Monday, August 29, 2011

Facebook and Blindness

Minsan lang ako mag-FB.

Personal choice. Pwede naman ako araw-araw mag-check ng FB. I choose not to.

Meron time na medyo na-adik ako sa FB... nung wala pa akong trabaho. When you're bored and you know it... and naubusan ka na ng interesting sites na pwedeng puntahan... you have little or no choice... kundi FB.

Reasons why I don't FB every other minute of every day:

  1. Bawal FB sa work desktops namin... pwede ako lumabas sa common area sa office at dun mag-FB... kaso mas tamad ako kesa tsismosa.
  2. Wala na akong internet sa bahay... Pwede ako mag-tattoo... pero mas kuripot ako kesa tsismosa.
  3. Kung kelangan kong malaman... one way or another, malalaman ko yun kung gusto ng kung sino man na ipaalam sa akin ang kung ano mang bago sa mundo niya. Otherwise... di ako key-player sa buhay ng taong yun...and I don't really mind not knowing.
  4. Wala akong crush ngayon. So wala akong kailangan i-stalk... which as we all know is the main use of social networking sites. Hahahahahaha!
  5. Sa paminsan-minsan kong pagbisita ng FB... siyempre kahit papano eh sinusulit ko na rin. So pag may nakita or nabasa akong interesting about friends... usually pupuntahan ko yung page nila... at minsan... tintingnan ko rin yung pictures nila. Pero minsan kasi, sa tinagal-tagal na ng panahon... ang dami ng nagbago... Ang mga taong kilala mo as someone else before... biglang iba na. IBANG-IBA NA! To the point that you cringe when you see what they've posted in their profile pics.  Yargsh!! AS IN!!! Nakakarindi sa mata minsan yung mga pictures na nakikita mo. Kasi dati... nung minsang close pa kayo... di mo inakalang magkakaron siya ng super vain self-portraits... (Chil... just in case mapunta ka dito... I'm not talking about you. UNFORTUNATELY, hindi lang pala ikaw ang kaibigan kong may supah vain pics... at sister dearest... hindi rin ikaw... matagal na akong sanay sa vain pics at sa face mo so at least di rin ako naririndi sa pagmumukha mo) ANAKNANGSHET LANG TALAGAAAAAAAAA!!! May vain pics rin naman ako... nung college mostly. Yung mga self-portraits ko ngayon... I just use to track kung pumapayat ba yung mukha ko despite what the scales are saying. HINDI KO SILA PINOPOST SA FB!!! MAY HIYA PA RIN NAMAN AKO KAHIT PAPANO! Yung mga profile pic ko... usually kuha ng ibang tao... hindi yung mukhang pinagpraktisan ko sa harap ng salamin while taking it sa harap ng salamin! (yeah nagprapractice rin ako ng ngiti ko... sino bang super model ang hindi nagprapractice ng ngiti niya haller!?!?!) PERO JUSKERS!!!! ang sakit lang talaga sa utak minsan pag nakakakita ka ng nakakabulabog ng utak to the point na minsan napapaisip kang ang swerte lang talaga ng mga bulag minsan!

Thursday, August 25, 2011

Akalain mo! Nakikinig pala nanay ko sa akin!

Hahhahaha! In fairness kay mother... nakikinig rin pala siya sa mga kwento ko... kahit di buo yung kwento ko kadalasan dahil na rin sa sarili kong pagpupumilit na itago sa kanya ang mga bagay-bagay! Hahahha!

Alam ng nanay ko na umaakyat ako ng bundok (dati... kasi ngayon.. sobrang tamad ko lang... Pero aakyat ako this long weekend!!!! after 1 year! pota! Sana lang di ako kailangan itulak pababa sa Lunes kasi baka maging jelly-legs na ako by then)

Anyway.. biglang nagpost yung isang childhood friend ko... na naakyat niya rin yung Daguldol... (kanina ko lang nalaman yung details kasi di naman ako madalas mag-FB)... biglang si mother ni-msg ata si L-o-r-i-b-e-l-l-e kasi daw umaakyat rin daw ako ng bundok.. ang yabang lang talaga ng nanay ko pag feeling niya makakalamang kaming dowters niya! Hahhaha! AS if!

Tapos kinukwento nga ni Mama sa akin na nag-apply rin daw si L-o-r-i-b-e-l-l-e ng UPM... kaso parang wala naman ako naririnig na may bagong jinajapeks na naman yung mga matatandang nilalang sa UPM so alam ko parang mali.. kasi medyo japeks nga to si L-o-r-i-b-e-l-l-e... hahha sinong praning?! AKO!

