Showing posts with label Me. Show all posts
Showing posts with label Me. Show all posts

Friday, February 15, 2013

Google and Me

When I'm not working, I'm usually with Google.

I google a lot of stuff... people I wanna know more about, stuff that I've read somewhere that I wanna read more of, error code in my codes that I have no idea how to fix, etc.

These days, I have three search keys that I don't fail to google on a weekday. I don't usually google on weekends, I log online but I usually play games or watch youtube/asianovela/anime videos and I already know where they are. No googling involved.

Anyway, regarding those search keys, two are the names of people I google stalk daily. Hahahahhha! I always check posts about them in the last 24 hours! Eh gusto ko malaman pang-araw araw na balita tungkol sa kanila eh! Kung meron man. Pakelam mo?!?! hahahahah!
  1. Conan O'Brien - eh ang talino niya eh!!!! Saka funny/witty! Bait pa! I am fascinated! Gusto ko ng kagaya niya pero may abs saka mas pogi! Ayus na yung height niya! hehehehe!
  2. Won Bin - eh ampogi niya eh!!! hahahahaha! Meron siya nung wala si Conan! Hehhehehe! Di ko nga lang sure kung gano siya katalino at gano siya kafunny at gano siya kabait. Di kami tight eh... thus, the google stalking! hahahah!
  3. Natural Adabas - ala lang, I'm actually looking for 2 things when I google this key. (1) Anything new in this world of SAG that could help me in my coding (2) Job opportunities. Hehehehe! Yuh knooowww it!!! hahaha!
Wala lang, just wanted to write this just in case I come across this blog post again in the future. It'll tell me what I used to obsess about at this time of my life. hahahaha! I hope future me wouldn't be that disappointed. Gaya nga ng sabi ni Ara Mina.... "You can never can tell!" Malay mo asawa ko na si Won Bin by then at kapitbahay namin si Conan habang technical manager na ako ng Natural. hahahahhahha!

Friday, March 2, 2012

Machoor na ba ako?

HOMAYGEDS!!!! what is happening to me!!! Ngayon ko lang napansin...

Sa DZMM na nakaset yung radyo ko sa kotse.
92.3 naman sa cellphone ko, kasi yun lang yung may news...
at ang nilolook forward ko na TV show... DOS POR DOS sa DZMM TeleRadyo.

Hahhahahah! Shiyet! ISDIZMEEEEH???

Naalala ko pa nung college... tinanong ako ni Patrick (blockmate ko, valedictorian ng batch namin) kung ano pinapakinggan sa portable radio player ko na ninenok ko kay Papa... (wala pang radio phone nun, o kung meron man di pa ganun kauso sa Nokia, at lalo namang wala pang ipods).

AKO *medyo kilig kasi may itsura si Patrick at sabay kami papuntang History class* : "FM."
Patrick: "Dapat AM pinapakinggan mo para aware ka."
AKO *turned-off... taena matalino nga, pakialamero naman*: "Gusto ko lang makinig ng tugtog."

Hahahahahaha!!!! Akalain mo nga naman isang dekada muna ang kelangang lumipas bago ko sundin yung payo ni Patrick. Taena... 1 year older lang naman siya sa akin... pero apparently, 9 years gap namin sa utak! Hahahaha!

At sige na nga aaminin ko na rin...

Kaya di na ako masyado nakikinig sa FM
  • Nag-aala-Miriam yung presyon ko pag naririnig ko yung mga DJ in between songs. Nakakairita. Salita ng salita wala naman kwenta yung usapan nila. Meron naman mga aminado na panglaftrip lang talaga yung pinaguusapan nila at nakikitawa rin ako sa ganun... kaso... mas madalas sa hindi eh puro utot (i.e. hanging di kaaya-aya) lang naman binubuga ng mga naabutan ko sa radyo.
At kaya rin naman ako nag-aabang ng DOS POR DOS kasi:
  • Una, yun yung naabutan ko sa TV pagkauwi.
  • Pangalawa, ang kyut kasi ni Tonying eh! Hahaha! Nakakatawa sila ni Gerry, aylabet!
hmm... so di pa rin nga ata ako ganun kamachoor. Hahahha!

Thursday, March 1, 2012

Go Miriam!!!

Oo, hindi humble si Miriam. Minsan/madalas mayabang siya. Pero anakngtipaklong... MAY POINT SIYA!!!

Sa ngayon wala pa akong paki-alam kung guilty ba si Corona o hindi, kasi di pa naman tapos yung impeachment. Gaya nga ng sabi ko dati, nung simula tendency ko was kumampi sa prosecution kasi nga ayoko talaga kay GMA... at dahil mukhang crony nga ni GMA si Corona, ayoko kumampi sa defense.

Pero anakngtipaklong. Pano ka naman kakampi sa team na parang wala ng ginawang tama? Ni hindi nga sila pwedeng maituring na underdog kasi hello lang yung mga kakampi nila.

Ikaw kaya humarap sa tanga day in and day out; tapos ilang beses na silang bumengga eh parang di man lang natuto. Tingnan natin kung di mo rin sila tawaging GAGO.

ANG HIRAP HINDI MANGGIGIL SA TANGA!

Wednesday, February 8, 2012

Bye Tito Nonong...

Ngayon ko lang inattempt isulat to kasi everytime naiisip ko na wala na si tito naiiyak ako. Still remains true right now. Ayoko pa sana isulat to kaso parang unfair na di malaman ng mundo na wala na yung isa sa kakarampot na matinong taong nanirahan dito.

