Friday, February 1, 2013

My heart, it's on the floor again!

Heart attack galore!!!!

Sinabi ko na ba na ayaw ko ng interviews!??!?! Kung hindi pa... AYOKO NG INTERVIEWS!!!!! Pero it can't be helped!!!

Di na naman mapakali yung utak ko! Yung dibdib ko parang sasabog sa kaba! Natatae ako na parang hindi! Sana makuha ko to! Sana makuha ko to!!!

Kaya ko pa naman dito sa kumpanya ko... pero ayoko nang antayin na mahayblad ulit ako ng bonggang bongga. Pre-emptive strike kumbaga tong ginawa ko. And besides, hellloooooo!!! Australia! Helllooooooooo!!!! Well, wala naman ako gustong puntahan talaga dun... What draws me to it is the chance to start anew in a different country... the chance to start from scratch... new experiences to look forward to... and of course... the cha-ching! cha-ching! hahahaha!

Pero hello! bago ako magpaka-assuming na matutuloy ako dun, kelangan I do well sa interview bukas... at di ko alam kung bigla na lang ba akong magcocollapse habang ini-interview ako over the phone sa sobrang nerbiyos ko ngayon pa lang!

Hindi ako confident na tao... masyado... minsan mukha akong confident... pero mukha lang! I can get in your face pag feeling ko tama ako... pero hindi ibig sabihin nun eh nag-o-ooze with confidence tong uber sexy body ko! Mukha lang talaga, pero hindi! Hindi!!!!

Nakakakaba! Ipinagdasal ko naman to pero siyempre kung kasing-baliw mo ako, minsan kahit anong dasal.... sa sobrang nerbiyos ko.. tulak mo lang ako ng onti eh tumba na ako agad sa dahil sa sobrang jelly na ng legs ko na dulot ng super-duper extra kanerbiyosan ko! Onti na lang talaga, lalabas na tong puso ko sa dibdib ko! As in!!!!!!!!! As in!!!!!!!!

Diyos ko po, kayo na bahala sa akin!

No comments:

Post a Comment