Tuesday, January 8, 2013

Kulangot... kung meron ka, healthy ka!

Mag-iisang buwang na akong me sakit. Una palagnat-lagnat lang. Kaso dahil sadyang cool akong tao, di natiis maki-join ng ubo't sipon sa sexy body ko. Ilang araw pa ang lumipas, andiyan na rin ang sakit ng ulo't pagsusuka.

I know! I'm the hottest person there is! Tangina! Natapos na lang bagyo sa Samar, di pa rin tapos ang party ng mga sakit sa katawan ko. At dahil di kaya ni sore throat mawalay kay ubo ng matagal, maya-maya pa jumoin na rin siya. Kaya naman potek sa lahat ng putik! Tatlong kanta lang nakanta ko sa videoke nung Christmas vacation. Di naman ako papayag na di ako makakanta di ba? Hello! nirentahan kaya yung ng tita ko para sa akin! Tapos mga pinsan ko lang makikinabang!??! Ano sila?! Concert queen and king?! Eh hello! Ako kaya Concert Queen sa pamilya namin!

Kaya naman, dahil ayaw magpatalo... Rumak en Rol din yung lalamunan ko sa sakit! Kahit na pababaan ng boses lang yung mga nakanta kong kanta! Pakshet lang talaga to the highest level! 99 lang highest score ko! Yung pinsan kong isa naka-100! Pero sabagay... tatlong kanta lang yung nakanta ko... sa kanya sandamakmak... So malamang sa malamang, makakatsamba talaga siya ng isang 100. Siguro kung umisang kanta pa ako, naka-100 din ako. Magiging pipi nga lang siguro ako habambuhay pagkatapos, pero keber! Basta panalo sa videoke eh! Kaso dahil sadyang weakling ako, medyo umatras na ako kasi hello lang! It's painful kaya!

Anyway, after a month of being sick non-stop.... kahapon ko lang narealize na putang-ina! me kulangot na ako! Hahahahhaahha! GREAT NEWS!!! Hindi ko napansin na wala akong kulangot for the past few weeks!

Pano ba naman ako magkakakulangot kung sumisinga't ubo ako every 2-3 minutes?! Pano ba naman titigas yung plema sa nasal cavity ko kung maya't maya eh ini-expel silang kusa ng katawan ko? Kaya naman laking tuwa ko ng sumisinga ako ng slight kahapon eh biglang parang me nakabara na hindi kayang isinga ng basta basta! Kailangan siyang kutkutin gamit ang aking tiny pinky kasi medyo may kalayuan yung location niya!

In short... GUMAGALING NA AKO!!!!! Nagkakakulangot na ako! i.e. hindi na ako ganun kadalas suminga like before kasi nakakahinga na ako ng matagal-tagal ng hindi sumisinga sa loob ng 3 minuto! dati kasi kung hindi ako suminga sa loob ng tatlong minuto, bangkay na yung inabutan ng nanay at tatay ko sa loob ng kwarto ng pinsan ko. Yun nga lang, sa sobrang singa at ubo, na-clog yung sink sa banyo ng pinsan ko! Hahahahahahahahahhah! Yaks I know, but oh so true! Hahahahaha!

Wala lang! natuwa lang ako i-share na may nakuha akong kulangot kahapon, boses Inday Garutay pa rin ako but who cares! May kulangot na ako! Hahahahaha!

No comments:

Post a Comment