Showing posts with label Yucky Kadiri. Show all posts
Showing posts with label Yucky Kadiri. Show all posts

Monday, August 29, 2011

Facebook and Blindness

Minsan lang ako mag-FB.

Personal choice. Pwede naman ako araw-araw mag-check ng FB. I choose not to.

Meron time na medyo na-adik ako sa FB... nung wala pa akong trabaho. When you're bored and you know it... and naubusan ka na ng interesting sites na pwedeng puntahan... you have little or no choice... kundi FB.

Reasons why I don't FB every other minute of every day:

  1. Bawal FB sa work desktops namin... pwede ako lumabas sa common area sa office at dun mag-FB... kaso mas tamad ako kesa tsismosa.
  2. Wala na akong internet sa bahay... Pwede ako mag-tattoo... pero mas kuripot ako kesa tsismosa.
  3. Kung kelangan kong malaman... one way or another, malalaman ko yun kung gusto ng kung sino man na ipaalam sa akin ang kung ano mang bago sa mundo niya. Otherwise... di ako key-player sa buhay ng taong yun...and I don't really mind not knowing.
  4. Wala akong crush ngayon. So wala akong kailangan i-stalk... which as we all know is the main use of social networking sites. Hahahahahaha!
  5. Sa paminsan-minsan kong pagbisita ng FB... siyempre kahit papano eh sinusulit ko na rin. So pag may nakita or nabasa akong interesting about friends... usually pupuntahan ko yung page nila... at minsan... tintingnan ko rin yung pictures nila. Pero minsan kasi, sa tinagal-tagal na ng panahon... ang dami ng nagbago... Ang mga taong kilala mo as someone else before... biglang iba na. IBANG-IBA NA! To the point that you cringe when you see what they've posted in their profile pics.  Yargsh!! AS IN!!! Nakakarindi sa mata minsan yung mga pictures na nakikita mo. Kasi dati... nung minsang close pa kayo... di mo inakalang magkakaron siya ng super vain self-portraits... (Chil... just in case mapunta ka dito... I'm not talking about you. UNFORTUNATELY, hindi lang pala ikaw ang kaibigan kong may supah vain pics... at sister dearest... hindi rin ikaw... matagal na akong sanay sa vain pics at sa face mo so at least di rin ako naririndi sa pagmumukha mo) ANAKNANGSHET LANG TALAGAAAAAAAAA!!! May vain pics rin naman ako... nung college mostly. Yung mga self-portraits ko ngayon... I just use to track kung pumapayat ba yung mukha ko despite what the scales are saying. HINDI KO SILA PINOPOST SA FB!!! MAY HIYA PA RIN NAMAN AKO KAHIT PAPANO! Yung mga profile pic ko... usually kuha ng ibang tao... hindi yung mukhang pinagpraktisan ko sa harap ng salamin while taking it sa harap ng salamin! (yeah nagprapractice rin ako ng ngiti ko... sino bang super model ang hindi nagprapractice ng ngiti niya haller!?!?!) PERO JUSKERS!!!! ang sakit lang talaga sa utak minsan pag nakakakita ka ng nakakabulabog ng utak to the point na minsan napapaisip kang ang swerte lang talaga ng mga bulag minsan!

Friday, June 3, 2011

Judgmental ako!

Dati... niloloko ko pa sarili ko na mabuti akong tao.

Ngayon. I know better.

I do try to be better. PERO ANAKNANGPATING SA HIRAP MAGPAKAMABUTI HA?!?!

Lalo na kapag biglang dumating yung TL mo na super duper bakat yung areola! Oo! Di lang nipol! Pati areola!!!

And no! HINDI SIYA BABAE!!!

TAENAAAAAAAAAA!!!! BAKIT!?!?!1 BAKIT?!?! BAKIT KAILANGAN MAPANSIN KO YUN?!?!?!

Ahm... siguro kasi super duper extra fitting yung pakingshet na tshirt niya!?!?!?!

Matagal na umaangal yung mga kasama ko dito sa office tungkol sa attempts niya in wearing fashionable clothes... i.e. ala K-pop artists layering combo and super lang sa sikip na shirts and outfit. Hindi  naman nila inaangal yung weird combos eh... umaangal sila sa kabakatan... na dati naman di ko masyado pinapansin... except ngayon! KASI HANEP LANG TALAGA!!!

For a while there... napaisip ako about the benefits of being blind.

