagmamadali kasi. :)"

So ako naman... huh? Ano yung ni-correct niya? eh mali pa rin naman.... so napilitan ako i-check yung second sentence niya sa first email niya... which was:

"If you speak-out if you got better ideas for the team names."

Tawang-tawa lang ako kasi kung di na siya nag-email ng correction... di ko mapapansin na may mali yung una niyang email kasi nga yung attached file naman yung focus namin.

Eh kaso.... di ko talaga kaya tiisin hindi magreply... so nagreply ako dun sa second email niya:

"Ha? Bakit mali pa rin grammar mehn... nagmamadali ka pa rin?"

HAHHAHAHAHAHAHA!!!  Tangina kasi! mang-co-correct na lang di pa tinodo yung pag-correct! HAHAHHAHAHAHAHA!

Wednesday, April 13, 2011

HR

My favorite part of the day:

Nag-LO kami ni Des kanina! Hahahaha! With cameraaaaaaa!!!! hahahahah Tanginang yan! TEAM LO na team LO lang ang dating! Hahahha! Actually.. more like... Tourists in Visayas Ave lang ang dating! Hahahahah! Taena yan! Magpicturan ba daw sa jeep!!! OUTING?! Hahahahaha! Pero siyempre pinatulan namin! Kasi sayang ang moment! Hahhaahah!

Pero siyempre taken na yun na magiging fun yung LO! Food + great company (Taena Tesoro matouch ka! Sikat ka na naman! Hahahah!) Pano ba namang di magiging fun yun!?!?!!? IMPOSIBLE! Kahit pa amoy Modess na naman yung kasama ko habang kumakain... masaya pa riN! Hahahah! Pero in fairness, di amoy Modess kanina si tesoro... siguro kasi natabunan na ng polusyon ng Quezon City Circle! Hahahaah! And by the way, kung pumayag ako... may picture din sana kami habang tumatawid ng Visayas Ave! Kaso naisip ko.. huwag na... OA NA! Masyadong day-off na yung dating! HAhaha! Sa jeep na lang! para mukhang outing lang! Hahahahah!

Anyway... bago pa man yung LO... tinawagan ko si Tess gamit phone ng kapatid ko kasi:
(1) andito sila Aubrey kasi sinundo nila ni Papa si Motherhood sa airport kagabi
(2) naka-unli whatever yung kapatid ko
(3) 2 pesos na lang load ko.

Pagtawag ko kay Des... siyempre gamit ko na naman yung very dainty and adorable voice ko:

Boy Des: Hello! (boses boy)
Dainty Me: "Ahm hello? May I speak with Ms. Gutierrez?" (dainty girly voice)
Des: (biglang girly voice... and yes... MAY TAMA KA!!! UMENGLISH!!!!) Who's this?

HAHAHAHHAAHHAHAHAHAHHAHA!!!!

Taenang yan! Di ko kinayanan! tawang-tawa lang ako! Hahahahahahahahahh!!!! later sabi ni Tess... akala daw kasi niya HR!!! Hahahahaha! tapos lumabas pa siya ng room to take the call! HAHAHAHAHAHAHHAHAHAHHA!!! HAYLAVEEEEET!!!!

LO TAYO ULIT TESS!!! Alamin natin pano tayo makakarating ng buhay sa loob ng QC Circle! hahahahah!

Wednesday, April 6, 2011

Sinong magaling!?

AKO!!!

Hahahaahahahaha! After kumain, sinamahan ako ni Olive mag-withdraw kasi yung ATM dito sa may malapit sa amin eh naubusan na ng pera so dun kami sa may kabilang side ng One World. Pagkababa diyan sa may harap ng Starbucks... may sumigaw: "NAOMI!"

So lingon ako, pagtingin ko sa likod si Mhalen (service desk personnel namin) nakita ko nagmamadali papuntang taxi ba yun or sundo ba niya tapos nakangiti sa akin, so ako naman todo kaway ng babay.

Olive: "Narinig mo yun?"
Ako: "Oo."

Somewhere: "NAOMI!" (in a natatawang voice)

Nung palingon na ako.. biglang nakita ko sa may harap ng Starbucks... Si Kavie!

Pota! Hahahah! Siya pala yung tumawag sa akin at hindi si Mhalen!

Hahaahahha!

Taena! Bakit bawal kumaway ng extra-bibo wave sa taong paalis ng office?!?!

Hahahha! Pakyu ka Kavie!! Hahahha! Labyu!

Round 2!!!

Yes! Success! Nag-boxing ulit aker today! Kaso di kasama si Carla kasi may gagawin "daw"! Hahahhaah! Buti na lang tumuloy si art kasi kung ako lang, malamang sa malamang nakahilata pa rin ako sa bahay gang ngayon!

At buti na lang nag-boxing ako kasi less masakit na yung maskels ko kesa kahapon... kaso may bukas pa nga pala para sumakit ng bongga tong katawan ko! Si Carla kasi ngayon, sabi mas masakit daw masels niya ngayon kesa kahapon. Sabi na eh... dapat iginagalaw talaga masels kahit masakit para di tamarin at mas hindi siya sumakit habang nagpapahinga.

HENIWEI!!! TO BETTER NEWS!! AHAHAHAHHAHHAHAh! May pogi kanina!!!! Actually... di ko talaga nakita kong pogi ba talaga kasi hello! Di ako makatingin sa mukha intently kasi nga malabo mata ko... at ma-a-assess ko lang ng matino pag tumitig ako ng matino at kapag tumitig naman ako... HELLO! Obvious! Hahaahah! Kelangan pasimple lang para rock! Hahahahha! Pero malaki masels!!! Saka super tangkad!!! Hahahah! Kinukulit ko si Art kung pogi ba? kaso pota! Walang alam sa lalaki yung hayup! Puro bangs niya lang ang focus! Anyway, alam ko lang Ateneo siya... kaso feeling ko estudyante! SHET! Bata! Shet!

