Thursday, May 30, 2013

Maiksi na pisi ko.

Konti na lang. As in konti na lang.

Isa pang bullshit galing sa bibig nila.

Tuesday, May 28, 2013

I feel like such an ungrateful beeyatch and a really stupid one at that.

May isang time umiyak na ako sa nanay at tatay ko over the phone kasi gusto ko na magresign talaga kasi ang daming bullshit na nangyayari dito sa opisina. Client-wise, no issues. Employer-wise, where do I start?

Nung naririnig na ni Papa na umiiyak na ako, pinasa niya na kay Mama yung phone! Hahhaha! Ayaw makarinig ng umiiyak! Hahhha! After pagpasa nung phone... siyempre pinagalitan ako ni Mama agad! Nagger yun eh. Hehe! Pero habang nag-a-awarding ceremony si mother sa akin... naririnig ko si Papa sa background sumisigaw kay Mama... "HUWAG MO NA PAGALITAN! UMIIYAK NA NGA EH! i-encourage mo! Hindi yung bulyaw ka ng bulyaw!" Kind of confusing kasi binubulyawan niya si Mama nun hahahaha! Kaya ko nga narinig eh.

Tapos biglang naputol yung call. Maya-maya tumatawag ulit si Mama... pagsagot ko... in fairness di na ako sinigawan. Kinonsensya na lang ako ng bonggang-bongga. Pinaalala sa akin yung mga ginawa niya dati. Kasi nurse si Mama tapos since mga kaibigan niya yung nags-sched, napakiusapan niya na nightshift forever siya at instead of regular day-offs after 3 days... wala siyang day-off para maipon yung mga day-off niya tapos pag uuwi si Papa sa Samar, saka niya kukunin lahat para bonggang vacation leave of some sort. Tapos pag umaga, di-direcho na si mother sa palengke kasi may tindahan kami dun. So 11 to 8 sa hospital tapos mga 9 to 5 naman sa palengke, then pahinga up to 11 kasi same routine ulit next day. Sabi ni Mama, pasalamat daw ako kasi yung trabaho ko hindi physically mahirap. Naiimagine ko lang talaga yung trabaho ng nurse!

Haaay! alam ko dati pag pista, pista rin sa emergency room (ER nurse si Mama). Maraming mga lasing na nasaksak o kaya nabasagan ng bote sa ulo at kung ano pang sari-saring rason para madala sa ER.

Basta mahabang litanya rin yun tungkol sa mga samo't saring business ventures na pinatulan ni Mama para lang di kami manatiling poor kasi siya rin panganay sa kanilang 8 na magkakapatid so tulong galore din si Mama magpaaral dun sa iba kong tito't tita and in more cases than one... sa mga pinsan ko din.

So ayun.... siyempre dahil di naman ako sobrang sama nakonsensiya rin naman ako... Sabi pa ni Mama.. Hayaan mo sila magsinungaling, basta ikaw gumawa ka lang ng dapat mong gawin. Sabi nga ng Diyos, vengeance is mine. Sa tagalog, may araw rin sila.

Yun din naman iniisip ko talagang gawin... kaso siyempre nakakausap ko yung mga sinungaling... at dahil napakagagaling nila... alam ko kung kelan nila ako binubullshit. So mas lalo akong nahihighblood... Ready na ako dapat magmove on na lang and mag-let go... but every time they lie to me ng harapan.... na sobrang obvious talaga na bullshit.. Gusto ko bigla mag-ala Rambo at giyerahin silang lahat sa mga kasinungalingan nila.

Hindi naman ako perpektong tao. Pero nakakapikon talaga pag in your face yung bullshit na pinagsasabi nila! Hindi ko alam kung bakit naiisip nila na maniniwala kami at all sa mga sinabi nilang obvious na bullcrap... Siguro naisip nila... well, nauto natin tong baliw na to na magtrabaho for us.. she must be really stupid to bite into anything that we're going to tell her.

Which is what really gets to me. How could I have been fooled into signing into this shit of a company. I really, really, really, really, really feel stupid.

Re the Make-up post... I take it back.

ok. Regarding the things I said about people making their faces up, I take it back.

I guess, I just realized na right ng tao how they want to look like.

Just because I decide that the taong-grasa/couch-potato/mukhang-wala-ng-damit-na-walang-punit look is for me does not mean that people want those look for themselves. I sure as hell don't like it when someone tells me how to dress up (lalo na yung nanay ko kasi pang-matanda yung style niya) so I guess dapat di rin ako nangengealam sa ibang tao....

Pero as I said... di ko talaga gets... pero hayaan ko na sila.

WAW! nagmamachoor machooran ako! Ako na!

Thursday, May 9, 2013

Make Up

Hahhahaah! At dahil sadyang pakialamera at judgmental ako...

May nakita akong mga kawork na nagmamake-up sa banyo... at di ko gets kung bakit.