Sunday, March 20, 2011

Mwahahaha!

Ako na ang bipolar!

Narealize ko lang... may inaasar rin pala akong highschool friend dati sa admirer niyang super gross. Alam kong grossed out siya... pero kasi sa sobrang gross ng manliligaw niya, eh pinagtatawanan lang talaga namin yung imaginary love team nila.

Ok. Sounds super mean. Pero ganito. Di ko na sobrang lalaitin yung panlabas na anyo nung lalaki, kahit na sobrang kalait-lait, pero mehn! FEELING NIYA SOBRANG GWAPO NIYA LANG AT MAY CHANCE SIYA DUN SA KAIBIGAN NAMIN! Tapos akala mo kung makapanglait dun kay Barry, isang kaklase pa namin na lalaki, EH ANG GWAPO GWAPO NIYA LANG! Eh hello! Tangina kahit physically nakalamang siya kay Barry ng isang tabo eh baon na baon naman sa lupa yung ugali niya kasi sobraaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaang yabaaaaaaaaaang laaaaaaaaaaang!!! Eeew!

But anyway, nagkita ata kami ni Hera last, last week tapos pinaalala ko yung highschool moments na yun na pilit niya na atang ibinaon sa limot... eh kaso siyempre natatawa pa rin ako kaya kabisado ko pa at kaya ko pa irecite yung mga annoying moments niya with her super gross unwanted suitor.

Kanina, tinext ko si Hera apologizing.... kasi ngayon ko lang narealize kung gaano ka-nakakapikon malagay sa situation na yun! Hahaahahaha! Although feeling ko mas gross yung pinagdaanan ni Hera kasi ni-paint pa siya nung lalaki sa oil painting project namin dati sa art, binigyan pa siya ng stuff toy at pabango... Although... wala naman kasi nagsabi sa kanya na tanggapin niya yung mga regalo nung hayuf na yun no!? Hahaha pero sabagay super bait rin kasi si Hera at times... siguro ayaw niya masyadong gawing powdery stuff yung puso nung hayup na yun! Hahaha!

Natatawa pa rin ako pag naalala ko yung moments na yun ni Hera, pero I will try my hardest na hindi na siya asarin dun kahit sobrang nakakatawa lang.

Wag kang magkamali!

Fuck! Tangina!

Inaasar nila ako dito sa office sa isang officemate... na di ko tayp! Di ko alam sino at kung pano nagsimula. Pero di ko sinasakyan kasi awkward lang at di ko talaga tayp. Superficial na sa kung superficial... pero yuck! Di ko sinasabing sobrang ganda ko lang, pero walang pakialaman ng taste. Pag di ko gusto, di ko gusto! Kung pangit man ako sa yo, wala akong pakialam. Wag mo rin lang pakialaman kung ano yung pangit for me.

Nakakausap ko naman yung tao kasi di naman siya as gross as nang ibang taong nakilala ko (i.e. Louie at yung pinandidirian ni Chil sa team nila) saka di naman siya kupal so keri lang.

Nagtext bigla si Carla kani-kanina at nangangamusta kung may nag-abend ba sa mga jobs na sinu-support namin ngayon. Nagreply lang ako ng pa-joke na 'Hu u?'. Biglang humirit na ng kung anu-ano tungkol dun sa inaasar nilang nilalang sa akin. Nagreply lang ako ng 'weh!' saka nag-comment dun sa isa niya pang sagot.

Maya maya may tumawag sa cellphone ko di nakaregister kung sino. Akala ko service desk ba or kung ano man kaso weird kasi bakit hindi na lang sa landline ko dito sa office tumawag. Putangina! Yung inaasar nila sa akin. Pagkasagot ko naririnig ko si Carla na nag-yiyihee sa background. Ibinaba ko yung phone. Tumawag pa isang beses. Binabaan ko ulit ng phone.

PUTANGINA! Di ako natatawa sa mga joke na ganyan! Ibang usapan kung tayp ko yung tao... EH KASO PUTANGINA DI KO NGA GUSTO!!! Fine! Sumasakay siya sa pang-aasar ng ibang tao sa amin... PERO PUTANGINA NAMAN!!!! DI MO BA NASESENSE NA NAGRO-GROSS OUT AKO!?!!?!?

Fuck! Sobrang vain na pakinggan tong sinusulat ko pero putangina I have very little patience for things such as these. Kung pde lang na di na ako magpakita sa hayup na to dito sa office, gagawin ko!

