Monday, May 30, 2011

Pronunciation

I've been wondering...

Why is WHAT, WHEN, WHERE, and WHY pronounced the way they are and WHO is pronounced the way it is?

It doesn't make sense!

I kind of get why...
  • WHAT is pronounced as 'wat' instead of 'hat'
  • WHEN is pronounced as 'wen' instead of 'hen'
  • WHERE is pronounced as 'wer' instead of 'her'
  • WHY is pronounced as 'wai/wy' instead of 'hai/hy/high'
Hat, Hen, Her, and High may mean something else entirely...

So... why is WHO pronounced 'hoo' instead of 'woo'? Di ba? Di ba? Para man lang consistent at least!

WOO ARE YOU?! Hahahaah!

Thursday, May 26, 2011

Stretching

I know stretching's good for you... pero taenaaaaaa!!! 500 million times na ata ako naka-stretch dito sa upuan ko!

Why you ask?

Isa lang ang position na alam ko pag nagbabasa ako ng ebook... at buong araw ako nagbabasa ng ebook!

Pasalamat sila duwag ako! Kaya ko lang manood ng video kapag wala nang tao!

HAY HAM BORED!

Everything in Moderation daw dapat...

kaso naman mehhhhhn!! Sobra sobra na ako sa boredom!! Mag-dadalawang linggo na akong nakatitig lang sa monitor ko... walang ibang ginawa kundi magbasa ng ebooks at mag-abang ng email na magsasabing may bago na akong gagawin.

HAYM HAM SO PAKING BOWWRD TUUUUUU DEAAAAHEEEEAAATH!!!

Monday, May 23, 2011

H!

Maiintindihan ko naman pag namispell ng mga tao yung pangalan ko... Pero to completely mess it up... unless bingi ka... there is no excuse!

Parati naman talaga namumurder pangalan ko sa Starbucks... kaya nga instead of Naomi, na mas madaling i-murder in a thousand different ways, ibinibigay ko na pangalan eh "Kay". Natutuwa ako pag tinatanong ako ng tindera ng "With an E?" kasi at least may attempt itama yung spelling.

Kanina bumili ako ng Dark Mocha Frap with Extra Coffee + Ham and Cheese Croissant... kasi feeling mayaman ako kasi kakasweldo lang last Friday at di pa ako gumagastos nung weekend kasi nga wala akong load at tamad ako magwithdraw para makapagpadeliver ako. Di ako tinanong kung may 'E' ba o wala yung pangalan ko. Pero sige ok lang. Sanay na ako. Whatever.

So antay na ako ng inorder ko dun sa may gilid. Tapos biglang sumigaw yung lalaki:

"Dark Mocha with Extra Coffee for Miss H!"

POTAENA! Alam ko naman dalawang letra lang ang pagitan ng H at K pero STILL!!!!!

H != K (for non-programmers: != --> is not equal to)

PAKER!

Pero sabi nga nila: Be happy with what you've got.  OK FINE! At least he tacked on a "Miss" in front of that stupid "H".

The First Abs I Ever Stared At

Mwahaha! Wala lang... sa dinami-daming balita from highschool... may naalala lang ako habang patulog na ako dapat. Taena I still remember the 5 Ws!

What: Ang unang 4-pack abs I ever stared at.
When: 2nd year highschool. One weekend... while we were working on a project.
Where: Somewhere in Phase 4. V&G Subd. Tacloban... sa bahay nila Dhea. (Ito rin yung time na first time ako kumain ng pechay! Hehehehehe! Nakakahiya kasi sa parents ni Dhea eh. So panggap mode ako.)
Who: Adrian. Iba pang kasama namin: sila Dhea, Elliot, Anthony, at Neil.
Why: SAN KA NAKAKITA NG 13-14 YEARS OLD NA MAY ABS?!?!!  Di ko naman type si Adrian or anything... pero kasi... habang nag-memeeting kami sa bahay nila Dhea... ewan nainitan ata yung gago biglang nagtopless. So blah blah blah blah blah! Tuloy lang usapan namin... nang biglang napatingin ako sa tiyan niya. Paikot-ikot lang sa utak ko nun: Bakit siya may abs?! Second year pa lang kami?! Ang ganda ng cut! (Repeat till interrupted).  Yes. Nahuli ako ni Tons na nakatitig lang sa abs ni Ade. Bwahahahahhah!!!


