Showing posts with label Blast from the Past. Show all posts
Showing posts with label Blast from the Past. Show all posts

Friday, February 15, 2013

Naloko mo ko, fresh grad ME!

At dahil nga sa mga ina-apply-applyan kong kung saan saan, sinubukan ko igo-google yung buo kong pangalan para makita kong ano yung mga nakikita ng mga ina-applyan ko just in case i-search nila ako online. So far, acceptable naman.
  • FB page ko kung san sobrang bihira naman ako nagpopost. At kung hindi sila friend of friends ko di rin naman nila makikita mga post ko. So keribels lang.
  • Mga lumang site (na galing sa geocities dati) na gawa nung isang blockmate ko. Keri rin lang.
  • Isang scribd page kung asan yung write-ups ng block namin naka-post. Ayus pa rin.
  • Isang pdf file ng isang teacher namin nung college kung saan nakalista yung individual presentation scheds ng class namin saka yung projects namin para sa class na yun. Ayus na ayus! mukhang di ako tanga kasi me project akong ganun nung college.
So naisip ko... oks! Malinis online life ko.

So naisip ko... pano kaya kung alam nila yung online handle ko.... so ni-search ko rin yung handle ko.

Tapos nakita ko yung luma kong blog na sinimulan ko nung 2005, late ko na nalaman tong blog blog na to eh... and besides wala naman akong internet nung college kasi no! ISP Bonanza was my friend for projects!!! Hahahha! Sa lab namin ako usually nagsusulat ng mga ipopost ko... procrastination tool ko kasi ang blogging if you must know at just in case hindi siya ganun ka-obvious! Hahahaha!

Heniwei... yung nabuksan kong post ay nasulat ko after ko na grumaduate from college. Ayun, kung pano ako magsulat dati, parang ganun pa rin naman ngayon. Yung alam kong medyo malayong writing style ko eh yung nung college talaga ako... weird... ewan ko ba... feeling ko sobrang immature lang! hahahahaha! As if ang mature ko lang ngayon! Hahahahaahhaha!

So ayun basa basa ako nung mga sinulat ko dati kasi karamihan naman ng sinulat ko dati nakalimutan ko na.... Apparently crush ko dati si Juddah Paolo at vegetarian siya based dun sa blog ko... so malamang ginoogle stalk ko rin siya dati. Hahahah!

Nang biglang nakita ko tong post na to!

Nung nabasa ko yung unang linya, nagulat ako! As in! Naisip ko... shet ano yung ginawa ko dati bakit nagawa ko yun!

And then I read the next line. Potek!!!!! hahahahahahaha! Laftrip! Naloko mo ako fresh grad ME! hahahahha!

Wednesday, February 13, 2013

Nonoy, you're the man!

Nonoy in action on Heart's Week
I think I last saw him when I was in highschool (1997-2000) I have never thought of this guy again since I saw this picture in Facebook earlier. I'm not even sure what his real name is, but we know him as Nonoy.

Feeling ko, kinder (1990) pa lang (or could be much earlier) eh nasa school na namin siya, Catbalogan 1. From what I remember, he served as an all-around guy. He'd do errands for some teachers but mostly he helped clean up our grounds and always with that same ready smile on his face.

He is physically disabled but he never seemed to lose that smile except that one time when he was frantically trying to stop an all-out fight between me and a boy classmate. I eventually stopped reaching out to try and hit my classmate for fear of hitting Nonoy accidentally.

Yes, he is disabled. But he certainly knew to care enough about us to even try to stop our fight.

Naiyak ako ng nakita ko tong pic na to. Seeing his smile again hurts like a son of a bitch because it reminds me that there are people like Nonoy out there who hasn't been dealt with a fair hand in this world but are still ready to smile and be thankful and be happy because of the simplest things. While there are people like me, hindi naman perpekto ang buhay ko... But I know that I could learn a thing or two about gratefulness and losing that sense of entitlement that most of us feel at times.

This post is a personal reminder to myself and everyone who happens to see this post na anakngtinapa, some people have it worse and are still happy. Do what you can with what you have. Be thankful for it and stop bitching!

Tuesday, March 6, 2012

Langit-Lupa Ninja Version

Namimiss ko na 'to.