May isang beses na inaasar kami na mag-duet dun sa isang kanta nung nanglibre yung manager namin kasi kakatapos lang ba yun or before ng kasal niya. Eh di ko ginawa. Putangina wala akong pakialam kung mapahiya siya at magmukhang tanga! Sinabihan ako ng manager namin na sakyan na lang. HELLO! AYOKO NGA! Bahala na kahit magmukha akong walang pakisama! I DON'T CARE!!!!

PAG AYOKO! AYOKO!

PUTANGINA kahit nga sa gusto kong tao nagpapakipot pa ako MINSAN... eh SA TAONG AYAW KO, sa tingin niyo na may chance na makiki-sakay ako just for the sake of camaraderie or whatever!?!?! NO FUCKING WAY!

Kung yung tipong i-aasar ako kay eL o kaya sa iba kong kaibigan/acquaintances na lalaki, keri ko lang naman kasi alam ko rin naman na joke lang yun sa kanila... at well, di ako na-g-gross out sa kanila. Besides kung mukha naman na-a-awkwardan o nag-gross out yung taong inaasar sa akin di ko naman sasakyan no!!! May pride naman ako! Besides di ko isusubject yung tao sa situations na ayoko rin mailagay ako. I have always been a believer of the golden rule, hindi dahil sa nagpapakamabait ako or anything... more like... ayoko mapagbintangan na ipokrita ako.

I have never been able to disguise my disdain for anyone. Minsan kaya ko makipagplastikan... pero even then, kapag pikon ako! Pikon ako! Mababasa mo sa mukha ko! Lalo na pag umaabot na sa point of yuckiness. PUTANGINA! WAG NA WAG KANG MAKALAPIT SA AKIN AT MAKA-JOKE JOKE ng KUNG ANU-ANO!

YUCK KA!!! YUCK!!!!!

Saturday, February 12, 2011

GANO KAHIRAP MAG-SHOOT NG IHI SA INIDORO?!?!?!

DISCLAIMER: For people with a healthy imagination and those who understand Filipino perfectly, some visuals might hurt the mind's eye...

Potaena!!! STRESSED NA NAMAN AKO!!!!

Biernes na naman nang-aattack ng trabaho yung PM namin! Akala ko namiss ko yung mga trabahong pinapagawa niya... hindi pala gaano... ok lang sana kung sa gitna ng week kaso hello lang sa kaadikan! Biernes ka ba naman buhusan ng trabaho! Hello lanG! may weekend na parating! Narerealize niyo ba yun!?!?

Anyway... medyo dati ko pa naman naihanda yung sarili ko for Friday Work Ambush eh... kaso potaena!!! kung in the middle of work biglang narealize mo...

Shet! Napupuno na pala yung napkin mo!!! at kinda sorta narealize mo lang yun kasi narealize mo naiihi ka... at narealize mo... di ka pdeng umihi sa napkin mo para tuloy tuloy lang yung trabaho mo kasi di naman yan diaper... isa lamang itong hamak na napkin... na kung hindi ka lang super busy sa trabaho na halos di ka gumalaw eh sa malamang at sa malamang eh halos mukhang red na clay na siya na nag-coconform sa shape ng *toot* *toot* at ng mga hita mo... ok... bata pa ako... di ko kaya isulat yung *toot* *toot* using yung the actual words... pota akala ko mature na ako!

But anyway... so dahil naiihi ka nga... pupunta ka sa banyo niyong madalas sa madalas eh malinis at walang amoy...

EH KASO LANG! Sinusuwerte ka nga talaga... so mapapasok mo yung isang cubicle... na kahit malinis eh anakngpota... AMOY PADER NG MGA TERMINAL AT PIER NAMAN!!!! PAKDATSHET!

Since na-flush naman yung inidoro... magtataka ka kung bakit may super duper masangsang na panghi na hayup kung sumuot sa ilong... amoy na sa sobrang lakas ay tila damang-dama mo ang pag-transform ng hanging hinihinga mo to mapanghing kulangot SHET!

So siyempre hahanapin mo ang salarin... POTA! BASA PALA yung edge ng base ng inidoro... at dahil dry naman yung majority ng space ng sahig sa cubicle... ma-de-deduce mo na pinunasan nung salarin yung sahig.... pero hindi yung edge ng base ng toilet bowl...