Di bale matangkad naman! Hahahahhaah!

Anyway, another point of this post.... TINATAMAD UTAK KO MAGTRABAHOOOOOOOO!!!! Akala mo naman nag-exercise yung utak ko kanina! Eh puro masel ko lang naman gumalaw kanina... pero sabagay... nagbibilang ako pag nagdrdrills.... o baka kasi todo effort rin yung utak ko i-assess yung matangkad via my peripherals kaya napagod din.... OK! OK! now I get it!

Hahahaha! Sinong tinatamad!!! AKO!!!!

Friday, April 1, 2011

Happenings.

Hmmm. Work... Ayoko pag-usapan! Hahaha panira ng good vibes! Hahaha!

Not work... hmmm. Nag-dinner lang kami nila Emman at Rika (gradeschool prens) sa Sizzling Pepper Steak sa Piazza. Bigla na lang nag-text kasi si Emman... kasama daw niya si Rika. Dito na rin pala kasi si Emman sa may Fort area nagtratrabaho. At dahil ako ay walang ride, demanding forever na puntahan nila ako! hahhaha!

At tong si Rika naman eh malapit rin lang naman pala din dito nakatira. Somewhere lang sa Kalayaan. Nung makita ko sila tinanong ko kung bakit di kasama si Nicole (another gradeschool friend na pinsan ni Mama... pero kaedad ko at naging kaklase ko nung gradeschool at sa may St. Luke's nag-wowork), ayun naman pala umuwi ng Catbalogan yung bruha. Death anniv ata ng lolo niya.

So anyway, ayun... at dahil last time si Emman yung sumagot nung kinain namin... ako naman taya this time. At dahil ayoko na gamitin cash ko kasi reserved for my bills yun, napilitan na naman ako mag-cc. Shiyet!

Hahaha! As always kamusta kamusta ng mga sangkatauhan. Si Omar di na raw masyado nag-e-english! Hahahaha! Si Redgie, going strong with his g-ep. Si Vernon kalive-in na yung g-ep niya. Si Des (yung girl na Des... hindi yung boy... hahahaha! Labyu Boy Des! Hahaha!) naman nasa Amsterdam daw at nag-aaral. Bruha! Daya! Last year dito pa yun sa Pilipinas at nagpapaka-golden heart sa isang NGO company. Inggitera lang ako. Hahaha! May mga bading rumors rin as always. And as always puro haka-haka lang at hindi confeermed! hahahah! Ngayon ko rin lang nalaman na niligawan si Rika dati ni Ace at Jay! HAHAHAAHAHAHAHAHHAHAHA!

Anyway, tong si Rika naman na huling balita ko eh nag-aaral ng Law... at nung 2009 eh pinangakuan ko na sa January 2010 eh payat na ako (Hahaha bolsyet talaga ako mangako lalo na pag weight related! Hahaha!).. eh working freelance of whatever daw! HAhaha!

Haaaaay! Shet kelangan makapag-dinner ulit kami... tapos si Rika naman papakain.

Hmmm... san ba pde magpakababoy pero di ako masyadong bababoy?

Sunday, March 20, 2011

Mwahahaha!

Ako na ang bipolar!

Narealize ko lang... may inaasar rin pala akong highschool friend dati sa admirer niyang super gross. Alam kong grossed out siya... pero kasi sa sobrang gross ng manliligaw niya, eh pinagtatawanan lang talaga namin yung imaginary love team nila.

Ok. Sounds super mean. Pero ganito. Di ko na sobrang lalaitin yung panlabas na anyo nung lalaki, kahit na sobrang kalait-lait, pero mehn! FEELING NIYA SOBRANG GWAPO NIYA LANG AT MAY CHANCE SIYA DUN SA KAIBIGAN NAMIN! Tapos akala mo kung makapanglait dun kay Barry, isang kaklase pa namin na lalaki, EH ANG GWAPO GWAPO NIYA LANG! Eh hello! Tangina kahit physically nakalamang siya kay Barry ng isang tabo eh baon na baon naman sa lupa yung ugali niya kasi sobraaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaang yabaaaaaaaaaang laaaaaaaaaaang!!! Eeew!

But anyway, nagkita ata kami ni Hera last, last week tapos pinaalala ko yung highschool moments na yun na pilit niya na atang ibinaon sa limot... eh kaso siyempre natatawa pa rin ako kaya kabisado ko pa at kaya ko pa irecite yung mga annoying moments niya with her super gross unwanted suitor.

Kanina, tinext ko si Hera apologizing.... kasi ngayon ko lang narealize kung gaano ka-nakakapikon malagay sa situation na yun! Hahaahahaha! Although feeling ko mas gross yung pinagdaanan ni Hera kasi ni-paint pa siya nung lalaki sa oil painting project namin dati sa art, binigyan pa siya ng stuff toy at pabango... Although... wala naman kasi nagsabi sa kanya na tanggapin niya yung mga regalo nung hayuf na yun no!? Hahaha pero sabagay super bait rin kasi si Hera at times... siguro ayaw niya masyadong gawing powdery stuff yung puso nung hayup na yun! Hahaha!

Natatawa pa rin ako pag naalala ko yung moments na yun ni Hera, pero I will try my hardest na hindi na siya asarin dun kahit sobrang nakakatawa lang.