Tons: Ade... itago mo yan... Di makatingin palayo si Naomi (or something to that effect in Waray).
Ako: *Speechless kasi totoo!* (Hahahahah! Alam ko di ako nagblublush... pero taena... if there ever was the  most appropriate time to blush... this was probably it!)

In my defense! Besides sa mga kargador na mga bata o yung mga swimmers sa pier... wala pa akong nakikitang 14 yrs old na may well defined na 4-pack! (Except yung weirdo na 7 yrs old na body builder sa internet dati.) Saka hello! Bawal humanga!?!? hahahahhaah! Taena! Kaso pakshet kasi to si Anthony! Huli ka balbon ang drama! Paker!

P.S. now that I think about it... di ko actually maalala kung si Elliot ba nakahuli sa akin o si Anthony... Parang si Elliot ata nakahuli sa akin... tapos dumagdag ng hirit si Tons... ah ewan! 500 million years ago na 'to! Hahhaha! Pero pag naalala ko nakakahiya pa rin... Feeling ko nga ako na lang nakakaalala eh! hahahaha! Paker!

Recipe #1: Cheesy Honey Flakes

Ingredients:
3 pcs Skyflakes Biscuit
20g Quickmelt Cheese
20 mL Honey

Explanation of Ingredients:
Why Skyflakes?

  1. Kasi mura.
  2. Pag nabuksan mo na yung lalagyan, pwede mong ilagay sa loob ng ref and even after a few weeks... crunchy pa rin siya! (Note: Ref... hindi freezer!)
Why Quickmelt Cheese?
  1. Kasi mura.
  2. Pag nabukasan mo na siya... mas matagal tumigas yung nabuksan na end kesa sa ibang brand. Yung ibang brand kasi... pag naexpose na sa hangin sa loob ng ref yung cheese na hindi na covered ng foil... pwede na makapatay ng tao pag ibinato mo sa mukha ng kaibigan mo. Yung Quickmelt... mas matagal tumigas... mas moist... so ayus!
Why Honey?
  1. Mas healthy kesa sa syrup.
  2. Mas hindi nakakasawa.
  3. Matamis!
Bakit 3 piraso lang ng skyflakes?
  1. Pwede mo naman dagdagan... depende kung anong feel mo. Kung gutom ka pa.. eh di dagdagan mo.
Bakit 20g ng cheese?
  1. Actually di ako sigurado kung 20g ba talaga... basta around 1cm na width ng cheese yung pinuputol ko sa original block ng cheese. Tinatamad na kasi ako pumunta sa may ref... para lang tingnan kung ilang grams ba yung isang bloke ng cheese tapos magcompute compute sa utak ko kung ilang grams nga ba yung nilalamon ko every time. So imbento lang talaga yung 20g. In short... depende pa rin sa yo... pde mo naman ibalik sa ref yung natira kung di mo kayang ubusin yung 20g. Pede ka rin naman kumuha pa sa ref kung kulang pa sa yo yung 20g.
Bakit 20 mL ng honey?
  1. See gist of answer for cheese amount. DEPENDE LAHAT SA YO! IMBENTO KO LANG YUNG MGA AMOUNT!
What to do:
1) Get a plate which is not totally flat so that the honey won't spill on the floor/table.
2) Get 20g cheese and put in plate. You may or may not slice the cheese in smaller portions. (see #4 for other options)
3) Get 20 mL of honey. Pour on the plate beside the cheese.
4) Put 3 pcs of skyflakes on the plate. You can slice the cheese using skyflakes, a spoon, a fork, a knife, or even your fingers.
5) Put desired amount of cheese on skyflakes and dip in honey.
6) Bite and chew and finish everything para di ka langgamin. (Ibabad mo rin sa tubig yung plato para sure shot na di humabol yung mga langgam! Yes... I did not say maghugas ka agad... kasi ang recipe na to... para sa mga tamad! Alam kong ayaw mo pa maghugas!)

SOLB!

Note: Do not douse the Skyflakes with Honey. Only dip the Skyflakes sa honey pag ngunguyain mo na siya... para crunchy pa rin... Kung sa simula pa lang kasi binabad mo na sa honey yung biscuit... soggy na. Wala ng crunch! Para ka na lang kumakain ng papel... Well.. kung trip mo kumain ng papel.. di wag ka na mag-skyflakes! Kumuha ka na lang ng notebook! 

Ok... next time na yung ibang recipe... tinatamad na ako magexplain! Hahahhaa! Latah!

Di na makatulog... Parating kumakain!