Ayus lang siguro light make up tapos sa bahay mo ginawa... tapos retouch na lang dito sa office...

Actually medyo hirap pa nga rin ako intindihin kung bakit kailangan mag-make up sa work unless model ka, or artista, or anything related sa media.

Una sa lahat, sa ginagawa namin... kaharap namin kadalasan... monitor. Walang kailangang paghandaan. Kung kausap man namin managers, over the phone usually. No need to look so presentable.

Magegets ko lang yung pagpapaganda sa work ko kung tipong kelangan ko magpresent in front of a group of people or kelangan ko humarap sa bossing na bossing talaga or job interview... para hindi naman sila matakot sa akin masyado.

Pero kung yung manager ko lang dito sa Manila yung haharapin ko... HU KIRS?!!!? Baka di pa ako maligo para lang maamoy niya body odor ko.

Pangalawa, night shift kami... WALANG IBANG NAKAKAKITA SA AMIN!!!! KAMI KAMI LANG! Yung guards... at yung mga nakakasalubong namin pag naisipan namin kumain sa labas....

AND BELIEVE ME... hindi sila enough reason para magmaganda ka dito sa opisina!

Magegets ko pa yung mga nagmamaganda sa umaga kasi pwedeng may lakad sila after work or something... pero sa aming night shift??? ano pa pwedeng lakad after work? drive thru lang o kaya jogging o kaya matulog/manood ng TV sa bahay naisip kong activity na reasonable na gawin at 5AM after work... wala ni isa man sa activities na to will cause me to wear make up sa trabaho.

At dahil curious ako... tinanong ko sila bakit sila nagmamake-up sa work...

Ang sagot: Kasi daw, stressed na sila sa work... ayaw naman nila magmukhang stressed out.

DI KO PA RIN GETS!!!!! WALANG GWAPO DITO!!!! WALA AKONG PAKI KAHIT MUKHA AKONG STRESSED OUT!!!!!

- angal ng empleyadang naghahanap ng pogi sa opis, hahahhhaha!

Tuesday, May 7, 2013

My Favorite Happy Thought for the day

Kapag in my mind's eye, nakikita ko na sumusuka si Kavie tapos may tumatalsik na suka papuntang bunganga ni Des. Hahahahahahha!

I love it!

p.s.

Meron palang tracker tong blogger kung ilang views na meron yung page or post mo.... Napansin ko lang... last week... Yung pinakamaraming views yung post tungkol sa masakit kong pwet! Hahahhh! tapos meron from Romania Russia, South Korea, Philippines, US... etc..

Mas tiningnan pa ng mga tao yung post tungkol sa masakit na pwet kesa sa more sensible posts ko (if any at all). Hahahha! Hay naku! The depravity of men nga naman!

Saturday, May 4, 2013

ansaket ng masels ko sa pwet!!!

Di naman ako nadulas at natumba on my ass... pero paker parang ganun feeling ng pwet ko! parang bumagsak ako na di ko alam! stupid badminton!

Shet speaking of badminton... wala na talaga ung nalgene ko :(( nakakaiyak shet! shet! shet!!!!!!

Nawala na nga yung nalgene ko... masakit pa pwet ko... gusto ko manakit ng tao!

Friday, May 3, 2013

Nalgeeeeneeee koooooooo!!!!

SHeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet!!!!! nawala ko ATA yung nalgene kooooo!!!!! Sana naiwan ko lang sa bahay pero I doubt it. Huli ko siya nakita kanina dun sa Smashville!

Sana may mag-google ng Smashville, Nalgene, Glow-in-the-dark, Carabiner, at UP Mountaineers. AKIN YUNG NALGENE NA YUN!!!!! yung glow-in-the-dark na may sticker ng UPM. Yung naiwan sa court 1!!! Bakit kasiiiiiiiiii!!!?!?!! Nakakaiyak!!!!! Yung carabiner ko andun din!

Etoooo akooooooo umaasa na sana nasa bahay lang o kaya naman ay nakuha nung mga kalaro ko kanina... kaso NR pa si Japs... di pa nagrereply sa text ko kung nakita nga ba nila...

SANA MAKITA KO PAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!

At dahil bored na naman ako...

Natuwa na naman ako kasi may bago akong nakitang site na pwedeng basa-basahin from time to time.

Alam ko yung reddit na site pero di ko naman talaga napupuntahan...

May nahanap akong sub-section...  Ask Historians Astig! Minomoderate rin tapos kelangan me source yung input ng mga tao. Intrrsssssstttttttiiiiiing! So far mga nakita kong kwento, Europe related... sana meron din tungkol sa Pilipinas...

Onga! Mahanap nga kung may site si Ambeth.

Wednesday, May 1, 2013

Narcissism or Low Self Esteem

At dahil mahilig akong magisip ng kung anu-anong kabull-shitan...

Napaisip ako...

