I have a hard time saying NO to people kahit napaka-anti social ko lang!
I mean.... sa mga kaibigan at sa mga taong wala akong pakialam... kaya ko... di ganun kahirap.
Sa mga kaibigan... kaibigan ko na sila eh... alam na nila pag tamad mode ako... or drumadrama epek ako... actually minsan nahihirapan rin ako mag-say NO sa friends... pero kaya ko pa rin naman. Sangkatutak na dahilan nga lang minsan bago nila tanggapin yung NO minsan. Or kung talagang walang silbi yung dahilan... nagiging YES rin yung NO.
Sa mga taong wala akong pakialam... need I explain?
Pero sa mga bagong kakilala o kaya sa mga taong tinatantsa ko pa kung ka-vibes ko nga ba... homaygeds!!! anghirap mag-NO lalo na pag katamaran lang ang rason ko... hahahaha! nahihiya pa ako magpakita ng aking pagka-introvert (i.e. pagkatamad at pagkaswapang sa ME time ko)... so result: utak na todo overdrive kakahanap ng rason lumusot!
May nagyaya kanina ng inuman after work... feeling ko courtesy yaya lang naman kasi may bago akong katabi at yun talaga yung gusto yayain nung nilalang... pero siyempre umeffort pa rin siya yayain ako para siguro di obvious na jumajaporms siya dito sa katabi ko... (OO, madrama sa loob ng utak ko, lahat ng moves may dahilan at may hidden meaning hahahaha!).... eh kaso! Hello! UMAGANG INOM? ano ako? taga-kanto? Heart broken? nasa bakasyon? Mukha siguro akong taga-kanto... pero solid na solid na tong puso ko! Thank you cholesterol!
So ako... " 'di ako umiinom pag me dalang kotse eh."
Nagpursige pa... kahit tambay lang daw. Eh hellooo! Kung tatambay ako... di sana sa bahay na lang at least malelevel up ko pa yung nilalaro ko! Kaso... nahihiya pa ako ipakita ang tunay na ako... hahahhaha! yung tamad at imachoor na pumapatol sa Avengers Alliance sa Playdom! Hahhahaah!
So ako... shet! ano sasabihin kong valid reason na hindi ako magmumukhang anti-social... "ah! darating si Mama ko mamaya eh" (with the Ah! sounding so much like a eureka moment! halatang naghahanap lang talaga ng rason humindi. Hahhaahah! Sana lang hindi masyadong obvious.)
Siya.... "ah ganun ba? Sige..." natapos din yung courtesy pilit moves niya at nag-move on na siya sa pagyaya sa katabi ko...
HAHAHAHAAHHAHAHAHAHAHAHAHAH! Di naman ako nag-sinungaling... darating naman talaga si Mama ngayon dito sa Manila... ang di ko sinabi... di naman kami magkikita ni Mama... si Mama didirechong airport kasi uuwing Samar. Ako sa bahay lang, maglalaro at mag-a-attempt mag-exercise! hahahahahaha!
HAhahahahaah! At least di ako sinungaling at mukha pa rin akong sociable! hahahahahha! Taena tong self-esteem ko!!! kailangan ko matutong maging gaya ni Hubert... TUOD to the highest level... i.e. walang pakialam sa mga tao sa paligid!
No comments:
Post a Comment