Siyempre tito ko siya so malamang alam ko naman yung general kwento behind his death. Pero naisipan ko pa rin i-google kung may makikita ba akong news about it sa net. Meron naman. Kaso di ko maaccess.
======================================================================

Ang tito ko na kilala ng Iloilo bilang Mayor Zafiro S. Palabrica ay kilala naman naming magpipinsan as Tito Nonong. Di ko na ikukuwento yung accomplishments niya kasi pwede mo yun i-google. Ikwekwento ko na lang kung pano ko siya kilala.

Pito sila nila Papa. 4 sila na lalaki. Siya yung panganay na lalaki, papa ko naman yung bunsong lalaki.
(The other brothers: Si Tito Otto ko, di ko na nakilala. Di pa ako pinapanganak ng pinatay siya. Paborito niyang kanta yung Aubrey na ipinangalan naman sa kapatid ko. Si Tito Ilo naman, bihira ko lang makita.) 

Despite the age gap (70 si tito, tito sorry kung mali, tapos 60 naman si papa) and the geographical gap between them (Iloilo based si tito, pakalat kalat naman yung tatay ko) siya yung kapatid ni Papa na pinakamadalas kong makita. Pinupuntahan niya kami madalas kung san man kami nakatira.. Samar, QC, Subic, etc. Kami naman, madalas nakikitira sa bahay nila Tito pag pumupunta kaming Iloilo. Bingawan kasi yung madalas namin na destinasyon.

Dahil sa mga project niya sa probinsya... alam ko kung ano yung best na "farm vacation". Agriculture kasi ata dati yung focus ng projects niya. Basta, dabest talaga pag umuuwi kami ng Binggawan dati. Probinsiyang probinsiya talaga but NEVER naging boring.

I remember him being excited about the little things nung maliliit pa kami. Yung tipong ipa-experience sa amin yung pagsakay ng kalabaw for the first time. Ipakita yung bago niyang project na mga fish pond. Siyempre kaming mga bata di naman alam yung halaga ng mga project niya pero pag siya nagkwekwento maeexcite ka kasi talaga, kasi kasama ng projects ay yung adventure that comes along with it.

Nung medyo matanda-tanda na kami alam ko kakampi naman siya ni Papa sa paglecture sa akin sa kung pano wag magpa-api sa lalaki. Not that I needed it, pero siyempre nakinig pa rin ako. Mabait ako eh. Hahaha! Pero yun nga, I remember naglelecture silang dalawa kung anong uunahin kung suntukin/sipain sa lalaki/babae kapag daw biglang may attacker. Di ko na maalala kung sino exactly yung nagsabi ng alin kasi pag nagsalita yung isa mag-aagree lang yung isa tapos elaborate with actions. Pag lalaki daw, i-karate chop ko daw muna yung adam's apple sabay dukot sa mata. Kasi pag tinamaan adam's apple di na makakahinga agad yun. Double attack kaagad para wala ng chance gumanti. Pag babae naman daw, sipa pa rin sa groin/grab ng boobs/suntok sa tiyan... kasi kahit wala tayong balls na girls masakit pa rin daw yun pag sinipa mo ng malakas... yan ang lessons nila sa akin. Marami pa actually pero yoko na ikwento kasi baka may makabasang evil.

 Later on.. nung malaman ni tito na umaakyat ako ng bundok... unlike Papa and Mama na ayaw talaga ako umakyat... niyaya niya ako umuwi ng Iloilo para daw maakyat ko mga bundok dun. I kept saying.. "Sige Tito... pag nakabakasyon ako ulit sa Iloilo... promise ha?!"

Little did I know na yung magdadala ulit sa akin sa Iloilo eh yung pagkawala niya. Sorry 'to. Di na kita makakasama umakyat o kahit man lang simpleng tambay lang sa likod ng bahay niyo.

Di man kita madalas makita. I always just knew na in few months andito ka na naman sa Manila/Subic... kaso ngayon... I'll have to settle for the few memories that I have of you. Ayus na rin siguro yung few... kasi feeling ko kung mas madami gaya ng meron sila Ping at 'te My... baka mas masakit rin yung pagkawala niyo.

Kita kita na lang sa mata 'to. Love you!

Wednesday, January 25, 2012

Current Events

Yehesss!!! Updated kuno ako sa current events ngayon! Actually di naman talaga... dun lang sa impeachment ni Corona. Di ko alam... siguro kasi sobra-sobra sa pag-advertise ng proceedings kaya naman nakaka-curious na rin.

Wala naman talaga ako alam kung sinong mali at tama. Kung tama ba yung mga inaakusa ng prosecutors o kung matino nga ba talaga tong si Corona, eh aba malay ko!

Alam ko lang medyo nakakairita pag nalalaman kong crony ni Gloria ang isang tao... una kasi hayup lang talaga kasi sa pagkakupal si Gloria. Basehan ko for this: naging presidente ka na, tatakbo ka pa ba sa mas mababang opisina after???!!! Either binabantayan niya lang sarili niya kasi nga may mga nakahain na siyang kaso or talagang concerned siya sa mga tao ng balwarte niya. Maniniwala pa akong 0% ang fat sa katawan ko kesa dun sa huli.