*sing to the tune of "Di na makatulog, di pa makakain"*

Eto na naman ako.... Monday madaling araw at buhay na buhay... bakit kamo? natulog kasi ako ng 6pm at nagising ng 10pm... kaya eto na naman ako... Alive! Alive! Alive! *sing to the tune of mga charismatic na kanta somewhere*

Nacheck ko na FB... naka-comment na ako sa mga kailangan comment-an... na-like ko na yung mga like ko... napanood ko na yung mga series na trip ko panoorin... kaso tinatamad na naman ako na tumunganga ng basta-basta lang sa monitor.

Nakakain na rin ako... gusto ko sana mag-padeliver ulit. Kaso... wala na akong cash dito sa bahay. Tinatamad ako maglakad papuntang BPI... siguro mga 500 meters away rin yung BPI... so... no can do... mas tamad ako kesa gutom. So naisip ko na lang maghalukay ng pwedeng makain.

Nakapagluto na ako kahapon ng ka-cheapang pasta. So medyo sawa na ako. Gusto ko sana ng ice cream. Eh kaso tinatamad nga ako lumabas... buti na lang... nakabili ako ng honey nung isang araw. At dahil may cheese at sky flakes pa ako dito... AYUS! Ay teka... gagawa ako ng separate posts for mga pagkaing pang-tamad at pangmahirap! MWAHAHAHAHAHAHHA!

Saturday, May 21, 2011

Kasal na naman?!

Hahahha! homaygeds! may kaklase ako from highschool na kasal na!!! AMAZING!!! Ito ata yung unang official na kasal from my batch. Official... meaning... walang nabuntis! hahahaha! Or pde rin... kaso lalaki kasi yung kilala ko so di ko sure... hehehe...

Pero amazing pa rin!!! Kaso 26 pa lang kami!!! or 25 pa lang ba si Larry. Hahahahaha! Tae!

Mukha pa rin naman goon ngayon si Larry with pagoatee-goatee effect pa! hahaahaha! Sorry sa goatee lang ni Axis ako sanay. Si Larry kasi wala naman kasi goatee yun nung highschool eh!

Di ko pa rin magetover!!!! Kasal na siya!!! Hahahaha!

Ka-car pool ko si Larry since first year high school hanggang sa lumipat siya ng boarding house nung 3rd year ba yun o 2nd year ata... di ko sure. Tapos ako pa tagadala ng bag niya mula gate ng school namin hanggang sa classroom namin nung first month kasi nga ka-carpool ko siya tapos tsumamba pa siya kasi kaklase ko siya... KASI POTA! Bali yung kanang kamay niya nung first month nung first year paker! Dami rin ginawang utusan to si Larry dati! Hahhaha! Buti na lang di ko siya katabi kaya di ako yung taga-notes rin para sa kanya! sinuswerte na siya masyado! hahaha!

Tapos naalala ko pa nerdoks na nerdoks lang talaga itsura niya... may salamin tapos may santo-santo na naka-pin sa breast pocket niya! hahahha! Angelic kuno! Pero nung third year kami demonyo na! hahhhaha! Pero kung mas matangkad ako sa kanya nung first year... nung third year naman... nakatingala na ako sa kanya! I hate my height! Shiyet! Tapos naalala ko pa... sila ni Janezel nagdu-duet umiyak nung first week sa Homeroom class namin! hahhaahha! Kasi gustong gusto na umuwi sa kani-kaniyang probinsiya! hahaha! Ang yabang ko! Siyempre di ata ako umiiyak sa class nung first week! hahahah! Sa bahay lang ako umiiyak pag patulog na! Hahhahah! Ayoko nga umiyak sa class no! kakakhiya!

Hahhaha! Tae! Kasal na si Larry!!! Hahhaha tawag niya pa dati sa akin: Naoms-Naomi... kasi kung yung iba... tamad sabihin yung buong pangalan ng mga tao... si Larry naman... pauso! Hahahaha!

Congratulations Mr. and Mrs. Larry Suico!!! (As if makikita nila to! Hehehe!) But anyway... wish you the best Lars-Larry! hehehe!

What's in a Name?

Madami akong pangalan. Pero either English, Hebrew, or Japanese sounding siya. Never Filipino sounding. Ay except pala pag minumurder ng mga pipol yung pangalan ko at nagiging Mayumi... which is not a name. More like a description of me.

Hahahahahahahah!

