Monday, July 1, 2013

ALAY LAKAD.COM

Kahapon, nag-MIT kami. Ok naman. Puro building. Mukha ngang school. Maraming laboratories na nakakalat... according dun sa mga labels sa gilid ng buildings at least. Pero wala masyado mapicturan. Wala rin masyadong tao kasi linggo saka bakasyon rin.

So after ng mga pwedeng mapicturan... sabi ko Harvard na kami... naisip ko 2 train stations away lang naman yung Harvard Station dun sa Kendall/MIT station. Sabi ko sundan lang namin yung Charles River.

Si Gem at Rommel, ayaw maniwala sa akin dun sa daan... feeling nila mawawala kami. hindi nila alam na parati akong tama eh. Pwede kami bumalik dun sa train station kung san kami galing... pero ayoko na balikan kasi kuripot ako saka gusto ko na rin lakarin na lang kasi at least may iba kaming makikita... at wala rin naman kumokontra dun sa lakad plan... Yung kinokontra nila yung direksyon lang na tinuturo ko... so ayun tuloy pa rin kami sa lakad...

Nauuna kami ni Von sa lakad kasi bagal mode si Rommel at Gem... apparently nagtanong daw sila Rommel at Gem dun sa isang local nung medyo malayo layo kami ni Von kasi nga naduduwag yung dalawa mawala, eh tama naman nga yung direksyon na sabi ko... kasi nga parati akong tama... so ayun... direcho lang ng lakad.

Ayus lang maglakad kasi kahit tanghaling tapat hindi tirik yung araw... tapos katabi pa namin ilog, so mahangin so di talaga nakakapagod masyado...

1150AM kami umalis ng MIT. Around 1210... wala pa rin pamilyar.. Kami ni Von naisip na rin namin magtanong kung gano pa kalayo...sabi nung manong 20 minutes na lang daw na lakad... After 20 minutes.. wala pa rin pamilyar! Hinahanap ko yung Weld Boathouse kasi yun yung landmark na tinandaan ko dun sa may ilog. Konting lakad na lang kasi yung campus pag nakita mo na yung boathouse.. kaso potek la pa rin yung tangnang boathouse...

Tapos biglang nagpakitang gilas si Haring Araw! ANAKNANGSHET! UMINIT BIGLA! pero naisip ko sige konti na lang! Medyo kinakabahan na ako... hindi dahil sa takot ako na nawawala kami... kasi alam ko tama direksyon namin... more of.. baka kasi hayblad na si Rommel at Gem kasi malayo layo na nalakad namin pero la pa rin kami.. hahahah! isip ko baka sinusumpa na nila ako sa mga isip nila hahahahah!

Si Rommel bumili na ng coke dun sa snackshop ng Shell na nadaanan namin. Ako, push pa rin! AABOT TAYO NG HARVARD!!! DUN NA TAYO KUMAIN! Si Gem grumpy na kasi gusto na rin kumain (eh ako nga gutom na pagkababa pa lang ng Kendall Station eh, pagkaapak na pagkaapak sa lupa ng MIT gutom na ako,.. so isip ko kung kaya ko tiisin.. kaya niya rin! Saka may sandwich naman siyang baon... so kung mahihimatay na talaga siya.. alam ko kakainin niya yun.. kaso gusto niya raw may kapeng kasama yung sandwich.. so di ko na kasalanan yun)... so lakad lakad pa... taenang 20 minutes yun!

Lumipas at naglaho na yung 20 minutes na lakad... wala pa rin kami sa Harvard... pero buti na lang! May nakita kaming ice cream truck! hahahhaahah! Bumili kami lahat ng ice cream! Ayun masaya na ulit kami! Hahahahhahah!Di na nila ako lulunurin sa ilog!

Then after a few more minutes... HELLO boathouse!!!!! hahahahahhahha! Welcome to Harvard!!!! SABI KO NA TAMA AKO EH! Dumating kami sa may Harvard Square around 1:10PM hahahhahahah!

Alay lakad DOT COM!

No comments:

Post a Comment