Saturday, October 1, 2011

Of Radios, DJs, Annoying DJs, at mga kantang di ka na nilubayan... (Part 1)

RADIO

My earliest memory of a radio station is the one which hosted Bombo Radyo... AM! Yun kasi yung kinakagisnan ko every morning kapag kasama namin si Papa. Yun kasi yung paborito niya pakinggan kasi dun mo mababalitaan kung may bago na naman bang inambush yung mga NPA.

Alam niyo naman... sa linaki-laki ng Samar at sa sobrang kasukalan ng terrain nito... idagdag mo pa yung mga walang-kwentang pulitiko na wala ng naitulong sa development ng highways ng probinsiya namin... eh naging paboritong hang-out na ng mga NPA yung Samar. The more difficult the roads are to maneuver, the easier it is to ambush people! Feeling ko, friends yung mga pulitiko ng Samar saka mga NPA dati... Substandard kalsada kasi yung mga pinapagawa madalas, so madalas masira... meaning, mas madalas may ambush! Kaso medyo matagal na akong di nakakauwi... so di ko sigurado kung kamusta na mga kalsada dun... i.e. kung BFFs pa ba yung mga politicians at yung mga mahilig mang-ambush ng sundalo.

Heniwei... dahil mas maka-TV ako kesa sa radyo... my next encounter with the radio was in highschool... kung kelan we visited a local radio station, second year HS... actually, di ko alam kung FM ba sila or AM.. basta alam ko lang sila yung nag-pro-produce ng drama sa radyo... yung mga tipong Matud Nila (i-google mo na lang kung di mo 'to alam). Dinala kami sa room where they do the recordings. Andun na rin sa room yung mga props that they use to make the sound effects... a small door... small meaning, duwende sized door... to save space, I gathered, and a pair of high heels and regular shoes for the running/walking away sound effects, I guess. Tapos pinakilala kami sa mga voice talents, i.e. yung mga voice-actor ng dramas...

Dun ko narealize that a voice indeed is a many splendored thing... Hahhahaha! May flamboyant gay person kasi na actor, may regular guy, tapos may girl... so ayun start na sila magbasa ng scripts nila... LAKING GULAT KO LANG NUNG MAGSALITA YUNG BADING! Mas lalaki pa yung boses niya dun sa regular guy!!! Hahahhahaah! I know that anyone can do different voices.... pero kasi di ba???! Pag nakikinig ka sa radyo, you always assume that what you hear is what you get... apparently, this would be one of the very few things where I'd be wrong! Hahahah!

So anyway... my next Radio-related encounter was when we had a part-time DJ for our History teacher... pogi na sana (actually crush siya ng mga kaklase ko.. matangkad at may itsura) kaso... parang may schistosomiasis (pronounced SIS-TO-MYA-SIS in pinoy slang haha!)... bloated yung tiyan niya... di naman sa ini-insulto ko yung bloated tiyan niya kasi hello lang! Ako rin bloated tiyan ko ngayon (btw, sexy pala ako dati di ko alam, akala ko mataba ako kasi I was basing my size on my petite cousin... malay ko ba na may body frame pang paepek epek.. if only I had known it then... mas nakapagyabang sana ako! ahhahaa!!) Anyway, Yep! Let's call it that.. bloated! It will eventually unbloat. I wish, hope, and pervently pray.

As I always, I digress. Ayun malaki tiyan ng teacher ko na yun... eh kaso ang tangkad tangkad tangkad niya tapos tingting yung katawan niya... so imagine a stick drowing na biglang may 3D na bola sa tiyan. Weird di ba?! Medyo di nakakaencourage maging motivation/inspiration sa pag-aaral... AS IF! hahha!

My last memorable radio encounter na nag-aaral pa ako was during college... Dinonate ng tatay ko yung JVC radyo niya sa akin... with a CD player, tapos may auto-tuning ng stations! AMAZING!!! (was what I thought back then. Hello!! When you're used to turning knobs and just depending on your fingers' dexterity to get the best reception there is... MILAGRO ang auto-tuning! Hahahaha!)...

Anyway, I used to listen to Jam! 88.3 kasi they used to play jazzy tunes... Eh si Jenggy, my oldest boardmate was into Jazz... so medyo nadamay ako... pero kasi minsan siyempre may tunes rin na di mo type... so kahit papano... you check out other stations...

Then one early morning... I don't really remember what day... hehehe! I discovered a station na sobrang nakakatawa lang yung pinaguusapan ng dalawang DJs parati... it was a feel good station... they were Chico and Delamar... I actually didn't know their names... basta tawang-tawa lang ako sa mga usapan nila na naabutan ko. Actually, minsan yung tawa kasi nila contagious kaya natatawa ka na rin kahit minsan di mo gets hehehe... Anyway, siguro 5 years later ko pa malalaman yung pangalan nila... OO! HINDI AKO UP TO DATE NA TAO!

Then I forgot about radios again kasi medyo sumingit na yung real life... binubugbog na ako ng kurso ko at biglang umuso ang pagiging nocturnal... Ay onga pala.. biglang dumating nga rin pala ang Smallville, Meteor Garden at kung anu-ano pang ka-lechehan sa TV at siyempre pa... ang walang kamatayang computer games at onga rin pala... biglang umuso ang CD-ripping at mp3s.

Wednesday, September 21, 2011

My eyes!!! My brain!!!

ARAAAAAAAAAY!!!!