On the other hand, nakakairita rin naman kasi to si Noynoy. Nung start keri pa eh kasi in fairness parang may nangyayari naman sa paglinis niya sa mga kurap na opisyal sa gobyerno... eh kaso lang biglang may nakita ako sa TV... celebration ng 30th year ng Makati Business Club. Si Noy2 yung guest speaker. Siyempre ni-e-expect ko yung speech niya tungkol sa ekonomiya... kung pano nakatulong at makatutulong pa lalo yung MBC sa paglago ng economy natin kasi nga celebration yun ng 30th anniv ng MBC. Nung start ayus pa eh, eh kaso lang maygeeeeeeds!!! Biglang napunta na yung speech sa pagiging biased ng Supreme Court... basta parang ganun... medyo nakalimutan ko na yung details ng speech... naalala ko lang naiirita na ako sa pakikinig sa kanya kasi kahit nagawan niya ng flow from the economy to his current issues with the SC eh tangina sobrang non-sequitur pa rin yun for the event that he was in.

Di ko alam kung ano opinyon ng mga tao dun sa MBC... pero kung ako siguro yung host ng event na yun... mabwibwisit talaga ako. Siyempre focus niyo anniv niyo tapos biglang mapupunta yung speech sa pulitika. Hassle!

Anyway... as I was saying... I may not know much... pero kahit pano ito ang alam ko... so far... nagmumukhang bobo lang talaga yung prosecution team. Nung start medyo nakakairita si Cuevas kasi uugod-ugod na matanda lang tapos di kagwapuhan saka puro technical pinagsasasabi... pero kung makikinig ka rin kasi... may sense kasi yung sinasabi niya saka ang organized ng defense team. Hahahaa! OO superficial talaga akong tao!

Eh tong Prosecution team, tangina paguluhan ng presentation. Basta meron sila articles of impeachment eh nagpapirma na lang ng basta basta... di man lang iniisip yung pagkakasunod sunod ng discussion considering na ni-"research" na nila yun dapat. Nakakahiya lang! Kailangan pa sila sabihan ng korte na ayusin nila yung mga reklamo nila. Nung start medyo panig ako sa prosecution team kasi kamukha ni Burito yung Tupas... kaso nung nagsalita tangina babakla-bakla! Tapos pag may sinabi si Enrile, agree lang ng agree! Di kaya ipagtanggol yung gusto niyang pagsubpoena sa pamilya ni Corona, si Cayetano pa yung nagpresenta ng mga rason kung bakit dapat isubpoena na muna yung pamilya. Hindi man natuloy yung pag-subpoena... at least nagawa ni Cayetano na pilitin yung korte na pagbotohan yung issue... kasi kung si Tupas lang.. wala lang.. yes your honor lang sinasabi. Pakshet!

Di naman ako nakakanood parati nung trial... pero sa mga senador na narinig ko na magsalita, eto opinyon ko:
  • Tito Sotto - nakakaantok pakinggan
  • Cayetano (lalaki) - makes sense to me, mahilig qumuotable quotes
  • Defensor - makes sense to me din, uma-attempt mag-joke, aylavet!
  • Enrile - makes sense rin naman, kaso minsan tagal makagets ng point na sinasabi ng defense team; kailangan paulit-ulit ng limang beses (no exaggeration) bago magets yung point ng defense; so far mukhang impartial pa
  • Villar - bolshet, nilipat ko ng channel nung magsalita siya. Inattempt ko pa makinig nung una, kaso puro lipservice sinasabi, sarap upakan... di mo maintindihan kung sumisipsip ba kay Enrile o kung kanino. Nakakahayblad pakinggan.

Monday, November 14, 2011

Naisip ko lang...

Sabi kasi ni Santo... yung isang officemate ko dito na mahilig sa films... ang magagandang movies... tragic o kaya bitter-sweet kadalasan... kasi nga naman... kung happy happy joy joy nga naman yung  movie... wala ka na masyado kelangan isipin kasi nakuha mo na yung great escape na hinahanap hanap mo pag nanonood ka ng movie...

Pero kung tragic o bitter-sweet... napipilitan ka mag-isip about the "what-might/could-have-beens"... Napanood ko kahapon sa TV (aside from the controversial win ni Pacquiao... I DONK KIR kahit controversial... at kahit mukhang madalas di siya kumukonek sa mga suntok niya... pero kokontra ka pa ba sa Compubox? at sa dalawang judge? besides kung gusto ni Marquez ng sure-win... eh di dapat pinatumba niya si Pacquiao... o kaya sumuntok siya ng mas madami para obvious na obvious sa mga judge na mas madami siyang tama kay Pacquiao... siya tong underdog eh... dapat nagpakitang gilas siya parang wala ng controversy controversy shit.)...

Anyway... as I was saying... napanood ko kahapon sa TV... umaangat na naman daw yung movie industry ng Pilipinas dahil sa Praybeyt Benjamin at sa No Other Woman ata... Haven't watched either... so di ko alam kung ayos ba talaga sila.... Alam ko lang comedy ata yung Praybeyt Benjamin...

Kaya narealize ko... wala nga naman tayo masyadong tragic bitter-sweet Pinoy movies no? (YUNG HINDI Indie-film o kaya gawa ng MMK ha?!) Alam ko lang na mga tragic/bitter-sweet movies eh yung mga kina Vilma Santos, Nora Aunor, etc... na lumabas ATA nung pagkatapos o during Martial Law... kasi nga naman daming inspiration for those (mga libro ni Lualhati Bautista madalas, hehe). Sa dinami-dami ba naman ng natorture nung Martial Law... di ka ba naman ma-inspire o makakuha at least ng resource na pwede mag-account ng real-life experience nila nun.

