May isang time umiyak na ako sa nanay at tatay ko over the phone kasi gusto ko na magresign talaga kasi ang daming bullshit na nangyayari dito sa opisina. Client-wise, no issues. Employer-wise, where do I start?
Nung naririnig na ni Papa na umiiyak na ako, pinasa niya na kay Mama yung phone! Hahhaha! Ayaw makarinig ng umiiyak! Hahhha! After pagpasa nung phone... siyempre pinagalitan ako ni Mama agad! Nagger yun eh. Hehe! Pero habang nag-a-awarding ceremony si mother sa akin... naririnig ko si Papa sa background sumisigaw kay Mama... "HUWAG MO NA PAGALITAN! UMIIYAK NA NGA EH! i-encourage mo! Hindi yung bulyaw ka ng bulyaw!" Kind of confusing kasi binubulyawan niya si Mama nun hahahaha! Kaya ko nga narinig eh.
Tapos biglang naputol yung call. Maya-maya tumatawag ulit si Mama... pagsagot ko... in fairness di na ako sinigawan. Kinonsensya na lang ako ng bonggang-bongga. Pinaalala sa akin yung mga ginawa niya dati. Kasi nurse si Mama tapos since mga kaibigan niya yung nags-sched, napakiusapan niya na nightshift forever siya at instead of regular day-offs after 3 days... wala siyang day-off para maipon yung mga day-off niya tapos pag uuwi si Papa sa Samar, saka niya kukunin lahat para bonggang vacation leave of some sort. Tapos pag umaga, di-direcho na si mother sa palengke kasi may tindahan kami dun. So 11 to 8 sa hospital tapos mga 9 to 5 naman sa palengke, then pahinga up to 11 kasi same routine ulit next day. Sabi ni Mama, pasalamat daw ako kasi yung trabaho ko hindi physically mahirap. Naiimagine ko lang talaga yung trabaho ng nurse!
Haaay! alam ko dati pag pista, pista rin sa emergency room (ER nurse si Mama). Maraming mga lasing na nasaksak o kaya nabasagan ng bote sa ulo at kung ano pang sari-saring rason para madala sa ER.
Basta mahabang litanya rin yun tungkol sa mga samo't saring business ventures na pinatulan ni Mama para lang di kami manatiling poor kasi siya rin panganay sa kanilang 8 na magkakapatid so tulong galore din si Mama magpaaral dun sa iba kong tito't tita and in more cases than one... sa mga pinsan ko din.
So ayun.... siyempre dahil di naman ako sobrang sama nakonsensiya rin naman ako... Sabi pa ni Mama.. Hayaan mo sila magsinungaling, basta ikaw gumawa ka lang ng dapat mong gawin. Sabi nga ng Diyos, vengeance is mine. Sa tagalog, may araw rin sila.
Yun din naman iniisip ko talagang gawin... kaso siyempre nakakausap ko yung mga sinungaling... at dahil napakagagaling nila... alam ko kung kelan nila ako binubullshit. So mas lalo akong nahihighblood... Ready na ako dapat magmove on na lang and mag-let go... but every time they lie to me ng harapan.... na sobrang obvious talaga na bullshit.. Gusto ko bigla mag-ala Rambo at giyerahin silang lahat sa mga kasinungalingan nila.
Hindi naman ako perpektong tao. Pero nakakapikon talaga pag in your face yung bullshit na pinagsasabi nila! Hindi ko alam kung bakit naiisip nila na maniniwala kami at all sa mga sinabi nilang obvious na bullcrap... Siguro naisip nila... well, nauto natin tong baliw na to na magtrabaho for us.. she must be really stupid to bite into anything that we're going to tell her.
Which is what really gets to me. How could I have been fooled into signing into this shit of a company. I really, really, really, really, really feel stupid.
No comments:
Post a Comment