Okay. I AM NOT DEPRESSED... na.
Hahhahaahha! Over the weekend emo-mode ako. Ayun tuloy di ko nakita ang Spice dabarkads! Hahahah potek natatawa ako... Spice dabarkads! ahhaha parang G-Mik lang! hahahaha! Hay ang "tanda" ko na! G-Mik pa naalala ko... di ko na nga alam kung anong usong teen shows ngayon.
Heniwei... di ko pa masabi sa kanila nung start kasi I'm like so shy and all. Kahit nga kina Mama ayoko rin sana sabihin kaso hello ang hirap rin kung hindi sabihin kina Mama kasi kulang na lang hanapan na nila ako ng tirahan dun! Hahahah! Kaya sila agad sinabihan ko para tumigil na ang delusion nila. Although gabi na nung sinabi ko kahit tanghali pa lang nung Friday eh alam ko na.
Matutulog na ako dapat nun kasi kakagaling ko lang badminton. Eh mga 630-930am yung laro namin, so pagdating sa bahay eh konti na lang babagsak na yung mata ko sa sobrang antok... Pero dahil ayoko matulog ng gross ako... so naligo muna ako kasi hello lang! Basura mode much ako after nung laro. As always! Napipiga ko na yung pawis na naipon sa pony tail ko! Yucky kadiri but oh so refreshing! Tagal ko na kasing di nagpapawis ng bongga.
Ang saya ko pa pagkarating sa bahay... Kaso around 11am after ko makapagroutine ligo, hilamos, toothbrush, body lotion all over, at mag-moisturizer ng mukha (in fairness ngayong pinagpapawisan na ulit ako unti unting nag-didisappear mga kapimpolan ko sa mukha... yun nga lang hello scars everywhere! Buti na lang yung iba maganda yung pwesto... nagmumukha lang akong may dimple.... yung iba naman... hayuf sa pwesto! Para akong caricature na may freckles sa pisngi... But instead of freckles, ay pimpeeeels! Buti na lang naidadaan sa angle ng camera at sa instagram editing kaya lumalabas pa rin yung tunay kong gandang natatabunan ng sandamakmak na pimple peklat! Pero ayos lang wala pa rin naman akong keloid sa ilong! Labyu Hubes! Sana di mo mabasa to! Hahahah!) And as always, I digress...
So after everything, hihiga na ako dapat sa aking walang kamatayang pwesto sa sahig sa tabi ng sopa (pwesto selected as such para makapagtago sa sikat ng araw na tumatagos sa kurtina kong makapal hindi lang sa tela kundi sa naipong alikabok na rin)... tapos naisip ko... macheck nga yung instagram (my favorite app these days) baka may astig na picture. I like looking at beautiful pictures ng kung anu-anong bagay. Pano ba namang hindi... eh beautiful picture nakikita ko araw-araw sa salamin... I like funny pictures rin... Kasi kung yung ibang tao ay crazy, beautiful (sabi nga nung movie), ako naman ay funny, beautiful! Hahahahha! Uupakan ko yung kumontra dun sa beautiful part!
Pagkabukas ng tab, Lo and behold! May email ako galing dun sa kumokontak sa akin for interviews. Siyempre nginig nginig to the bones. Pero yung ini-expect ko na sagot ay yung tipong.. wala pang feedback from client yada yada... KASO NOOOOOOOOO!!!!! Ayoko na ireiterate yung exact words dito.... pero absolute value 1 enclosed in a parenthesis multiplied by -1... In short... NEGA yung sagot. Para mas malinaw ganito: (|1|) * -1 = -1
GETS?! Gano man kapositive yung simula kung may negative sa huli... Negative pa rin! Anaknangshet!
So ayun... yung antok na antok kong utak.. biglang nag-overdrive to overwhelming sadness. Di naman ako naiiyak or anything nung time na yun. Pero basta alam mo yung parang masakit sa puso ng slight. Hahahaahah! Ewan baka hineheart attack na pala ako dahil sa size ko tapos naisisi ko lang sa balitang natanggap ko that time... pero basta that's what it felt. So ayun. Tulala mode ako for about 10 minutes pero I can't help thinking... I can't waste my waking time staring at the stupid ceiling. So internet galore na lang muna ako to take my mind off of things. So ayun... nasobrahan naman ako sa aliw dun sa game na nilalaro ko... at sa kung anu-anong bagay na pwedeng mabasa... around 2PM na ako nakatulog. Kung hindi sumakit yung ulo ko sa sobrang pagod at antok... di pa siguro ako makakatulog kasi nakaover drive pa ako... Salamat sa Diyos Friday ko natanggap yung news. Alam niyang pagod ako when I arrive home and I wouldn't have time to dwell on things too much kasi yung katawan ko na mismo yung bibigay.
Yun nga lang... Hello weekend!!!! Hahahah! Enough time to think things through. So ayun... emo-mode ako through the entire weekend. Iniwan ko phone ko sa kotse para wala akong makausap. Sa internet kasi pwede ka pa rin magtago. Hahhahaha Sorry Des! After mo mag-msg inoff ko na yung wifi ko! Kasi di ko pa kaya makipagusap.
Ang mali ko lang... nakalimutan ko baliw mode nga pala yung parents ko... Pagkakita ko nung Lunes nung phone ko... ahehe... sandamakmak na calls from Kai, Des and fatherhood. Pero ni-msg ko naman sila Papa sa FB... so alam nilang kahit emo ako... eh buhay pa rin naman ako...
So ayun... after thinking things through... I realized... hello!!! February pa lang! I have the rest of the year to look for a new one, God-permitting. OR at the very least, I have the rest of the year to distract myself with travelling all over this beautiful country called Pilipinas!
So masaya na ulit ako!
Boracay and Baguio for April. Davao and Vietnam (?) for May. Cebu on June!
Sana di puro drowing to travel plans ko. Wahow! Wahow! Happy thoughts! Cahmowndaaaawn!!!
No comments:
Post a Comment