Ngayong masaya na ang Pilipinas relatively... puro great escapes na ang theme ng mga movies KADALASAN... kung hindi fantasy, rags to riches, o kaya naman pakyut na love story na happy ending yung mga movies natin ngayon... di mo kelangan mag-isip... tatawa ka lang sa sine... lalabas... usap ng onti about sa pinanood mo... tatawa ulit... tapos di mo na siya kailangan isipin ulit.

Yung mga movies na kailangan pag-isipan... not always defined for the Everyman. Madalas may target audience: mga taong ayaw sa bakla, mga nagtataksil, etc. Siguro may kakarampot naman na designed for the regular tao... kaya lang... madalas nga Indie-Film... hindi accessible sa lahat. Kelangan mo tumayming sa sinehan o sa kung saan-saang theater... kung di swak sa schedule mo at kung di mo mabalitaan agad... sorry ka na lang. Hanap ka na lang ng torrent sa internet kung meron man.

So naisip ko... baka kaya masagwa... okay di naman masagwa... more like.... BIHIRA yung matitinong output ng movie industry ng Pilipinas.. kasi nga masayahin tayong mga Pilipino... there is nothing too tragic... there is nothing too bitter para sa atin... baka kasi alam natin na kahit gaano kadepressing (except siguro yung mga sobrang depressed, bipolars, at manic-depressive na tao) ang situation... habang humihinga tayo... darating at darating yung panahon na tatawa rin tayo... lahat ng tragedy pwedeng maiwan sa nakaraan. Di kailangan dalhin lahat ng baggage sa kasalukuyan... kasi mabigat at  mahal ang excess baggage haller! Magtanong ka pa sa airport!

Siguro kelangan na lang natin ituro sa movie makers na wag ibigay parati yung ending... pwede naman minsan tumigil dun sa part na parang mababaliw ka na kung di dumating yung bukas... Yung audience naman pag-isipin nila kung ano nga ba yung mangyayari bukas... Kung ano ba dapat nilang gawin para sumaya yung bukas.

Potaena! Ako na! Ako na! Ako na ang magaling! Hahahah! Bawal magpaka-emo?! At bawal mag-inarte?! Blog ko to! Magpapaka-emo ako kung gusto ko! Hahahahahahahah!

On Weddings: All or Nothing

Dati... ayoko talaga ng thought ng ikakasal ako sa simbahan.  Una... hassle! Tutubuan ako ng mushrooms sa tagal. Pangalawa... hanep na gastos ang kaakibat nito. Kasi hello lang! Alanganaman sa Jollibee mo lang pakainin yung guests mo?! Nagpakasal ka pa sa simbahan... eh di sana nag-civil wedding ka na lang kung talagang nagtitipid ka.

Kaso nung Saturday, nag-attend kami nung wedding ni Kuya Ep-ep... (Tito ko siya actually, pinsan ni Mama. Kaso 4-5 years lang ata agwat niya sa akin... although feeling ko 500 years gap namin kasi pag bata ka... ang 4-5 years na agwat ay parang ilang daang taon din kasi ibang-iba nga naman talaga ang mundo ng mga Grade 1 sa mundo ng mga Grade 6.)

So ayun... ang masasabi ko lang... ang astig-astig lang talaga ng reception! hahahah! Na-late ako sa wedding itself sa simbahan kasi putang-ina yung traffic last Sabado!!! Buti na lang sinabi nila Mama na 3pm yung wedding kahit 330 naman talaga.. kaya naka-abot kami nila Aubrey at ng isang pinsan ko dun ng 350pm! Hahaahah! So di na talaga ganun katagal yung kasal for me.  Hehehe!

Basta ang ganda-ganda lang talaga ng reception... sobrang organized! Ganda ng table settings. Ganda ng pagkaayos ng conf room. Ganda ng AVPs! Ganda nung isang guest (ako! Inayos ng pinsan ko yung buhok ko... ang ganda ko lang. Siya rin nag-make up sa akin kaso mukha akong bangkay! Ayoko lang magsalita MASYADO (nagsalita naman ako pero slight lang) kasi baka mahurt siya ng todo! Hahaha! Ayus naman yung hair.... kaso sanay ako sa kagandahan ko via Tesoro (O YAN TESS! IKAW NA PINAKAMAGALING MAG-MAKE UP!) Hahahah! Buti na lang walang aircon ulit si Fabio kaya naubos rin yung make-up ko on the way to the wedding kasi nga putang ina yung traffic at sobrang init lang ng alas-tres ng hapon sa loob ng kotseng walang aircon... kaya naman adorably normal looking na ako by the time dumating ako sa wedding kasi nasa tissue na lahat ng excess make-up ko kakapahid ng pawis!) Hahaaha!

Anyway.. back to the reception.... Ang saya saya rin nung speeches. Nakakatawa mostly... typical yung iba... at meron din yung di mo alam kung kelan matatapos... pero buti na lang me rolls and butter sa table kaya di ka mapapawelga sa tagal ng speech kasi busog ka at maraming pakalat kalat na waiter kaya pde ka umorder ng kahit anong inumin kasi bottomless lahat. And besides... katabi ko yung isa kong titang ume-emo kasi 39 na at di pa rin siya kasal (in fairness di siya mukhang 39... di ko nga naisip na 39 siya until sinabi niya sa akin yung age niya... nasa isip ko kasi 28 yrs old pa rin siya... tapos narealize ko.. imposible kasi ako mag-2-27 na)... kaya naman no dull moments rin.