Habang nagbabasa kasi ng email correspondence namin dito sa trabaho, narealize ko... Homaygeds ang daming weird na pangalan sa mundo. Iniisip ko very familiar lang sa ating mga Pilipino yung mga English/American/Mexican/Spanish at kakarampot na Chinese sounding na mga pangalan kasi kasama sila sa history natin.

Yung mga Indian na pangalan na nakikita ko sa mga email... ang hirap i-pronounce/spell... Feeling ko kung binanggit yung isang pangalan... di ko sigurado kung ano talaga spelling niya... eh kaso siyempre nakikita ko yung spelling... so di ko alam pano yung pronunciation.

At kahit nga medyo familiar naman yung mga Chinese names sa atin because of our close relations... sounds weird pa rin yung ibang pangalan na nakikita ko. Alam mo yun?! Yung ibang pangalan parang mga words lang na ini-imbento ng mga bata kapag nag-i-intsik-intsikan. Tapos di nila alam may ganun pala talagang words/names. Hahaha!

Medyo sad lang kasi at least yung ibang tao... pag nakita mo pangalan nila, obvious agad kung anong lahi sila. Yung mga pangalan nating mga Pilipino... pag nakita mo... minsan parang pirated version ng mga English na pangalan lang kasi may dagdag na 'H' lang siya somewhere o kaya naman yung F nagiging "PH" o kaya naman may dinagdag lang na "LYN" sa dulo o kaya naman parang power combination ng mga magulang kasi pinagdikit lang na first o kaya naman last syllable ng pangalan ng parents niya.

Ang alam ko lang atang pangalan na very Filipino (besides Mayumi) ay Sinag, Bayani, Dakila, at Malaya. Pero yung Malaya pa nga eh nickname lang na galing sa Himalayas... so technically.. hindi siya Filipino name talaga.

Hmmm... pag ako nagka-anak. Pilipinong pangalan ibibigay ko. Ano nga ba mga astig na Pinoy name? Himig lang naiisip ko sa ngayon. Kaso pano kung tone-deaf yung anak ko... hahahaha baka isipin ng mga tao ang sarcastic kong nanay. hahahahah! Pero sabagay ako naman to... singer kaya ako! Di pdeng tone deaf anak ko... pwedeng di niya alam ang lyrics.... pero hello! Himig naman pangalan niya... hindi Titik!

And yes! taena! 500 years ko ginoogle yung translation ng Lyrics sa Filipino! Hahahah!

Thursday, May 19, 2011

Kaya hindi ako nanonood ng news eh...

NAKAKAHIGHBLOOD!!!

Nahuli kasi si Leviste na lumalabas labas ng kulungan... tapos si Diokno (google niyo na lang kung sino siya) lahat ng sinasabi... wala siyang alam... di niya na inabot yung ruling na nagbigay ng permiso na lumabas labas ng kulungan si Leviste... sisihin yung iba wag siya... etc.

PAKSHET!

Tae! Eh siya yung boss ng mga sinisisi niya! HOWCAMOWN!!!

Nakakabuset yung mga officials na tanga na, wala pang bayag puta! Alam ko di ganun kasimple yung issue... pero hallerness!!! Trabaho niyang alamin yung mga nangyayari under his jurisdiction shet siya! It is never enough to say na hindi mo kasalanan at kasalanan ng iba! Kailangan may ginawa ka man lang about it. Hindi pwedeng iilag ka lang ng iilag pakshet!

Sarap ipahostage sa Abu Sayyaf ng mga taong duwag at walang kwenta! Leche!

Tuesday, May 17, 2011

QUESTION: What is the opposite of GLAMOROUS?

Disclaimer: What follows is something that may hurt your mind's eye. Beware. Proceed with Caution.

And if you really must... You've been forewarned!


*sing to the tune of Fergie's Glamorous*

G-L-A-M-O-R-O-U-S
G-L-A-M-O-R-O-U-S

We flyin' first class up in the sky
Flyin' first class, livin' my life
In the fast lane and I won't change
By the glamorous, ooh, the flossy, flossy

The glamorous, the glamorous, glamorous

ANSWER: Tingin ka sa tissue after you wipe your ass with it after mo mag-number 2 habang meron ka!

We flyin' first class up in the sky...

The glamorous, the glamorous, glamorous!

HAHAHHAAHHAHAHAHAHAHAHAHA! Sabi sa 'yo! Masakit sa utak di ba?!

Problema Galore!

Eto na naman ang panahon ng pamromroblema kung pano ko i-cha-charge yung oras ko dito sa opisina sa worklog.