Gaya lang siya ng regular langit-lupa. Pero may alloted area for the langit. Pero kung makakalipat ka sa ibang mataas na lugar, a.k.a. langit, na di ka nakikita ng buwaya* kasi nag-ala-NINJA ka... pwede lumipat. Pero kung nakita ka ng buwaya na lumilipat ng langit, ikaw na yung buwaya. Kaya kelangan magaling ka kung mag-ni-ninja ka!

* Buwaya tawag sa taya sa amin dati... kaya naman naging nickname ng isa kong pinsan ay Buwaya... kahit maganda siya... parati naman siyang taya kasi mahilig sumali kahit ayaw namin pasalihin kasi kami "mature" na nun... siya bata pa... i.e. gradeschool na, siya kinder pa.. hahaha! kaya pinagtutulungan namin siya para di na siya sumali.... kaso mahilig sumali kahit sinasabihan namin na huwag na... ayun tuloy Buwaya na siya ngayon hahaha! KAMI = mga naunang apong ipinanganak sa Baron Clan.

Saturday, October 1, 2011

Of Radios, DJs, Annoying DJs, at mga kantang di ka na nilubayan... (Part 1)

RADIO

My earliest memory of a radio station is the one which hosted Bombo Radyo... AM! Yun kasi yung kinakagisnan ko every morning kapag kasama namin si Papa. Yun kasi yung paborito niya pakinggan kasi dun mo mababalitaan kung may bago na naman bang inambush yung mga NPA.

Alam niyo naman... sa linaki-laki ng Samar at sa sobrang kasukalan ng terrain nito... idagdag mo pa yung mga walang-kwentang pulitiko na wala ng naitulong sa development ng highways ng probinsiya namin... eh naging paboritong hang-out na ng mga NPA yung Samar. The more difficult the roads are to maneuver, the easier it is to ambush people! Feeling ko, friends yung mga pulitiko ng Samar saka mga NPA dati... Substandard kalsada kasi yung mga pinapagawa madalas, so madalas masira... meaning, mas madalas may ambush! Kaso medyo matagal na akong di nakakauwi... so di ko sigurado kung kamusta na mga kalsada dun... i.e. kung BFFs pa ba yung mga politicians at yung mga mahilig mang-ambush ng sundalo.

Heniwei... dahil mas maka-TV ako kesa sa radyo... my next encounter with the radio was in highschool... kung kelan we visited a local radio station, second year HS... actually, di ko alam kung FM ba sila or AM.. basta alam ko lang sila yung nag-pro-produce ng drama sa radyo... yung mga tipong Matud Nila (i-google mo na lang kung di mo 'to alam). Dinala kami sa room where they do the recordings. Andun na rin sa room yung mga props that they use to make the sound effects... a small door... small meaning, duwende sized door... to save space, I gathered, and a pair of high heels and regular shoes for the running/walking away sound effects, I guess. Tapos pinakilala kami sa mga voice talents, i.e. yung mga voice-actor ng dramas...

Dun ko narealize that a voice indeed is a many splendored thing... Hahhahaha! May flamboyant gay person kasi na actor, may regular guy, tapos may girl... so ayun start na sila magbasa ng scripts nila... LAKING GULAT KO LANG NUNG MAGSALITA YUNG BADING! Mas lalaki pa yung boses niya dun sa regular guy!!! Hahahhahaah! I know that anyone can do different voices.... pero kasi di ba???! Pag nakikinig ka sa radyo, you always assume that what you hear is what you get... apparently, this would be one of the very few things where I'd be wrong! Hahahah!

So anyway... my next Radio-related encounter was when we had a part-time DJ for our History teacher... pogi na sana (actually crush siya ng mga kaklase ko.. matangkad at may itsura) kaso... parang may schistosomiasis (pronounced SIS-TO-MYA-SIS in pinoy slang haha!)... bloated yung tiyan niya... di naman sa ini-insulto ko yung bloated tiyan niya kasi hello lang! Ako rin bloated tiyan ko ngayon (btw, sexy pala ako dati di ko alam, akala ko mataba ako kasi I was basing my size on my petite cousin... malay ko ba na may body frame pang paepek epek.. if only I had known it then... mas nakapagyabang sana ako! ahhahaa!!) Anyway, Yep! Let's call it that.. bloated! It will eventually unbloat. I wish, hope, and pervently pray.

