Tuesday, February 24, 2015

Why?!?!

I'm happy for mother-to-be's. Yey! New baby! I get the FB announcements and sonogram posts... Pero bakit kailangan ipost ang 3D images?!?!?!?! Sorry, pero mukha talaga silang ebs!!!!! Di siya nakakaexcite tingnan!! Nakakawala ng gana bumati!

posted from Bloggeroid

Monday, February 23, 2015

Spell

Nagiisip ako kanina kung ano pa makapagpapaganda sa araw ko kanina... Akala ko ice cream na lang... Mali pala ako...

Isang tambak pa nga pala labada ko!

Wingardium leviosa! Hahaahhahahaha! Ano ba spell panglinis ng gamit?

posted from Bloggeroid

Sunday, February 22, 2015

Thiz iz the luhyf!

Lazy Sunday afternoon, relatively clean house, full stomach, new sheets. Movie on the TV. Books at hand just in case the movie gets boring.

I am trying to think of something that will make this even better... Ice cream, I guess, if I was craving for it. Eh kaso hindi, sooo... Again, this is the life! Ambabaw ko!!!!

Ay naisip ko na what would make it even better, super duper extra fast internet connection AND 5 more days like this.

posted from Bloggeroid

Saturday, February 21, 2015

Gusto ko na magpakasal.

Hindi dahil sa body clock gone wild or kung ano man.

Gusto ko lang talaga ng wedding gifts na gamit pangbahay tapos bagong bahay na ikaw magiinterior design from scratch... At higit sa lahat, honeymoon trip sa labas ng bansa na walang gastos kasi libre lahat ng ninong/ninang sa kasal.

Ok lang kahit walang groom, pramis. Saka kahit walang wedding ceremony.

Ok fine. Gusto ko lang bilhan ako ng kung sino man ng bahay at gamit ng bahay at libreng trip abroad!

Buhay pa ba yung "Pera o Bayong"?

posted from Bloggeroid

Friday, February 20, 2015

Hanghirap ng shared account!

Nope, hindi pera. Ayoko ng shared account tapos pera... Unless mas malaki contribution ng kashare ko para pwede kong kamkamin yung share niya! Hahahahahha! Kamkamin! The word!

Si Sir Boy kasi, yung DM namin nila Bernz, may shared account sa FB with his business partner - nakapangalan sa business nila yung account. Apparently, mas sikat siya. Gamit ata kasi na birthday nung account is yung bday nung partner niya, kaso napupuno feed ko ngayon ng paliwanag posts na hindi niya bday! Hahahahaha! Pinuputakte siya ng bday greeting! Ahm... Kasama na ako dun! Hahaha! Kasalanan ni SPV! Nagcomment lang ako dun sa bati niya eh!

Natawa lang ako dun sa isa: "Thanks guys, pero di ko bday ngayon." Hahahahaha! Alam mo yung di mo alam kung matutuwa ka kasi binati ka ng mga tao, o malulungkot ka kasi di nila alam yung totoong bday mo! Hahahahahaha! Zahry sir boy! Sabi ko nga ba parang di ka naman tumatanda, nakakapagtaka na nagbday ka! Hahahaha chos!!! Me masabi lang! Hahahahha!

Thanks guys, pero di ko bday ngayon... --> hahahahaha! Laughtrip!!!!

posted from Bloggeroid

Thursday, February 19, 2015

I'm scared.

A cousin got married yesterday. No, I'm not scared I'll forever be alone. Hahahaha! Patawa lang!

Intro lang yun.

At dahil nga ikinasal yung isang pinsan ko kahapon, siyempre reunion na naman. Unfortunately, di ako naka-attend. Why? Hmmm... I wanted to. Initially. Una sa lahat, nasa Cebu yung venue. So hassle to the muscle! I was willing to file a leave of absence for it even if it was super short notice. Biglaan eh. Wala naman buntis or anything pero kasi umuwi siya dito from the land down under at nagdecide magpakasal kasi mahal niya boypren niya. Well, totoo naman yun, pero primary reason daw ata for the rush eh balak na nung guy mag-migrate sa land down under kasi nga andun pinsan ko, student visa. At dahil mas malaki chances ni lalaki for a more permanent visa, asawa na muna sila. Para pag tuluyan nakamigrate si guy, di na ganun kahirap para sa pinsan ko mag-stay pag nagexpire na student visa niya. Masaya naman ako para sa kanila, mabait yung guy in fairness. As in. Super. Kaso later nalaman ko, medyo ayaw pala kami pasabihan ng pinsan ko regarding the wedding kasi simple lang daw (bullcrap reason in my opinion). Pwedeng totoo naman. But, whatever. Sinabihan lang kami kasi pinilit yung bride ni ate na sabihan kami.