Baka lang kasi may magsearch ng japeks + name of friend eh mahanap pa tong blog ko! Hahhahaa!

Ayun.. kaya naman pala eh kasi sa LM nag-apply si Lori... nagtaka rin ako kasi sa pagkakaalala ko student pa yun... so malabong lumabas pa ng Ateneo org yung nilalang kung gusto niya rin lang mamundok... Ang mga atenistang kilala ko na naging UPM, usually... working na nung nasali... kasi hindi ganun ka-student-friendly ang mga mountaineering orgs... lalo na kung yung kurso mo eh 5 years... may pasok kayo sa summer... at isama mo na rin dun yung Saturday classes!

I therefore conclude nakikinig sa akin yung nanay ko! Alam niyang UPM ako... kahit Atenista ako! Hehehee! Love you Mother dear! KAhit parati mo pala ako ina-award.. in fairness nakikinig ka rin naman pala kahit pabulong na minsan yung mga sinasabi ko... hmmm.. o baka kaya siya nakikinig kasi pabulong... I wonder...

Tuesday, August 23, 2011

Boredom... you're here again!

POTAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!! BATONG BATONG BATONG BATO NA NAMAN AKO SA GINAGAWA KOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!

AYOKO MAG-map! potaena kung gusto ko mag-map... eh di sana totoong mapa yung kinuha ko at hindi yung mapping ng tanginang fields sa database! Di hamak naman na mas exciting magpaka-Magellan kesa yung nakatitig na naman ako dito sa monitor ko...

Sinong Bingi?!

Dahil ako ay sadyang allergic sa enclosed na sapatos pag nasa opisina... madalas nakatsinelas ako since di rin naman ako umaalis dito sa pwesto ko.. so keber di ba?

May office shoes rin naman ako sa locker ko na pde kong kunin anytime na biglang may announcement na may darating na bisita... pero in case of surprise visits... nakaangat lang yung paa ko dito sa ilalim ng table ko para nakatago yung paa ko at ang partner in crime nitong tsinelas ko...

Pero minsan dahil sa katamaran... di na rin ako nagpapalit ng tsinelas pag may kailangan lang akong bilhin sa labas or pag may kailangan lang ako kunin sa table ng officemate ko dito sa loob ng room namin... Mabilis lang naman ako bumili ng stuff... rason ko: mas mabilis ako makakabalik sa upuan ko kung nakatsinelas ako kesa kung naka-heels ako. At siyempre di ko naman sinabi na reasonable akong tao... Minsan... Oo... pero madalas... tamad lang talaga ako.

May near heart attack experiences na rin naman ako... pero as always... parati ko pa rin naman naiiwasan si kamatayan.

Sa hinaba-habang intro sa taas... ito lang naman actually yung kwento:

Bibili ako sa 711 ng napkin kasi nakalimutan ko magdala ng extra... eh it's a bloody, bloody day today eh... so ayun... labas na ako. Pagkarating ko sa may lobby...

ANAKNGSHET!!!! Nasa likod ko pala yung Head HR namin! Tapos biglang sabi:

NAOMI! Against ang slippers!!! *wide genuine smile*

SO ako... *PAUSE* *HEART FAILURE ON THE GO* *neurons working overtime para i-re-process yung narinig ko*

* processing... processing...*

ACTUAL SINABI ng HR Head: "NAOMI! You're getting slimmer!

Kaso sa sobrang kaba... ang nasabi ko na lang: "AY!" *sabay ngiti*

So ayun! Nakabili na ako ng napkin, nakapagpalit na ng kailangan palitan, at nakabalik na ako dito sa upuan ko... nang biglang... nag-message yung isang HR sa akin... (galamay ng HR head)...

"Naomi.. pde punta ka dito sa office pag break mo?" (Not verbatim... ni-compile ko na lang yung sinabi niya in one sentence kasi mga 3 message bago niya nasabi lahat ng yun kasi sawsaw ako sa message niya so kelangan niya sagutin yung mga tanong ko)

Nung sinabi niya yun... *HEART ATTACK ulit* Potaena! parang yung slippers ko talaga napansin nga ata talaga nung HR Head! *Little heart attacks habang papunta ako ng locker para magpalit ng tsinelas ko into my office shoes*

Pagkarating ko sa HR office... Sabi ng HR: "I've been wanting to talk to you about this."

*LALABAS NA PUSO KO PARA SUMUKA SA MUKHA NG HR SA SOBRANG KABA*

Sabay abot ng 2010 ITR ko!