4 hours - Read Naruto manga
2 hours - Research for other mangas to read once I finish Naruto
2 hours - review and organize emails and tasks (anong tasks? SECRET NA MALUPET! hahah! KASI MAKULET NA PA-EPEK lang naman tong huli!)

Monday, May 16, 2011

10 minutes!

OO! Pota! 10 minutes ko na pinagtatawanan yung page na sinabi ko kanina! Tapos pag nirereview ko after a few minutes! Tangina! Tawang-tawa pa rin ako lalo na pag nakikita ko ulit yung mukha ni Gai Sensei! Hahahahaha! Leche!

Pota! Nababaliw na ako!!!

Hahahhahahhahahah! taena sinong tawang-tawa sa manga?! AKO! hahahahahahahahahaha!

(Naruto Shippuden Vol 54. Ch 505. Pg 16)

How could my eyelids weigh me down?

*sing title to the tune of HOW COULD AN ANGEL BREAK MY HEART*

Homaygeds! Sobrang antok na antok lang talaga ako... kanina medyo nagising na ako... for reasons na di ko pwede isulat dito... BWAHAHAHHA! I have a private life you know!?! Hahahhaha!

Pero tae!!! bumibigat na naman mga mata koooo.. i wanna go home na!!! and finish Naruto and then sleep na! hahaaha!

Realistic lang ako! Kahit na antok na antok na ako... malamang sa malamang... papanoorin ko pa rin yung natitirang 12 na episodes ng Naruto bago ako matulog no!

Kahit lampas lampas na ako sa part na yun ng manga... masaya pa rin manood ng anime kasi:
  • may color;
  • saka naririnig mo yung mga salita kesa binabasa mo lang (in short, mas feel na feel mo!);
  • saka may fluidity yung kwento (KAHIT 500 million na fillers muna bago tumuloy sa mga juicy part ng kwento)
Pero... inaantok pa rin ako ngayon!

Naruto

Tae! Pati ba naman Naruto iiyakan ko?!?! Hahahaha!

Anime saka Manga... tulo luha, singot sipon na ako.

It hurts the heart demmit!

Wednesday, May 11, 2011

Taenang ad yun!

Hahahahahaha! I just saw one of the stupidest ad evah!

Ok fine! Biased ako! Pero taena ang tanga lang kasi talaga! Well... yung last part at least!

Ito yung ad ng LSGH! Hahahahaahhahaha!

Yung last part kasi, yung dalawang lalaki said something like: "I choose to be green" or "Proud to be green!" o basta something to do with green sabay angat ng arm/wrist nila in front of their chests.

Makes sense pa so far... di ba? Until a LiveStrong wrist band sways on the wrist of one of the guys which, as we all know, is YELLOW!

Hahhahahaha! I know! I know... the line about the green thing referred to one of the school's colors pero kasi!!! Kung gagawa rin lang sila ng ad sana di nila kinalimutan that every little detail matters!

Tangina! "I choose to be green!" *display yellow wrist band* Hahahahah! Pakshet parang commercial ng mga color blind ampota! Hahhahahahahah!

The Nile

Hahaha!

Realizations habang naghahanap ng ebook na mababasa. Sa kakahanap ng mga chicklit sa web may nakita akong review ng isang book about paranormal romance... basta angel angel naman instead of vampire vampire. Eh mukhang ayos naman yung review nung mga pipols... so hanap ako ng pdf copy. Nakahanap ako.

Kaso first sentence pa lang sinabi na agad na 17 yrs old na yung bida. Naisip ko... Pota pang-kids naman 'tong nadownload ko.

Tapos narealize ko... nung unang lumabas yung Twilight... medyo can relate pa ako (dun sa tao part, hindi ako bampira!) kasi mga 3-4 years lang lamang ko dun sa edad nung characters... Kaso ngayon... pota... 17?! isang taon na lang 10 years na gap namin! Pakshet!

HOMAYGEDS!!! 10 years ago kakagraduate ko lang ng highschool at papasok pa lang ako ng ADMU! NOOOOOOOOOO!!! 10 years ago na yun!?!?!?!!? SHET! 17 years ago... wala pang "10 years ago" yung buhay ko!!!!

BATA PA AKOOOOOOOOOOO!!!!

Tama si Olive. Denial is the key!

I have paking sipon!

I can't breath!

I have a hard time opening my eyes! Something to do with the sipon.

It makes me sleepy!

