Hmmm. Work... Ayoko pag-usapan! Hahaha panira ng good vibes! Hahaha!
Not work... hmmm. Nag-dinner lang kami nila Emman at Rika (gradeschool prens) sa Sizzling Pepper Steak sa Piazza. Bigla na lang nag-text kasi si Emman... kasama daw niya si Rika. Dito na rin pala kasi si Emman sa may Fort area nagtratrabaho. At dahil ako ay walang ride, demanding forever na puntahan nila ako! hahhaha!
At tong si Rika naman eh malapit rin lang naman pala din dito nakatira. Somewhere lang sa Kalayaan. Nung makita ko sila tinanong ko kung bakit di kasama si Nicole (another gradeschool friend na pinsan ni Mama... pero kaedad ko at naging kaklase ko nung gradeschool at sa may St. Luke's nag-wowork), ayun naman pala umuwi ng Catbalogan yung bruha. Death anniv ata ng lolo niya.
So anyway, ayun... at dahil last time si Emman yung sumagot nung kinain namin... ako naman taya this time. At dahil ayoko na gamitin cash ko kasi reserved for my bills yun, napilitan na naman ako mag-cc. Shiyet!
Hahaha! As always kamusta kamusta ng mga sangkatauhan. Si Omar di na raw masyado nag-e-english! Hahahaha! Si Redgie, going strong with his g-ep. Si Vernon kalive-in na yung g-ep niya. Si Des (yung girl na Des... hindi yung boy... hahahaha! Labyu Boy Des! Hahaha!) naman nasa Amsterdam daw at nag-aaral. Bruha! Daya! Last year dito pa yun sa Pilipinas at nagpapaka-golden heart sa isang NGO company. Inggitera lang ako. Hahaha! May mga bading rumors rin as always. And as always puro haka-haka lang at hindi confeermed! hahahah! Ngayon ko rin lang nalaman na niligawan si Rika dati ni Ace at Jay! HAHAHAAHAHAHAHAHHAHAHA!
Anyway, tong si Rika naman na huling balita ko eh nag-aaral ng Law... at nung 2009 eh pinangakuan ko na sa January 2010 eh payat na ako (Hahaha bolsyet talaga ako mangako lalo na pag weight related! Hahaha!).. eh working freelance of whatever daw! HAhaha!
Haaaaay! Shet kelangan makapag-dinner ulit kami... tapos si Rika naman papakain.
Hmmm... san ba pde magpakababoy pero di ako masyadong bababoy?
tangina mo!!! HAHAHAHA
ReplyDeleteoi Boy Des! napadaan ka! hahaahahaa!
ReplyDelete