Basta ang elegante ng wedding-reception... Hehhee pinagbawal rin nga kasi nila yung mga bata. Yung mga bata lang na naka-attend eh yung mga pamangkin lang ng bride and groom. Tapos yung iba teenagers na. Kaya di rin magulo at walang sangkatutak na yaya na nakakalat sa kung saan-saan.

Narealize ko... ayus rin naman pala yung ganoong kasal. Di naman pala sa ayaw ko ng kasal sa simbahan... Kelangan lang talaga sobrang organized at elegante ng kasal ko kung magpapakasal man ako sa simbahan... alam ko may illusions of grandeur ako minsan... di ko lang narealize na yung culmination nito eh yung idea ko ng church wedding. Kasi kung hindi ako mukhang reyna sa kasal ko... di bale na lang... gagastusin ko na lang yung pera ko sa pagliliwaliw sa honeymoon ko.

Kaso bago ako magmukhang reyna sa kasal ko... putanginang hari yan ha! Where na you?! Here na me! Me budget na ako ng wedding natin! Kelangan ko na lang yung pera mo! Hahahahahahahahhahahhahhah!!!

Friday, October 14, 2011

GRAVY, KALAMANSI, TOYO, HAKAW, BABOY, LOMI...

Isang tulog na lang matitikman ko na kayo uliiiiiiiiiit!!!

Siguro meron naman dito hakaw or lomi or other noodles... kaso hello lang!!! di ko alam pano at san ko sila oorderin!!!

Bakit ba kasi Pilipinas lang ang may gravy sa mga fastfood!?!?!?!?

Sunday, October 9, 2011

DAY 1/2: HAY AM SICK!!!

Taenang yan!!! Nilalagnat akoooooo!!! at sinisipon!!!

Hahaha! Naaawa ako sa roommates ko kasi sa malamang at malamang eh humihilik ako! Kasi hello lang! Di lang naman ako makahinga ng matino! Tapos yung mga kasama ko pa sa room eh apat na intsik na ala-Hubert rin yung gustong temperature ng kwarto... mga polar bear.

So lagnat + polar bear temp room =  SUPER DUPER LAMIG! Pakerpeys... Kaso... shy ako... so di ako makasabi... hahahaa! Besides, naisip ko... nilalagnat naman ako so maya-maya lang iinit rin yung kama ko dahil sa temperature ko! Hahhahaha! Homaygeds! AKo na! Ako na ang hindi war freak! I am so timid!

Namiss ko tuloy si Kai... kasi kung andito yun... sumisigaw na yun ng: "I want to talk to your manager!!!!" Hahahhaha!

Pakdatshet! At least, isip ko, di pa naman ngayong araw yung akyat ko. Bukas pa naman, so may oras pa ako magpagaling. Camown! Camown! Camown! Immune System don't fail me now!!!

Buti na lang talaga pinabaunan ako ni Mama ng gamot. Insisting pa naman ako na di ako nagkakasakit. Taena! Mali pala ako... for now. I love Mama! As in kompleto pinabaon sa akin, Paracetamol, Tuseran, Bioflu, at Neozep! aylaveeeet!!!

Anyway, gising pa ako kasi ginising ako ng pantog ko... at in fairness, pagkagising ko... medyo mataas-taas na yung temperature. Finifigure out siguro ng mga roommates ko kung ano yung ingay na naririnig nila kaya nila pinahinaan yung aircon.... tapos narealize nila... okay, we hear mucus! Kelangan di na pababaan ang temp ng room kasi baka biglang maging kulangot yung sipon ko at mabara na ng tuluyan yung nasal cavity ko at since sounds like naghihikahos yung bibig kong magdala ng oxygen sa katawan ko eh mamatay pa ako dahil dun.

 Anyway, pag-check ko ng time kanina, 2am... at dahil nasa tuktok ako ng bunk bed... eh halos ayaw ko gumalaw kasi ayoko naman mang-gising ng taong natutulog sa baba ko di ba? Eh kaso, narealize ko.. either magigising siya sa galaw ko habang bumababa ako ng kama... or magigising siya kasi tumutulo na yung wiwi ko sa kanya... at napagtanto ko... Hmmm... feeling ko mas gugustuhin niya magising sa galaw ng kama kesa sa tumutulong mas mainit than usual na wiwi dahil nga may lagnat ako! Am I brilliant or what?! I KNOW!

I am brilliant!

Wala pa ako masyadong fun kwento... sana may fun naman na mangyari sa akin sa trip na to... fun as in nakakatawa... hindi yung fun as in total adventure... kasi I read somewhere that an adventure is a trip that you survived where everything went wrong. Kasi kung di ka nag-survive, tragedy or total kaengotan na yun. And besides, hello!? Parati nga akong tama di ba? Ayoko naman ma-wrong na naman ako.. Once or twice is enough. Next time ko na ikwekwento yung pang-twice na kamalian ko. Medyo masakit pa sa damdamin eh.

NEGZ TAYMS! Pahinga na muna ako... I will survive!!!


Thursday, September 15, 2011

Mayabang ako ngayon!

Ok fine... di naman to latest news... EH KASO DI NAMAN AKO UP TO DATE NA TAO! hahaah! office-bahay lang ako and I rarely read or watch news... and OK fine... considering na araw-araw ko dinadaanan ang Ateneo... I should have known this earlier pero hello!!! Kung kilala mo ako... alam mo rin na I'm always running late so wala akong oras tumingin-tingin sa kung saan-saan kung hindi siya parte ng kalsadang dinadaanan ng kotse ko! So kung may tarp ka sa gilid ng kalsada... it's just the same as a tarp on the 30th floor of a building... i.e. DI KO MAPAPANSIN.