Sa dinami daming misteryo sa mundo.... ang tanong ko lang naman ngayong madaling araw eh... PUTA! GANO KAHIRAP BA ISHOOT ANG IHI SA INIDORO?!?!?!!?

Mabuti sana kung 10-cm lang ang diameter (assume na diameter... halos bilog na rin naman yung butas) ng inidoro sa banyo namin dito sa office eh hindi naman!  PAKSHET! SOBRANG LAWAK BA NG PEKPEK MO PARA MAGKALAT KA ALL OVER THAT FUCKING CUBICLE?!?!?!

Okay... kaya ko pa rin pala sabihin yung *toot* *toot* pag high blood moments.

Friday, February 4, 2011

DO NOT #2 if you're with an acquaintance.

KASI NAKAKABITIN TUMAE!!!!

I'm getting used to wiping my ass with tissue instead of, like most probinsyanas I BELIEVE, my since-birth-routine of using water to clean-up after number 2. Kaya naman keribels lang na tumae ako dito sa opisina lalo pa at:
  1. Malinis ang banyo namin (habang wala pa yung mga BPO)
  2. Pwede kang mag-horde ng tissue paper kasi mukhang naka UNLI-tissue yung office namin.
So nang makaramdam ako kanina ng pangangailangang magbawas kasi may lechon kanina sa pantry (and yes! dahil guard namin yung nag-chop-chop nung lechon at dahil mabait sa akin yung guard kasi adorable akong tunay... nung humingi ako ng balat nung lechon, ini-expect ko tipong 1/4 sheet size na balat lang ibibigay sa akin, but nO! singlaki ng paper plate ko yung binigay na SUPER CRISPY balat sa akin! Sorry bihira ako makatsamba ng crispy balat sa mga kainan kasi madalas eh makunat na yung balat pag dumadating ako sa mga party, kaya sobrang thankful ako kay Manong Guard kanina! SHEEET NARARAMDAMAN KO PA RIN YUNG LUTONG NUNG BALAT BAWAT KAGAT AT NGUYA KO!!!) at siyempre after nung lechon bumili kami ni Olive ng 800 mL na Chocolate Truffles na ice cream ng Selecta sa 7/11(na kami lang yung kumain kasi ayaw na nung iba kasi busog na daw sila... which was fine with me... nag-offer lang naman ako para di ako masyado mukhang matakaw at selfish hahaahhahahahaha!!!) Yaan niyo na ako matagal na akong di bumibili ng ice cream for myself sa bahay. Yung mga nabili kong ice cream since January... mga pacute na ice cream lang. Hindi bonggang ICE CREAM!

Anyway, like I always do, I digress... As I was saying... nung makaramdam ako ng tawag ni inang kalikasan... siyempre direcho na ako sa banyo... eh kaso naman... nakasabay ko yung isang teammate ko.. si Relly... (di ko sure kung tama spelling), di ko pa naman siya super friends pero nakaka-joke-an ko na siya. Pagdating sa banyo... didirecho na sana ako sa favorite-cubicle-to-tae-in ko... eh kaso nauna siya sa may pinto... so nag-joke na lang ako ng: "pwede sumama?" At siyempre pa... dahil funny ako.... eh tumawa siya! When in fact ang gusto ko sabihin... HOY AKO JAN! DITO KA SA ISA! Pero dahil di naman ako may-ari ng banyo at di naman ako kups... dun na lang ako pumasok sa gitnang cubicle.

Eh kaso kinakausap niya pa rin ako the whole time... akala niya ata wiwiwi lang ako! So ako naman pinatulan ko rin lang small-talk niya habang wumiwiwi muna ako. ANAKNGSHET!!! Halos sabay lang kami natapos magwiwi... YES! Minomonitor ko lahat ng sounds! BAKIT!? IN fairness, di naman niya ako kinausap na after niya magwiwi... eh siyempre ako naman nagcoconcentrate sa pagtae ng mabilis para makapagpanggap akong nagwiwi lang ako! Kasi shy pa nga ako kasi di ko pa siya superfriend! ANAKNGTINAPA! Mabuti na lang tlaga taeng-tae lang ako kanina kasi ambilis lumabas ang very-long-and-smooth-chocolatey-tae ko. So... *wipe here* *wipe there* *wipe everywhere*... *zip up* sabay labas ng banyo na kunyari nag-wiwi lang...

SUCCESS NGA! BITIN NAMAN! I LIKE TO LINGER SA BANYO FOR MY NUMBER 2s!!!!