So napagisipan ko, bakit naman ako pupunta sa kasal na ayaw naman pala kami papuntahin talaga in the first place, di ba? I was eventually invited personally ng pinsan ko and was given the perfunctory "pilitin umattend speech" and I appreciated it naman. She had her reasons, so tatanggapin ko yung reasons niya at face value and send them my best wishes and congratulations. I wish them well, pero di ako magsasayang ng pamasahe at filed leaves kung ganun naman pala. Medyo bitter, yes. Pero ganun talaga.

So anyway, kinasal na sila kahapon. And pictures galore on my feed. Masaya naman. And then there was this one picture. Cousins + yung mga special ones nila. Wala yung kapatid ko, si ate, saka yung recently hitched couple. At narealize ko, shet ayoko rin mapasali sa picture na to. Hahahahahhaha! Tapos with that thought: ANG SAMA SAMA SAMA KO!!!!

Hahahahah! So dahil post ko to, I want to reason out bakit ayoko mapasali sa picture na yun. Una sa lahat, at ang main reason why, majority ng andun sa picture na yun yung mga nagpopost ng sobrang tangnang nakakairitang posts sa feed kooooooo!!!!! Sila yung nagpapahayblad sa akin with the putangnang walang kamatayang selfies posts, medyo bobong status, at kung anu-ano pang nasa listahan ng buzzfeed ba yun ng "Why I want to quit Social Media"!!!!!!

So, now. This is why I'm scared. Flesh and blood ko na yung mga hayup na yun pero I can't stand their online presence. Takot na ako kasi feeling ko sumasama na talaga ako. Social media is making me detest a lot of people who used to make me smile in person. Pag sa totoong buhay, mahal ko mga pinsan ko kasi mababait sila kumpara sa akin, nakakatawa sila, at (karamihan) hindi man sila book smart, super witty naman sila at hindi mga antipatiko. Siyempre parating may exception, pero sobrang konti lang. Madalas tito/tita yung antipatiko. I usually get along fine with cousins. Hay naku, kelan kaya ako makakapost ng masayang post?

posted from Bloggeroid

Wednesday, February 18, 2015

Another annoying word: EPIC

Kakapost ko lang tungkol sa mga annoying words I see on FB. Just saw another one, EPIC.

Last time I heard this (not from my friends who were mocking the person we actually heard it from), nasa Boracay kami. Dun sa katabi ng White House, di ko maalala anong resort yun (Station Juan ba yun, not sure) basta naalala ko may mga cabana saka masarap yung beef steak nila. Shit! Gusto ko bumalik para mag-nap ulit sa cabana at kumain ng beef steak pagkagising.

Anyway, may college kids (ehmehrgehrd!!! Kids!!!! I feel soooo... Mature! Hahahaha!) na biglang nagsidatingan kasi parang may event ata sa White House later, so parang maaga sila pumwesto dun kasi parang wala na rin available cabana sa White House, kaya nga kami nadisplace dun sa kabilang resort. So tumawag yung isang kid dun sa friend niya, it sounded like, para papuntahin dun sa kung asan kaming lahat, di na to verbatim pero I think it went like this: "Guys! Come on! This place is so epic!"

Naalala ko nagtinginan na lang kami nila Des at Kai at minock yung bata later on kasi nga the place where we were was soooo epic!!!! Hahahaha! Funny siya that time, siguro kasi nga may mga kasama akong imock siya at siguro kasi masaya yung mood naming lahat that time so kaya namin palampasin yung ka-OA-han nung bata.

So, this brings us to why I brought this up now. Just saw a childhood friend who's going somewhere and declared his journey as: "this is going to be so "EPIC!" So nagpanting na naman tenga ko. Una sa lahat, ang original mo ha! Pangalawa...

Tangina!!! What's with using the word EPIC so frivolously?!?!? Ano ka?! Si Lam-ang?!

posted from Bloggeroid

Sunday, February 15, 2015

HAYBLAD MODE: ON

Kanina pa ako dapat magsusulat about this kaso nadistract ako nung previous post ko kasi may draft pala ako nun, so tinapos ko muna yun. After ko siya maisulat, na-release ko na stress ko kasi nasabi ko na gusto kong sabihin about that post kaya di ko muna tinuloy yung topic nitong post na to... Kaso dahil may bug nga utak ko, di na naman ako makalog-off sa FB kaya naman andami ko na naman nakita which reminded me, I was supposed to rant about this.

