I need to have a routine. I'm aimlessly wandering again. I need a routine and I need a goal.
For now, papayat na muna ako. Hahahah! I knooooow!!! Deeeep!!!
But howell, ganyan talaga ang buhay... minsan sa sobrang complicated halos malunod ka na sa problema... minsan naman ikaw na mismo ang maghahanap ng pwedeng problemahin.
At dahil ang pinakamalaki kong problema eh ang napakalaki kong timbang ngayon... sige yun na muna.
At dahil antagal ko na sinusubukan pumayat pero pa-chill chill lang ang rules ko sa sarili ko... kaya naman wala rin talagang nangyayari. I've started moving again, slowly but surely... naglakad na ako sa Aguinaldo last week for a total of almost 8K... so good start na di ba?
Eh kaso... ang sarap magpadeliver nung weekend! Hahahahah! bolshet lang! Pinagod ko lang sarili ko pala! Kasi bawi lahat ng nilakad ko and more! hahaha!
So ganito na lang, aside from continuing the alay lakad plans sa Aguinaldo...
DAPAT tubig galore (no soda); at
DAPAT less than or equal to 75 pesos lang ako per meal. Meal defined as Breakfast, Lunch or Dinner; at
DAPAT less than or equal to 25 pesos lang yung snack. Snack, i.e. 9AM recess or 3PM merienda! (parang grade school lang)
exception: Pag kasama ko sila Mama at Papa! Hahahahaha! Siyempre kelangan ko pakainin sila Mama at Papa pag kasama ko sila di ba? saka di ko naman sila pwedeng tipirin... at di rin naman ako martyr para tumingin lang sa kinakain nila.. sabi ko gusto ko pumayat... hindi maging santo sa kamartiran!
So.... bottom line.... tipid na sa calories, tipid pa sa pera! Wooohooooo! Okay, kahit try ko muna to for one week, then 2 weeks... then isang buwan... then... a basta one week muna... Wag muna akong ambisyosa masyado... ONE ZTEP AD A DIME!
Go ME!!!!!!
Just in case iniisip niyo... bakit 75 pesos per meal? Eh kasi 75 pesos yung 2 pc burger steak sa jollibee!!! hahahahaha! At kung di man ako magluto at magdrive thru ako... at least alam ko yun lang pde ko kainin! Bawal na extra order! Hahahha! Kung di kayang i-scrap completely, find a way to make it work! Hahahah!
No comments:
Post a Comment