Showing posts with label Lamon. Show all posts
Showing posts with label Lamon. Show all posts

Friday, October 14, 2011

GRAVY, KALAMANSI, TOYO, HAKAW, BABOY, LOMI...

Isang tulog na lang matitikman ko na kayo uliiiiiiiiiit!!!

Siguro meron naman dito hakaw or lomi or other noodles... kaso hello lang!!! di ko alam pano at san ko sila oorderin!!!

Bakit ba kasi Pilipinas lang ang may gravy sa mga fastfood!?!?!?!?

Monday, April 4, 2011

I feel the burn!!!!

Pota! feeling ko may angles na ulit yung fez ko! hahahahah! After the boxing session today! Hahhhahhaha! OO NA!!! Feelingerang palaka na ako! Bakit ba?! Bawal ang wishful thinking?!?! Hahahahah!

Pero kanina habang naglalakad papunta't pabalik ng bangko... homaygeds!!! my abdominal masels!!! THEY BURNED!!!! AT DI AKO FEELINGERA this time! may abdominal muscles akO! Di nga lang obvious! hahahahah!

Taenang yan! I just need to refrain from the 2 pc Chicken Joy after each session... next time 1 pc na lang! HAhahhaah! Tapos next, next time... wala ng coke! Dahan-dahan lang para di naman ako mag-seizure bigla sa gutom!

Hay sarap mangarap!!! Excited na ako for next month!!!

Thursday, February 10, 2011

KATSUDON

POTA GUSTO KO NG KATSUDON!!!!

Homaygeds!!! Sinusubukan ko matulog kagabi ng 1230 kasi medyo success naman na akong matulog ng 1230-1AM for the past few days. Di na ako nocturnal!!!... masyado.... slight na lang.

Kaso habang nakapikit ako nag-iimagine na naman ako ng mga pde kong gawin sa Kota... taena! Ako na ang di excited! Hahahaha! Inggiterang palaka lang ako kasi si Tesoro at Axis nagdedevelop ng anghit ngayon sa Dubai. Hahahhha!!

Di ko naman dream masyado ang Dubai kasi wala naman ako masyadong alam tungkol sa lugar except may movie sila John Lloyd, Aga, at Claudine (ata) dun, maraming sand dun, at marami ring mga Arabo. Nevertheless, nakakainggit pa rin yung abroad no! Abroad pa rin yun... ibig sabihin me kashing-kashing ka pang-abroad!

Shet! Kasalanan to ng nanay ko... dream kasi ni Mama yung may mapa siya ng mundo tapos i-isa-isahin niyang i-check yung bawat lugar na napuntahan na niya... nahawa ata ako! kasi mas sosyal na ang dream ko... gusto ko may globe ako na gawa sa corkboard yung materials tapos ipu-pushpin ko yung mga napuntahan ko na! Hahaahahhaha! pota! Heniweisssssss!!!!

So ayun nga! habang nakapikit ako kagabi... imagine na ako ng imagine... tapos di ako mapakali kung mag-D-DIY ba ako o kukuha ako ng package... mas mura kasi yung DIY kesa sa package... kaso hassle naman sa bangs yung DIY kasi nO! So paulit ulit rin ako ng compute sa utak ko... so ayun di na ako makatulog... SO bumangon na lang ako para tingnan yung notes ko sa Kota... Yes! May notes ako ng mga gusto kong puntahan saka yung mga presyo ng mga agencies sa internet! BAkit!? Bawal!??! Hehehehe! So ayun nung makita ko... di rin naman ako makadecide kasi yung latest na napagtanungan ko... di ko pa pala naisulat sa notebook ko... next time na... tinatamad pa ako mag-update... but anyway ulit... nagdecide na lang ako na ififinalize ko yung gagawin ko kapag nakapagtanong na ako dun sa isa ko pang pinagtanungan...

Eh kaso naman... di pa rin ako makatulog! So ayun binuksan ko na yung tv.... NHK World. Pota! DOCUMENTARY NG MGA LUGAR SA JAPAN KUNG SAAN NAGSIMULA YUNG MGA DONBURI! SHEEEEEEEEEET!!

Pinapakita kung pano niluluto yung Katsudon, Oyakudon, Unagi, Gyudon... POTAAA!!!! Ang sarap sapukin nung babae nung nag-so-sound effects siya na masarap daw, etc, etc... AS IF DI KO ALAM NA MASARAP YUNG KATSUDON! HELLO!!! SIYEMPRE ALAM KONG MASARAP!!! HELLOOOOO!!! POTA!

Napaisip tuloy ako kung may nagdedeliver ba ng ganun ka-late na Jap resto... kaso ang alam ko Kamirori 9AM-830PM lang! pakdatshet!

Busog ako ng una kong in-attempt matulog... gutom naman akong natulog. Shet!