So kanina... habang naglalakad ako dito sa Katipunan... on the way home na dapat... (btw, galing bahay hanggang Jollibee Katipunan... (Abada Side, hindi yung sa Petron) isang oras na lakaran rin pala! Pero siguro kaya ng mas mabilis kung hindi ka na-a-amaze sa lahat ng bagay na nakikita mo gaya ko... Sorry.. ngayon ko lang nalaman na marami pa palang part ng Katipunan na di ko pa nadaanan before... considering na 3 and a half years rin akong tumira dito.... a story to tell in another post...)

ANYWAY... as I WAS SAYING... kanina... pauwi... biglang nakita ko... Si Fr. Jett na pala yung President ng Ateneo! 30th, apparently.

Hahhaha! Mayabang ako by association! Why you ask?! Siya kaya thesis adviser ko! Ano ngayon kung thesis adviser ko siya? Hello!!! A kaya ako sa Physics na thesis ko!!! Binigyan niya ako ng A! So by transitivity, an Ateneo President gave me an A for something I accomplished!

O DI BA?!?!? Ang galing galing galing galing ko!??!! Hahhahaahahahahaah!

Kaso... pari siya... baka naawa lang siya sa akin nun... baka sumusunod lang siya sa Bible verse na:  Blessed are the merciful: for they shall obtain mercy.

BUT I DONK KIR! A pa rin ako! A!!!! Hahaha! Bumagsak man ako samga Mathematical Physics ko... Binigyan pa rin ako ng A ni Fr Jett! Hahahahah!

Kaso sa pagkaalam ko... yung padawan niya yung nag-gr-grade sa amin... kasi yun naman talaga yung naka-hands-on sa aming mga undergrads.... Shet! kung hindi dahil sa mercy yung A ko... dahil naman siguro kasi nagagandahan sa akin yung mentor namin... HAHAHAHAHHAH!

But no! Magaling ako!!! I refuse to believe otherwise... For today at least.

Congrats Fr. Jett! Hehehe! Kahit di mo na ako naaalala. Naomi Palabrica po. BS PSCE 05-06. Yung isa po sa mga binigyan niyo ng A. Hahhaah!

Monday, August 29, 2011

Facebook and Blindness

Minsan lang ako mag-FB.

Personal choice. Pwede naman ako araw-araw mag-check ng FB. I choose not to.

Meron time na medyo na-adik ako sa FB... nung wala pa akong trabaho. When you're bored and you know it... and naubusan ka na ng interesting sites na pwedeng puntahan... you have little or no choice... kundi FB.

Reasons why I don't FB every other minute of every day:

  1. Bawal FB sa work desktops namin... pwede ako lumabas sa common area sa office at dun mag-FB... kaso mas tamad ako kesa tsismosa.
  2. Wala na akong internet sa bahay... Pwede ako mag-tattoo... pero mas kuripot ako kesa tsismosa.
  3. Kung kelangan kong malaman... one way or another, malalaman ko yun kung gusto ng kung sino man na ipaalam sa akin ang kung ano mang bago sa mundo niya. Otherwise... di ako key-player sa buhay ng taong yun...and I don't really mind not knowing.
  4. Wala akong crush ngayon. So wala akong kailangan i-stalk... which as we all know is the main use of social networking sites. Hahahahahaha!
  5. Sa paminsan-minsan kong pagbisita ng FB... siyempre kahit papano eh sinusulit ko na rin. So pag may nakita or nabasa akong interesting about friends... usually pupuntahan ko yung page nila... at minsan... tintingnan ko rin yung pictures nila. Pero minsan kasi, sa tinagal-tagal na ng panahon... ang dami ng nagbago... Ang mga taong kilala mo as someone else before... biglang iba na. IBANG-IBA NA! To the point that you cringe when you see what they've posted in their profile pics.  Yargsh!! AS IN!!! Nakakarindi sa mata minsan yung mga pictures na nakikita mo. Kasi dati... nung minsang close pa kayo... di mo inakalang magkakaron siya ng super vain self-portraits... (Chil... just in case mapunta ka dito... I'm not talking about you. UNFORTUNATELY, hindi lang pala ikaw ang kaibigan kong may supah vain pics... at sister dearest... hindi rin ikaw... matagal na akong sanay sa vain pics at sa face mo so at least di rin ako naririndi sa pagmumukha mo) ANAKNANGSHET LANG TALAGAAAAAAAAA!!! May vain pics rin naman ako... nung college mostly. Yung mga self-portraits ko ngayon... I just use to track kung pumapayat ba yung mukha ko despite what the scales are saying. HINDI KO SILA PINOPOST SA FB!!! MAY HIYA PA RIN NAMAN AKO KAHIT PAPANO! Yung mga profile pic ko... usually kuha ng ibang tao... hindi yung mukhang pinagpraktisan ko sa harap ng salamin while taking it sa harap ng salamin! (yeah nagprapractice rin ako ng ngiti ko... sino bang super model ang hindi nagprapractice ng ngiti niya haller!?!?!) PERO JUSKERS!!!! ang sakit lang talaga sa utak minsan pag nakakakita ka ng nakakabulabog ng utak to the point na minsan napapaisip kang ang swerte lang talaga ng mga bulag minsan!

Monday, May 23, 2011

H!