Friday, December 31, 2010

I have a yucky smell!

I smell like YOSI smoke. YAAAAAAAK!!!!

Di ko kaya mag-aircon sa kotse with my smell! Ulk! Magsasayang na naman ako ng shampoo nito mamaya to wash the smell off my hair... haaaay!!!

At siyempre dapat nagtratrabaho ako ngayon... pero bakasyon mode na talaga ako...

Anyway, I came back to work earlier than I planned because our PM told me that he'd have something for me to work on before I leave... eh kaso pagkabalik ko sabi niya, OK na daw... BUTI NA LANG!

Kaya ngayon... petiks mode...

Ok work mode ulit.

Monday, October 4, 2010

Shades, Sunglasses... whatever!

Ako na! Ako na ang pinakamasamang tao sa mundo!!! Hahahhahahaha!

Bakit naman kasiiiiiiiiii!!??!!? Bakit kasi may pumapasok ng office na naka-shades hanggang sa loob ng opisina!??!?! WALANG SUN SA LOOB NG OFFICE! and by the way.. October na! Maulan na! Wala na halos Sun-rays kadalasan... at kung may Sun man kayong maaninag paminsan-minsan... WALA PA RING RASON PARA isuot ang sun glasses hanggang sa loob ng office na walang bintana para masilip ang sun-rays o kahit man lang super-duper bright lights to give you a valid excuse to shade your eyes! (Unless kakaopera lang ng mata mo... o kaya kung may sore eyes ka... otherwise... ) THERE IS NO EXCUSE!!!!!

Okay fine... siguro kung super cool ka... or sobrang pogi mo that you could pull it off... siguro okay lang.. double standards na kung sa double standards! Eh kaso nagmumukhang eng-eng lang talaga ang mga taong pumapasok sa office ng naka-shades... tapos feel na feel pa nila na hot sila ... KAHIT HINDI NAMAAAAAAAAAAAAN!!!!!  And besides.. kung pogi ka at cool ka... I doubt kung gagawin mo to... unless nagdrdrive ka... pero feeling ko... FEELING KO LANG HA! When they get off the car... TINATANGGAL PA RIN NILA SHADES NILA... BAGO PUMASOK NG OFFICE! hahahahaha!

Taena ako na ang di maka-let go! NO TO SHADES/SUNGLASSES INSIDE OFFICES WITH NO WINDOWS! LALO NA KUNG DI KA HOT! hahahahahahah!

Well... I did say masama akong tao... hahahahha!

Thursday, September 2, 2010

A Brief "Me" Background

Siyempre kelangan may background about me. Even though wala naman akong balak ipagkalat 'tong blog ko na to... baka lang may makatsambang nilalang at biglang natuwa sa blog ko na 'to... so might as well introduce myself properly.

I'm a girl... na madalas pinagkakamalang tomboy/tibo/shombits/lesbiana... mainly because I'm not a girly-girl and I don't gush about boys publicly... (yes, I do obsess about boys... but only with my closest friends!... and even with my not-that-close-friends if the guy is hot enough para 'di ko i-deny na pinagnanasaan ko siya! hahahaha!).

I dislike nail-polish, transparent or otherwise, pero siyempre nagpapacleaning rin naman ako ng kuko no! It's called hygiene! Helloooooo!! Pero ayokong pinapakulayan yung kuko kasi nadudumihan ako sa cutics na nababakbak! Yucky Kadiri!

Also, I don't like skirts and dresses. Pants, short and long, are more sensible to me. You can move easily in them without having to worry about your undies or the lack thereof! Hahaha! Pero siyempre I still prefer shorts kasi mas presko... pantalon, during rainy/cold season lang.

Probinsyana ako. I grew up in Samar till end of Grade School, Leyte naman nung High School... then Metro Manila na nung College.

Nagdr-drive ako dati... kasi akala ko afford ko na yung expense that comes with a car... kaso biglang na-bankrupt ako... so commuter-girl na ako ulit ngayon.

I have a younger sister na bruha, tatay na praning, at nanay na bungangera... pero siyempre love ko silang lahat.

Akala ko dati matalino ako... this was reinforced by my parent's belief in my "unlimited potential"... kaso... yun nga... akala ko lang pala. Little did I know... cute lang pala ako at di gano'n katalino.

And to sum everything up: Cute lang ako... hindi perpekto.