As I always, I digress. Ayun malaki tiyan ng teacher ko na yun... eh kaso ang tangkad tangkad tangkad niya tapos tingting yung katawan niya... so imagine a stick drowing na biglang may 3D na bola sa tiyan. Weird di ba?! Medyo di nakakaencourage maging motivation/inspiration sa pag-aaral... AS IF! hahha!

My last memorable radio encounter na nag-aaral pa ako was during college... Dinonate ng tatay ko yung JVC radyo niya sa akin... with a CD player, tapos may auto-tuning ng stations! AMAZING!!! (was what I thought back then. Hello!! When you're used to turning knobs and just depending on your fingers' dexterity to get the best reception there is... MILAGRO ang auto-tuning! Hahahaha!)...

Anyway, I used to listen to Jam! 88.3 kasi they used to play jazzy tunes... Eh si Jenggy, my oldest boardmate was into Jazz... so medyo nadamay ako... pero kasi minsan siyempre may tunes rin na di mo type... so kahit papano... you check out other stations...

Then one early morning... I don't really remember what day... hehehe! I discovered a station na sobrang nakakatawa lang yung pinaguusapan ng dalawang DJs parati... it was a feel good station... they were Chico and Delamar... I actually didn't know their names... basta tawang-tawa lang ako sa mga usapan nila na naabutan ko. Actually, minsan yung tawa kasi nila contagious kaya natatawa ka na rin kahit minsan di mo gets hehehe... Anyway, siguro 5 years later ko pa malalaman yung pangalan nila... OO! HINDI AKO UP TO DATE NA TAO!

Then I forgot about radios again kasi medyo sumingit na yung real life... binubugbog na ako ng kurso ko at biglang umuso ang pagiging nocturnal... Ay onga pala.. biglang dumating nga rin pala ang Smallville, Meteor Garden at kung anu-ano pang ka-lechehan sa TV at siyempre pa... ang walang kamatayang computer games at onga rin pala... biglang umuso ang CD-ripping at mp3s.

Saturday, May 7, 2011

The Friendster Exporter

Friendster is CLOSING DOWN! And this time, it's NOT a hoax. And they're providing an app to export all your photos and testimonials and whatever's left in your profile that's been gathering dust.

The Friendstercalypse is happening May 31st, 2011.


Reposted from What's Ronx?!

Tuesday, May 3, 2011

SHocking!!!!

Habang nag-fa-face book, yung isang sinusuggest sa akin na friend nung FB eh sobrang familiar lang talaga nung pangalan kaso di ko maalala kung sino. Yung thumbnail kasi ng profile pic niya sobrang liit lang, di clear yung mukha.

Pag tingin ko may 5 mutual friends kami, tapos mga kaklase ko nung grade school. Alam ko naman wala akong kaklase na same ng pangalan niya so alam ko di ko siya naging kaklase. Kaso nagtataka pa rin ako bakit sobrang familiar ng pangalan niya.

So binuksan ko yung profile niya, pagtingin ko dun sa page niya di pa rin ako sigurado kasi ang liit ng mukha niya dun sa profile pic niya. So binuksan ko ng malaki yung nagiisa niyang profile pic.

Tapos saka ko narealize... SHET! Ito yung parati namin nakikita sa mga regional exams. Siya yung isa sa mga pinakamagaling dun sa school nila!

Alam ko naman na eventually yung mga bata eh lumalaki. Pero kasi yung nilalang na yun, isa siya sa mga little, teeny-tiny kids nung bata pa kami! As in payatot tapos maliit. Yung tipong ikakahiya mo yung sarili mo pag sinubukan mo sila i-bully kasi sobrang mukhang lampa lang sila.

Sobrang nagulat ako kasi yung profile pic niya... nag-we-weight lifting siya!!! And no! Hindi yung pacute na weight lifting na ginagawa ng mga nagpapamaga ng kilikili muscles nila.... yung SPORT na weight lifting yung ginagawa niya!

hahaha! Di naman siya ganun ka-super lumaking nilalang pero kasi! From my last memory of him... di ko ini-expect na yun yung magiging sport niya! Hahahha!

Expect the unexpected lang talaga to the highest level!