Thursday, January 3, 2013

Vacation Mode and Banyo Talk

Haaaay shiyet!!! I am so sleepy and I am still on vacation mode.

Gusto kong tumae kaso potek I'm back in Pinas and ang mga banyo namin dito ay hindi mala-Meco or Capgem banyo na pde kang mag-feel at home at tumae ng bongga! Kasi gross ang banyo dito! GROSSSSS!!!!

Kung makatsamba ka na pagpasok mo sa banyo eh "kakalinis" pa lang, well and good! Hindi mapanghi ang banyo pagpasok mo... pero hanggang dun lang ang tsamba mo! Homaygoodness! Icky fluids all over the toilet seats o kaya naman teenager ipis and ants all around ang kalaban mo! Yucks! as in yucks! Hindi ako ganun kalinis na tao... pero kasi naman! At least sa bahay ko... pde kong lunurin sa tubig ang dumi at kung ano man! At of course once in a while pag sinipag ako eh nakakaexperience rin naman ang banyo ko ng muriatic acid at kiwi cleen at kung anu-ano pang pamatay ng bacteriang produkto... pero ang banyo namin dito sa opisina... homaygoooddnesss! Parang pamekeng punas here and there lang at konting spray dito at spray diyan lang ang nararanasan. Ilong mo lang yung naloloko minsan... and when I say minsan... Gaano kadalas ang minsan you ask? Mas madalas pa ako mangulangot sa isang araw as compared dun sa minsan sa isang linggong di siya nagpupumiglas sa panghi! At bihira ako mangulangot no! Mukha lang madalas kasi malaki butas ng ilong ko... pero unfortunately inborn yan at di dulot ng madalas na pangungulangot!

Minsan mapapaisip kang mabuting magkabato na lang kesa magwiwi dun at baka maexpose pa ang privates mo sa kung anong bacteriang di mo man makita eh amoy na amoy mo lang naman to the highest level!

Namimiss ko na ang malinis na banyo ng Meralco, Capgem, at ng OB1 dun sa Canton! Yung tipong pag tinawag ka ni inang kalikasan, proproblemahin mo lang kung me mtg ka bang naka-schedule.... kasi kung wala... Go lang ng Go! #1? #2? potek kung may meaning yung #3 pede ka ring mag-#3!

Ang point ko... kung gusto niyo maging productive mga tao niyo... make sure malinis yung banyo! para hindi problema sa pagwiwi at pagtae yung iniisip the entire time sa office! Ayan tuloy! Excited na ako umuwi para lang makatae!

6Am come to me!

No comments:

Post a Comment