Hahhahaah! At dahil sadyang pakialamera at judgmental ako...
May nakita akong mga kawork na nagmamake-up sa banyo... at di ko gets kung bakit.
Ayus lang siguro light make up tapos sa bahay mo ginawa... tapos retouch na lang dito sa office...
Actually medyo hirap pa nga rin ako intindihin kung bakit kailangan mag-make up sa work unless model ka, or artista, or anything related sa media.
Una sa lahat, sa ginagawa namin... kaharap namin kadalasan... monitor. Walang kailangang paghandaan. Kung kausap man namin managers, over the phone usually. No need to look so presentable.
Magegets ko lang yung pagpapaganda sa work ko kung tipong kelangan ko magpresent in front of a group of people or kelangan ko humarap sa bossing na bossing talaga or job interview... para hindi naman sila matakot sa akin masyado.
Pero kung yung manager ko lang dito sa Manila yung haharapin ko... HU KIRS?!!!? Baka di pa ako maligo para lang maamoy niya body odor ko.
Pangalawa, night shift kami... WALANG IBANG NAKAKAKITA SA AMIN!!!! KAMI KAMI LANG! Yung guards... at yung mga nakakasalubong namin pag naisipan namin kumain sa labas....
AND BELIEVE ME... hindi sila enough reason para magmaganda ka dito sa opisina!
Magegets ko pa yung mga nagmamaganda sa umaga kasi pwedeng may lakad sila after work or something... pero sa aming night shift??? ano pa pwedeng lakad after work? drive thru lang o kaya jogging o kaya matulog/manood ng TV sa bahay naisip kong activity na reasonable na gawin at 5AM after work... wala ni isa man sa activities na to will cause me to wear make up sa trabaho.
At dahil curious ako... tinanong ko sila bakit sila nagmamake-up sa work...
Ang sagot: Kasi daw, stressed na sila sa work... ayaw naman nila magmukhang stressed out.
DI KO PA RIN GETS!!!!! WALANG GWAPO DITO!!!! WALA AKONG PAKI KAHIT MUKHA AKONG STRESSED OUT!!!!!
- angal ng empleyadang naghahanap ng pogi sa opis, hahahhhaha!
No comments:
Post a Comment