Ang pagiging mahiyain ko kaya ay dahil sa low self-esteem? O baka naman kaya dahil sa narcissism.

Now that I think about it...

Minsan ayoko tumakbo sa baba ng bahay kasi nahihiya ako sa mga kapitbahay ko... sa mga guard... na makakakita sa akin tumakbo. Kasi hello ang choppy ko lang! Hahahhha!

Tapos kanina, I wrote about having a hard time saying no to people... with the thinking na people actually care when I say no.

O di ba?!?!? Napakataas lang ng tingin ko sa sarili ko! Hahhahaah! As if may pakialam mga tao sa paligid ko sa akin. As if people actually care when I say no. Siguro minsan oo, pero not necessarily every time.

Kaya siguro sabi ni Hubes na hindi ako low self esteem. Hahahah! Narcissistic pala ako! Oi Kai, sorry, napansin ko lang kasi si Hubes ang madalas sikat sa post ko ngayon... hindi na ikaw masyado...

Hmmm... mukhang idol ko si Hubes ngayon... TUOD. KAHOY NA PATAY. WALANG PAKIALAM. NR SA LAHAT NG BAGAY.

Kaso.... di ko naman ata kaya maging ganun... because I CARE like the CARE BEARS!

Pero di bale, will try not to be so narcissistic... Mageexercise ako kung gusto ko! Kahit punit punit yung tshirt ko at mukhang basahan na ako! I will say no because people can take my No! As if ang importanteng tao ko lang! Minsan oo, pero di naman always. Hahhaha! Mukha ba akong presidente?! Kahit nga mga president, hindi lahat ng affairs pinupuntahan! Ako pa kaya!?

I just realized something....

I have a hard time saying NO to people kahit napaka-anti social ko lang!

I mean.... sa mga kaibigan at sa mga taong wala akong pakialam... kaya ko... di ganun kahirap.

Sa mga kaibigan... kaibigan ko na sila eh... alam na nila pag tamad mode ako... or drumadrama epek ako... actually minsan nahihirapan rin ako mag-say NO sa friends... pero kaya ko pa rin naman. Sangkatutak na dahilan nga lang minsan bago nila tanggapin yung NO minsan. Or kung talagang walang silbi yung dahilan... nagiging YES rin yung NO.

Sa mga taong wala akong pakialam... need I explain?

Pero sa mga bagong kakilala o kaya sa mga taong tinatantsa ko pa kung ka-vibes ko nga ba... homaygeds!!! anghirap mag-NO lalo na pag katamaran lang ang rason ko... hahahaha! nahihiya pa ako magpakita ng aking pagka-introvert (i.e. pagkatamad at pagkaswapang sa ME time ko)... so result: utak na todo overdrive kakahanap ng rason lumusot!

May nagyaya kanina ng inuman after work... feeling ko courtesy yaya lang naman kasi may bago akong katabi at yun talaga yung gusto yayain nung nilalang... pero siyempre umeffort pa rin siya yayain ako para siguro di obvious na jumajaporms siya dito sa katabi ko... (OO, madrama sa loob ng utak ko, lahat ng moves may dahilan at may hidden meaning hahahaha!).... eh kaso! Hello! UMAGANG INOM? ano ako? taga-kanto? Heart broken? nasa bakasyon? Mukha siguro akong taga-kanto... pero solid na solid na tong puso ko! Thank you cholesterol!

So ako... " 'di ako umiinom pag me dalang kotse eh."

Nagpursige pa... kahit tambay lang daw. Eh hellooo! Kung tatambay ako... di sana sa bahay na lang at least malelevel up ko pa yung nilalaro ko! Kaso...  nahihiya pa ako ipakita ang tunay na ako... hahahhaha! yung tamad at imachoor na pumapatol sa Avengers Alliance sa Playdom! Hahhahaah!

So ako... shet! ano sasabihin kong valid reason na hindi ako magmumukhang anti-social... "ah! darating si Mama ko mamaya eh" (with the Ah! sounding so much like a eureka moment! halatang naghahanap lang talaga ng rason humindi. Hahhaahah! Sana lang hindi masyadong obvious.)

Siya.... "ah ganun ba? Sige..." natapos din yung courtesy pilit moves niya at nag-move on na siya sa pagyaya sa katabi ko...

HAHAHAHAAHHAHAHAHAHAHAHAHAH! Di naman ako nag-sinungaling... darating naman talaga si Mama ngayon dito sa Manila... ang di ko sinabi... di naman kami magkikita ni Mama... si Mama didirechong airport kasi uuwing Samar. Ako sa bahay lang, maglalaro at mag-a-attempt mag-exercise! hahahahahaha!

HAhahahahaah! At least di ako sinungaling at mukha pa rin akong sociable! hahahahahha! Taena tong self-esteem ko!!! kailangan ko matutong maging gaya ni Hubert... TUOD to the highest level... i.e. walang pakialam sa mga tao sa paligid!