PLUS

i am bored!

great combination for sleeping. kaso potaena night shift kami! OH CAMOWN!!!

Tuesday, May 10, 2011

Curious! Very curious!

Pagdating ko dito sa opisina, may dalawang missed calls ako. Yung una galing kay Joel. Ka-team ni eL. Nagyaya lang ng badminton. Yung pangalawa. Akala ko ng start si Kai kasi di familiar yung number. Pag galing kasing Meralco na calls, random number parati yung nag-a-appear na caller-id.

So pinatext ko kay eL si Kai kasi magaling ako kasi naiwan ko yung phone ko sa bahay... ain't I just soooo brilliant?! So ayun maya-maya nag-ring yung phone. Pagsagot ko... si Kai... bakit daw? So ako... ah so hindi ikaw tumawag kanina?

Apparently not. So ngayon ang tanong eh.... sino yung nagkamaling i-dial yung local ko? Ayoko naman tawagan kasi baka weird, scary person. Tapos naisip ko... kung may kailangan talaga siya sa akin, nag-iwan siya dapat ng voicemail o kaya tatawag na lang yung ulit.

BUT ANYWAY! Siyempre curious pa rin ako. Very curious!

I have a new watch!!!

Hehehehe! pinadalhan yung team namin ng watch ng PM namin from UK! Hehehehehe!

Hindi naman yung super bonggang watch. 10£ worth lang! Heheheh ni-search namin sa net eh! Pero di ba?! Ayus na rin! Eto yung exact model na napunta sa akin:


Tinanong kasi kami kung ano daw favorite color namin.... Sabi ko Blue and Yellow. Di ko alam kung bakit ko nga ba favorite blue basta alam ko lang gusto ko siya... pero para may rason kunyari sabi ko na lang: Blue, because it's my alma mater's color. Yellow (ito totoo to, actually), because I'm Yellow Power Ranger Sabre-toothed Tiger!

Sabi na lang ng PM ko: "so... Blue?" So sabi ko na lang "yes!" Hehehhe! Akala namin nung start papadalhan kami ng Jersey gaya ng binigay niya sa iba naming ka-team. Excited na pa naman ako sa jersey. I would have preferred a jersey actually. Pero siyempre mabuti nang meron kesa wala! I know! I know! Choosy ako! Hahahah!

Problema ngayon... kelan ko kaya gagamitin to?! Yung relo ko kasi ngayon bigay sa akin ni Papa nung first year college ako. At once in a while alam ko natutuwa yun pag nakikita niyang suot ko pa rin yung bigay niya.

Tae! Ang petty lang talaga ng problema ko. BUT HENIWEIS! The point of this post is: I HAVE A NEW WATCH!!!! Isa nga lang siya, unlike Marjay who won two watches! hahaha!... pero at least yung sa akin totoo!! Hahahaha! Hindi guni-guni lang! Hahahahaha! JOWK ONLEH! Wag niyo ko isumbong kay Marjay!

Saturday, May 7, 2011

The Friendster Exporter

Friendster is CLOSING DOWN! And this time, it's NOT a hoax. And they're providing an app to export all your photos and testimonials and whatever's left in your profile that's been gathering dust.

The Friendstercalypse is happening May 31st, 2011.


Reposted from What's Ronx?!

Friday, May 6, 2011

2 hours more!

HOMAYGEDS!!!!! I have to wait for another 2 hours before I can leave!!!

OK lang sana kung may ginagawa ako... but NO!!! WALA AKONG GINAGAWA!!!

Ok.. may pinapagawa naman actually sa akin... kaso, SOBRANG JOKETIME!!!! Peer review ng programs na na-migrate na sa Prod at natest na sa maintenance!!! Pinapagawa lang sa amin kasi may mga palpak na jobs na nagrun dati. Yung docs na pinapagawa.... just something to cover our asses with pag biglang ni-nitpick yung mga jobs namin.

Eh kaso haller lang! ALAM BA NILA KUNG GANO KABORING MAG-PEER REVIEW!?!!? NG PROGRAM NA NASA PRODUCTION NA??!?! OK sana kung may testing man lang na kasama at least. Eh kaso taena yung review... sobrang visual review lang talaga... yung tipong titingnan mo lang kung sinunod ba yung coding standards, tapos kung sinunod ba yung protocols habang nagmimigrate from one environment to another (WHICH IS USELESS IN OUR CASE KASI NGA NASA PRODUCTION NA YUNG MGA JOBS!), at kung anu-ano pang kabolsyetan na review kapag wala na rin namang silbi yung pag-review mo!