"What is THIS?", you ask.

THIS = annoying words/phrases like bae, foods, feels, fambam, yolo, ootd, guise ... Alam ko meron pa, kaso nakalimutan ko na naman. I tried checking FB for them pero buti na lang mukhang naoverpower na sila ng better posts sa feed ko.

MINSAN it doesn't really annoy me when people use these words lalo na kung used in mockery. Pero pag mukhang talagang part siya ng daily vocabulary nung tao medyo nagpapanting yung tenga ko, kasi I'm pakialamera that way!

Medyo natanggap ko na yung guise kasi natatawa ako everytime nababasa ko siya. Di ba guise?!?! Funny siya guise, promise!!! Hahahaha! Pero...

Ok lang ang yolo at ootd kung kaibigan kita. Otherwise, I am judging you, pretentious beeyatch!

But then again, friends, if you use the words below and not to mock someone... I'm probably judging you too, pero deep inside lang kasi friends tayo eh...

Ok lang ang foods pag ginagaya mo si Vhong o si Pacquiao ba yun?!
Ok lang ang bae pag minomock mo yung mga gumagamit nito in regular programming!
I hate, hate, hate, hate, hate, hate feels and fambam!!!! I have not seen people use these words to mock anyone so iritable ako everytime I read them anywhere!

There's a thesaurus! Use it! Walang thesaurus?! Anaknangshet, GMG (Google mo, gago!)!!! If you want to express how a book made you emotional and the actual emotions you actually felt, tae... Wag mong sabihing... The feels!!! Walang sentence na ganyan!!! Pakshet! Andiyan ang utak para paganahin at subukang i-express ang sarili ng mas malinaw!!! Hindi tayo caveman!!!

Don't get me started on fambam, kasi maygourds!!!!!!!! Sobrang pakyut na nakakairita!!!! Sarap mo tapunan ng atomic bomb! (Yan lang naisip kong pwedeng itapon which will satisfy me and sort of rhymes with the annoying word na rin). Nope, la familia is not included because even though it is a bit pretentious, hindi siya pakyut, at higit sa lahat... ginagamit ko siya! Hahahaha!

END RANT. Sana masaya na next post ko guise! Nakakapagod na maging nega kala niyo!!!
posted from Bloggeroid

People skills where are you!!?!??

Noooooo! Feeling ko unti unti nang nawawala people skills ko! As in!!!! Kaya ko naman magsmall talk, but I hate it. Pero kahit nga I hate it, I used to be able to do it KAPAG kailangan (i.e. super duper awkward silent moments).

Recently, even if I could feel the awkwardness seeping through my skin, di ko na talaga kaya pilitin sarili ko mag-attempt ng small talk. If you have nothing to say, eh di ako rin. If you have something stupid to say or try and share something in an attempt to appear intelligent, eh di goodluck to you! Ayoko na umeffort gawing sensible yung flow ng conversation. Enjoy ka na lang diyan sa soliloquy mo. I-eenjoy ko na lang yung scenery kung meron or my own thoughts on how you're being so annoying and why are you not realizing it?!?!! And if you're really super annoying, I wouldn't even attempt to hide my disdain and boredom, as in tutunganga na lang talaga ako sa pader na walang design because, to be honest, I'd rather look at the most mundane thing in front of me than give you the tiniest of impressions that I actually heard your monologue! At baka pilitin mo pa akong mag-react. Ayoko na sayangin reaction ko sa yo!

Hahahahha! Sorry... The rant was supposed to be a generalization about how my fuse is getting shorter and shorter these days, kaso as I was typing, may isang taong nagpo-pop sa isip ko.... No. Not a good thing... I was thinking about that person kasi he was supeeeeeeer annoying!!!!!

No, hindi ito yung taong nabanggit ko a few posts back. New person na nakasama ko sa isang lakad. I had a hint that he was kind of boring and a show-off. Kaso akala ko, I could handle it. Tae! Di ko pala kayaaaaaaaaa!!! Bakit pa ako sumama sa labas na yun! May gaaaarsh!