POTAAAAAAAAAAAAAA!!!!! kelangan niya lang pala yung pirma ko! At dahil super late nga ako madalas pumasok eh kaya naman pala matagal niya na akong inaabangan!

HAHAHHAHAHAHHHAHAAHA!!!!

I therefore conclude... SLIMMER NGA TALAGA AKO! HAHAHAHAHHHHAHAHAHHA!

Monday, August 22, 2011

May camera na akong sarili kong bili!!!

WAHOW WAHOW!

Kelangan ko na lang i-confirm kung alam ko kung pano gamitin at kung walang defect!

Wahow wahow!!!

HAHAHAHHAHAHAHHHAHAHA!!!!!

Friday, August 19, 2011

Now... What do I say!!!?!?!??!

Nagbunganga yung nanay ko ng sinabi kong tutuloy ako ng Bohol mag-isa.

I did my research. I already have my IT. Kulang na lang i-book ko yung accoms sa Bohol. Considering na di naman peak season ngayon... and besides... nasa Pilipinas ako and I doubt kung mahihirapan ako kumuha ng accom sa Bohol kahit di ako mag-book beforehand... so I wasn't too worried.

Medyo namromroblema na ako actually sa Bohol... pera issue... hahahah! dami kasing sabay sabay na bills lalo pa patapos na yung buwan saka bibili na akong camera ko! wahow! ... pero medyo may solution na ako dun... withdraw na muna sa savings... eh kasoooo... biglang nagyaya si Mo ng akyat sa long weekend... (3K lang budget)

Eh hello! Sabi nga ni Des... andiyan lang Bohol... madali lang puntahan... Eh yung bundok na mura at rarely may nagyayayang akyatin kasi di siya ganun kalapit... or kadali (?)... MINSAN LANG.

So bundok na lang di ba? Besides training ko na rin for Kota...

Kaso... ngayon... ano na sasabihin ko sa nanay ko!??!?!

Ma... di na pala ako mag-bo-Bohol mag-isa... aakyat na lang ako ng bundok ng may kasama.

Hahhahahahha! Taena.. timing-timingan na naman to pag pinaalam ko mga balak ko sa buhay! Shet!

Wednesday, August 17, 2011

Bakit sadyang annoying ang mga tao?

Sobrang thankful ako for the past few weeks kasi may ginagawa na ako... na hindi mind-numbingly boring... AT LAST! Kelangan ko mag-isip ng medyo malalim lalim saka kelangan mag-focus kuno.

Peroooooooooooo bakit ganuuuuuuuuuuuuun!!?!?!?!? Bakit kelangan annoying yung mga nakakatrabaho kooooo???!?!!?

Actually di naman super annoying tong isa.. pero kasi may times lang talagaaaaa! MAYGEEEDSSSS!!!! siyempre sa kanya ko sinasabi lahat ng napapansin ko sa analysis ko... kasi siya tong TL ko saka BAKA lang may alam siyang di ko alam di ba!? PERO TANGINA LANG TALAGA KASI humirit minsaaaaannnnnn nakaka-heart attack!!! Akala mo ipapahiya ko siya parati! Gets ko naman na ayaw niya magmukhang tanga kasi hello! sino bang me gusto!?  Pero anakngtipaklong... kung wala ka talagang alam... may choice ka bang iba kung hindi magmukhang walang alam!??!! NAkakairita kasi sobrang pigil siya sa mga email or whatnot yun tuloy minsan... sobrang bagal lang ng usad ng trabaho kasi di niya pala alam eh di nagtatanong. Mag-aantay lang na biglang may madulas at biglang i-announce ang kung ano man yung kelangan niyang malaman.

Akala ko dati mapride na akong tao when it comes to appearing idiotic... may tatalo pa pala sa akin to the point na sobrang irrational.

Note to the walang alam: WAG MAPRIDE KUNG GUSTO MONG MATUTO! POTEK! WALANG MANGYAYARI SA YO!!!! 500 years matatapos trabaho mo!!!

Thursday, August 11, 2011

TAMA!

Masaya maging tama!!!

Hahahhaha! I can just imagine how frustrating it is to deal with me.

Kasi kung mali ako... I don't care... eh di SORRY! Mali ako... Iba yung alam ko eh.

Kung tama ako... IN YOUR FACE! TAMA AKO!!!

Kaso... mas madalas... TAMA AKO!!! Hahahhahhaha! KAYA IN YOUR FACE!!!!! ng mas madalas!!!

Saya saya maging tama!