Top Scan

Homaygeds!!! Sawang-sawa na ako mag-top scan! 50+ modules na ata yung nabuksan ko for this task! Bakit ba hindi uso yung documentation dito sa cliente namin??!!!

OUCH NA MY BRAIN!!!

Thursday, September 15, 2011

Mayabang ako ngayon!

Ok fine... di naman to latest news... EH KASO DI NAMAN AKO UP TO DATE NA TAO! hahaah! office-bahay lang ako and I rarely read or watch news... and OK fine... considering na araw-araw ko dinadaanan ang Ateneo... I should have known this earlier pero hello!!! Kung kilala mo ako... alam mo rin na I'm always running late so wala akong oras tumingin-tingin sa kung saan-saan kung hindi siya parte ng kalsadang dinadaanan ng kotse ko! So kung may tarp ka sa gilid ng kalsada... it's just the same as a tarp on the 30th floor of a building... i.e. DI KO MAPAPANSIN.

So kanina... habang naglalakad ako dito sa Katipunan... on the way home na dapat... (btw, galing bahay hanggang Jollibee Katipunan... (Abada Side, hindi yung sa Petron) isang oras na lakaran rin pala! Pero siguro kaya ng mas mabilis kung hindi ka na-a-amaze sa lahat ng bagay na nakikita mo gaya ko... Sorry.. ngayon ko lang nalaman na marami pa palang part ng Katipunan na di ko pa nadaanan before... considering na 3 and a half years rin akong tumira dito.... a story to tell in another post...)

ANYWAY... as I WAS SAYING... kanina... pauwi... biglang nakita ko... Si Fr. Jett na pala yung President ng Ateneo! 30th, apparently.

Hahhaha! Mayabang ako by association! Why you ask?! Siya kaya thesis adviser ko! Ano ngayon kung thesis adviser ko siya? Hello!!! A kaya ako sa Physics na thesis ko!!! Binigyan niya ako ng A! So by transitivity, an Ateneo President gave me an A for something I accomplished!

O DI BA?!?!? Ang galing galing galing galing ko!??!! Hahhahaahahahahaah!

Kaso... pari siya... baka naawa lang siya sa akin nun... baka sumusunod lang siya sa Bible verse na:  Blessed are the merciful: for they shall obtain mercy.

BUT I DONK KIR! A pa rin ako! A!!!! Hahaha! Bumagsak man ako samga Mathematical Physics ko... Binigyan pa rin ako ng A ni Fr Jett! Hahahahah!

Kaso sa pagkaalam ko... yung padawan niya yung nag-gr-grade sa amin... kasi yun naman talaga yung naka-hands-on sa aming mga undergrads.... Shet! kung hindi dahil sa mercy yung A ko... dahil naman siguro kasi nagagandahan sa akin yung mentor namin... HAHAHAHAHHAH!

But no! Magaling ako!!! I refuse to believe otherwise... For today at least.

Congrats Fr. Jett! Hehehe! Kahit di mo na ako naaalala. Naomi Palabrica po. BS PSCE 05-06. Yung isa po sa mga binigyan niyo ng A. Hahhaah!

Thursday, September 8, 2011

Invisible

Amazing!!!

Alam ko maitim ako... pero this was the first time I was ever treated as if I was invisible.

Tangina... weird!

I saw someone who I thought was still a friend. Big mistake. Apparently, di niya na ako kaibigan... or kilala man lang.

I didn't feel like napahiya ako or anything kasi alam ko naman sa sarili ko na kilala ko siya and I was still treating him like a friend when I greeted him. Di rin naman ako nasaktan... kasi hello lang! As if ang laking kawalan niya sa buhay ko. And no... I am not sourgraping. Di pa nga ako gaanong malungkot kasi di ko na rin naman siya nakakasalamuha talaga. Ang malungkot lang I think would be that my memories of him as my friend once would be tainted.

And why should they be tainted, you ask. Kasi apparently, he was not who I thought he was all along... and that is the saddest thing of all.

Wednesday, September 7, 2011

Masaya... pero Gutom!

Wahow! nagrun na ng matino yung items namin!!! WAHOW!!!

Kaso tomguts na ako... antagal ni Olive!!!

Hehehe... antayin ko na si Olivia kasi malamang sa malamang magyayang kumain yun pagkarating... at least pag sumabay ako sa kanya... isang beses lang ako kakain!

Sana lang hanggang next week di siya magkaproblemaaaaaaa!!!! Hayshiyeeeet!!!

Production - You make me crazy!!!

Hindi naman ito yung unang job na naimplement ko sa Prod... di pa nga ito yung pinaka-critical na naimplement ko since extract lang to... di naman siya totally walang kwenta kasi feed naman siya kahit papano sa kabilang system...

but why o why!?!?!? bakit ako nanlalamig kakaabang na matapos yung run niya!??!?!

POta!!! alam mo yung pag nanonood ka ng game na sobrang brutal tapos participant eh kaibigan mo... gusto mo manalo siya pero naheaheart attack ka sa thought na manood kasi masakit lang manood...

Ganun yung nararamdaman ko ngayon... gusto ko mag-run siya ng maayos... pero naheheart attack ako sa pagmonitor s takot na biglang mag-abend ito... ayus na naman yung adhoc runs niya saka yung test environment runs... PERO SHET! HIRAP MAGPIGIL ng panlalamig ng paa at kamay ha!!! (besides sa malamig aircon namin). Yung puso ko ngayon parang nakalutang lang sa dibdib ko... di ko alam kung lulutang o kung biglang babagsak sa iba kong internal organs...

SHET!!!