Wala naman talaga ako alam kung sinong mali at tama. Kung tama ba yung mga inaakusa ng prosecutors o kung matino nga ba talaga tong si Corona, eh aba malay ko!
Alam ko lang medyo nakakairita pag nalalaman kong crony ni Gloria ang isang tao... una kasi hayup lang talaga kasi sa pagkakupal si Gloria. Basehan ko for this: naging presidente ka na, tatakbo ka pa ba sa mas mababang opisina after???!!! Either binabantayan niya lang sarili niya kasi nga may mga nakahain na siyang kaso or talagang concerned siya sa mga tao ng balwarte niya. Maniniwala pa akong 0% ang fat sa katawan ko kesa dun sa huli.
On the other hand, nakakairita rin naman kasi to si Noynoy. Nung start keri pa eh kasi in fairness parang may nangyayari naman sa paglinis niya sa mga kurap na opisyal sa gobyerno... eh kaso lang biglang may nakita ako sa TV... celebration ng 30th year ng Makati Business Club. Si Noy2 yung guest speaker. Siyempre ni-e-expect ko yung speech niya tungkol sa ekonomiya... kung pano nakatulong at makatutulong pa lalo yung MBC sa paglago ng economy natin kasi nga celebration yun ng 30th anniv ng MBC. Nung start ayus pa eh, eh kaso lang maygeeeeeeds!!! Biglang napunta na yung speech sa pagiging biased ng Supreme Court... basta parang ganun... medyo nakalimutan ko na yung details ng speech... naalala ko lang naiirita na ako sa pakikinig sa kanya kasi kahit nagawan niya ng flow from the economy to his current issues with the SC eh tangina sobrang non-sequitur pa rin yun for the event that he was in.
Di ko alam kung ano opinyon ng mga tao dun sa MBC... pero kung ako siguro yung host ng event na yun... mabwibwisit talaga ako. Siyempre focus niyo anniv niyo tapos biglang mapupunta yung speech sa pulitika. Hassle!
Anyway... as I was saying... I may not know much... pero kahit pano ito ang alam ko... so far... nagmumukhang bobo lang talaga yung prosecution team. Nung start medyo nakakairita si Cuevas kasi uugod-ugod na matanda lang tapos di kagwapuhan saka puro technical pinagsasasabi... pero kung makikinig ka rin kasi... may sense kasi yung sinasabi niya saka ang organized ng defense team. Hahahaa! OO superficial talaga akong tao!
Eh tong Prosecution team, tangina paguluhan ng presentation. Basta meron sila articles of impeachment eh nagpapirma na lang ng basta basta... di man lang iniisip yung pagkakasunod sunod ng discussion considering na ni-"research" na nila yun dapat. Nakakahiya lang! Kailangan pa sila sabihan ng korte na ayusin nila yung mga reklamo nila. Nung start medyo panig ako sa prosecution team kasi kamukha ni Burito yung Tupas... kaso nung nagsalita tangina babakla-bakla! Tapos pag may sinabi si Enrile, agree lang ng agree! Di kaya ipagtanggol yung gusto niyang pagsubpoena sa pamilya ni Corona, si Cayetano pa yung nagpresenta ng mga rason kung bakit dapat isubpoena na muna yung pamilya. Hindi man natuloy yung pag-subpoena... at least nagawa ni Cayetano na pilitin yung korte na pagbotohan yung issue... kasi kung si Tupas lang.. wala lang.. yes your honor lang sinasabi. Pakshet!
Di naman ako nakakanood parati nung trial... pero sa mga senador na narinig ko na magsalita, eto opinyon ko:
- Tito Sotto - nakakaantok pakinggan
- Cayetano (lalaki) - makes sense to me, mahilig qumuotable quotes
- Defensor - makes sense to me din, uma-attempt mag-joke, aylavet!
- Enrile - makes sense rin naman, kaso minsan tagal makagets ng point na sinasabi ng defense team; kailangan paulit-ulit ng limang beses (no exaggeration) bago magets yung point ng defense; so far mukhang impartial pa
- Villar - bolshet, nilipat ko ng channel nung magsalita siya. Inattempt ko pa makinig nung una, kaso puro lipservice sinasabi, sarap upakan... di mo maintindihan kung sumisipsip ba kay Enrile o kung kanino. Nakakahayblad pakinggan.
No comments:
Post a Comment