Hahahaha! Taena nung college, I revelled in documentation and avoided coding kasi gulong gulo lang ang buhay ko sa syntax syntax na yan! Ngayon... isinusumpa ko na ang docu. Well... unnecessary docs at least.

Paker! SINONG BORED!?!?!

Ding! Ang bato!

Taena kung singlaki lang ako ng jolens... konti na lang at pwede na akong lunukin ni Darna!

NABABATO NA NAMAN AKOOOOOOOO!!! POTAAAAAAAAAAA WALA NA NAMAN AKONG GINAGAWA!!! Well... except maghanap na naman ng matinong ebook na pwedeng madownload.. Kasi nga wala na naman akong ginagawa!

Theme phrase ko for the day:

NANAGINIP NG GISING
NAKATULALA SA HANGIN!



Wednesday, May 4, 2011

Pumasok ako ng 4:30 PM... and now I have nothing to work on!

Taena kaya ako pumasok ng late kasi alam ko sobrang konti na lang task ko... for now.

Nasa Production na yung items ko. Kelangan ko na lang imonitor-monitor then send updates pag may something fishy na mangyari!

Ayun, naresolve ko na lahat ng tickets ko. Naupdate ko na yung mga kelangan i-update na naresolve na yung ticket ko.

AT SIYEMPRE PA! ETO NA NAMAN AKO! NAKATUNGANGA!!!

HAY HAM SUPER DUPER UBER BORED!!!

Give me something to modify... o kahit develop from scratch... camown!!! -_-

Akala ko masa-sad ako... pero hindi pala!

Ikinasal na yung chief-of-staff crush ko!!!

No! Hindi si Prince William! Major Crush lang yun! Hindi Chief-of-Staff!

Hahahha! As usual, sa facebook ulit... may sinusuggest sa akin na friend! Yung crush ko mula first year high school hanggang 3rd year college! Hahhahah! Taenang yan! Pagtingin ko sa thumbnail... ayun wedding picture niya! Pagbukas ko ng page niya... CONFEERMED!!! Kasal na nga siya! Hahaha!

Taenang yun! Tagal ko rin siya naging crush ha! First year to third year HS ko lang naman siyang main crush kasi nung 4th yr grumaduate na siya! Pero siyempre crush ko pa din kapag nakikita ko siya somewhere! At since medyo madalas sa minsan ko siya nakikita kasi may friendster dati at konektado naman kasi ang mundo namin... ayun! Umabot gang 3rd year college!

Heniweis! Habang tinitingnan ko yung pic... iniisip ko... maiiyak ba ako dapat? hahahahaa! Feeling in love ako bakit ba?! Hahhahah! Pero di ko talaga kaya mag-muster ng tears from my eyes eh! Hahaha! Taena ang jologs ko lang! Sinubukan umiyak! hahahhaha!

Taena iniisa-isa ng ikasal yung mga crush ko from highschool! Sino naman kaya susunod?!

Tuesday, May 3, 2011

SHocking!!!!

Habang nag-fa-face book, yung isang sinusuggest sa akin na friend nung FB eh sobrang familiar lang talaga nung pangalan kaso di ko maalala kung sino. Yung thumbnail kasi ng profile pic niya sobrang liit lang, di clear yung mukha.

Pag tingin ko may 5 mutual friends kami, tapos mga kaklase ko nung grade school. Alam ko naman wala akong kaklase na same ng pangalan niya so alam ko di ko siya naging kaklase. Kaso nagtataka pa rin ako bakit sobrang familiar ng pangalan niya.

So binuksan ko yung profile niya, pagtingin ko dun sa page niya di pa rin ako sigurado kasi ang liit ng mukha niya dun sa profile pic niya. So binuksan ko ng malaki yung nagiisa niyang profile pic.

Tapos saka ko narealize... SHET! Ito yung parati namin nakikita sa mga regional exams. Siya yung isa sa mga pinakamagaling dun sa school nila!

Alam ko naman na eventually yung mga bata eh lumalaki. Pero kasi yung nilalang na yun, isa siya sa mga little, teeny-tiny kids nung bata pa kami! As in payatot tapos maliit. Yung tipong ikakahiya mo yung sarili mo pag sinubukan mo sila i-bully kasi sobrang mukhang lampa lang sila.