Kung ibang tao, they would have said they wanted to blow their own heads off so they could get away... Kaso since ako to, I wanted to shoot HIS head off... Not with a .45. With an Uzi!!! O kaya Armalite! Kasi it would give me the satisfaction of putting a certain number of bullets through his head! In succession!!! Maygaaaash nanggigigil pa rin ako ngayon! Akala ko that time, kaya lang ako pikon kasi antok lang ako or kulang sa tulog, kaso ngayon dilat na dilat na ako, naiirita pa rin ako sa pagmumukha niya! Lalong lalo na sa yabang niya! Maygarsh!!! Tapos feel na feel pa niya na ang ganda ganda ng boses niyaaaaaaaa!!!! May bitbit-bitbit siyang gitara! Hellooooo!!! Ayoko kay April Boy, pero buti pa siguro kung si April Boy na lang yung kasama namin kesa sa yo! At least si April Boy, mukhang di mahangin kahit kung maka-outfit kala mo may pawnshop! Leche! Pakshet!!!! sarap talaga paputukan ng granada, dinamita, at napalm ng sabay sabay yung hayup na yun!!!!

Sana di na kita makita!!!! Shet ka! Tuluyang nagugunaw yung halos non-existent people skills ko dahil sa yo! Tae! Alam ko matalino, kasi kahit pano UP grad ata. Kaso he was proof enough that a good school does not guarantee quality people.

Friends, please don't leave me with people like him. Konti lang kayong gusto ko kasama! I love you friends! Please tiisin niyo idiosyncracies ko?! Please?!

posted from Bloggeroid

Monday, February 2, 2015

Mahal ko Nanay Ko

Pero nahahayblad ako sa mga posing niya sa pictures.

posted from Bloggeroid

Nasa tao nga talaga.

May quotable quotes akong nakikita dati sa internet na supposedly galing kay Meryl Streep at tuwang tuwa ako dun sa quote. Di ko sure how true na siya nga nagsabi nun. Kaso nung nakita kong pinost ng isa sa mga pinsan ng nanay ko na I'm not particularly fond of... Nairita ako dun sa quote. Feeling ko di si Meryl Streep nagsabi nun. At kahit can relate pa rin ako dun sa quote, ayoko na siya gamitin kasi I feel so... What's the word... Cheap.

Harsh. I know. Wala akong maisip na excuse for myself. Eh nakakairita siya eh, arte kasi. Ayoko na isipin, sumasama na naman ako. Wala naman ginawa sa akin yun, except maginarte. Matalino yun, in fairness. Kaso maarte. Ayoko ng maarte!!!!!!!!!!!!!

Shet maarte ba ako? Sana hindi ako maarte. Sinabi ko bang ayoko ng maarte?!? Kaya tuwang tuwa ako sa mga kilala kong magaganda na sobrang bihira magpost ng bagong profile pic or kahit anong post. Wala lang. Feeling ko mas less hayuk sila sa attention, i.e. less maarte/narcissistic.

Sabi nila galit ang magnanakaw sa kapwa magnanakaw. Ang maarte kaya galit rin sa kapwa maarte? So maartr nga ba ako?! Sana talaga hindi!!!! Noooooo!!! I can't!!! I just can't!!!!!

posted from Bloggeroid

Taipei

Nawala sa isip ko ang Taipei for a few weeks... Pero excited na naman ulit akooooooooo!!!!!! Hangtagal ng March! hangtagal ng June!!!! hangtagal ng august!!!!!!!

posted from Bloggeroid

Sunday, February 1, 2015

Shocker!!!!

Pag may nakikita akong kababata ko na alam kong mas bata sa akin na may ikinasal o kaya parang toddler na yung anak sobrang nagugulat ako!!!

Ang bata batang lumandi!!! Yan unang nasa isip ko... Tapos after a few seconds... Marerealize ko ah 20+ na pala siya, graduate na ng college, may karapatan na bumuo ng pamilya... At 30 na nga pala ako! Hahahahaha!

I keep forgetting that people age. Madalas kasi yung edad nila sa isip ko ay yung edad nila kung kelan huli ko silang nakita... And for the two girls na nakita ko sa FB recently, I think 10 at 8 yo sila nung huli kong nakita... 12 at 9 ata ako respectively... Feeling ko 10 yo at 8 pa rin sila hahaha! Bawal pa magasawa! Hahahah! Halos magtretrenta na nga rin pala yung dalawa!

Hay naku age! You always shock me!

posted from Bloggeroid