Maiintindihan ko naman pag namispell ng mga tao yung pangalan ko... Pero to completely mess it up... unless bingi ka... there is no excuse!

Parati naman talaga namumurder pangalan ko sa Starbucks... kaya nga instead of Naomi, na mas madaling i-murder in a thousand different ways, ibinibigay ko na pangalan eh "Kay". Natutuwa ako pag tinatanong ako ng tindera ng "With an E?" kasi at least may attempt itama yung spelling.

Kanina bumili ako ng Dark Mocha Frap with Extra Coffee + Ham and Cheese Croissant... kasi feeling mayaman ako kasi kakasweldo lang last Friday at di pa ako gumagastos nung weekend kasi nga wala akong load at tamad ako magwithdraw para makapagpadeliver ako. Di ako tinanong kung may 'E' ba o wala yung pangalan ko. Pero sige ok lang. Sanay na ako. Whatever.

So antay na ako ng inorder ko dun sa may gilid. Tapos biglang sumigaw yung lalaki:

"Dark Mocha with Extra Coffee for Miss H!"

POTAENA! Alam ko naman dalawang letra lang ang pagitan ng H at K pero STILL!!!!!

H != K (for non-programmers: != --> is not equal to)

PAKER!

Pero sabi nga nila: Be happy with what you've got.  OK FINE! At least he tacked on a "Miss" in front of that stupid "H".

Di na makatulog... Parating kumakain!

*sing to the tune of "Di na makatulog, di pa makakain"*

Eto na naman ako.... Monday madaling araw at buhay na buhay... bakit kamo? natulog kasi ako ng 6pm at nagising ng 10pm... kaya eto na naman ako... Alive! Alive! Alive! *sing to the tune of mga charismatic na kanta somewhere*

Nacheck ko na FB... naka-comment na ako sa mga kailangan comment-an... na-like ko na yung mga like ko... napanood ko na yung mga series na trip ko panoorin... kaso tinatamad na naman ako na tumunganga ng basta-basta lang sa monitor.

Nakakain na rin ako... gusto ko sana mag-padeliver ulit. Kaso... wala na akong cash dito sa bahay. Tinatamad ako maglakad papuntang BPI... siguro mga 500 meters away rin yung BPI... so... no can do... mas tamad ako kesa gutom. So naisip ko na lang maghalukay ng pwedeng makain.

Nakapagluto na ako kahapon ng ka-cheapang pasta. So medyo sawa na ako. Gusto ko sana ng ice cream. Eh kaso tinatamad nga ako lumabas... buti na lang... nakabili ako ng honey nung isang araw. At dahil may cheese at sky flakes pa ako dito... AYUS! Ay teka... gagawa ako ng separate posts for mga pagkaing pang-tamad at pangmahirap! MWAHAHAHAHAHAHHA!

Tuesday, May 17, 2011

QUESTION: What is the opposite of GLAMOROUS?

Disclaimer: What follows is something that may hurt your mind's eye. Beware. Proceed with Caution.

And if you really must... You've been forewarned!


*sing to the tune of Fergie's Glamorous*

G-L-A-M-O-R-O-U-S
G-L-A-M-O-R-O-U-S

We flyin' first class up in the sky
Flyin' first class, livin' my life
In the fast lane and I won't change
By the glamorous, ooh, the flossy, flossy

The glamorous, the glamorous, glamorous

ANSWER: Tingin ka sa tissue after you wipe your ass with it after mo mag-number 2 habang meron ka!

We flyin' first class up in the sky...

The glamorous, the glamorous, glamorous!

HAHAHHAAHHAHAHAHAHAHAHAHA! Sabi sa 'yo! Masakit sa utak di ba?!

Monday, May 16, 2011

Naruto

Tae! Pati ba naman Naruto iiyakan ko?!?! Hahahaha!

Anime saka Manga... tulo luha, singot sipon na ako.

It hurts the heart demmit!

Wednesday, May 11, 2011

The Nile

Hahaha!

Realizations habang naghahanap ng ebook na mababasa. Sa kakahanap ng mga chicklit sa web may nakita akong review ng isang book about paranormal romance... basta angel angel naman instead of vampire vampire. Eh mukhang ayos naman yung review nung mga pipols... so hanap ako ng pdf copy. Nakahanap ako.

Kaso first sentence pa lang sinabi na agad na 17 yrs old na yung bida. Naisip ko... Pota pang-kids naman 'tong nadownload ko.

Tapos narealize ko... nung unang lumabas yung Twilight... medyo can relate pa ako (dun sa tao part, hindi ako bampira!) kasi mga 3-4 years lang lamang ko dun sa edad nung characters... Kaso ngayon... pota... 17?! isang taon na lang 10 years na gap namin! Pakshet!

HOMAYGEDS!!! 10 years ago kakagraduate ko lang ng highschool at papasok pa lang ako ng ADMU! NOOOOOOOOOO!!! 10 years ago na yun!?!?!?!!? SHET! 17 years ago... wala pang "10 years ago" yung buhay ko!!!!

BATA PA AKOOOOOOOOOOO!!!!

Tama si Olive. Denial is the key!

I have paking sipon!

I can't breath!

I have a hard time opening my eyes! Something to do with the sipon.

It makes me sleepy!

PLUS

i am bored!

great combination for sleeping. kaso potaena night shift kami! OH CAMOWN!!!

Tuesday, May 10, 2011

I have a new watch!!!

Hehehehe! pinadalhan yung team namin ng watch ng PM namin from UK! Hehehehehe!