Sobrang nagulat ako kasi yung profile pic niya... nag-we-weight lifting siya!!! And no! Hindi yung pacute na weight lifting na ginagawa ng mga nagpapamaga ng kilikili muscles nila.... yung SPORT na weight lifting yung ginagawa niya!

hahaha! Di naman siya ganun ka-super lumaking nilalang pero kasi! From my last memory of him... di ko ini-expect na yun yung magiging sport niya! Hahahha!

Expect the unexpected lang talaga to the highest level!

Monday, May 2, 2011

I like!

I've never been a fan of maletas. I find them bulky and uncool looking. Well, yung mga ka-cheapang maleta that I often see, at least. Yung mga gawa lang sa tela yung labas. I donk like.

May isang maleta dati si Papa, purple yung kulay. Di ko maalala kung ano yung brand. Di siya ganun kabigat tapos hard-shell. Gusto ko yung maletang yun. Naipamana sa akin yun dati nung college. Yun parati gamit ko pag pumupunta akong Hong Kong. Di ko maalala kung nasa Subic ba yun ngayon o kung nasa taas lang ng aparador ko at di ko pinapansin kasi wala naman rason para gamitin ko siya these past few years. Ayos lang naman gamitin yun dati nung pumupunta ako ng Hong Kong kasi: una, tumatagal ako sa HK so may rason para punuin ko yung maletang yun; pangalawa, may tinitirhan akong matino so keri lang magdala ng super bulky na maleta.

Yung misgivings ko lang sa maletang yun eh di siya unang naging akin at madaming scratches na siya nung una ko siyang ginamit.

Habang nagbabasa ng newspaper, kasi namamatay na naman ako sa boredom dito sa opisina, nakita ko yung bagong ad ng Cosmolite na Samsonite. Paker tulo laway ako! I WANT ONE TOO!!!!

Kaso... nung chineck ko yung presyo dito sa Pilipinas... HOMAYGEDS! Sumakit utak ko ng slight! Tumataginting na 20K yung pinakamaliit! Pota! Di sana pinanglakwatsa ko na lang yung pera di ba?

Eh kaso, in fairness naman... super tibay naman yung hayup (see below). Kaso kung puro ukay-ukay na damit at gutay-gutay na underwear rin lang naman yung ilalagay ko sa loob nung hayup na maletang yan... siguro ok na muna yung mga bag kong keribels lang kahit nakawin. Neks tayms na lang pag medyo may K na ako maglustay ng salapi o kaya kung may ginto akong kelangan i-transport.

Eto nakita ko sa net tungkol sa ad na yun:

Shot in Australia, the commercial is set in a crash-test lab, where a car travelling at 40km/hr collides head-on with Cosmolite. Absorbing the impact of the collision, Cosmolite springs back into its original shape, demonstrating the strength and impact resistance of the product. - Converget

image source : http://adlibmagazine.wordpress.com/

Sunday, May 1, 2011

Gorira!

Hahhaahhhaaha! Taena! Tawang tawa na naman ako!

At siyempre kailangan ko malaman kung bakit nga ba Gojira tawag nila sa mga bug tracker... so sinundan ko yung link ng Wiki.

After ko nabasa yung reason... something else caught my eye.

Ang Japanese daw for gorilla ay... gorira.

Hahahahahhahahahahahahha! Taena tawang tawa na naman ako! Nung start akala ko native Japanese word yung gorira... tapos saka ko narealize... aahhhh wala nga pala silang L! Hahahhaah!

Taena utak gorira na naman ako!

Gojira

Mwahaha! I learned something new!

As usual, tinatamad na naman ako mag-work log so naisip ko umangal na naman dapat dito... eh kaso naisip ko baka pag sinulat ko yung JIRA (tawag namin sa worklog namin) baka biglang mahanap tong blog ko pag may naghanap ng JIRA sa google. Tapos idedemanda ako ng kliyente namin because of confidentiality achuchuchu! Hahaha! Sinong praning?!

So sinubukan ko muna i-google yung JIRA kasi baka di naman siya specific sa kliyente namin... at apparently tama ako! Haahah! Ni hindi nga raw acronym yun, unlike what I initially thought, sabi ng Wikipedia.

Galing daw yung Jira sa Gojira - Japanese name ng Godzilla.

Kung bakit ipinangalan yung Gojira/Godzilla sa worklog, hindi ko sigurado, walang nakasulat sa wiki eh...

Hmmm... Siguro kasi pareho silang panira ng buhay pag natsambahan ka!

Hahahahaha!