Sobrang hirap lang gumawa ng family tree ko... nauubusan ako ng space sa papel. Pito sila Papa, walo naman sila Mama. Kung sa Visio ko gagawin o kaya sa cartolina/manila paper (guys, remember those!?!? yung ginagamit natin for visual aids pag narereport tayo a long, long time ago!!! NUNG HINDI PA USO YUNG whiteboards, glassboards, projector, laptop at microsoft powerpoint!!! Hahaha!)... keribels siguro.
Mabuti na nga lang at youngest tatay ko at panganay si Mama... so kahit pano kung mag-attempt man ako... medyo may semblance of order naman yung family tree namin kasi pde ko ipagtabi yung pangalan ng tatay at nanay ko tapos organized pa rin yung pagkakasunod sunod ng pangalan according to age on both sides! O ha!
Kaso... besides sa tinatamad ako, di ko kilala lahat ng first cousins ko sa Papa's side ko (kasi matatanda na yung iba at yes.. medyo magulo kasi may mga singit na asawa on the side yung isa kong tito... hahahahah! oops! yung lolo ko rin pala kay Mama! May singit! Potaena! Pamilya ko na ang sobrang hanep ang kapit sa moralidad! Hahahaha!), eh feeling ko.... sa dinami dami ng pipols involved... kahit pa Visio ang gamitin ko... di maglalaon (yeheees kelan ko kaya huling ginamit yung word na yan! Filipino paper nung college malamang! Hahahaah!) eh magugulo rin lahat!
Kaso kahit gaano kagulo yung family tree ko... PAK DAT SHET SA GULO YUNG POTAENANG JOB TREE NA TRINATRACE KOOOOOOOOO!!!!
Galing galing kasi nung isang tao dito kung makasuggest!!! Na-impress lang dun sa flowchart ko nung isang araw gusto lahat na ng ide-decommission may flowchart na! Sarap batuhin sa ulo ng DOS-POR-DOS na gawa sa totoong Narra TREE!!
No comments:
Post a Comment