Madami akong pangalan. Pero either English, Hebrew, or Japanese sounding siya. Never Filipino sounding. Ay except pala pag minumurder ng mga pipol yung pangalan ko at nagiging Mayumi... which is not a name. More like a description of me.
Hahahahahahahah!
Habang nagbabasa kasi ng email correspondence namin dito sa trabaho, narealize ko... Homaygeds ang daming weird na pangalan sa mundo. Iniisip ko very familiar lang sa ating mga Pilipino yung mga English/American/Mexican/Spanish at kakarampot na Chinese sounding na mga pangalan kasi kasama sila sa history natin.
Yung mga Indian na pangalan na nakikita ko sa mga email... ang hirap i-pronounce/spell... Feeling ko kung binanggit yung isang pangalan... di ko sigurado kung ano talaga spelling niya... eh kaso siyempre nakikita ko yung spelling... so di ko alam pano yung pronunciation.
At kahit nga medyo familiar naman yung mga Chinese names sa atin because of our close relations... sounds weird pa rin yung ibang pangalan na nakikita ko. Alam mo yun?! Yung ibang pangalan parang mga words lang na ini-imbento ng mga bata kapag nag-i-intsik-intsikan. Tapos di nila alam may ganun pala talagang words/names. Hahaha!
Medyo sad lang kasi at least yung ibang tao... pag nakita mo pangalan nila, obvious agad kung anong lahi sila. Yung mga pangalan nating mga Pilipino... pag nakita mo... minsan parang pirated version ng mga English na pangalan lang kasi may dagdag na 'H' lang siya somewhere o kaya naman yung F nagiging "PH" o kaya naman may dinagdag lang na "LYN" sa dulo o kaya naman parang power combination ng mga magulang kasi pinagdikit lang na first o kaya naman last syllable ng pangalan ng parents niya.
Ang alam ko lang atang pangalan na very Filipino (besides Mayumi) ay Sinag, Bayani, Dakila, at Malaya. Pero yung Malaya pa nga eh nickname lang na galing sa Himalayas... so technically.. hindi siya Filipino name talaga.
Hmmm... pag ako nagka-anak. Pilipinong pangalan ibibigay ko. Ano nga ba mga astig na Pinoy name? Himig lang naiisip ko sa ngayon. Kaso pano kung tone-deaf yung anak ko... hahahaha baka isipin ng mga tao ang sarcastic kong nanay. hahahahah! Pero sabagay ako naman to... singer kaya ako! Di pdeng tone deaf anak ko... pwedeng di niya alam ang lyrics.... pero hello! Himig naman pangalan niya... hindi Titik!
And yes! taena! 500 years ko ginoogle yung translation ng Lyrics sa Filipino! Hahahah!
No comments:
Post a Comment