Hindi naman yung super bonggang watch. 10£ worth lang! Heheheh ni-search namin sa net eh! Pero di ba?! Ayus na rin! Eto yung exact model na napunta sa akin:


Tinanong kasi kami kung ano daw favorite color namin.... Sabi ko Blue and Yellow. Di ko alam kung bakit ko nga ba favorite blue basta alam ko lang gusto ko siya... pero para may rason kunyari sabi ko na lang: Blue, because it's my alma mater's color. Yellow (ito totoo to, actually), because I'm Yellow Power Ranger Sabre-toothed Tiger!

Sabi na lang ng PM ko: "so... Blue?" So sabi ko na lang "yes!" Hehehhe! Akala namin nung start papadalhan kami ng Jersey gaya ng binigay niya sa iba naming ka-team. Excited na pa naman ako sa jersey. I would have preferred a jersey actually. Pero siyempre mabuti nang meron kesa wala! I know! I know! Choosy ako! Hahahah!

Problema ngayon... kelan ko kaya gagamitin to?! Yung relo ko kasi ngayon bigay sa akin ni Papa nung first year college ako. At once in a while alam ko natutuwa yun pag nakikita niyang suot ko pa rin yung bigay niya.

Tae! Ang petty lang talaga ng problema ko. BUT HENIWEIS! The point of this post is: I HAVE A NEW WATCH!!!! Isa nga lang siya, unlike Marjay who won two watches! hahaha!... pero at least yung sa akin totoo!! Hahahaha! Hindi guni-guni lang! Hahahahaha! JOWK ONLEH! Wag niyo ko isumbong kay Marjay!

Wednesday, May 4, 2011

Akala ko masa-sad ako... pero hindi pala!

Ikinasal na yung chief-of-staff crush ko!!!

No! Hindi si Prince William! Major Crush lang yun! Hindi Chief-of-Staff!

Hahahha! As usual, sa facebook ulit... may sinusuggest sa akin na friend! Yung crush ko mula first year high school hanggang 3rd year college! Hahhahah! Taenang yan! Pagtingin ko sa thumbnail... ayun wedding picture niya! Pagbukas ko ng page niya... CONFEERMED!!! Kasal na nga siya! Hahaha!

Taenang yun! Tagal ko rin siya naging crush ha! First year to third year HS ko lang naman siyang main crush kasi nung 4th yr grumaduate na siya! Pero siyempre crush ko pa din kapag nakikita ko siya somewhere! At since medyo madalas sa minsan ko siya nakikita kasi may friendster dati at konektado naman kasi ang mundo namin... ayun! Umabot gang 3rd year college!

Heniweis! Habang tinitingnan ko yung pic... iniisip ko... maiiyak ba ako dapat? hahahahaa! Feeling in love ako bakit ba?! Hahhahah! Pero di ko talaga kaya mag-muster ng tears from my eyes eh! Hahaha! Taena ang jologs ko lang! Sinubukan umiyak! hahahhaha!

Taena iniisa-isa ng ikasal yung mga crush ko from highschool! Sino naman kaya susunod?!

Monday, May 2, 2011

I like!

I've never been a fan of maletas. I find them bulky and uncool looking. Well, yung mga ka-cheapang maleta that I often see, at least. Yung mga gawa lang sa tela yung labas. I donk like.

May isang maleta dati si Papa, purple yung kulay. Di ko maalala kung ano yung brand. Di siya ganun kabigat tapos hard-shell. Gusto ko yung maletang yun. Naipamana sa akin yun dati nung college. Yun parati gamit ko pag pumupunta akong Hong Kong. Di ko maalala kung nasa Subic ba yun ngayon o kung nasa taas lang ng aparador ko at di ko pinapansin kasi wala naman rason para gamitin ko siya these past few years. Ayos lang naman gamitin yun dati nung pumupunta ako ng Hong Kong kasi: una, tumatagal ako sa HK so may rason para punuin ko yung maletang yun; pangalawa, may tinitirhan akong matino so keri lang magdala ng super bulky na maleta.

Yung misgivings ko lang sa maletang yun eh di siya unang naging akin at madaming scratches na siya nung una ko siyang ginamit.

Habang nagbabasa ng newspaper, kasi namamatay na naman ako sa boredom dito sa opisina, nakita ko yung bagong ad ng Cosmolite na Samsonite. Paker tulo laway ako! I WANT ONE TOO!!!!

Kaso... nung chineck ko yung presyo dito sa Pilipinas... HOMAYGEDS! Sumakit utak ko ng slight! Tumataginting na 20K yung pinakamaliit! Pota! Di sana pinanglakwatsa ko na lang yung pera di ba?

Eh kaso, in fairness naman... super tibay naman yung hayup (see below). Kaso kung puro ukay-ukay na damit at gutay-gutay na underwear rin lang naman yung ilalagay ko sa loob nung hayup na maletang yan... siguro ok na muna yung mga bag kong keribels lang kahit nakawin. Neks tayms na lang pag medyo may K na ako maglustay ng salapi o kaya kung may ginto akong kelangan i-transport.

Eto nakita ko sa net tungkol sa ad na yun:

Shot in Australia, the commercial is set in a crash-test lab, where a car travelling at 40km/hr collides head-on with Cosmolite. Absorbing the impact of the collision, Cosmolite springs back into its original shape, demonstrating the strength and impact resistance of the product. - Converget

image source : http://adlibmagazine.wordpress.com/